Share

Chapter 3

last update publish date: 2020-05-20 19:13:08

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.

===========

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Should I read it? Or ignore it? It's been what? Six months.

Six months na ang nakalipas nang huli ko siyang makita. Sa panahong nagdaan ay nakalimotan ko na siya. Not totally natural of forgeting him but forcefully forgeting him.

Yes. I did anything and everything to forget and avoid hearing and asking about him. Kahit pa si Papa mismo ang kusang nagku-kwento tungkol sa mga singing contest na sinasalihan ni Melody at maging ni Teddy.

Ayaw kong makarinig ng kahit na anong kwento o balita tungkol sa kaniya pero mapipigilan ko ba si Papa na kung ipagmalaki ang magkapatid ay parang ito ang ama.

But at some point, I like hearing updates about him. Kahit pa tungkol lang ang lahat ng iyon sa pagkapanalo sa singing contest na sinalihan. Sa bawat balita ni papa na nananalo ito ay pati ako nagdidiwang. Pero huminto rin kalaunan si papa sa mga kwento niya tungkol sa magkapatid kaya nawala na rin siya sa isip ko lalo pa't ibinaon ko na ito sa limot dahil sa kaalamang may girlfriend na ito.

Pero sa huli ay binasa ko pa rin ang mensahe niya. Wala eh, marupok.

It was a simple "hi" and I replied "hello".

The next message was the one that make my heart skip a beat. 

"Asan ka?"

Bakit ito nagtatanong? Naalala pa kaya niya ako? Dahil ako ay kahit anim na buwan na ang nakalipas at sapilitang binabaon siya sa limot ay nananatiling malinaw ang memorya ko sa kaniya. Ang mukha niya, maging nga ang boses niya ay naririnig ko pa rin. 

Ganon rin ba ito sa akin? O nakalimotan na niya ako?

Baka kasi nagtatanong lang at walang ibang ibig sabihin. Tandaan mo may girlfriend na 'yan. Sermon ko sa sarili.

Ako: "Nasa bahay. Bakit?" Balik kong tanong.

Hindi rin naman nagtagal pa ang reply nito. 

Teddy: "Akala ko nasa school ka lang."

Nagsalubong ang kilay ko. 

Ako: "School? Alam mo kung saan ako nag-aaral?"

Teddy: "Sa ASU"

Dahil sa reply nito ay kusang bumalik sa aking alaala ang impormasyong nalaman ko noon sa mga pinsan ko.

"His full name is Mark Teddy Magsico, Applied Math College student, study at Agus State University-"

"Hala!" Kusang lumipad ang isang palad ko sa aking bibig. Nakalimotan kong sa ASU pala siya nag-aaral.

Hindi ko na alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pakikipag-chat sa kaniya o huwag nalang pansinin pero kahit na umayaw ang utak ko kusa namang gumagalaw ang kamay ko para mag-reply dito.

Ako: "Bakit?"

Hindi ko alam kung anong klaseng tanong iyon at kung para saan dahil halata namang malayo sa dapat na sagot ko sa mensahe niya.

Eh ano ba dapat ang i-reply mo? Tanong ng isang bahagi sa isip ko. Hindi ko rin alam.

Teddy: "Kung pwede sana magkita tayo."

Kusa kong nabitawan ang cellphone, laglag ang panga at nanlalaki ang mata sa nabasa. Is he serious?

Nanigas pa ako ng ilang sandali bago nagising at magreply muli.

Ako: "Bakit?"

Hindi pa bumabalik sa tamang ayos ang utak ko kaya isang salita lang ang nai-reply ko at tanong pa.

Bakit naman gusto nitong magkita kami? That does mean he still remember me? Agad ko namang ipinilig ang aking ulo upang mawala ang kung ano mang nagsisimulang umusbong sa utak ko para rito.

Teddy: "Wala kasi akong kasama. Pwede mo ba akong samahan?"

Mang ilang ulit ko pang binasa iyon dahil hindi pumapasok sa utak ko.

Wala itong kasama? At gusto niyang samahan ko siya?

Ako: "Bakit?"

Kompirmadong nawala na nga ako sa sarili dahil pangatlong beses ko na itong naitanong sa magkaibang mensahe niya.

Bakit nga ba? Bakit gusto nitong samahan ko siya? Bakit siya mag-isa? At higit sa lahat bakit ako? Imposible namang wala itong kaibigan.

Teddy: "Wala akong kasama at wala akong makausap. Kung ayos lang sayo samahan mo ako? Nasa school lang ako sa shed malapit sa gym."

May parte sa aking gusto siyang puntahan pero babiyahe pa ako at kakauwi ko pa lang. Sayang rin pamasahe at isa pa, ano namang gagawin ko kapag nagkita kami? Paniguradong awkward ang magiging kalabasan niyon kaya huwag nalang.

Ako: "Sorry, nakauwi na ako eh. Sayang pamasahe."

Teddy: "Hindi ka manonood mamaya?"

Nangunot ang noo ko sa ini-reply niya. Bakit, ano bang meron mamaya? Wala naman akong nabalitaang event na kailangan naming puntahan. Wala namang in-announce sa room namin.

Ako: "Ano bang meron?"

Teddy: "Acquaintance party ng department namin."

Kusang lumabas ang ngiwi sa labi ko. Acquaintance party lang pala. Mabuti sana kung kasali ako eh hindi naman.

Ako: "Hindi. Hindi naman ako kasali diyan. Sige, enjoy ka nalang."

Nabasa na nito ang reply ko. Hinintay ko ang isasagot nito pero lumipas na ang limang minuto ay wala pa rin.

Malamang hindi na magre-reply yon. Pang-dismiss na ang reply mo eh. Sabi ng kung sino sa isip ko. 

Tama nga naman. Pero medyo nadismaya rin ako dahil hindi man lang ito nag-effort upang humaba ang usapan namin at pilitin ako. Kung pinilit lang niya ako ngayon din ay aalis ako.

September 24, 2019

Maaga akong dumating sa school. Nasa labas palang ako ng room ay rinig ko na ang usap usapan ng mga classmates ko tungkol sa event raw kagabi.

"Babe Clar, pumunta ka?" Bungad na tanong ni Althea sa akin.

"Ha?" taka kong tanong. "Saan?"

"Sa gym. Acquaintance party ng CAS kagabi." Anito.

Oo nga pala. Sinabi ni Teddy sa akin kahapon at pinapapunta pa niya ako.

"Hindi. Nakauwi na ako eh at hindi naman tayo kasali do'n. Buti sana kung pati tayo bibigyan ng pagkain." Natawa lang sila sa sagot ko.

Magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok ang instructor namin kaya nagsiupoan nalang kami.

Pagsapit ng lunch, habang naglalakad ay nagfi-facebook ako nang makatanggap ng mensahe ulit galing kay Teddy.

Teddy: "Nasan ka?"

Ito nanaman at nagtatanong ulit siya.

Ako: "Bakit?"

At ito nanaman ulit ako sa 'bakit' ko. Ewan ko ba at nawawalan ako ng sasabihin bigla pagdating sa kaniya kahit madaldal naman ako.

Dahil sa pagse-cellphone ay bumagal ang paglalakad ko kaya nakapasok na sina Althea sa cafeteria pero ako nasa labas pa. Ibinaba ko ang cellphone at sumunod rito.

Papasok na sana ako sa cafeteria ng may mahagip ang mata ko. Isang lalaki na nakatayo at nakauniporme hindi kalayoan sa cafeteria na katabi ng isang shed. 

Ang linis nitong tignan at halatang isang mabuting estudyante na may maaabot sa buhay. Bakat rin dito ang makisig na braso. Kung titignan ay nakatayo lang ito ng tuwid pero halata mo ang magara nitong tindig na para bang nagsasabi na may awtoridad siya sa paaralan. Hindi bilang isang guro o opisyal ng isang organisasyon kundi isang awtoridad na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako at pinagmamasdan ito. Mabuti nalang at walang nakakita sa akin. Kung meron man ay hindi naman nila ako kilala. Nabalik lang ako sa kasalukoyan ng tumunog ang cellphone ko na halatang sa messenger nanggagaling ang notification na dumating.

Teddy: "Kita tayo."

Ilang ulit pa akong napapikit bago kusang umangat ang ulo ko upang tignan ito sa kinatatayoan kanina.

Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayoan nang makita itong naglalakad palapit sa akin.

Sh*t! Mura ko sa isipan.

Gusto kong magtago pero hindi ko maigalaw ang paa ko para tumakbo. Bawat hakbang niya palapit sa akin ay katumbas ang bawat pagpintig ng malakas ng aking puso na nagpapabingi sa akin..

Bakit ganito? 

Bakit ako kinakabahan? 

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit subrang bilis ng tibok nang puso?

Hindi ko mapagtanto kung ano iyon.

Ang kaninang nagwawala sa pintig na puso ko na nagpapabinge sa akin sa lakas ng tibok nito ay biglang naglaho. Parang tinusok ng kung anong matalim na bagay ang aking dibdib ng makitang nilagpasan lang niya ako kasama ang dalawa pang kausap kanina at pumasok sa loob ng cafeteria.

Kusang nalaglag ang panga ko sa gulat na nasaksihan. Wala ako sa sariling napaatras dahil sa hindi malamang sakit ng dibdib. Unti unting nanlalabo ang mata ko dahil sa pamumuo ng luha rito.

Nakatayo ako mismo sa bukana ng pinto ng cafeteria kaya imposibleng hindi niya ako nakita, unless... hindi niya ako matandaan.

Mas sumikip pa yata ang dibdib ko.

Nasilip ko pa itong hawak ang cellphone niya habang kausap ang dalawang kasama.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang aking pagtakbo paalis sa cafeteria na kinalululanan niya. Hindi ko yata kayang pumasok roon.

Sa bawat hakbang ko palayo ay isang patak ng luha ang sumusunod kasabay nito ang pagbalik sa aking isip ang nangyaring paglampas nito sa aking harapan na hindi man lang ako napapansin.

Nasa harap lang ako. Kaharap na niya ako pero hindi niya nakita?

Kung kanina ay hindi ko malaman ang dahilan ng pagpintig ng malakas ng aking puso, ngayon ay pumipintig ito ng malakas dahil sa sakit na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Mabilis ang tibok ng puso ko na hatid ay ang pagpapahirap sa aking paghinga. Ang kaninang isa isang patak na tulo ng luha ay nagtuloy tuloy na na parang gripo. 

Naghalohalo na lahat ng nararamdaman ko na nagdulot sa panginginig ng aking tuhod at manghina dahilan para ako'y mapaupo sa gilid daan.

Hindi pa ako nagtatagal sa pinagtumbahan ko ay may pares na ng sapatos ang huminto sa harap. Gustohin ko man itong tingalain upang malaman kung sino ay hindi ko magawa dahil sa patuloy na pag-iyak.

"Clariz," rinig kong tawag nito. 

Sa boses palang ay alam ko na kung sino ito kaya imbes na huminto ang pagdaloy ng luha ko ay nagpatuloy ito at tuloyan na akong napahikbi.

Nakita ko ang pagluhod niya sa harap ko. Maya maya lang ay naramdaman ko na ang mga kamay nito sa balikat ko.

"Okay ka lang?"

Gusto ko siyang barahin pero hindi ko magawa. Kung nasa sarili lang ako baka ginawa ko na.

Sa halip na barahin at kung ano ang lumabas sa bibig ko ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ko na nauwi sa hagulgol. Nasa daan kami kaya alam kong pinagtitinginan na kami ngayon pero wala akong pakealam sa paligid ang importante ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.

Dahil sa paghagulgol ko ay tuloyan na akong niyakap ni Ace at itinago ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang mainit niyang palad sa aking likod na humahaplos na tila ba'y sinasabi nito sa akin na magiging maayos din ang lahat at iiyak ko lang ang lahat ng nasa loob ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kaming nanatili sa daan bago niya ako inalalayan tumayo at umupo sa isang shed na malapit sa pinagtumbahan ko pagkatapos kong umiyak.

Ilang beses akong napapikit ng biglang may mineral water na sumalubong sa harap ko. Hindi ko namalayang napatulala na pala ako habang nakatingin sa kawalan. Ramdam ko pa ang paghapdi ng mata ko dulot ng pag-iyak kanikanina lang.

"Sandali lang ako nawala nakatulala ka na agad."

Napabaling ako sa kanan kung saan nakaupo si Ace na katabi ko. 

"Anong nangyari?" Tanong niya. "Bakit ka umiyak?"

Nakakahiya! Ngayon lang ko ‘to naramdaman. Kung hindi pa ako nahimasmasan ay hindi pa ako makakaramdam ng hiya.

Hindi ko mapigilang mag-init ang mukha dahil sa hiya na naramdaman. Nakita ako ni Ace na umiyak sa daan. Umiyak ako sa harap ng crush ko!

"W-wala." Ang tanging sagot ko.

"Bumili ako ng pagkain," aniya at hinila ang lamesa palapit at inayos ang pagkaing binili roon. "Kumain ka na."

Gusto ko pa sanang umayaw dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina pero hindi ko na ginawa dahil gutom na rin naman ako. Grasya na 'yan, ba't ko pa tatanggihan?

"I-ikaw?" 

"Sabay tayo." Sagot niya at ngumiti.

Ngiting totoo na nagpagaan sa aking puso kaya hindi ko na pinigilang gantihan rin ito ng ngiti. Ngiting totoo at hindi pilit.

Hindi ko alam na makakangiti pa rin pala ako ng totoo sa kabila ng nagyaring pag-iyak kanina.

"Buti naman at napangiti kita. Maganda ka kapag nakangiti." Anito na nagpamula sa akin. "Hindi ako sanay makita kang malungkot o umiyak man."

"Akala mo naman matagal na tayong magkakilala eh magdadalawang buwan pa lang naman ah." Pambabara ko para hindi niya mahalata ang pamumula ko.

Tumingin siya sa akin kaya nagkasalubong ang mata namin. "Matagal na iyon para sa akin. At sa dalawang buwan na iyon ay ni minsan hindi kita nakitang malungkot at umiyak kaya nakakapanibago."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Ang sarap lang pakinggan ng mga sinabi niya, kaya crush ko siya eh.

"Kaya huwag mo ng uulitin 'yon." Bilin pa niya.

"Bakit?" kutang kuta na sa akin ang tanong na ito ah!

"Bukod sa nakakahiya dahil sa daan ka umiyak at pinagtitinginan tayo ay-" bitin niya sa sasabihin dahil tumingin muna siya sa akin at naniningkit ang mga mata. "-ang pangit mong umiyak."

Awtomatiko ko siyang nahampas pero agad naman din niya itong naiwasan. "Tarantado!" Asik ko. "Pasalamat ka crush kita kundi hindi kita titigilan hanggat hindi ako nakakaganti."

Tumawa lang siya. Alam na kasi mismo ni Ace na crush ko siya. Ipagsigawan ko ba naman sa buong classroom hindi niya malalaman?

Pero sa totoo lang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil sa kaniya pansamantala kong nakalimotan ang dahilan kung bakit ako umiyak.

"Alam kong crush mo ako pero huwag masyadong tumitig, sige ka baka ma-inlove ka na sa akin." Nakangiting pang-aasar niya.

"Feeling nito!" sabi ko at umiwas ng tingin. "Kumain nalang nga tayo. Gutom na ako." 

Nasa loob na ako ng kwarto dito sa bahay pero hindi ako mapakali. Nag-message nanaman kasi si Teddy sa akin at naalala ko nanaman ang nangyaring pag-iyak kanina.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiyak. Bakit nga ba?

Do I love him? Or do I still love him?

Ako: "Kilala mo ba ako?"

Hindi ko na napigilan pang magtanong. Gusto kong malaman kung bakit hindi man lang siya huminto sa harap ko kanina sa cafeteria.

Alam kong nakita niya ako dahil nagkasalubong pa ang tingin namin kaya imposibleng hindi niya ako makilala.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng matindi. Hinihingal rin ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Kinakapos ako ng hangin. Nanginginig din ang kamay ko kaya naibaba ko ang cellphone sa kama.

Hindi na ako mapakali habang hinihintay ang reply niya kaya hindi ko naiwasang mapatayo. Ginalaw galaw ko pa ang kamay ko na madalas kong ginagawa upang panatilihing gising ang sarili.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone ko na bahagya ko pang ikinatalon dahil sa gulat.

I took a deep breath before picking up the phone ang click the messenger to open his message.

On that moment, my world stopped so as my heart and crashed.

Ang bilis ng tibok ng puso ko na nagpakaba kanina sa akin ay mas lalo pang bumilis na nagreresulta na nang pagsakit ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos kahit nakabuka na ang bibig ko dahil kusang nalaglag ang panga ko ng mabasa ang sagot ni Teddy.

Umiling iling ako at hindi makapaniwala habang nakatanaw lang sa mensahe nito.

Ang panlalamig at nginig na naramdaman ko kanina ay bumalik. Ang panghihina ng tuhod ko ay muli kong naramdaman. Ngunit sa halip na matumba kagaya ng nangyari kanina ay nanatili akong nakatayo at nanigas habang hawak pa rin ang cellphone na ngayon ay basa na ng aking luha.

Para akong inoperahan ng walang anesthesia sa sakit na nararamdaman.

Ngayon alam ko na ang sagot sa lahat ng tanong ko.

Alam ko na kung bakit ako umiyak kanina.

Alam ko na kung bakit niya ako inignora kanina… at iyon ay dahil hindi niya ako maalala… hindi niya ako kilala.

Teddy: "Hindi. Kaya nga makikipagkita ako sayo kung ayos lang.

Hindi niya ako maalala habang ako ay subrang linaw pa ng memorya ko noong huling kita ko sa kaniya.

Ang daya!

Ang mas pinakamadaya pa ay ang inakala kong nakalimotan ko na ang nararamdaman ko noon sa kaniya, na nawala na iyon ng tuloyan dahil anim na buwan na rin ang nakalipas pero mali ako. Akala ko lang pala iyon. Dahil kung talagang wala na, hindi ako magkakaganito. Hindi ko siya iiyakan.

Ngayon alam ko na kung bakit ako umiiyak at nasasaktan.

At iyon ay dahil inakala kong nawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil ang totoo ni minsan ay hindi iyon nawala kahit pa hindi kami nagkita ng anim na buwan ay nananatili ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Mahal ko siya...

Minahal ko siya ng patago kaya ngayon... patago rin akong nasasaktan

Minahal ko ang taong hindi naman ako kilala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Week Of Its Best   Chapter 15

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 04, 2019The day: Unscared FiestaMaaga akong nagising hindi dahil sa maaga ang pasok ko kundi dahil sa maagang paghahanda dahil fiesta. May handa kasi kami ngayon kompara noong nakaraang taon na nakihalo lang kami kina Uncle Juanito.Kaninang madaling araw pa gising sina Mama at Papa dahil nagluluto kasama ang iilan nilang kaibigan na tumutulong.Alas nuwebe pa ang pasok ko ngayon kaya nakatulong pa ako sandali. Naitext at natawagan ko na rin ang iilan sa mga kaibigan ko para imbitahin.Masaya akong naghanda para pumasok. Nai-chat ko na rin ang mga kaklase kong huwag mag uniporme o 'di kaya'y magdala nalang ng extra par

  • One Week Of Its Best   Chapter 14

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 03, 2019Seven thirty ang oras ng pasok ko dahil thursday pero lagpas alas otso na ako dumating dahil natakot akong lumabas ng bahay. Baka kasi nasa kanto lang ulit ang mga kasamahan ni Ian.Tinext ko rin si Teddy na kung pwede masundo niya ako kasi natatakot ako pero wala siyang reply.I wanted to open it to my parents but there's no voice coming out on my mouth. I wanted to ask for their help but I don't want them to worry.Wala naman silang ginawa sa akin bukod sa takotin ako. Kaya iyon nalang ang inisip ko na hanggang salita lang sila at hindi pa rin nila kayang manakit lalo pa't iniligtas nga ako ni Ian sa muntikang pagkakabangga.

  • One Week Of Its Best   Chapter 13

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 02, 2019Matamlay akong bumangon dahil pagkatapos kong iwan si Teddy kagabi ay hindi man lang niya ako sinundan o kahit man lang text wala.Nawalan ako ng gana kagabi pero mas tumudo iyon ng makita ko si Carlita. I even heard her conversation with her friends..."He already have a girlfriend, Car. Give it up already!""No. I am his girlfriend, Nat. And he loves me. He's just using that girl.""You're being a relationship breaker.""I am not. Teddy is still mine even after we broke up.""You mean, leaving him and chosing that fucking frat guy.""Shut up!"Using. Is he r

  • One Week Of Its Best   Chapter 12

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========October 01, 2019Nagulat ako dahil paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Teddy sa sala. Prenteng nakaupo sa single sofa at kausap si papa na libang na libang naman rito."What are you doing here?" Sinilip ko ang wall clock at nakitang quarter to seven pa. "Ang aga mo ah? Wala ka bang pasok?""Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. Nahiya naman ako dahil hindi ko man lang siya binati. "I'm here to fetch you.""Galing ate ah, may tagahatid-sundo ka na. Makakatipid ka sa pamasahe." Ani Grace."Grace, kumain ka na nga lang. Baka ma-late ka pa." Saway ni Mama. "Huwag mo ng asarin 'yang ate mo at nagdadalaga.""Ma!" Ram

  • One Week Of Its Best   Chapter 11

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========September 30, 2019Araw ng Lunes at alas otso ang first period namin ngayon pero alas syete pa lang ay nasa room na ako. Isa isa kong nilagyan ng bracelet ang desk nina Althea, Decilyn, Jamaica, Jercel at Rhealyn. Bracelet iyon na kahoy na na pinaukitan ko ng mga pangalan nila at endearment ko sa kanila na babe. Binili ko iyon kagabi sa park kasama si Teddy. Meron din nga ako, eh. Bibili rin sana ako para sa aming dalawa pero wala akong nagustohan na pang couple.Bumili din ako kanina ng chocolate na goya at maliit na tube ng stick-o dahil alam kung mahilig sila roon. Tig-isa sila. May sticky note rin akong dinikit roon na may sulat na "sorry babe. Hindi na maulit. I love you."Nanghiram

  • One Week Of Its Best   Chapter 10

    A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.==========I flipped the next page and was about to read when someone tapped my shoulder."Busy ah, uwian na." It was Miguel. He already have his bag on."Tara na, pre." Si Christian naman na isinusuot pa ang bag sa likod.I roam my eyes and saw my classmates getting ready to go home. I frowned. "Tapos na ang klase?""Ha?" Kunot noo'ng tanong ni Miguel."Pre, uwian na. Hindi pumasok ni prof," Si Christian habang tumatawa.Ganon ba ako katagal nahumaling magbasa na hindi ko na namalayang wala ang prof, at uwian na? Kung ganon lagpas dalawang oras ako nagbasa?"Ano ba 'yan?" Miguel ang was about to steal the black notebook or shoul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status