Puzzle Series #1: Eva in Disguise

Puzzle Series #1: Eva in Disguise

last updateHuling Na-update : 2020-08-31
By:  Daniella DemisanaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 Mga Ratings. 0 Rebyu
6Mga Kabanata
33views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Kelly Rhyss was blinded by revenge. She wants Her Father's life to be miserable just like what He did to Her. She was denied as His daughter because her Dad wants to have a Son. Nasa sinapupunan palang siya ng Ina ay hinfi na siya tanggap ng ksnyang Ama. So, She disguise as a guy in a school where her father is a principal. Will she be able to complete her plan without hurting herself? Without hurting the person that she love?

view more

Kabanata 1

Simula

Simula

Masyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi.

"Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.

Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!

"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!" Sigaw ko pabalik habang pinupunasan ang 'light make-up daw' na inilagay ng kaibigan kong si Lolita. Nangangati ang pisngi ko dahil sa kaartehan ng isang 'yon! Debut lang naman 'to at hindi kasal!

Pagkatapos kong kunin ang make-up gamit ang wipes ay mabilis akong bumaba habang sinusuot pa ang sapatos sa kaliwang paa ko.

"Ma, sino ba 'yong bisita at wala na akong inimbita---" Hindi ko nailagpatuloy ang sasabihin ng sa pag angat ko ng tingin ay nakasalubong ko ang isang taong kahit kailan ay hindi ko na gustong makita pa.

Kaagad kong kinuha ang sapatos kong hindi pa nasisintasan tsaka itinapon sakanya. Hindi siya umilag kaya natamaan ang dibdib niya, bago pa mahulog iyon ay kinuha niya na at inabot sa'kin.

Walang emosyon akong tumingin sakanya at hinablot ang sapatos ko para suotin.

"Umalis kana." Sabi ko matapos suotin ang sapatos.

"I'm sorry" Balewala niya sa sinabi ko. Humakbang siya at sinubukang hawakan ang aking siko ngunit mabilis akong umiwas. "Love, please. Kausapin mo muna ako kahit dalawang minuto lang."

"Bakit ka ba pumunta rito? Umuwi kana nga!" Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa labas ng bahay.

"Kausapin mo muna ako, Kelly."

Natawa ako ng mapakla sa sinabi niya. Paano ko kakausapin ang lalaking itinaboy na ako? Nasaktan ko siya, Oo, pero mas nasaktan niya ako! Paano niya nakayang gawin 'yon? Pinanghawakan ko ang sinabi niyang gusto niya ako, na ang pinakahuling gagawin niya ay ang saktan ako.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Walang Komento
6 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status