Share

Chapter 1

last update publish date: 2020-05-20 19:04:51

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.

===========

Kakauwi ko lang sa bahay galing trabaho nang salubongin ako ng aking nakababatang kapatid na nakabihis. May pupuntahan yata. 

"Mag bihis ka na ate." Utos nito sa akin pagkapasok ko. 

Nangunot ang noo ko. "Bakit? Saan ka pupunta? Bakit nakabihis ka? Tsaka asan sina mama?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya na nagsusuklay nang buhok ng mapansin kong tahimik ang bahay. 

Huminto ito at humarap sa akin. "Diba sinabihan ka na na ikakasal na si kuya Toto?" Tumango ako ng maalala ang kasal ng pinsan naming si kuya Toto. "Oo." 

"Ayon naman pala e," anito at pinagpatuloy ang pagsusuklay. "Magbihis ka na kasi doon tayo maghahaponan kina Uncle Juanito dahil may handaan."

"Ha? Para saan? May birthday ba?" Napaisip siya bigla. Wala naman siyang natatandaan na may magbi-birthday sa pamilya nila ni Uncle Juanito ngayong February. 

"Di ba nga bukas na ang kasal nila kuya Toto kaya may may handaan. Invited lahat ng relatives, lalo ka na." 

Shock! Bukas na pala ang kasal nila? Nakalimotan ko! 

"Ha? Anong ako?" Takang tanong ko. 

Kumuha siya ng pangtali sa buhok. 

"Kaya magbihis ka na. Kanina pa umalis sina mama at papa kasama sina kuya at Julia. Pinaiwan ako para hintayin ka kaya dalian mo." Dugtong pa nito na binaliwala ang tanong ako. 

Tatanongin ko pa sana siya ulit pero lumabas na ito ng bahay. "Sa labas nalang kita hintayin ate. Dalian mo!" Bilin pa nito kaya wala akong nagawa kundi ang magbihis at mag-ayos. 

Paglabas ko ng bahay ay agad naman kaming naglakad. Malapit lang naman ang bahay nina Uncle. Walking distance lang tsaka wala namang sasakyan dahil wala naman kami sa siyudad. 

Madilim ang daan at flashlight lang na nanggagaling sa cellphone ang ilaw naming dalawa ng kapatid ko pero ayos lang dahil hindi naman ako takot sa dilim. Kahit nga wala ng flashlight kaya ko'ng maglakad mag-isa sa dilim dahil sanay na naman ako pero kasama ko si Grace na takot sa dilim. 

Ilang minuto lang ay rinig na namin ang malakas na musika na sigurado akong nanggagaling sa bahay nina Uncle Juanito. Ilang hakbang pa ay nasulyapan na namin ang bahay nito na maraming tao pero karamihan dito ay mga kamag-anak namin na hindi ko naman ka-close kaya nanatili lang ako sa gate samantalang deritso naman kung pumasok si Grace patungo sa pinsan naming ka-edad niya. 

Pinapanood ko lang ang mga taong naroroon na nagkakasiyahan. Ang iba ay tahimik na kumakain, ang iba naman ay nagkukwentohan habang kumakain. Meron ding mga nag-iinoman at nagkakatuwaan katulad ng mga pinsan ko'ng naglalaro at nagtutuksohan. Ang ibang mga pinsan ko naman na senior high school na malapit sa akin ay nagkakatuwaan sa pagkanta sa videoke. 

Hindi man sa pagmamayabang pero pamilya kami ng mga mang-aawit pero mabibilang lang ang mga sumasali sa mga singing contest dahil mahiyain na ang karamihan. Mas marami pa nga ang naeengganyong sumali sa mga beauty contest. 

Alas otso na nang mapansing kong wala ng kumakain sa kusina kaya tumungo na ako roon para kumain. 

Hay salamat at makakakain na rin ako! Kanina pa kumukulo ang tiyan ko. 

Hindi naman ako mahiyain, sa katunayan ay ako ang pinakamakapal ang mukha pero hindi naman sa negatibong pananaw. Hindi ko lang talaga gustong kumain kasalo ang mga hindi malapit na mga pinsan kaya hinintay ko munang matapos sila. 

Dalawa lang ata na babaeng pinsan na kaedaran ko ang malapit sa akin dahil sila lang ang nakakasabay sa trip ko. Halos lahat naman na pinsan kong lalaki ay malapit sa akin kaya pati ang pananamit ng mga nito ay naa-adapt ko na. Syempre, alangan namang mag dress ako habang puro lalaki ang kasama ko. Dapat lang na makibagay at makisabay ako sa kanila. Hindi na rin kataka taka na mapagkamalan akong tomboy. 

Nakakaisang subo palang ako ng may dumating na bagong bisita. Pinagmasdan ko ang mga ito pero hindi ko kilala. Hindi naman sila kamag-anak ng mapapangasawa ni kuya Toto at maslalong hindi naman namin kamag-anak. Pero ang isang babae na sa palagay ko ay kaedaran lang ni Grace ay pamilyar. 

"Oh Clariz, andito ka pala," bati sa akin ni Uncle Juanito. Agad naman akong tumayo at nag mano sa kaniya bilang paggalang. 

"Ngayon ka lang kumain?" Tanong pa nito. 

"Ah, opo uncle. Galing pa po kasi akong trabaho." Nakangiti kong sagot. 

Hinawakan niya ako sa balikat. "Sige. Kumain ka ng marami at huwag kang mahiya." Anito bago niya iniwan upang asikasohin ang bagong dating na bisita. 

Dahil ayaw ko'ng makisalo ng lamesa sa hindi ko kilala ay agad kong tinapos ang pagkain. 

Nakihalo naman agad ako sa kumpolan ng mga pinsan kong lalaki na kasama ang dalawang pinsan kong babae na sina Joy at Jane sa likoran na silang mga malapit sa akin. 

Nagkwentohan, naglokohan, nagtatawanan at kantahan sila maliban sa akin. Pinilit nila akong kumunta pero ang tanging sagot ay, "Mamaya na, busog pa ako. Hindi ako makakabirit." 

Ilang sandali pa ay biglang pumunta sa harap si uncle at in-announce na may kakanta. Binayaran pa raw nila ito para lang kumanta sa araw ng kasal ni kuya Toto bukas at ngayong gabi. Tumayo naman iyong babae na pamilyar sa akin na kaedaran ni Grace. Ipinakilala pa ito ni uncle Juanito na nakapunta na raw ito sa maynila para sa ilang singing contest na sinalihan na mapapanood sa tv. 

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin at paglingon ko ay si papa pala. "Iyan si Melody, iyong singer na kinukwento ko sayo." Litanya pa nito. 

Kaya pala pamilyar dahil minsan ko na siyang nakita sa tv at pinagmamayabang pa ni papa sa akin. Ayon pa kay papa ay singer din daw ang kuya nito. 

Pagkatapos kumunta ni Melody ay tudo palakpak si papa at malaki ang ngiti na animoy anak niya ito at proud na proud. 

Hindi naman masyadong halata na fan si papa no? 

Ilang kanta pa ang kinanta ni Melody bago pumalit sa kaniya ang isang lalaki na tama lang ang tangkad. Mas matangkad lang ito ng ilang pulgada sa akin. Maganda ang tindig nito, matitipuno ang mga braso at magulo pa ang buhok, halatang kagagaling lang sa biyahe pero kahit ganon ay gwapo parin. 

Napabalik ako sa katinuan ng marinig ang hiyawan ng mga babae kong pinsan. Hindi ko alam na napatitig na pala ako dito. Hindi ko masisisi ang mga pinsan ko na humiyaw dahil talaga namang gwapo ito, bunos nalang na singer siya. 

Magsisimula na itong kumanta na biglang akong hinila nina Jane at Joy na kinikilig pa. Nagpupumiglas ako dahil sa harap pala nila ako balak dalhin kung saan silang dalawang nakaupo. 

Pagsasabihan ko na sana ang dalawa ng mapadako ang tingin ko sa lalaki na kumakanta at nakatingin sa akin. 

Ngiti ang kinakanta nito. Hindi ko alam pero biglang kumabog ng mabilis ang puso ko na para bang nakipagkarera ito. Nagtaasan din ang balahibo ko sa likod sa bahagi ng leeg nang marinig ko ang boses nito at hindi ko namalayang napatingil ako sa paglalakad nang magkasalubong ang aming mga mata. 

Hindi ko alam kung guniguni ko lang iyon o totoong ngumiti ito sa akin. 

Napapatig ako sa matamis nitong ngiti sa labi pero nabalik ako sa katinuon ng malakas akong hinala nina Joy at Jane. 

Wala na akong lakas para umangal kaya nagpahila nalang ako at umupo sa upoang inilaan nila sa akin sa harapan mismo kung saan napakalapit sa kumakanta. 

Shit! 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Nawala bigla ang lakas ko at bahagya pang nanginginig ang mga tuhod ko at nanlalamig pa ang mga kamay. 

Another shit! Anong nangyayari sa akin? 

Ilang kanta pa ang kinanta nito na solo bago lumapit ulit sa harap si Melody katabi ang kuya nito. Kumunta sila ng duet na ang title ay hanggang ngayon. 

Habang kumakanta sila ay hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa lalaki. Ang gwapong mukha nito sa pinaghihiyawan ng mga pinsan kong babae, ang mata nitong kulay hazel brown na kung na kung makatingin ay para kang hinihigop. 

He lookd at the audience at the right side that make me feel something weird run through my vein. 

I swallow hard when I saw his adams apple moved. Damn! Why so hot? And why I also feels hot! My face feels hot. Shit! Did i blush? Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay. 

"Rinig ko Teddy daw ang pangalan niyan." Joy suddenly whisper at me. 

Napabaling naman ako sa kaniya. "Kanino mo narinig?" Tanong ko. 

"Kay Auntie Haide." Sagot nito na nakay Teddy pa rin ang tingin. 

Si uncle Juanito at auntie Haide ay mag-asawa at anak naman nila si kuya Toto na ikakasal na bukas. 

"Mark Teddy Magsico ang full name," Jane also whisper enough for Joy to hear even Joy is one seat apart from Jane where i sitted. 

"Talaga?" Joy asked and Jane just nod. 

Nagugulohan ko silang dalawang tinignan nang kinuha nila sa kanikanilang mga bulsa ang cellphone. "What are you two doing?" 

Binigyan lang ako ni Joy ng 'duh-look' habang nakataas ang isang kilay ni Jane ng tignan ako. "Ano pa? E di i-a-add siya sa facebook." 

"Not just him but also his sister, Melody." Dugtong ni Joy. Napailing nalag ako sa ginawa nila. Nunkang i-a-accept sila nito. 

Tapos ng kumanta ang hired singer na sina Melody at Teddy Magsico. Nagkumpolan naman ulit kami ng mga pinsan ko'ng lalaki at syempre sina Joy at Jane na lukot ang mukha mula kanina ng i-add nila si Teddy sa facebook. 

Nagkakatanhan kaming magpipinsan at nag-iinoman na rin. I know that I'm not yet in the legal age to drink. I'm just seventeen yet I already tasted different kinds of alcohol. I'm not a hard drinker. I only drink hard liqour like whiskey every Christmas and New Year since that's the only time my favorite cousins would go home here. 

I only drink one to three shots of beer every birthday occassion. Sometimes I don't drink. I know my limits when it comes to liqours. I know how to control it. 

"What happened to that two?" Kiddy asked pertaining to Joy and Jane. 

"I don't know." Talaga namang hindi ko alam pero may ideya na ako kung bakit. Hindi sila in-accept. 

"Hoy! Anong nangyari sa inyo? Bakit ganiyan mga mukha niyo?" Tanong ni Cris at tinapik silang pareho sa balikat. 

"Hulaan ko, hindi kayo in-accept no?" Pang-aasar ko sa dalawa. 

"Accept? Nino?" Cris asked. 

"Sino pa? E di iyong lalaking singer. Teddy daw ang pangalan." I answered pretending that I don't care even though in my mind I care a lot. How would I ignore that handsome guy with an amazing voice? Babae pa rin naman ako kahit minsan napagkakamalang tomboy. 

"His full name is Mark Teddy Magsico, Applied Math College student, studied at Agus State University and-" basa ni Joy sa cellphone niya na hindi niya tinapos sa halip ay tumingin kay Jane at sabay nilang tinignan si Teddy na katabi ang kapatid nito at sabay na bumaling sa amin na pinapanood lang sila. 

"-in a relationship with Carlita Menendez." Sabay na sabi ni Joy at Jane tsaka magkasabay na uminom ng dalawang shot ng beer. 

God! Ganiyan sila ka affected? 

Siniko naman ako ni Kiddy. "Ikaw? Hindi ka broken hearted katulad nila? Taken na si Teddy." 

"Tsk! Anong pakialam ko? Hindi ko naman 'yon kilala." Tanggi ko but I knew deep inside me is affected. I thought he's single. Well, who would be single with that face? I'm sure as hell there's a lot of girls line up for him and my cousins, Joy and Jane are one of them. 

I feel my heart tear apart knowing Teddy is in a relationship. But hell, I won't be an additional to those girls who's lining up for him. 

Hindi ko pa naman siya kilala ng matgal at lubusan so nah! This is just an admiration and it will fade soon. 

I hope so. 

"Hoy!" Nagising nalang ako sa pagsiko ni Cris sa akin. "Shot na." Tinanggap ko naman ang baso at ininom iyon. 

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatingin kay Teddy. Kung hindi pa ako siniko ni Cris hindi ko pa malalaman. 

Gosh! Nakakahiya! Sana hindi nila ako nakitang nakatitig. 

Alas dies ng gabi at medyo humupa na ang mga nakikisaya. Grupo grupo narin ang mga naiwan. Magkaiba ang grupo ng mga matatandang lalaki at babae. May kaniya kaniya ring grupo para sa mga bata at iba ang grupo namin. 

Pagkatapos kumanta ni uncle Juanito ay pumunta siya sa harap katabi ang videoke. Bumunot siya ng pera sa bulsa at iwinagayway sa ere. 

"Pataasan ng score. Ang may pinakamataas na score at bibigyan ko ng five thousand, ang pangalawa three thousand at pangatlo two thousand. Hanggang tatlo lang." Anunsiyo ni uncle at inilahad ang mikropono sa harap. 

Unang sumalang ang mga matatanda at dahil nga mga nakainom na ang karamihan ay hindi maayos ang pagkakakanta. 

Sumunod naman kaming mga pamangkin. Pinakamalaking nakuhang score at ninety four habang eighty two naman ang pinakamababa. 

Eighty two ang nakuha ni Joy dahil hindi maayos ang kaniyang pagkakakanta dahil lasing na. Eighty nine naman kay Cris. Ninety ang nakuha ni Jane kahit medyo lasing na at Ninety two naman ang nakuha ni Kiddy. 

Sapilitang pinasali rin ni uncle sina Melody at Teddy. Sa huli ay ninety three ang score na nakuha ni Melody at ninety four naman ang score ni Teddy. 

Kahit malaking halaga ang mapapanalonan ay wala akong balak na sumali. Hindi dahil sa nahihiya ako dahil nanonoodn si Teddy. Infact, I can take it as a way to impress him but it's not that. 

I don't want to join because I'm tipsy. Lagpas na sa tatlong baso ang nainom kong beer. Hindi ko namalayan na napaparami na pala ako. 

I think it's because I somewhat feel broken? Is it because Teddy is in a relationship already? Damn! Why am i like this? 

"Si Clariz naman? Where's Clariz? I'm waiting for her." Napabaling ako sa may terresa kung saan nandoon si kuya Toto na may hawak ng mikropono. 

Shit! 

"Si Clariz?" Ulit nito. 

Nakita ko namang palingon lingon din si Teddy na hinahanap din yata ako. 

Another shit! 

"Nasaan si Clariz?" Tanong ulit ni kuya Toto na itinuro naman ako nina Joy, Jane at Cris samantalang pilit akong pinapatayo ni Kiddy. 

"Kid, ayoko!" Reklamo ko. 

"Sige na Clar. Five thousand din yun! May gusto kang bilhin diba? This is your chance." Pangungumbinsi nito sa akin pero ayaw ko parin. Nahihilo na nga ako eh. Paano kung magkamali ako ng kanta e di napahiya ako. 

"Ayon!" Rinig kong sabi ni kuya Toto ng makita ako. Patay! 

"Halika na Clariz," sumenyas pa ito na pinapalapit ako pero umiiling lang ako. "Sige na. Five thousand oh, tsaka may sasabihin din ako sayo pagkatapos." 

Naglumikot naman ang mata ko at wala sa sariling napatingin sa pwesto ni Teddy na ngayong nakatingin narin pala sa akin. 

Double shit! 

Wala akong nagawa ng buhatin ako ni Kiddy patungo sa terresa kung saan nakatayo si kuya Toto at nasa tabing lamesa naman nito sina Teddy at Melody kasama ang pinsan raw nitong si Miggy. 

Nakita ko pa ang pag-usbong ng ngiti nito sa labi na ikinahiya ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. 

Tripple shit! 

Nang maibaba ako ni Kiddy sa mismong tabi ni kuya Toto ay agad niya akong inakbayan na para bang kinukulong dahil tatakas ako. 

"Kumanta ka na. Pumili ka na diyan," ani kuya Toto at inilahad sa harap ko ang song book. "Pagkatapos mag-uusap tayo. May sasabihin ako." At ibinigay sa akin ang mikropono. 

Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang mikropono at mamili ng kanta. Nanginginig pa ang kamay ko sa kaba and knowing that Teddy is watching? Shit for the nth time! 

I can feel Teddy's gaze. Hindi ako nag-a-assume dahil ng silipin ko kanina ay tama ako. Nakatingin ito sa akin. 

Wala sa sariling umalis ako sa kinatatayuan at nagtungo sa videoke para pindotin ang unang natandaang numero na nakita sa song book. Hindi ko alam kung anong kanta iyon.

Bahala na! 

Pumwesto na ako sa gitna at hinanda ang sarili. I took a deep breath and look at the videoke screen that make my eyes widen. 

"Way back in to love" basa ko. 

Shit! It's duet song, how suppose i sing that song? I don't know how to mimic man's voice. 

Ramdam ko pa rin ang tingin ni Teddy pero ayaw ko ng lumingon dahil mapapahiya ako for sure. 

Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago nagsimulang kumanta. Bahala na! 

"I've been living with a shadow over head 

I've been sleeping with a cloud above my bed 

I've been lonely for so long 

Trapped in the past, I just can't seem to move on" 

Napapikit nalang ako dahil ayaw kong makita ang mga reaksiyon sa mga nakikinig at nanonood. Ayaw kong mapahiya pero wala akong magawa kundi ang kantahin ang part ng lalaki. 

Bahala na! 

"I've been hiding-" hindi ko na natuloy ang pagkanta dahil may narinig akong boses lalaki na kumanta sa part ng lalaki. 

"I've been hiding all my hopes and dreams away" 

Paglingon ko ay nakita ko si Teddy na nakatayo na at may hawak na isa pang mic at kumakanta. 

Para akong mabibingi ng tumitibok nanaman ang puso ko ng napakabilis. 

Dahil sa ginawa ni Teddy ay hindi ako napahiya. It's actually a romantic one. He saved me from the crowd and both of us sing a duet a song. 

God! This guy really makes me think fiary tale like. 

"I've been setting aside time, to clear a little space in the corners of my mind" 

Teddy slowly takes a step towards to my direction that makes me gasp. 

Dahil sa ginawa nito ay biglang naglaho sa paningin ko ang mga taong nasa paligid at si Teddy lang ang nakikita. Iyong napapanood sa pelikula. 

Kumindat ito sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan. 

"All I want to do is find a way back into love 

I can't make it through without a way back into love ohhh" sabay naming kanta. 

Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako rito. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na akong napatulala. 

"I've been watching but the stars refuse to shine 

Ive been searching but I just dont see the signs 

I know that its out there 

There's got to be something for my soul somewhere" 

God! Nakakahiya! Sana hindi niya namalayan. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya. 

"I've been looking for someone to shed some light 

Not just somebody to get me through the night 

I could use some direction, and I'm open to your suggestions" 

Nang pamansing dalawang hakbang nalang ang layo namin sa isat isa ay napahakbang ako paatras. Natatakot ako na baka marinig niya ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. 

"All I want to do is find a way back into love 

I can't make it through without a way back into love 

and If I open my heart again 

I guess Im hoping you'll be there for me in the end" 

Sabay naming kinanta ang chorus habang parehong nakatingin sa mata ng isa't isa. 

Humakbang ulit siya ng isang beses na hindi ko naman napansin dahil nakangin ako sa mga mata niya. 

Hindi ko mawari ang nararamdaman dahil parang hinihigop nito ang aking lakas. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. 

Sa pagkakataong ito ay nagpapasalamat ako na may music galing sa videoke dahilan para hindi nito marinig ang dagundong ng dibdib ko. 

Hanggang sa matapos ang kanta ay nanatiling nakatingin parin ako sa mga mata ni Teddy. 

Nagising lang ako sa reyalidad nang makarinig ng magkahalong palakpakan at hiyawan ng mga pinsan ko. Muling umusbong ang pag-init ng mukha ko kaya agad akong umiwas ng tingin at hilaw na ngumiti sa mga nakakita. 

Kanina pa ako nakauwi at nasa kwarto na ngayon pero hindi ako makatulog dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyaring duet kanina. 

Hanggang ngayon ay mabilis parin ang tibok ng puso ko. 

Sinubokan ko ulit matulog pero lumipas ang ilang minuto at nanatiling dilat ang aking mga mata. Napaupo nalang ako sa kama. 

I took a deep breath enumerately to relax myself. But instead, I remember something. 

Mark Teddy Magsico 

Sa pagkakatanda ko iyon ang full name na binanggit nina Jane at Joy kanina. 

I took off my phone on my pants pocket and click facebook. I search 'Mark Teddy Magsico' and waited a seconds for the results. 

Agad kong nahanap ang account nito nang makita ang profile picture. 

Binasa ko ang mga nakasulat na info roon at muli akong nagising sa pagpapantasya sa binata ng mabasa ang in a relationship with Carlita Menendez. 

Naibaba ko ang kamay na hawak ang cellphone at malalim na bumuntong hininga bago nagpatuloy sa pagbabasa. 

Lahat ng binasa nina Jane at Joy kanina ay nabasa ko rin. Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon ko kundi ang featured photo nito na may kasamang babae na maganda at kulot ang buhok. May hawak itong maliit na boquet ng bulaklak at teddy bear. 

Shit! 

Wala nga talaga akong pag-asa o kahit sino man sa pinsan ko. Bakit pa siya maghahanap ng iba e napakaganda na ng girlfriend niya. 

Siguro dahil medyo naparami ang inom ko kanina ay nagkaroon parin ako ng lakas na loob na i-add ito pati ang kapatid nitong si Melody at pinsang si Miggy. 

Kinabukasan sa kasal pansin kong masaya na sina Joy at Jane. Nahimasmasan na siguro sa kadramahan kagabi ng malamang taken na si Teddy. 

Bride's maid kaming tatlo at nang tawagin na mga bride's made at mga groom's men para pumila ay ewan ko ba pero lumakbay ang isip ko sa mga napanuod na pelikula noon na hindi inaasahan ng bida na ang taong gusto nilang maging ka-partner ay siyang magiging kaparehas nila sa linya pero alam kong imposibleng mangyari iyon sa akin dahil nauna sa loob si Teddy kasama ang kapatid nito dahil sila ang kakanta ng wedding march. 

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin talaga sa gawi nito. Hindi niya ako nahanap sa linya kaya Malaya kong napagmamasdan ang gwapo nitong mukha. 

Teddy is wearing a white suit na talagang bumagay sa kaniya. Hindi ko napigilang mailabas ang ngiti ng marealize na napaka-attractive nito tignan. 

Pansin ko ang pasulyap sulyap ng tingin ng iba sa kaniya. Ang iba naman ay walang hiyang tinititigan ito. 

Nang silipin ko siyang muli ay agad na nagtama ang mata namin. Hindi naman agad ako nakaiwas dahil sa gulat kaya nakita ko ang pagngiti nito na nagpainit sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin at bahagyang napayuko upang hindi nito makita ang pamumula ng pisnge ko. 

Paminsan minsan ko siyang sinusulyapan na agad ko namang babawin dahil nakatingin na ito sa akin bago ko pa siya tignan. 

Hanggang sa in-announce ng pari ang 'you may now kiss the bride' ay kusang kumawala ang matamis na ngiti sa akingng labi ng makitang maglapat ang mga labi ng ikinasal. 

Hindi man ako kikay katulad ng iba, at mas madalas mang panglalaki ang suot ko, pangarap ko parin ang maikasal sa taong mamahalin ko at mamahalin ako panghabambuhay. Lahat naman siguro ng babae iyon ang pangarap. 

Nakangiti ako habang pumapalakpak at sa hindi ko mabilang na pagkakataon, muli akong napatingin sa gawi ni Teddy na nahuli kong nakatingin din pala sa akin. 

For the first time, I smiled to him before turning around to join the picture taking. 

Sa reception ay hindi ko inaasahang magkakasama kami sa iisang lamesa kasama ang pinsan nitong si Miggy. 

Agad namang nagpalagayan ng loob ang binata sa pinansan kong sina Kiddy at Cris at iba pa. Buti na nga lang ay hindi ko ito katabi dahil kung nagkataon ay ewan ko kung makakakain pa ba ako o uupo nalang. 

Pero dahil pabilog ang lamesa, hindi ko man siya katabi ay kaharap ko naman. 

Shit! 

Masgugustohin ko pa yatang makatabi nalang siya dahil maiiwasan ko ang tingin niya kumpara na magkaharap kami. 

Malakas ang kabog ng dibdib ko at medyo nanginginig din ang kamay ko kaya ingat na ingat ako kung sumubo at hindi ko kailanman sinubokang tignan ang gawi niya dahil pakiramdam ko ay maririnig na nito ang kabog ng dibdib ko sa subrang lakas kapag nagkatinginan kami. 

Pinagpasalamat ko naman sa diyos na inanyayahan siya nina Kiddy at Cris na ipakilala sa iba pang pinsan kaya nakahinga ako ng maluwag at agad na tinapos ang pagkain. 

Hindi ako makakilos ng normal kapag andiyan siya at ilang hakbang lang ang layo naming dalawa. Hindi ako makahinga ng normal dahil parang hinihigop nito ang hangin na aking hinihinga. 

"Clar, kantahan mo na kami." Pangungusap ni kuya Toto na bigla nalang sumulpot kung saan. "Tinanggihan mo na ako nang sabihin kong kumanta ka sa simbahan, tatanggihan mo pa rin ba ako dito sa reception?" Pangongonsensiya pa nito. 

"Nangonsensiya ka pa kuya." Tugon ko na ikinatawa lang nito. 

Kinausap niya ako kagabi dahil gusto nitong kumanta ako sa simabahan pero tumanggi ako. Ang rason ko sa kaniya; may binayaran naman silang singer bakit pa ako kakanta? Anong silbe nila? Sayang lang ang perang ipinangbayad nila. 

Pero ang totoo ayaw ko lang makatabi si Teddy. If possible, I don't want to get near him. 

I sang ikaw by Yeng Constantino. At dahil nakita kong nasa harapan si Teddy ay pinili kong pumikit hanggang matapos ang kanta. I opened my eyes to wish the newly wed a happy married life. 

Kakasabi ko pa lang kanina na as much as possible I don't want to get near him but hell! There he is beside my Uncle Juanito who's approaching me. 

I swallow hard and pretend that he doesn't have effect on me. I know this feeling. I know where this could lead me so as early as now I want to throw it away. I want to kill this feeling as I know that Teddy is in a relationship and I'm not a relationship breaker. 

Hindi ko hahayaang umusbong pa ang pagkakagusto ko rito dahil may nagmamay-ari na sa puso nito. 

I can read my uncle Juanito and he tends to introduce us to each other but sorry, if that will happened, I'm sure I will have a hard time forgeting him. 

Ibinigay ko ang microphone kay uncle Juanito. "Excuse lang po uncle, cr lang po ako." Hindi na hinintay pa ang sagot nito at agad na akong umalis. Nasa left side ang cr pero sa right side ang tinahak kong daan na alam kong daan pakalsada. 

Oo, aalis na ako. Hanggang nananatili kami sa iisang lugar ay malaki ang tsansang magkalapit kami at alam ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon ay unti unting uusbong ang pagkagusto ko sa kaniya. Ito pa naman ang unang beses kong magkagusto sa isang lalaki. 

Yes, I'm seventeen and single since birth but hell! I'm not innocent to not know the feeling of it. I knows what love is. 

Love has no age and a seventeen years old girl like me can love someone already and these feeling I'm feeling right now is new to me but I know where this could lead me so I want to end it hanggang hindi pa ito umuusbong. 

Habang tumatakbo pauwi ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi na rin ako nag-abalang sumakay kaya pala ako pinagtitinginan dahil nagmumukha akong run away bride kung puti lang ang suot ko. 

Hindi ko alam kung bakit nininikip ang dibdib ko sanhi para hindi ako makahinga ng mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak na parang broken hearted kahit hindi naman dahil wala akong boyfriend. 

Shit! 

Ano bang nangyayari sa akin? 

Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa harap na pala ako ng bahay. Hindi ko akalaing makakaya kong umuwi mula sa reception na hindi sumasakay ang layo pala talaga ng tinakbo ko. 

Agad akong pumasok sa bahay at nagkulong sa kwarto para doon iiyak lahat ng hindi ko maipaliwag na sakit na nararamdaman. 

May kadiliman na ng magising ako dahil sa katok. Tuyo na ang aking mukha pero mahahalata parin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Suot ko parin ang gown na pang bride's made pero gusot gusot na iyon. 

"Ate, pupunta ako kina uncle Juanito. Andoon din sina mama kaya ikaw nalang mag-isa ang maiiwan dito." Paalam ni Grace mula sa labas ng kwarto. 

"Okay lang ako." Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Buti na nga lang hindi nabasag ang boses ko. 

Okay lang ba talaga ako? 

"Okay. Aalis na ako." Anito at ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagbukas at sara ng gate. 

Kanina pa umalis si Grace pero hanggang ngayon nasa ganong posisyon pa rin ako. Nakaupo at nakatulala sa kisame. Lumulotang ang isip sa maraming bagay. 

Why did i run? Wala naman akong kasalanan. 

Bakit ako umiyak? Hindi ko naman siya kilala personally. I only know his name, Mark Teddy Magsico. 

Why i'm afraid to be near him? Hindi naman siya kriminal. 

Why i have this feeling? I shouldn't feel this way. 

Ilan lang iyan sa mga katanungang naiisip ko at lahat nagsisimula sa 'bakit'. 

Bakit nga ba? 

Napabuga ako ng malalim na hininga at napahilamos sa mukha. Nagtataka kong tinignan ang mga palad ko nang maramdamang basa iyon. 

"Umiiyak nanaman pala ako, hindi ko man lang namalayan," sabi ko sa sarili at napatanga ulit. 

Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang sandali bago nagdesisyong maligo dahil sa panlalagkit dulot ng pawis na nakuha ko sa pagtakbo kanina para makatakas kay Teddy. 

Bakit ko ba siya iniiwasan? 

Muling sumalakay ang mga katanungang 'bakit' sa isip ko. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at naghubad. 

Ilang sandali pa ay hubot hubad na ang aking katawan ng pumailalim ako sa shower. Napapikit ako dulot ng lamig ng tubig nang tumama sa aking katawan. Ipinikit ko ang mga mata upang damhin ang tubig at upang mai-relax at makalimotan ang problema. 

Nagpapasalamat ako dahil kahit sandali lang ay naging malaya ang isipan ko sa mga alalahanin na hindi naman dapat inaalala pero ang isang bahagi ng katawan ko ay pilit na dinadama kahit ayaw ko na. 

Nakaupo ako sa sala at kaharap ang laptop, pilit na ipinupukos ang atensinyon sa ginagawang research. 

"Bwisit!" Sigaw ko at itinapon ang mga papel na nasa harap. "Bakit ba ayaw mo akong lubayan!" muli kong sigaw matapos maalala ang nangyaring duet namin ni Teddy kagabi. 

Nang makatanggap ako ng mensahe galing sa ka-grupo ay sinubokan kong muli na mag-focus at buti nalang ay nagawa ko kahit sandali lang dahil sinakop muli nito ang aking isipan at hindi na muling nakapag-concentrate kaya iniligpit ko nalang ang gamit at bukas ko nalang tataposin sa paaralan. 

Tapos na akong kumain ng haponan na mag-isa dahil nagsasaya pa ang buo kong pamilya kasama ang mga dumalo sa kasal sa mismong bahay nina uncle Juanito. Tiyak na magtatanong sila kung bakit wala ako roon dahil sa aming lahat ay ako ang mahilig sa mga celebration ngunit wala ako ngayon roon. 

Kailangan kong maghanda ng irarason kung sakaling tanongin man nila ako. 

Nasa kwarto na ako at handa ng matulog dahil magha-hating gabi na rin ng tumunog ang cellphone ko. 

Uncle Juanito calling... 

Hindi ko alam kung sasagotin ko ba at magpapalusot nalang o hahayaan nalang. 

Sa huli ay hinayaan ko iyon. Pang-ilang ulit pa itong tumawag sa akin pero hindi ko pinansin. Alam ko na magtatanong ito kung bakit ako biglang nawala, ito pa na mala-agila ang mata kung makamasid at wala akong maira-rason kapag sinagot ko ang tawag. 

Nakahiga ako at nakatitig sa kisame. Ewan ko ba kung bakit itsura si Teddy ang nakikita ko sa kisame. Ganoon ba ka-lala ang nararamdaman kong pagka-gusto sa binata? Is this what they called "love at first sight"? 

Ilang oras kong inukalkal ang isipan para masagot ang bumabagabag na bagong matanding tanong sa sarili pero hanggang sa nakatulog nalang ako ay wala pa rin akong naisagot ni isa man sa mga tanong ko. 

As I close my eyes, my tears started to fall down. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Week Of Its Best   Chapter 15

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 04, 2019The day: Unscared FiestaMaaga akong nagising hindi dahil sa maaga ang pasok ko kundi dahil sa maagang paghahanda dahil fiesta. May handa kasi kami ngayon kompara noong nakaraang taon na nakihalo lang kami kina Uncle Juanito.Kaninang madaling araw pa gising sina Mama at Papa dahil nagluluto kasama ang iilan nilang kaibigan na tumutulong.Alas nuwebe pa ang pasok ko ngayon kaya nakatulong pa ako sandali. Naitext at natawagan ko na rin ang iilan sa mga kaibigan ko para imbitahin.Masaya akong naghanda para pumasok. Nai-chat ko na rin ang mga kaklase kong huwag mag uniporme o 'di kaya'y magdala nalang ng extra par

  • One Week Of Its Best   Chapter 14

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 03, 2019Seven thirty ang oras ng pasok ko dahil thursday pero lagpas alas otso na ako dumating dahil natakot akong lumabas ng bahay. Baka kasi nasa kanto lang ulit ang mga kasamahan ni Ian.Tinext ko rin si Teddy na kung pwede masundo niya ako kasi natatakot ako pero wala siyang reply.I wanted to open it to my parents but there's no voice coming out on my mouth. I wanted to ask for their help but I don't want them to worry.Wala naman silang ginawa sa akin bukod sa takotin ako. Kaya iyon nalang ang inisip ko na hanggang salita lang sila at hindi pa rin nila kayang manakit lalo pa't iniligtas nga ako ni Ian sa muntikang pagkakabangga.

  • One Week Of Its Best   Chapter 13

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 02, 2019Matamlay akong bumangon dahil pagkatapos kong iwan si Teddy kagabi ay hindi man lang niya ako sinundan o kahit man lang text wala.Nawalan ako ng gana kagabi pero mas tumudo iyon ng makita ko si Carlita. I even heard her conversation with her friends..."He already have a girlfriend, Car. Give it up already!""No. I am his girlfriend, Nat. And he loves me. He's just using that girl.""You're being a relationship breaker.""I am not. Teddy is still mine even after we broke up.""You mean, leaving him and chosing that fucking frat guy.""Shut up!"Using. Is he r

  • One Week Of Its Best   Chapter 12

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 01, 2019Nagulat ako dahil paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Teddy sa sala. Prenteng nakaupo sa single sofa at kausap si papa na libang na libang naman rito."What are you doing here?" Sinilip ko ang wall clock at nakitang quarter to seven pa. "Ang aga mo ah? Wala ka bang pasok?""Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. Nahiya naman ako dahil hindi ko man lang siya binati. "I'm here to fetch you.""Galing ate ah, may tagahatid-sundo ka na. Makakatipid ka sa pamasahe." Ani Grace."Grace, kumain ka na nga lang. Baka ma-late ka pa." Saway ni Mama. "Huwag mo ng asarin 'yang ate mo at nagdadalaga.""Ma!" Ram

  • One Week Of Its Best   Chapter 11

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========September 30, 2019Araw ng Lunes at alas otso ang first period namin ngayon pero alas syete pa lang ay nasa room na ako. Isa isa kong nilagyan ng bracelet ang desk nina Althea, Decilyn, Jamaica, Jercel at Rhealyn. Bracelet iyon na kahoy na na pinaukitan ko ng mga pangalan nila at endearment ko sa kanila na babe. Binili ko iyon kagabi sa park kasama si Teddy. Meron din nga ako, eh. Bibili rin sana ako para sa aming dalawa pero wala akong nagustohan na pang couple.Bumili din ako kanina ng chocolate na goya at maliit na tube ng stick-o dahil alam kung mahilig sila roon. Tig-isa sila. May sticky note rin akong dinikit roon na may sulat na "sorry babe. Hindi na maulit. I love you."Nanghiram

  • One Week Of Its Best   Chapter 10

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========I flipped the next page and was about to read when someone tapped my shoulder."Busy ah, uwian na." It was Miguel. He already have his bag on."Tara na, pre." Si Christian naman na isinusuot pa ang bag sa likod.I roam my eyes and saw my classmates getting ready to go home. I frowned. "Tapos na ang klase?""Ha?" Kunot noo'ng tanong ni Miguel."Pre, uwian na. Hindi pumasok ni prof," Si Christian habang tumatawa.Ganon ba ako katagal nahumaling magbasa na hindi ko na namalayang wala ang prof, at uwian na? Kung ganon lagpas dalawang oras ako nagbasa?"Ano ba 'yan?" Miguel ang was about to steal the black notebook or shoul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status