Início / Todos / Ollie The Virgin Gay / Chapter 13: Cursing

Compartilhar

Chapter 13: Cursing

last update Data de publicação: 2020-07-30 12:25:28

ROANN'S POV:

Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.

Tsk. May gana pang maligo ang loko.

"Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.

Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.

Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?

Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.

Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog ang tiyan ko. Kanina pa ito nagwawala. Hindi ko lang gaanong nabigyan ng pansin dahil sa mga nangyari. Biruin mo naman, simula pa kagabi ay hindi pa ako kumakain. Medyo tirik na ang araw ngayon kaya siguradong malapit ng mag alas-dose. Nagugutom na talaga ako.

Tumayo na ako. Susubukan kong hanapin ang kusina. Kailangan ko ng kumain, dahil kung hindi ay baka ako ang kainin ng nasa tiyan ko.

Pumasok ako sa pintuang pinasukan ni Oliver. Doon ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Marahan akong naglakad. Mabuti nalang at may nakapaskil na gold plated tag pinto ng bawat kwarto. Dahil doon ay mas mapapadali ang paghahanap ko sa kusina. Sinimulan ko na ngang basahin ang karatula na una kong nakita.

"The Captain." Basa ko sa nakasulat sa unang pinto na nakasara. Marahil ay iyon ang kwarto ni Oliver? Captain Oliver Gonzaga? Tsk. Hindi bagay.

Guess Room

Sunod kong nabasa. Iyon yung kwartong pinanggalingan ko. Katapat lang iyon ng kwartong may nakalagay na 'The Captain'.

The guess room daw. Tsk. Bakit kaya hindi ko ramdam ang pagiging guest ko. Sus. Sana sa kusina niya nalang ako iniligay e. Para atleast, pagka-gising ko ay natuwa pa ako.

Music Room

Bakit may music room? Siguro mahilig siyang tumugtog? Ano kaya ang instrumentong kaya niyang patugtugin? Kumakanta kaya siya? Well, wala akong paki. Hindi ko na dapat pang problema'hin iyon. Tsk. As if naman dapat kong bigyan ng halaga ang lahat ng tungkol sa kaniya.

Pero-- hindi naman siguro masamang silipin ang loob ng kwartong iyon, hindi ba?

Dala ng konting curiosity ay marahan kong pinihit ang door knob ng music room. Tumambad sa akin ang tila recording studio na loob ng music room. May sound proof iyong dingding at mga high-tech na kagamitang pang recording. May malaking microphone na nakatayo sa gitna ng maliit na stage. Tapos may isang mahabang sofa na nakaharap sa stage. Mapapa'wow ka nalang dahil sa itsura ng kwarto.

Siya kaya ang gumagamit nito?

Edi wow!

Muli kong isinara ang pinto at bumalik na sa paglalakad. Kasunod nabasa ko ay ang hinahanap ko.

Kitchen

Sa wakas! Makakakain na ako.

Parang biglang nadagdagan ang gutom ko dahil ng buksan ko ang kitchen ay may naamoy akong masarap na pagkain. Nagmamadali akong lumapit sa mahabang mesa na naroon at agad kong nakita ang napakaraming pagkain na nasa ibabaw noon. Mga prutas, tinapay, at iba't ibang klase ng ulam.

Walang pag dadalawang isip akong humila ng upuan at dumampot ng platong nakahanda narin sa mesa. Pinuno ko iyon ng mga ulam at syempre maraming kanin.

Napakasarap ng mga ulam. Wala akong masabi.

Si Oliver kaya ang naghanda nitong lahat?

"May I?"

Bigla akong napatigil sa pagsubo ng marinig na nagsalita ang lalaking naisip ko. Patay malisya lang ako. Kunyari ay wala akong naririnig na bumalik sa pagkain.

Hindi naman na niya inintay na payagan ko siya bago humila rin ng bangko at naupo sa tapat ko.

Ok. Yate mo ito eh. Sige, feel at home. Tsk!

Bulong ko sa sarili. Hindi ko na sinubukan pang mag-angat ng tingin dahil wala din naman akong sasabihin sa kaniya eh.

Nakakailang subo palang ako ng muling magsalita si Oliver.

"Yes Im a gay." Paglalahad niya.

Tsk. Ano bang bago? Eh matagal ko nang alam yan. Baklang to. Tsaka bakit mo ba yan sinasabi ngayon?

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Bukod kay Kate ay ikaw palang ang pangalawang sinabihan ko ng tungkol dito. Even my personal yaya. I never talked to her about this."

Second? Oh e ano ngayon? Ano bang pakialam ko sa buhay mo? Sus, I'm not interested.

Patuloy lang ako sa pananahimik, while deep in my head ay paulit ulit ko na siyang binabara.

Tsk! Bakla!

"I am telling you about this now because. I want us to be friend."

Friend daw? Hell no! Hindi ako makikipag kaibigan sa iyo no! Pagkatapos ng mga ginawa mo sa aking bakla ka! Sa mata mo!

"Hey, are you listening to me?"

Oo. At hindi ako interesado sa mga pinagsasabi mo.

"Roann? Please. At least say something."

Kitang kumakain ang tao eh. Pagkatapos mo akong patulugin ng magdamag at igapos, asa kang isang sorry mo lang ay magiging ok na ang lahat? Tsk! Asa Oliver. Asa.

"Im sure, your cursing me right now. But I don't really care. Gusto kong ipakita na sincere ang paghingi ko ng tawad kaya sana sabihin mo kung ano ang magagawa ko para sayo. Para mapatawad mo na ako."

Tama ka! At kung totoo nga lang na marunong akong mangkulam. Naku! Talagang kukulamin kitang bakla ka! Sincere? Sus. Baka kamo nakonsensya ka lang. Teka, meron ka pa pala non? Edi congratulations. Bigyan ng jacket yang baklang yan!

Patuloy kong bulong sa sarili ko.

Hay naku! Bahala talaga siya sa buhay niya. Wala akong balak na kausapin siya.

Tsk! Manigas ka Oliver. Manigas ka!

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 15: Abuela

    "Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 14: Casa Gonzaga

    "Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 13: Cursing

    ROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 12: Starting To Become A Monster

    "Hindi mo gagawin yan." May pagbabanta kong sabi.Ngumisi lang siya. Sinimulan niyang pagapangin ang kamay niya sa pisngi ko. Padabog akong umiwas ng tingin. Nang alisin niya ang kamay niya sa pisngi ko ay tsaka ako muling humarap sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya."Try me." Tila nang-aakit niyang hamon.Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Napapikit na ako. Hindi ko matanggap ang katotohanan na wala akong magawa para pigilan siya sa plano niya. Gusto ko ng umiyak. I am nervous and shaking. Ang kaninang patuloy kong pagmamatigas ay napalitan na ng matinding pag-aalala. I feel so useless. Gusto kong lumaban at umiwas pero wala akong magawa. Hindi ko kaya dahil sa lubid na pumipigil sa akin.Hinawakan ni Oliver ang baba ko. Pinilit niyang iangat ang ulo ko. Dahil nakapikit ako ay hindi ko nakikita ang mukha niya. Ayoko rin namang makita iyon e. Dahil hindi ko siya kayang tingnan. H

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 11: Tied Up

    "I make you fall in love with me. I promise. We will be happy." Nang tuluyang mag sink in sa utak ko ang binitiwang salita ni Oliver ay pairap ko siyang tinawanan."You what? Make me fall in love with you? Are you drugs? Ilang kwento na ba ang nabasa mo na nagsisimula sa once upon a time, ha? Hindi mo ba nakikita? This is a real world Oliver. A real life. Hindi ito kagaya ng mga pinapantasya mong kwento. Here, there is no prince charming. Wala rin ditong knight in shining armor na palagi darating para protektahan ka. So stop pretending like we were on a fairy tale. Stop acting like you are here to rescue me. I am not your Cinderella and I don't want to be." Mariin kong pagpapa-intindi sa kaniya.Bumuga ako ng hangin. I feel so exhausted. Talagang iniis-str

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 10: Make Y*u Fall In Love

    ? My broken pieces youpick them updon't leave me hanging hangingcome give me someWhen I'm without youI'm so insecure you are the one thing one thing I'm living forI don't wanna be needing your love I just wanna be deep in your loveand it's killing me when your away ohh baby I just really don't carewhere you areI just wanna be there where you are and gonna got one little taste ?Nagising ako sa musikang pumapailanlang sa kapaligiran. Medyo masakit pa ang ulo ko pero, nagawa ko ng makapag dilat ng mata. Sa una'y puro liwanag lang at kulay puti ang nakikita ko ngunit ng tumagal ay isa isa ko ng nakikita ng malinaw ang mga nasa paligid. Sinubukan k

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status