Share

Chapter XII

Author: Señorita
last update publish date: 2020-08-23 15:00:31

Love is not a noun to be defined, but a verb to be acted upon.

*******

Keiji Kudo's points to view

"Totoo ba na nandito ngayon sa hotel ang sikat na writer ng Two story?"

Wika nang isang babaeng nakasalubong niya na naglalakad papunta sa restroom.

"Talaga bang si Ms.A yung nakita niyo?"

Muli siyang napalingon sa usap-usapang kaniyang naririnig.

"Ms.A?" bulong nito sa kaniyang sarili.

Biglang sumagi sa isipan ni Keiji na Ms.A nga pala ang pangalan ng mahusay na author ng librong kaniyang binabasa at hinahangaan.

Kaya naman biglang nagpantig ang kaniyang mga tenga ng marinig niya ang tungkol sa kumakalat na chismis sa loob ng hotel na nasa mismong restroom raw ang nasabing mahusay na manunulat.

Sa sobrang galak at saya niyang makita sa wakas ang manunulat na kaniyang hinahangaan ay tila nakalimutan na rin niya ang babaeng naghihintay sa kaniyang pagbalik sa nasabing blind date nilang dalawa.

Mula pa lamang sa restroom ng kababaihan ay agad nang tumambad sa kaniya ang napakaraming tao,napakahabang pila at mga taga-hangang nag-aabang rin na makita ang mahusay na manunulat.

"Where is she? where?" palingon-lingon na sabi niya habang pilit siyang nakikisiksik sa mga taong andoon at nakikisyoso rin kung anong nangyayari.

"Oh my gosh! ang ganda pala talaga niya sa personal!" Wika nang dalawang babaeng napadaan sa kaniyang harapan habang masayang nakatingin sa cellphone na hawak-hawak nila.

"Where they see her!? urgh!" naiinis na sabi nito habang pilit parin siya nakikipagsiksikan sa mga taong andoon.

Nang biglang tumambad sa kaniya ang ilang kababaihang nagkakagulo at nagtutulakan sa pila upang makita at makalapit sa nasabing manunulat.

"Ms.A! we loveyou so much! Ahhh!!"

Sigaw nang ilang babaeng taga-hanga niya habang akap-akap ang librong isinulat nito.

Bigla naman naagaw pansin ng lahat nang makita nila ang gwapo,matangkad at makisig na si Keiji Kudo.

Lahat sila ay napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa naglalakad na binata.

"Artista ba siya o anghel sa langit?" Wika na isang babaeng nakatulala kay Keiji na naglalakad sa harapan niya.

Lahat ng kababaihan roon ay napatingin at napalingon kay Keiji, habang nakatalikod parin si Alona sa kaniya at wala itong kamalay-malay na papunta sa direksyon niya ang gwapong binata.

I will save you my juliet.

I am here now to protect you and to save you from this people.

Sabi nito sa kaniyang sarili habang nakatingin lamang siya sa direksyon ni Alona at wala itong kamalay-malay na may matindi itong pinagdadaanan ngayon.

Isang tao na lamang sana ang hinihintay ni Alona na makalabas ng banyo upang siya naman ang makapasok sa loob nang biglang tanggalin ni Keiji ang black suit na soot-soot niya at tiyaka niya ito ipinatong sa ulo ni Alona upang takpan siya at tulungang makalayo sa maraming tao.

Ngunit, taliwas sa kaalaman ng binata na kanina pang nag-aasam ng tagumpay ang dalaga na makapasok sa loob ng banyo upang ibuhos ang sakit na kaniyang nadarama, ngunit iba ang iniisip ng binata para sa kaniya.

At yun ay para protektahan siya.

"Ahh! anong ginagawa mo!? sino ka!? bitawan mo ko! keylangan kong- kailangan kong-! Ahhhhh!! bitawan mo ko!" wika ni Alona sa kaniya pero tila hindi siya niitindihan ni Keiji at sinabing,.

"Don't worry, i will protect you."

Sabay inalalayan niya ang dalagang na makaalis sa maraming tao habang nakatakip parin ng black suit ang mukha ni Alona at tiyaka niya ito dineretso papasok sa loob ng elevator.

"Hey! what are you doing!! i need to-!" naputol na lamang ang sasabihin nang dalaga nang biglang..

*pururut~ prut~ prut~ prutututuut~

Parang pinaghalong thurderstorm, earthquakes, volcation eruptions, fire canons at lightning bolt ang naghalo-halong nangyari kay Alona sa loob ng elevator.

Sandaling natahimik at napatulala si Keiji sa kaniyang narinig, nasaksihan at naamoy.

"Yak! anong amoy yun! nakakadiri naman parang bulok na patay na daga!"

Isa-isa namang nagsidaingan ang mga taong nakasabay nila sa loob ng elevator habang tinatakpan nila ang kanilang mga ilong at nakatingin sila kay Alona. habang nagiispray naman ng pabango ang ilan sa kanila.

Hanggang sa sandaling huminto ang elevator at lahat sila ay nasilabasan maliban kay Keiji at alona na naiwan sa loob ng elevator.

"I'm so sorry kung gusto mo iwan mo na lang ako. pero pwede bang hiramin ko na muna itong suit mo? pakiusap." hikbing wika ni Alona habang nakalayo sa kaniya ang binata at nagpipigil ng kaniyang hininga.

"Well, feel free to use it." mabilis na sagot niya sa dalaga sabay takip ulit ng ilong niya.

Hindi na lang umimik ang dalaga at panay lang pag-iyak nito sa likod ng black suit na nakatakip sa kaniyang mukha.

Ganun din naman si Keiji na hindi na lang din nakapagsalita at nagpipigil parin ng hininga niya hanggang sa makababa silang dalawa sa basement. mabilis namang lumabas si keiji ng elevator upang makahinga ng maluwag at makasinghot ng malinis na hangin.

Habang nanatili paring nakatayo sa loob ng elevator si Alona at hindi niya alam kung papaano ba siya makakakilos palabas ng elevator.

"Why are you still there? do you want to live inside that elevator for life?" mainahong wika ng binata sa kaniya.

"I'm scared." mahinang sagot nito sa kaniya.

"For what are you scared? well, it's definitely shameful from what happend to you today, but we're all not perfect and we do mistakes too like you. so, why are you scared?" wika ng binata sa kaniya habang pinapalakas niya ang loob ng dalaga na lumabas sa loob ng elevator.

Hindi na naka-imik pa si alona at tiyaka siya dahan-dahang lumabas ng elevator habang inaalalayan naman siya ni Keiji na maglakad papunta sa parking lot ng kotse niya.

"How did you came here? did you ride with you car?" Tanong nito sa dalaga.

"Oo- yes! yes! andito ang car key ko at ipinark ko yun kanina sa labas." sagot nito sa kaniya.

"Well, if you don't mind can i use your car and wait for me here? here's my car key so you won't feel that i'm a bad guy." sabot abot nito sa kamay ni Alona nang car key niya habang inabot naman ng dalaga ang car key nito kay Keiji.

"Pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?" pahabol na sabi nito kay keiji bago pa man siya pumunta sa labas para kunin ang kotse ni Alona.

"Umf? im going to buy some stuff that you can use to clean and change youself?" pagkasabi nito ay bigla naman nabigla ang dalaga at tila hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sa kaniya.

Dahil ang buong akala niya ay gusto lamang nitong ipasok at ilapit sa kaniya ang kotse niya pero mukhang may mas magandang plano ang binata para sa kaniya upang matulungan siya.

*****

Enya's points to view

It's 9am in the morning, nung paulit-ulit kong naririnig ang pag-ring ng alarm clock ko.

"Argh~ 5 minutes pa." mahinang tugon ng katabi ko.

Sabay may mabigat akong naramdaman na bumagsak mula sa balikat ko at pilit akong nilalapit papunta sa kaniya.

TEKA! wait-!!

May katabi akong natutulog?? dito mismo sa kama ko!?

Bigla ko idinilat ang aking mata at tiyaka ko pinagmasdan ang mabigat na bagay na kanina pang pumapatong sa balikat ko. laking gulat ko nang makita ko ang isang malaki at mabalahibong braso ng lalaki.

Kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya upang tignan kung sinong lapastangang lalaki ang naglakas loob na tabihan ako sa pagtulog ko habang wala akong kamalay-malay kagabi.

"Rr- rocco?" Halos nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong si rocco pala ang lalaking lapastangan na tumabi sakin sa pagtulog.

Kasabay non ay bigla rin niyang idinilat ang mga mata niya at halos pareho kaming napasigaw ng malakas sa sobrang pagkakabigla nang magtama ang mga mata namin sa isa't-isa.

Malakas ko siyang isinipa papalayo sakin kaya naman nahulog rin siya sa kama habang tinatakpan ko naman ng bedsheet ang buong katawan ko.

"Sabi ko na nga ba! may pagnanasa ka talaga sa katawan ko! napaka-manyakis mong tao! paano mo nagawa sakin ito?!" sigaw ko sa kaniya habang kinakamot niya ang ulo niyang nahuntog kanina sa pagkakabagsak niya.

"Excuse me!? ako manyakis?? baka nakakalimutan mong nandito ka ngayon sa bahay ko at ikaw mismo ang may gustong sumama sakin papunta dito!" Pagpapaliwanag na sabi niya habang magkasalubong ang dalawang kilay niya.

Nang iikot ko ang aking mga mata sa paligid ng kwarto at doon ko lang napagtanto na hindi nga ako ang nagmamay-ari nang cheap na kwartong ito.

"So!? isinama mo naman ako dito!? hindi ba imbis na isama mo ko dito sa bahay mo dapat inuwi mo na lang ako samin!? di ba? anong idadahilan mo naman ngayon ha? sige nga!" naiinis na sabi ko sa kaniya nang bigla siyang ngumisi at umupo sa dulo ng kama.

"Look Ms.Enya, i am the one who bothered last night because of you. at baka nakakalimuta na yung ginawa mo sakin kagabi? don't you remember?" saad niya habang pilosopo siyang pangiti-ngiti at pailing-iling sa mga sinasabi niya.

Hindi ko siya kinubuan bagkus pinag-aaralan ko bawat kilos at expressions ng mga mukha niya kung nagsasabi ba talaga siya nang totoo o hindi.

Pero, bakit ganon?

wala akong maalala sa mga nangyari sakin kagabi?

Basta ang huling pagkaka-alala ko lang ay mag-isa akong umiinom sa isang bar.

Kaya papaanong napunta ako rito sa bahay niya at kasama ko siya ngayon?

Nagkita ba kaming dalawa kagabi o baka naman nakasalubong ko lang siya sa daan habang naglalakad akong mag-isa?

O hindi naman kaya?

Hindi kaya?-

Weh? imposible namang puntahan ko siya dito sa bahay nila!

Imposible talaga. bakit ko naman siya pupuntahan sa bahay niya kung may sariling bahay naman ako!?

Arrgh!! ang gulo!

Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung ano nga ba ang nagawa kong kapalpakan sa kaniya kagabi?

"Bakit ganiyan ka makatingin sakin? wag mong sabihing wala ka nga'ng naalala sa mga nangyari satin kagabi? hindi nga? as in wala ka talaga maalala kahit nung ginawa natin iyon? seryoso ka? sayang naman! napaka-memorable pa naman- " bago pa man niya ituloy ang sasabihin niya ay agad ko na siyang binato ng unan sa mukha niya para tumigil na siya sa pag-gawa ng mga kwentong hindi naman talaga totoong nangyari.

"Akala mo ba mauuto mo ko ha?" nagtitimping sabi ko sa kaniya.

Nang bigla niyang pulutin yung unan na binato ko sa kaniya at tiyaka naman siya tumawa nang malakas. kaya bigla akong nagtaka kung bakit ganon na lang ang mga ikinikilos niya.

"Edi wag kang maniwala! ipapaalala ko lang sayo na ikaw ang unang nag-approach sakin, hindi ako. hahahahahaha~ may payakap-yakap ka pa ngang nalalaman! tapos- tapos-" Bigla niyang tinigil ang sinasabi niya nang hawakan niya sandali ang  labi niya habang malagkit siyang nakatitig sa mga mata ko.

Anong ginagawa niya? nababaliw na ba siya?

Bakit ganiyan siya makatitig sakin? parang sinasabi niyang..

"Ang kapal naman ng mukha mong gumawa ng kwento na hinalikan kita sa labi! excuse me noh! kahit wala akong maalala sa mga nangyari kagabi alam ko naman sa sarili ko na kahit gaano ako kalasing kagabi never akong humahalik sa kahit na sinumang lalaki! nasa katinuan pa ko kahit lasing ako!" sabi ko sa kaniya nang bigla siyang ngumisi at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo!?" naiinis na saad ko sa kaniya habang pilosopo siyang gumagapang papalapit sakin.

"Edi ipapaalala ko sayo kung ano yung ginawa mo sakin kagabi." mahinang tugon niya sakin sabay may pakindat-kindat pang nalalaman ang loko.

"Wag kang lalapit kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo!" sigaw ko sa kaniya. kahit pinipilit kong maging matigas at matapang sa harapan niya. kahit ang totoo naman talaga ay kinakabahan na ako at natatakot sa susunod na gagawin niya.

Nang bigla niyang isandal ang kaliwang kamay niya sa pader at sobrang inilapit niya ang mukha niya sakin na halos konti na lang ay maaabot na siya ng ilong ko.

"Hayaan mong ipaalala ko sayo ang mga hindi mo maalala kagabi." bulong niya sa tenga ko.

Bigla na lang ako napatulala sa mga mukha niya at halos hindi ko maibuka ang mga bibig ko upang sigawa siya at hindi ko rin maikilos ang katawan ko para pigilan siya sa binabalak niya.

Basta na lang ako kinabahan at sobrang bilis ng pintig nang puso ko. para bang nakakabingi ang pakinggan ang sobrang lakas ng tibok nang aking puso.

Nang dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sakin habang nakanguso ang kaniyang mga labi. at sandali lang ay hindi ko namalayang naipikit ko na pala ang mga mata ko nang,.

"Anong ginagawa mo?" biglang sabi niya at para bang bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses niya. kaya naman agad ko ring idinilat ang mga mata ko at kitang-kita ko sa mata niya ang pagpipigil niya sa pagtawa.

Hindi ako nakapagsalita sa harapan niya at tanging nakatitig lang ako sa mata niya nang bigla siyang tumawa nang malakas at tiyaka siya pabagsak na humiga sa kama niya sabay may pagulong-gulong pa siyang nalalaman.

Inis na inis akong bumangon sa kama ko kahit na hindi naman talaga ako dapat magalit. pero hindi ko rin maitindihan kung bakit ba nagkakaganito ako ngayon porket ginawa niya lang ako katatawanan kanina.

Hindi ko na lang siya pinansin tapos lumabas na rin ako sa kwarto niya habang mamatay-matay na siya sa kakatawang mag-isa.

Nakakahiya!! bakit ko ba kasi ipinikit ang mata ko kanina!? obvious namang pinagti-tripan lang niya ko kanina!

Sa sobrang kahihiyan ay agad ko na lang ipinulot ang bag ko sa sofa niya at tiyaka ako nagmadaling makalabas ng bahay niya. at hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya. alam ko namang tatawanan lang niya ako at wala naman siyang matino na sasabihin sakin.

******

[FLASHBACK LAST NIGHT]

Sa sobrang kalasingan ni enya ay bigla na lang siya napayakap at bumagsak sa likuran ni rocco na siyang ikinabigla rin naman ng binata.

Dahan-dahang inalalayan ni rocco si enya na umupo sa isang tabi habang nakaupo siya sa harap ng dalaga at tahimik na pinagmamasdan ang mahimbing na tulog nito.

"Totoo nga ang sabi-sabi nila noon na mas cute kang titigan kapag natutulog. akalain mo yon? mas hindi ka nagmumukhang masungit kapag nakapikit ang mga mata mo."

Mahinang saad ng binata habang nakangiti itong nakatitig sa mukha ng dalaga.

Nang bigla niyang idilat ang kaniyang mata at pinatong ang dalawang kamay niya sa balikat ni rocco at sinabing,.

"Ikaw! hindi mo ba alam na isa rin akong magaling na writer ha!" sabi nito sa kaniya habang papikit-pikit pa ang kaniyang mga mata.

"Talaga lang ha?" nakangiting sabi nito sa dalaga. nang bigla niyang ilapit sa binata ang mukha nito ng sobrang lapit. kaya biglang nanlaki ang mga mata ni rocco at nagtama ang mga paningin nila sa isa't-isa.

Malalim siyang napalunok habang ramdam niya ang mainit na paghinga ng dalaga sa mukha nito.

"Alam mo ba kung sino ako ha? hindi mo ba alam na sikat rin ako ha!? gusto mo bang malaman?  ha? hoy! ano? gusto mo bang malaman? oh sige sige! sasabihin ko na sayo. ako! ako si-" sabay turo pa nito sa kaniyang sarili habang nag-aabang naman si rocco sa sinasabi niya. pero mukhang nakatulog na ito at hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya.

Sikat na writer? totoo kaya ang mga sinasabi niya?

kung gayun ibig sabihin, totoo ang sinasabi sakin ni Alona noon na isa ring magaling na manunulat itong si enya?

Hindi kaya?-

Biglang kinutuban si rocco at para bang pinipilit siya nang isipan niya na tanungin sa dalaga ang bagay na gusto niyang malaman sa tungkol dito.

Sandali siyang napabuntong hininga at tiyaka niya sinabing,.

"Amihan." tawag nito sa dalaga.

Bigla siya nakaramdam ng kaba na baka mali ang iniisip niya tungkol sa secret identity ng dalaga.

Pero laking gulat na lamang niya nang bigla ito sumagot at sinabing,.

"Oh?"

*******

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Manhater (Tag-lish)   XVIII (I will love again)

    Agad namang napaduwal sa hilo si Keiji nang makababa na sila sa roller coaster na sinakyan nila kanina.Habang wala pa ring tigil sa paghalakhak si Alona nang makita niya ang reaksyon ng binata na halos ilang beses nang napamura sa iba't-ibang lengwahe."Ano buhay ka pa ba ha?hahahahahahaha~" Pang-iinsultong sabi niya kay Keiji na sandaling napasulyap sa kaniya habang nakasandal ito sa pader."What's funny!? don't you know that i almost died because of you!?" galit na sabi ng binata sa kaniya nang bigla naman napahinto sa pagtawa si Alona nang makita niya ang seryosong mukha nito."Aba! baka nakakalimutan mo na kusa kang sumakay doon! tapos ngayon sisigawan mo ako at sisisihin na halos mamatay kana doon? sino bang may sabing sunakay ka doon!" pagkasabi niya ay agad na rin itong umalis h

  • Manhater (Tag-lish)   (XVII) If We Fall Inlove Again

    True Love isn't love at first sight, but love at every sight.***(News Report)"Trending ngayon sa mga social media ang pinost ng sikat na writer na si Alona Marie Harrison sa kaniyang Instagram kung saan inihayag nang dalaga sa kaniyang post na, "Handa na akong tumandang mag-isa." tila palaisipan sa lahat kung ano ba talaga ang nais ipabatid ng sikat na writer sa kaniyang post. Sinasabi naman ng ilan na baka raw may kinalaman ito sa tunay na pagkatao ng writer. Totoo kaya siya ay-Kinuha ni Alona ang remote ng kaniyang TV sabay pinindot ang Off-button. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang kaniyang ulo sa sofa."Mga tao t

  • Manhater (Tag-lish)   XVI(Can't take my eyes on y*u)

    {Enya's pov}At the church."Lord, malapit na po ako lumagpas sa kalendaryo. Kaya sana naman po ipakilala ko niya sa akin ang lalaking ni-reserve niyo para sakin. Pakiusap po gustong-gusto ko na po talagang magka-jowa! Kung maari lang po itulak niyo na siya papalapit sa akin at wag na po tayo magpatumpik-tumpik pa dahil nasa tamang edad na rin po ako. At kung maari lang po na sana nandito rin po ang lalaking iyon sa loob ng simbahan. Salamat po,Lord! pa-follow up po please!" Matapos ang taimtim na panalangin ay agad rin akong tumayo at binitbit ang bag ko upang sana lumabas na ng simbahan pero biglang nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na itsura.Si Roc

  • Manhater (Tag-lish)   (XV)Because i love y*u more

    Kasalukuyang namimili mag-isa si Alona sa isang supermarket mall habang may itinutulak itong big cart basket at namimili ng kung anong brand ng napkin ba ang bibilhin niya."Alin nga kasing brand yung madalas na ibili sakin ni Enya noon?" Napapaisip na sabi nito sa kaniya sarili. Halos nakakailang minuto na siyang nakatayo doon sa harapan ng mga napkins brand subalit wala parin siya mapili kung alin ba don ang bibilhin niya."Ahe excuse me po." Tawag niya sa isang babaeng katabi niya na may hawak ring grocery basket."Yes?" nagtatakang sabi nito sa kaniya."Matanong ko lang po, aling napkin brand po ang madalas niyong gamitin?" Tanong niya sa babaeng kausap nito. Habang napakunoot noo naman ang babae sa itinanong nito sa kaniya na tila'y hindi niya maitindihan ang dalaga kung bakit natanong ito sa kaniya."Ayy naku po! pasensya na po kayo hindi ko lang po kasi mapili kung anong brand

  • Manhater (Tag-lish)   Cross my mind XIV

    Waiting is easy, but you know what's hard? realizing that the one you are waiting for is not coming anymore.***7am in the morning, maagang bumangon at nagising si rocco sa kaniyang kama kahit hindi naman talaga siya sana'y na bumabangon ng maaga.Balak na sana niyang sabihin kay Enya ang nalalaman niya patungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga at balak na rin sana niyang ipakita sa dalaga ang paboritong libro na siya mismo ang nagsulat.?Put your head on my shoulderHabang masayang-masaya pa itong kumakanta sa pagligo niya sa loob ng banyo at naglalagay ng sabon sa bandang kili-kili.Maging sa pagprito ng itlog at paglagay ng ketchup na pahugis puso ay masasabi mong sumisinta na nga ang pilyong si Rocco.Halos masiglang-masigla ang gising ng binata at todo ayos pa nito sa kaniyang buhok habang nagl

  • Manhater (Tag-lish)   Help me to get over y*u XIV

    Sana ang Love my stop light din.para malalaman natin kung we should go for it, wait for it, or just stop for it to avoid heart accidents.***Duke Marcello"Babe anong gusto mong kainin? gusto mo bang mag-rice or just sandwich lang? babe?" shaina said.Pero tila hindi ito nakikinig sa sinasabi niya at tanging sa ibang direksyon siya nakatingin at nakafocus.Bigla kasi nahagip ng atensyon niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa bandang dulo habang may ilan pa itong mga kasamang kumakain rin."Si alona ba yon?" biglang tanong sa kaniya ng kasintahan niyang si shaina sabay kumapit ito sa kaniyang braso."Bakit hindi tayo makisalo sa kanila? diba babe? it's been a long time nung huli natin sila nakasama." tanong pa nito sa kasintahan ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status