LOGINChapter 1
(1)
"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin.
"Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan.
"Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya.
"Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan.
"Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa'yo!"
"Lolita, ano't inaaway mo na naman ba si Kelly?! Kaya walang may bumibili dahil napakasungit mo!" Rinig kong sigaw ng mama niya mula sa loob ng bahay nila.
"Tita Sally, aalis na po ako!" Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong six pocket na pedal.
"Oo, lumayas kana at naiimbyerna ako sa pagmumukha mo Kelly" Nagulat pa ako ng bumukas ang pintuang nagkokonekta nang bahay at tyangge.
Halos lumagapak ako sa tawa ng batukan ni Tita Sally si Lolita.
"Ang ingay mo Lolita! bakit 'di mo gayahin si Kelly?"
"Na ano, tambay?"
"Gaga, hindi, gumaya ka sakanya sa pananahimik dahil naririndi na ako sa boses mong bata ka!"
"Ma naman, sino ba ang anak mo, siya?" Tinuro ako ni Lolita at hinampas naman ni Tita ang kamay niya.
"Kelly, kamusta pala iyong exam na kinuha mo noong nakaraang linggo?" Tanong ni tita, bukod kasi kay nanay siya lang ang pinagsabihan ko na kumuha ako ng exam sa school na gusto kong pasukan.
Kaka tapos ko lang mag grade 10 at ngayon summer, kumuha ako ng exam para kapag makapasa ako mas kaunti ang bayarin sa school.
"Baka bukas pa siguro malalaman ang resulta tita," Napakamot ako sa batok ko nakaramdam ng konting kaba.
Paano kung 'di ako makapasa? Paano mangyayari ang gusto kong patunayan kay Papa kung talaga kang 'di ako makapasok sa school na 'yon?
"Tsaka kung meron nang resulta natatakot po akong tingnan eh" Dugtong ko
"Matakot ka talaga dahil hindi ka makakapasa hahaahaahahaha!" tinampal ni tita ang braso ni Lolita tsaka ito pinagsingkitan ng mata.
"Lolita, bakit ba ganyan ka magsalita? Kumuha karin kaya ng exam tsaka natin tingnan kung makakapasa ka"
"Ayoko ma, dito nalang ako matutulungan pa kita. Ayaw mo no'n?"
Nakahawak ang isang kamay nito sa kanyang bewang. "Ang sabihin mo wala kang inaatubag kundi iyang pag papacute mo lang sa crush mo tuwing bibili dito." dinuro-duro pa siya ng ina animo'y isa itong malaking kasalanan.
Hindi na nakasagot pa si Lolita at napasimangot nalang ito. Nginitian ko si Tita Sally tsaka nagpaalam na tutungo sa basketball court ng subdivision namin.
"Kelly, baby!" Anang kaibigan kong si Salvin ng makarating ako sa court. Naagaw niya ang atensyon ng iba dahil sa kalakasan ng boses niya.
"Gago, tumahimik ka dyan Salvin hindi mo ako anak." Ginulo niya ang buhok kong naka ponytail.
"I call you baby does not mean you daughter of mine but I like you Kel." Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya nang hindi natatawa ngunit gaano ko man kapigil ay kumawala parin ang mahinang tawa mula sa'kin.
"Alam mo Salv, tumahimik ka nalang ha? o 'di kaya magtagalog ka parang ako ang nahihirapan sa'yo eh." Nangingiti kong sabi napakamot naman siya sa gilid ng ulo niya.
Hindi niya na nadugtungan ang sasabihin dahil lumapit din ang iba pa naming lalaking kaibigan at nakipag high-five sa'kin.
"Kamusta Kel? Ano pustahan ulit? Panig ako sa'yo." Si Jude na palagi kong kakampi tuwing may pustahan sa basketball.
"Tss... palagi kalang naman kumakampi kay Kelly dahil walang makakatalo sakanya. Dapat wala kang partida sa pustahan Jude. Pabuhat ka lang, gago." Si Dexter na binatukan pa si Jude.
Ito ang buhay ko. One of the boys. Hindi ako tomboy dahil nagka boyfriend din naman ako dati at tsaka 'di pa ako nagkakagusto sa babae. Sadyang parang lalaki lang ako manamit mas nakakagalaw kasi ako ng maayos 'pag gano'n.
"Pabuhat mo mukha mo Dex, magaling pa nga ako sayo ulol!" tumalon pa ito at nag kunwaring nagsa slum dunk sa harap ni Dexter.
Nagtulakan ang dalawa at bumalik na ng court kami nalang ni Salvin ang natitira sa gilid.
"Tara Salv, pustahan, alaw na akong pera pang load lang." hinawakan ko siya sa braso at hinatak patungo kina Jude at Dexter.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya, hinila lang ako kaya nauntog ang ulo ko sa ulo niya. Dumampi pa ang labi niya sa labi ko!
Natatawa niya akong tiningnan. "Grabe, Kel kinilig ako do'n ah? First kiss!" sumuntok suntok pa siya sa hangin ako naman ay sinuntok siya sa tiyan.
"Sinadya mo 'yon abnoy ka! Alam mong magkasingtangkad lang tayo!" Sigaw ko at umambang papaluin ang braso niya nang magsalita rin ang dalawa pa naming kaibigan.
"Uy, ano yan Salv?" Tanong ni Dexter habang tumatakbo sila ni Jude patungo sa'min.
"Wala, tol." Tumingin sa'kin si Salvin ng nakangisi, ngumiwi naman ako sakanya.
"Heh! maglaro na nga lang tayo kainis 'yang si Salvin eh," Nauna akong maglakad ng ilang hakbang tsaka hinarap silang nakakunot ang noo. "Nanghahalik."
Naglaro kami, syempre nanalo kami ni Jude kahit na nasira na ang mood ko kanina ng dahil sa lintik na Salvin na 'yon!
"Kelly Rhyss sorry na kasi, 'di ko sinasadya baby, sorry." Nag-iisip ako ng perang nakuha mula sa pustahan habang naglalakad si Salvin naman ay sunod ng sunod at panay ang hingi ng pasensya.
"Oo na, tumahimik kana." Sabi ko ng indi siya nililingon. Nauna nang naglakad ang dalawa pang kaibigan.
Hinatid ako ng tatlo sa bahay. Perks of being one of the boys, palagi kang ligtas. Nagpasalamat ako sa kanila at inulit pang sabihin kay Salvin na wala na sa'kin ang nangyari kanina.
"Kelly!" Rinig kong sigaw ni mama galing sa loob ng bahay kaya mabilis akong tumakbo patungo doon.
"Ma, bakit?"
"Ano 'to?" Sabay pakita sakin ng isang puting envelope sa labas no'n ay nakasulat ang pangakan ng school na gusto kong pasukan. Father Gratian Boys Home.
Kinabahan ako dahil panigurado nabasa niya iyon! Hindi ko pa sinabi na dyan ko gustong mag-aral.
"Graduate ako ng high school Kelly, kaya ano ito? ha? boys home? babae ka Kel, babae!" bulyaw niya at nilaglag ang envelope sa harap ko at inapak apakan ito.
"Ma, ma 'wag naman ganyan oh, ni hindi ko pa nga nalalaman ang resulta niyan eh!" lumuhod ako, pilit na inaalis ang paa niyang patuloy na inaapakan ang envelope.
"Nakapasa ka, pero hindi ako papayag na mag aral ka dyan! Hindi pwede Kel, alam mo 'yon."
"Ma, gusto ko talaga sa boys home." tumayo ako at nag punas ng luha. "Kaya kung paaralin ang sarili ko ma, kahit wala ka. Nakapag ipon ako."
"Kahit payagan pa kita anak 'di ka papapasukin 'don."
"Hindi problema 'yon ma, maraming paraan." mariin kong sabi
Hindi nagsalita si Mama. Hinilot niya lang ang sentido na parang napakalaki ng hinaharap na problema.
"Sige," ngumiti ako dahil sa sinabi ni mama at dahil sa sobrang tuwa ay niyakap ko siya.
Matutuloy ang plano ko, Kikilalanin niya rin ako, ako na anak niya, anak niyang ipinagkait dahil lang sa babae ako.
Chapter 5 (5)"Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ko."Hindi ko rin alam, hindi ako nakinig sa mga sinabi niya.'nak."Kumalma ako dahil sa sinabi ni Mama. Dapat lang, dapat hindi pakinggan ang lalaking 'yon. Tsaka ko lang binalingan ang mga kaibigan kong sarap na sarap sa pagkaing dala-dala ni Mama kanina."Kulang kayo, saan si Salvin?" Tanong ni Mama ng mapansing dalawang monggi lang ang naririto."Nag lq po sila ni Kelly, Tita" Walang ano-ano'y sagot ni Jude! 'Pag ako nainis sa Bacolodnon na 'to tutusukin ko ng barbeque stick iyang itlog niya!
Chapter 4 (4)"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita."Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila."Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!""'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."
Chapter 3 (3)Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan."Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala."Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko."Sorry, Salv, sorry."Ngumiti siya, halatang napipilitan."Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi
Chapter 2 (2)"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro."Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin."Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako."Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya."Sige, tulungan niyo 'ko kung paan
Chapter 1 (1)"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin."Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan."Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya."Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan."Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa
SimulaMasyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi."Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!