Mag-log inChapter 2
(2)
"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro.
"Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.
Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin.
"Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako.
"Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"
Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya.
"Sige, tulungan niyo 'ko kung paano maging lalaki." Ngumisi ako.
"Ano na naman 'yang binabalak mo Kelly?" Hindi ko namalayang nakikinig na pala si Lolita sa usapan namin akala ko pa naman busy siya kaka cellphone.
"Ano ka ba Lolita, hanggang dito lang boarder hindi ka kasama sa usapan." ani ni Jude na gumawa pa sa hangin ng linya.
"Ansama mo Jude, lumabas sana sa ilong mo 'yang mountain dew." Pagkasabi no'n ni Lolita tsaka din nabilaukan si Jude at lumabas sa ilong nito ang konting inumin.
Sabay kaming natawa dahil sa nangyari. "Paano 'yan? Kailan tayo magsisimula sa 'act like a boy' mo na 'yan?" Tanong ng nakaupo sa kaliwa ko, si Dexter.
"Hmm, kaya ko naman dahil palagi ko kayong kasama. Ang kailangan ko yung total make over. Yung hindi mahahalata sa mukha ko na babae ako." paliwanag kong sagot.
"Tumpak! Bading ang bestfriend ni ate kayang-kaya niyang gawin kang lalaki." Inakbayan ako ni Salvin at mas lalo pang lumapit sakin. Ang kaninang maliit na espasyo ay nawala dahil sa panay niyang usog patungo sa'kin.
Parang may tumunog na bell sa tainga ko dahil sa sinabi ni Salvin. Malaking maitutulong no'n kung saka-sakali.
"Salamat," Hinarap ko siya at nginitian. "Pero sigurado na ba 'yan?" May halong pag-aalinlangan sa tono ng boses ko.
"Oo naman, papayag ang mga 'yon."
Tumayo kami at pinagpagan ang sarili tsaka sabay na nagdesisyon na pumanhik sa bahay nina Salvin. Madalas daw kasi doon ang kaibigang bading ng Ate niya na anito'y makatutulong daw sa'kin.
"Sigurado ka ba talaga Ganda na ipapagupit mo itong bagsak mong buhok?" Iyon ang unang itinanong sa akin ni Gaco, ang bading na kaibigan ni Ate Betty.
"Sayang nga, pero kailangan lang kasi." Ipinagkibit balikat ko nalang iyon.
Sinimulan iyon sa paggupit ng buhok ko na ngayon ay katulad na sa mga kaibigan kong bugok. Hindi naman ito kasing sama sa talagang inaasahan ko, nagmukha pa nga akong lalaki.
"Kel," Tawag sa'kin ni Salvin. Nilingon ko siya, nakahawak ang kamay nito sa dibdib niya.
"Hmm, bakit?"
"Shit, mas lalo akong naiinlove sayo."
"Nagbibiro ka ba Salv?" Natatawang tanong ni Jude. "Parang kinikiskis mo lang 'yan ang mukha mo sa semento. Outch, masakit!" Tawa ng napakalakas si Jude kaya nahawa kami at natawa narin ng walang ano-ano'y biglang siyang mahinang sinuntok ni Salvin sa braso.
"Gago 'to, maghanap ka kasi ng sa'yo."
"Aww, kayong tatlo lang sapat na sa'kin tol." Aniya, tinutukoy kaming tatlo nina Salvin at Dexter. "Pa kiss nga papa Salv," Nilapitan niya si Salvin habang ngumunguso at akmang yayakapin ito.
"Putcha!" Mabilis na tinungo ni Salvin ang labas ng bahay.
Kunot noong bumaling sa'min si Jude. "Hindi naman ako mabaho ah," Aniya, inamoy pa ang sarili.
"Try mong amuyin iyang bunganga mo, amoy imburnal." Ani ni Dexter na mabilis ding tumakbo palabas ng bahay.
"Walangya ka, may double mint pa 'tong bunganga ko uy!" Pahabol na sigaw niya habang sinusundan ang dalawa patungo sa labas.
Napailing iling ako habang tinitignan ang pintuang nilabasan ng tatlo kong kaibigan. Masaya ako na nakilala ko sila, apat lang kami pero ang mahalaga naman doon ay totoo ang pagkakaibigan namin. Aanhin ko naman iyong marami kung 'pag kaharap ko lang sila mabuti?
"Beh, ang pogi mo! Kabog mo 'yung tatlo!" Masayang sabi ni Gaco, tinampal pa ang balikat ko. "Pero syempre, si Dexter lang talaga ang gusto nito." Dagdag pa niya at napahawak sa dibdib.
"Bet mong jowain si Dex?" Tanong ko ngayon ay nakatayo na.
"Super beh, kasi naman ang pogi eh!" Hindi na ako magtataka sa parteng 'yan, kano kasi ang tatay ni Dexter kaya siya maputi, matangkad, at light brown ang buhok.
"Pogi naman silang tatlo, Gaco." Pangatuwiran ko.
"Oo nga, pero si Dexter talaga ang bet ko beh. Ikaw ba, si Salvin? Mabait din ang isang 'yan at pogi." Parang pinapakilala pa sa'kin eh, alam na alam ko na ang ugali ng isang yan.
"Wala akong bet sino man sa kanilang tatlo. Ayokong masira pagkakaibigan namin." Seryoso kong sabi
"Hindi naman porket papasok ka sa isang relasyon masisira na pagkakaibigan niyo." Gulat akong napatingin sakanya. Parang nabingi ata ako sa narinig ko sa baklang 'to.
"Ha? Anong relasyon Gaco?" Nalilito at kunot noo kong tanong.
"Akala ko kasi may gusto ka sa isa sa kanila, pero tinatago mo lang?"
"Wala no, hindi mangyayari 'yon." Lumabas narin ako pagkatapos kung kausapin si Gaco. Nagbayad pa nga ako pero hindi niya tinanggap.
Pagkalabas ko, naabutan ko ang tatlo sa labas ng bahay nina Salvin na nakaupo sa malalaking bato habang kumakanta.
'Ako'y nagtataka
Saking nadarama'Boses iyon no Jude, na halatang dinaramdam ang kanta dahil nakapikit pa.
'Nang makita siya
ay kumislap aking mata'Dugtong naman ni Salvin, na kahit hindi man siya mag effort ay normal na maganda na talaga ang boses.
'Kahit ligaw tingin
sana ay iyong mapansin'Si Dexter naman na ginaya din ang ginawa ni Jude.
'Nang makompleto ko...
Ang love story ko.'Sabay nilang tatlo kinanta iyon na hindi ko iakalang magiging maganda sa pandinig ko.
'Kinumpleto mo,
Ang love story ko...'Tumingin sa gawi ko si Salvin pagkatapos kantahin ang huling linya tsaka siya napatayo.
"Kelly," Aniya na mas lalo pang lumapit sa'kin. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
Wala sa sarili akong napaatras pero nilalamon lang ng mga paa niya ang distansya naming dalawa.
"Gusto kita." Sa unang pagkakataon na kasama ko siya bilang kaibigan, ngayon lang ako hindi makapagsalita. Hindi mapakali ang isip ko dahil may gusto akong sabihin sakanya pero wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.
"Pitong taon na tayong magkaibigan, tatlong taon na kitang lihim na ginugusto, Kel. Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Literal na naging o-shape ang bibig ko. Buong pag-aakala ko ay biro lang lahat ng mga pinagsasabi niya mula noon kaya hindi ako nagbigay ng maling kahulugan doon. Pero ngayon, napaka manhid ko ba na hindi ko man lang nahalata ang tunay niyang nararamdaman?
Chapter 5 (5)"Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ko."Hindi ko rin alam, hindi ako nakinig sa mga sinabi niya.'nak."Kumalma ako dahil sa sinabi ni Mama. Dapat lang, dapat hindi pakinggan ang lalaking 'yon. Tsaka ko lang binalingan ang mga kaibigan kong sarap na sarap sa pagkaing dala-dala ni Mama kanina."Kulang kayo, saan si Salvin?" Tanong ni Mama ng mapansing dalawang monggi lang ang naririto."Nag lq po sila ni Kelly, Tita" Walang ano-ano'y sagot ni Jude! 'Pag ako nainis sa Bacolodnon na 'to tutusukin ko ng barbeque stick iyang itlog niya!
Chapter 4 (4)"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita."Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila."Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!""'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."
Chapter 3 (3)Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan."Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala."Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko."Sorry, Salv, sorry."Ngumiti siya, halatang napipilitan."Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi
Chapter 2 (2)"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro."Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin."Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako."Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya."Sige, tulungan niyo 'ko kung paan
Chapter 1 (1)"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin."Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan."Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya."Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan."Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa
SimulaMasyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi."Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!