LOGINIt's sad to fall inlove with someone who doesn't care what you feel. but it's more sad when that person feel the same way yet, pretends to actually nothing.
*********
"Hello good morning po, Ms.Chin! natapos na po ni Ms.Alons yung next chapter niya. opo, yes po. okay po, pupunta na lang po ako diyan mamaya? ah sige po, salamat po bye!"
After makausap ni enya si Ms.chin, bigla naman nag-pop up sa phone screen niya ang 1new email received from "that girl" (alona).
Tulad ng napag-usapan nila ibibili niya ng kahit anumang skin ang gusto nito kapag natapos niya ang isang chapter, sa isang araw.
Tinupad naman kaagad ni alona ang kanilang napag-usapan.
Kaya agad na lang nag-send ng pera si enya sa bank account ni alona upang siya na lang mismo ang bumili ng mga gusto niyang bilhin.Kapalit non' dapat agad ring isend ni alona ang link ng natapos niyang chapter kay enya.
Which is finally, na-receive din niya."Mabuti naman tumupad siya sa usapan naming dalawa."
Bulong nito sa kaniyang sarili tapos agad din niyang binuksan yung email na sinend sa kaniya ni alona.And she begin to read it.
I was sitting alone near the window of the bus i was riding in. When i suddenly saw that man again and he sat down next to me. at first i seemed to dislike him but i realized that I really disliked him. for a moment his head suddenly fell on my shoulder, i turned to him and saw him sleeping soundly. that was the first time i had observed his face up close. and i can say, he is really very handsome.
Hahawakan ko sana ang mukha niya pero bigla siyang nagising at sinabing,.
(End)
"Teka ano to?! bakit parang kulang yung sinend niya sakin? bakit sobrang ikli ng sinulat niya? bakit parang putol yata siya? sandali nga lang, hindi kaya? naisahan nanaman ako ng babaeng iyon!? hays! nakakainis talaga ang babaeng iyon kahit keylan! humanda talaga siya sakin! argh!"
Padabog na tumayo si enya at dere-deretso siyang lumabas ng cafe.
Galit na galit ito habang tinataype niya ang cellphone number ni alona at upang tawagan sana ito pero out of reach siya.
"Hays! sumagot ka! sumagot ka!"
Paulit-ulit niyang dinadayal ang phone number nito pero mukhang sinasadya ng kaibigan niya na huwag sagutin ito."Alonaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napasigaw na lamang siya ng malakas na halos mabulabog niya ang mga ibon sa kaniyang paligid.Kaya agad naman niyang naisipang tawagan si rocco para humingi sa kaniya ng tulong.
Agad naman siyang sinagot ni rocco sa phone-call, habang kasalukuyan itong naglalakad-lakad sa bandang park malapit sa bahay niya.
(Phone calls conversations)
Rocco: Buenos días señorita! ano pong maipaglilikod ko sa inyo?
Enya: Hello, rocco? help me. i need your help. where are you now?
Rocco: Ako? nasa park naglalakad-lakad lang. bakit pala napatawag ka Ms.Enya?
Enya: I need you right now.
Rocco: Ha? bakit? may nangyari ba sayo? nasaan ka? okey ka lang ba ha?
Enya: Hindi ako. that girl.
Rocco: Ha? that girl? who's that girl?
Enya: Si alona. nakausap ko si Ms.Chin kanina at may usapan kaming magkikita mamayang 1:30pm.
Rocco: Tapos?
Enya: Tapos, nagsend si alona sakin ng email niya about don sa next chapter na isinulat niya.
Rocco: Yun naman pala! so, anong problema don?
Enya: Ang problema hindi kumpleto yung sinend niya saking chapter. putol yung kwento halos hindi man nga lang umabot sa kalahati.
Rocco: What!?
Enya: Kaya i need your help, right now! gusto kong puntahan mo siya kaagad sa bahay niya ngayon din at kapag hindi ka niya pinagbuksan ng pinto, wag na wag ka nang magdadalawang isip pa na sirain yung door knob niya okey? kung hindi pare-parehas tayong mayayari nito kay Ms.Chin! naiitindihan mo ba ako oy rocco? Oy! hello? hello? naririnig mo ba ako ha!? hoy!
Sandaling natigilan si rocco nang mahagilap ng tingin niya ang inosenteng alona na naglalakad malapit sa kaniya habang may hawak-hawak pa itong ice cream cone sa badang kaliwang kamay niya.
Rocco: I know where she is now.
Enya: Talaga!? where?
Rocco: Dapat ko pa ba siyang itali?
Enya: Of course not- of course! pero be careful dahil medyo may paka-wild siya. just catch her and i'll be there right now! Okey? hello? hello! rocco? roc-
Agad binabaan ni rocco ng linya si enya at tanging sinusundan lamang niya ng tingin si alona kung saan man ito magpunta.
Palihim niyang sinusundan ang walang kamalay-malay na dalaga habang masayang-masaya na kumakain ito ng ice cream.
"Wag kang lilingon.. wag kang lilingon.."
Mahinang tugon niya kay alona habang maingat niyang sinusundan ito sa bandang likuran niya.Sandaling nakaramdam siya ng pagka-vibrate ng cellphone niya pagkatapos sumunod na tumunog naman ang ringtone calls niya sa cellphone.
Biglang napalingon si Alona sa kaniya at kapwa pareho pa silang nagulat sa isa't-isa.
Wala pa man nasasabi si rocco sa kaniya pero bigla na lang itong kumaripas ng takbo sabay hinihagis niya ang ice cream na hawak niya sa mukha ni rocco.
Bulls eye.
Saktong-sakto ang pagkakahagis ni alona sa mukha ni rocco.Agad namang napahinto sa pagtakbo si rocco at pinunasan ang kaniyang sarili.
"Ms.Alonssssssssssss!! sandali lang pooooooooo!!!!!!!!!"
Paulit-ulit na tinatawag ni rocco ang pangalan ni Alona pero patuloy parin ito sa pagtakbo nang biglang,.."Alonaaaaaaaaaaaaa!!!"
Nang biglang makasalubong niya si enya sa direksyon na pupuntahan dapat niya.Agad nag-iba ng route si alona kaya patuloy parin siya sa pagtakas habang nakasunod naman sa bandang likuran niya sina enya at rocco.
"Pano-nila-nalaman? na- nandito ako?"
Hingal na hingal na sabi ni alona sa kaniyang sarili. habang palingon-lingon siya sa kaniyang paligid kung saan ba siya pwedeng magtago para hindi siya maabutan ng dalawa.Una niyang naisip ay ang tumakbo papasok sa loob ng shopping mall.
Pero napaatras rin siya kaagad nang maisip niya na baka may makakilala sa kaniya roon sa loob at ayaw niyang makita siya ng mga taga-hanga niya na nakapambahay lamang siya at nakasoot ng tsinelas na kulay pink with matching ribbon on top pa ito.Para sa kaniya isa iyon kahihiyan sa image niya bilang kinikilalang disenteng manunulat. if may makakita sa kaniyang fans niya, na ganon ang kalagayan ng itsura niya na halos gulo-gulo na ang buhok at para bang nakalimutang magsuklay at maghilamos ng mukha.
Kahit ang totoo ay kakagising lamang niya at agad siyang napabagon dahil sa pagcre-crave niyang kumain ng strawberry ice cream.
Nagkataon namang maaga nalaman ni enya ang pandarayang ginawa sa kaniya ni Alona kaya ngayon, halos hindi niya alam kung saang lugar ba siya pwedeng magtago.
Bigla naman napahinto sa pagtakbo si Alona nang mapagtanto niyang nasa harapan na siya ng Great-hood Medical Hospital.
Kung saan kasalukuyang nagta-trabaho ang dating ex boyfriend niya o ang lalaking unang sumira ng buong pagkatao niya kaya siya biglang nagbago.
"Alona marie Harrison! humanda ka ngayon sakin dahil kakalbuhin talaga kitaaaaaaaaaaaa!!!"
Nagkataon ring napa-corner siya sa magkabilaang daan kung saan nasa bandang kaliwa niya si Rocco at bandang kanan naman niya ay si Enya.
Wala siyang maisip na ibang paraan bukod sa nagliliwanag na entrance ng Great hood medical Hospital.
Naguluhan siya kung anong daan ba ang pipiliin niya?
Pero dahil kitang-kita niya ang umaalingab-ngab na galit ni enya sa kaniya, ay wala rin siyang nagawa kundi ang dali-daling tumakbo papasok sa loob ng hospital.
Nagmadali siyang pumasok sa loob ng hospital sabay takbo niya papasok sa loob ng elevator.
Paulit-ulit niyang pinindot-pindot ang button nito para sa pagsara ng elevator.
At mahigit konti na lang sana ang pagitan bago pa man siya maabutan ni rocco.
Agad sumara ang pintuan ng elevator at doon lamang siya nakahinga ng maluwag.
Pakiramdam tuloy niya may zombie'ng humahabol sa kaniya at tanging siya na lang ang natitirang survivor.
Bigla siyang napaupo sa sahig dahil sa sobrang pagod niya kakatakbo kanina kaya naisipan niyang magpahinga na muna kahit saglit lang.
Ang buong akala niya ay nakaligtas na siya sa bingit ng kamatayan, pero mukhang nakalimutan yata niya na pindutin ang botton number kung saang floor man niya gustong magpunta.
Kaya laking gulat niya nung dahan-dahang nagbukas ang pintuan ng elevator.
At bulaga!
Sumakto namang si rocco pala ang nasa tapat ng elevator na sinasakyan niya at agad pumasok ang binata sa loob upang hilahin ito palabas sana pero hindi siya makapaniwala nang magawa ni alona na itulak-tulak siya palabas ng elevator."Aray! sandali! sandali lang! aray ko!"
Paulit-ulit na dumadaing si rocco sa bawat pagtadyak at pagsuntok ni alona sa iba't-ibang parte ng katawan niya.Habang mahigpit namang nakakapit si rocco sa handle ng elevator sa loob nito.
Mabilis pinindot ni rocco ang close door button sabay pindot niya rin sa number 4 which means 4th floor.
Sumuko na rin si alona nang maramdaman niyang umaandar na pataas ang elevator na sinasakyan nilang dalawa.
Habang pabagsak namang napaupo si rocco sa sahig nang maramdaman niya ang sobrang pagod at sakit sa mga natamo niyang sugat at galos sa katawan.
"Hindi ko akalaing tama nga ang sinabi sakin ni enya tungkol sayo."
Wika ng binata sa kaniya habang nakaupo naman sa isang sulok si Alona."Anong sinabi niya sayo tungkol sakin?"
Sabay tinaasan pa niya ng kilay si rocco."Na wild ka nga. hindi ko expect sa payat mong iyan! halos kayang-kaya mo palang pumatay ng tao gamit iyang mahahaba mong biyas!"
Sabay turo niya sa dalawang binti ni Alona pero dinedma lang siya ng dalaga at tumalikod ito sa kaniya."Matanong ko nga, bakit ka pala nagsend ng maling email kay enya? hindi ba matalik kayong magkaibigan sa isa't-isa? diba dapat tinutulungan mo rin siya sa trabaho niya since tinutulungan ka rin naman niya sa iba't-ibang paraan? hindi ba?"
Seryosong tanong ng binata kay alona nang biglang tumayo ang dalaga at humarap ito sa kaniya."To be honest, hindi maling email ang pinadala ko sa kaniya. actually yon lang talaga ang tanging mga nasulat ko sa next chapter na hinihingi niyo sakin. aba! hindi naman ganon kadali ang magsulat nang mga storya lalo na't kung wala namang pumapasok diyan sa kokote mo hindi ba? at tyaka hindi niyo pwedeng ipilit ang isang gaya kong writer na sumulat ng isang kwento dahil hindi iyon ganon kadali! dapat nga mas alam ni enya yon dahil isa rin siyang writer na gaya ko!"
Sandaling nagulat si rocco sa kaniyang narinig nang malaman niyang sumusulat rin pala si enya ng mga storya at nobela.
Agad siyang napatayo at sinabing,..
"Si Ms.Enya ay isang writer?"
Nagtatakang tanong niya sa dalagang kausap niya."Oo naman! hindi mo ba alam? ano ba yan akala ko pa naman super close niyo sa isa't-isa tapos hindi pala niya nabanggit sayo na isa rin siyang sikat na writer."
"Sikat na writer?"
Hindi makapaniwala si rocco sa mga naririnig niya mula kay alona. Patungkol sa mga itinatagong sikreto ng mentor niyang si enya."Oo! sikat siyang writer ng sikat na application website no! ano ba yan? hindi mo talaga alam?"
Sabay may pa-cross arms pa siyang nalalaman habang kausap niya ang seryosong nakikinig sa kaniya na si rocco."Anong app yan? wattpad ba?"
Biglang nakaramdam ng kaba sa dibdib si rocco. dahil parang may kakaiba siya nakukutuban tungkol sa tunay na pagkatao ni enya."Wattpad? oo yun nga yata?"
Hindi pa siguradong sagot ni alona sa kaniya.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni rocco, tila hindi siya umaasa na baka tama nga ang sinasabi ng instinct niya pero naniniwala rin siya na baka mali rin ang kinaakala niya.
"Anong username ang ginagamit niya sa wattpad?"
Kabadong-kabadong tanong ni rocco sa kaniya habang inaabangan niya ang pagbuka ng bibig ni alona para alamin ang katotohanan."Username niya? ano nga ba kasi ulit yon? basta nagsisimula yon sa letter A eh!"
Sabay pakamot-kamot pa siya sa bandang kaliwang kilay niya.Letter A? hindi kaya?-
Sabi ni rocco sa kaniyang isipan habang slowmotion namang naka-abang siya sa pagbikas ni alona sa username na ginagamit ni enya sa wattpad.
"Aha! natatandaan ko na! nagsisimula nga yon sa letter A! ang username niya sa wattpad ay A-mm-"
Sandaling napatigil sa pagsasalita si alona nang biglang huminto ang elevator at bumukas ang pintuan nito.
Sabay silang napalingong dalawa sa gawing pagbukas nito ng pinto.
Nang biglang nanlaki ang mga mata ni alona nang madatnan niyang nakatayo doon sa tapat ng elevator si Duke Marcello.
O mas kilalang Doctor D.
Ang ex boyfriend ni Alona marie at ang tanging lalaking pilit niyang iniiwasang makita palagi.Agad niyang tinakpan ng dalawa'ng kamay niya, ang kaniyang mukha nang mapagtanto niya na sa mahabang panahon na hindi sila nagkitang dalawa ay gusto sana niya na kung dadating man ang isang araw na muli silang ipagtagpong dalawa ng landas. nais sana niyang ipagmalaki sa ex boyfriend niya kung ano siya at sino siya ngayon.
Pero mukhang na-wrong timing yata siya.
dahil nagkataong nakasoot lamang siya ng pambahay at isang pares ng tsinelas sa paa.Pumasok naman si Duke Marcello sa loob ng elevator na hindi man lang niya napapansin na nandoon din pala si Alona ng mga sandaling iyon.
Anak naman ng tipaklong! bakit ba sa dinami-rami ng doctors dito sa loob ng hospital, bakit si Duke pa ang nagkataong makita ko sa araw na ito!?
Aniya ni alona sa kaniyang isipin habang palihim siyang pasulyap-sulyap sa direksyon ni Duke na malapit sa elevator door.
Bigla naman napansin ni Rocco na kanina pa niya tinatakpan ang kaniyang mukha at pasimpleng sumusulyap doon sa lalaking nakasoot ng doctors gown.
"Crush mo siya no?"
Biglang bulong ng binata sa kaniya. agad namang napalingon ang dalaga sa sinabi niya sabay ibinaba niya ang kaniyang kamay.Taas kilay siyang napatingin dito mula ulo hanggang paa sabay may pa-cross arms pa siyang nalalaman.
"Ikaw hindi ka lang echosero! chimoso ka pa! Ano bang pakialam mo ha!"
Biglang napataas ang tono ng boses ni Alona sa pagkakasabi nito kay rocco. kaya agad napalingon ang mga nakasabay nila sa loob ng elevator at mabilis tinakpan ni rocco ang bibig ng dalaga."Naku pasensya na po kayo medyo tinotopak nanaman kasi itong girlfriend ko! hehehe"
Pakukunwaring sabi na lang ni rocco sa mga taong kasabay nila sa loob ng elevator. habang pilit namang inaalis ni Alona ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniyang bibig.Pero dahil may pagka-wild nga siya ay bigla naman niyang kinagat ng madiin ang kamay ni rocco kaya bigla na lang din siyang napasigaw ng "ARAY!" tapos muling nabaling ang atensyon ng mga tao roon sa kanilang dalawa.
"Kapal ng mukha mong hawakan ako sa bibig! pervert ka siguro no! "
Sabay tadyak niya sa kaliwang tuhod ng binata.Halos napaluhod na lang si rocco at namimilipit sa sobrang sakit na nararamdaman niya. at halos maluha-luha na ang mga mata niya dahil sa lakas ng pagkakatadyak ni alona sa kaniya."Mag. kai. bigan. nga kayo"
Mahinang tugon pa niya sa kaniyang sarili habang namimilipit parin siya sa hapdi ng pagkakagat ni Alona sa kamay niya na halos nag-iwan ito ng teeth prints sa palad niya.Napangisi lang ang dalaga nang makita niya ang kaawa-awang mukha ni rocco sabay whip niya ng hair.
Kasabay ng pag-whip niya ng kaniyang hair ay bigla namang nabaling ang atensyon niya kay Duke Marcello na kanina pa pala nakatingin at nanonood sa kanilang dalawa.Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang magtama ang mga tingin nilang dalawa ni Duke.
Kaya agad siyang lumingon at umupo sa tabi ni Rocco sabay hawak pa niya sa kamay nitong kinagatan niya kanina.
"Naku baby okay ka lang ba ha? naku sorry talaga ha? ikaw kasi ang kulit-kulit mo! ayan tuloy nakagat nanaman kita."
Biglang parinig ng dalaga kay Duke habang pasimple siyang sumusulyap kay duke if nakatingin parin ba ito sa kanilang dalawa ni rocco.Agad naman natigilan si rocco sa biglang pagbabagong anyo ni alona.
Anong nangyayari sa kaniya? baliw na ba siya? nasisiraan na ba siya ng ulo?
Paglalayag nito sa kaniyang isipan habang nagtatakang nakatingin siya kay alona.
"Masakit ba baby? akin na nga hipan ko."
Sabay hipan nga niya sa palad ni rocco sabay may pakiss-kiss pa siyang nalalaman sa kamay nito."Ayan okay na. maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?"
Wika ng dalaga sa kaniya habang napipilitan pa itong ngumiti sa harapan niya.Baliw na nga talaga siya.
Sabi nito sa kaniyang isipan habang nakanga-nga siya sa harapan ni alona at hindi siya makapaniwalang nasasaksihan niya ngayon ang mga ito mula sa kinikilala niyang mahusay na manunulat."Hinde."
Mahinang sagot ni rocco sa kaniya.bigla siya nilakihan ng mata ni Alona at parang pinagbabantaan ang kaniyang buhay. kaya dali-daling tumayo si rocco sabay inalalayan niyang tumayo ang dalaga with matching holding hands pa."Okay na ako baby. nagugutom ka na ba? san mo gustong kumain?"
Tanong ni rocco sa kaniya habang pinipilit naman niyang maging kalmado sa harapan ng mga taong kasama nila sa loob ng elevator.Ngiting asong napasandal sa balikat niya ang dalaga habang nakatitig parin ito sa direksyon ni Duke na kasalukuyang nanonood parin sa kanilang dalawa.
"Saan tayo magde-date ngayon baby?"
Napipilitang sabi ng dalaga sa kaniya habang pinagpapawisan naman sa sobrang kaba si rocco.Hindi na siya sinagot pa ng binata nung biglang mag-open ang pintuan ng elevator.
Pareho parin silang nakangiti sa isa't-isa pero siyempre sapilitan lang. pati ang paglalakad nila palabas ng elevator ng magka-holding hands.
Sinundan parin sila ng tingin ni Duke hanggang sa kanilang paglabas ng elevator. nang bigla nilang makasalubong sa labas ng elevator si Enya na kanina pang nag-aabang sa pagbaba at paglabas nila.
Hindi maitatago ang gulat sa mukha ni enya nang makita niyang magkahawak-kamay pa itong lumabas ng elevator habang malagkit na nagkakatitigan sa kanilang mga mata.
"Anong ginagawa niyong dalawa?"
Naiinis na pabulong na sinabi ni enya sa dalawa.Nang bigla nilang bitawan ang mga kamay nila sabay itinulak pa nila ang isa't-isa.
"Mali ang iniisip mo!"
Sabay pang sabi nina Alona at Rocco habang todo nilang tinatanggi sa harapan ni Enya na nagkakamali ito ng iniisip tungkol sa kanilang dalawa.**********
Duke Marcello's points to view~
"Babe bakit ngayon ka lang? kanina pa ko nagugutom dito kakahintay sayo. san ka ba galing ha?" Sabay yakap ng girlfriend niyang si margarett habang napakamot naman sa ulo si duke at inilapag sa lamesa yung food na inorder niya mula sa isang fastfood chain.
"Pasensiya kana babe, pinapanood ko kasi yung magjowa na nakasabay ko kanina sa elevator." sabi nito sa kaniya sabay umupo silang dalawa para kumain.
"Ha? magjowa? bakit anong meron sa kanila?"
Tanong ng kasitahan nito sa kaniya habang inaabutan siya ng disposable spoon.
Kumain muna siya bago siya nagkwento diyo at sinabing,.
"Kanina kasi sa elevator parang nagtatalo silang dalawa pero nung napansin nila na lahat kami don sa elevator nakatingin sa kanilang dalawa, biglang nilapitan siya nung girlfriend niya tapos nilalambing pa siya. hahahahaha~ nakakatuwa silang pagmasdan kanina para silang mga teenage couples. "
Kwento nito sa kasitahan niya habang patawa-tawa pa ito na halos hindi na makita yung mga mata niya.
"Ahh.. mukha ba silang teenager babe?"
Tanong niya.
"Hmm. yung guy mukhang bata pa pero yung girl parang matanda na. "
*******
Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h
True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t
{Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc
Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand
Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl
Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni