LOGIN
Simula
Masyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi.
"Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.
Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!
"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!" Sigaw ko pabalik habang pinupunasan ang 'light make-up daw' na inilagay ng kaibigan kong si Lolita. Nangangati ang pisngi ko dahil sa kaartehan ng isang 'yon! Debut lang naman 'to at hindi kasal!
Pagkatapos kong kunin ang make-up gamit ang wipes ay mabilis akong bumaba habang sinusuot pa ang sapatos sa kaliwang paa ko.
"Ma, sino ba 'yong bisita at wala na akong inimbita---" Hindi ko nailagpatuloy ang sasabihin ng sa pag angat ko ng tingin ay nakasalubong ko ang isang taong kahit kailan ay hindi ko na gustong makita pa.
Kaagad kong kinuha ang sapatos kong hindi pa nasisintasan tsaka itinapon sakanya. Hindi siya umilag kaya natamaan ang dibdib niya, bago pa mahulog iyon ay kinuha niya na at inabot sa'kin.
Walang emosyon akong tumingin sakanya at hinablot ang sapatos ko para suotin.
"Umalis kana." Sabi ko matapos suotin ang sapatos.
"I'm sorry" Balewala niya sa sinabi ko. Humakbang siya at sinubukang hawakan ang aking siko ngunit mabilis akong umiwas. "Love, please. Kausapin mo muna ako kahit dalawang minuto lang."
"Bakit ka ba pumunta rito? Umuwi kana nga!" Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa labas ng bahay.
"Kausapin mo muna ako, Kelly."
Natawa ako ng mapakla sa sinabi niya. Paano ko kakausapin ang lalaking itinaboy na ako? Nasaktan ko siya, Oo, pero mas nasaktan niya ako! Paano niya nakayang gawin 'yon? Pinanghawakan ko ang sinabi niyang gusto niya ako, na ang pinakahuling gagawin niya ay ang saktan ako.
Chapter 5 (5)"Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ko."Hindi ko rin alam, hindi ako nakinig sa mga sinabi niya.'nak."Kumalma ako dahil sa sinabi ni Mama. Dapat lang, dapat hindi pakinggan ang lalaking 'yon. Tsaka ko lang binalingan ang mga kaibigan kong sarap na sarap sa pagkaing dala-dala ni Mama kanina."Kulang kayo, saan si Salvin?" Tanong ni Mama ng mapansing dalawang monggi lang ang naririto."Nag lq po sila ni Kelly, Tita" Walang ano-ano'y sagot ni Jude! 'Pag ako nainis sa Bacolodnon na 'to tutusukin ko ng barbeque stick iyang itlog niya!
Chapter 4 (4)"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita."Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila."Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!""'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."
Chapter 3 (3)Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan."Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala."Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko."Sorry, Salv, sorry."Ngumiti siya, halatang napipilitan."Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi
Chapter 2 (2)"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro."Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin."Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako."Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya."Sige, tulungan niyo 'ko kung paan
Chapter 1 (1)"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin."Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan."Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya."Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan."Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa
SimulaMasyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi."Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!