Share

Three

last update publish date: 2020-08-31 13:10:09

Chapter 3

      (3)

Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan.

"Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."

Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala.

"Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko.

"Sorry, Salv, sorry."

Ngumiti siya, halatang napipilitan.

"Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.

Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi lang maiiwasan na may nagbago sa pakikitungo ni Salvin sa'kin dahil sa nangyari.

Sa tuwing dadating ako para makisali sa laro tsaka naman siya  magpapaalam sa amin. 'May gagawin lang ako', 'Sasamahan ko muna si Mama', 'Tinatawag na ako sa'min sa bahay'. 'Yun lang naman ang paulit-ulit niyang sinasabi gayong alam ko naman na mga dahilan niya lang 'yon para iwasan ako.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ito ang iniiwasan kong mangyari pero nangyari at nangyari parin.

"Saan ka pupunta?" Pambungad sa'kin ni mama ng makababa ako galing sa ikalawang palapag. Kakatapos ko lang maligo at magbihis ng pedal at loose shirt.

"Sa computer shop ma, ipapa-print ko lang ang schedule ko. Bibigyan kita ng copy." Sagot ko naman habang pinupunasan ang panlalaki kong buhok.

Mag-iisang buwan narin simula nang dinistansya ko ang sarili ko sakanila. Hindi ko na pinapahirapan si Salvin na iwasan ako dahil ako mismo ang lumalayo.

Sa susunod na linggo na ang pasukan. Hinanda ko na ang lahat ng kinakailangan ko, pati ang sarili kong magpapanggap na lalaki ay hinanda ko narin. Inuubos ko ang oras ko kakapanood sa youtube kung paano maging lalaki nang sa ganoon ay hindi ako magkamali sa harap ni papa.

"Bumalik ka kaagad. Isusukat ko sayo ang uniform mo." Agad akong tumango dahil nakaramdam ako ng pagka-excite! "Tsaka binilhan kita ng P.E. uniform."

"Salamat, shopee este--- Mama" Natatawang ani ko at hinalikan ang pisngi niya, niyakap ko rin siya galing sa likod pero tinampal niya lang ang kamay ko na nakapulupot saknya.

"Tigilan mo ako Kelly Rhyss," Aniya ng makawala sa yakap ko. "Pasalamat ka talaga at mahal kita at kung hindi papalayasin kita dahil sa mga pinanggagagawa mo."

Oo, at 'yon naman talaga amg nararamdaman ko. Nagpapasalamat talaga ako kay mama, na kahit gaano kadelikado itong pinanggagagawa ko nagawa niya parin akong suportahan.

Ang alam niya lang ay talagang gusto kong mag-aral sa Boys Home, pero ang totoong dahilan nun ay ang papa ko. Ang asawa ni Mama na iniwan kami dahil hindi niya matanggap na ang nag-iisang anak niya ay babae at hindi tulad ng hinihiling niya na lalaki.

Gusto kong iparanas at iparamdam sa tatay ko kung gaano kasakit ang maiwan at hindi tanggapin. Kaya ito lang ang naisip kong paraan para padamhin sakanya ang sakit na idinulot niya sa'min ni mama. Ang mag-aral doon kung saan siya ang principal.

Tss, kahit sa school gusto niya lalaki lahat?

Nagpaalam ulit ako kay Mama tsaka tinakbo ang distansya ng computer shop mula sa bahay namin. Hindi naman masyadong malayo kaya ayos lang.

Naabutan ko sina Jude, Dexter, at Salvin na naglalaro ng LOL. Kaya lang nang mapansin ako ni Salvin ay mabilis siyang umiwas ng tingin at tumayo.

"Uy, 'di pa tapos!" Pigil sakanya ni Dexter na siyang pumapagitna sakanila ni Jude.

"Anaknang, umupo ka matatalo tayo!" Si Jude naman na ngayon ay parang masisira at matatadtad ang keyboard dahil sakaka pindot niya.

Walang nagawa ang dalawa ng iniwan sila ni Salvin panay lang ang reklamo ni Jude na matatalo sila. Baka nagpustahan?

"Pisting yawa ka Salvin! Ikaw dapat mabayad sa kontra ta kung ma perdi ta gago! (Pesteng yawa ka Salvin! Dapat na ikaw ang magbayad kung matatalo tayo sa kalaban gago!) " Sigaw ni Jude, hinampas pa ang mouse kaya pinagalitan siya ni Dexter. Taga Bacolod siya kaya gano'n ang pananalita niya. Sabi niya ang tawag daw do'n ay hiligaynon. Marunong din ako no'n tinuruan niya kasi kaming tatlo dati ng maging close kami.

Napalingon si Dexter sa bahagi ko at nakita niya ako. Sa pagkakataon na 'yon parang alam niya na ang dahilan kung bakit umalis si Salvin.

Siniko niya si Jude at may binulong rito kaya napatingin din siya sa'kin.

Kumaway siya saka napangiti. "Kel, andyan ka pala!" Ani ni Jude. "Ikaw nalang ang pumalit kay Salvin, putchang 'yon humanda siya!"

"'Di ako kasing galing niyo baka matalo tayo ako pa sisihin mo."

Bumaling ulit ang tingin niya sa monitor. "Mukhang matatalo naman na tayo kaya ayos lang." kibit-balikat niya

"Kaya niyo nayan may gagawin pa'ko."

"Kayo lang naman ni Salvin ang may hindi pagkakaintindihan pero bakit kami hindi mo na sinasamahan?" Madramang tanong niya.

"Tss, emote pa 'di bagay sa'yo. Magsisimula na ang pasukan sa lunes magpapaprint ako ng sched ko."

"Taray ni Rhyss, 'sched' daw? Ano ba kasi 'yun?" Mongging Jude! 'Di niya ba talaga alam?

"Sched, paaralan 'yun ng mga special children." Sabi ni Dexter habang napapailing dahil hindi alam ni Jude ang salitang 'sched'. Hindi niya alam na gano'n din naman siya.

Pinektusan ko si Dexter, napahawak lamang siya sa ulo niya. "Boploks, SPED 'yun hindi sched Dex."

"Abnoy na Mark Salvin siya nagsabi sa'kin no'n. Doon daw kasi papaaralin ang pinsan niya sa sched."

"SPED nga kasi---"

"Gano'n narin 'yun, maglaro kana Kel."

"Oo na, mga bad influence kayo." Niliitan ko sila ng mata habang nangingiti at nginingisihan lang nila ako.

Hindi ko alam kung paano namin napanalo ang larong 'yun. Basta't nakita ko nalang si Jude at Dexter na nagyayakapan, sinali pa nila ako. Mga amoy putok letse!

"Umuwi na kayo ang babaho niyo!" Natatawang pinagtutulak ko sila palabas ng shop.

Napanguso si Jude at tiningnan ako. Mukha pang nagmamakaawa. "Kel, wala na kaming wawart (pera) baka naman ehem!" Umubo pa siya, nabilaukan kahit walang kinakain. Laway siguro iyon kadiring Jude!

"Damak simo! (kadiri ka!)" Sabi ko at inabot ang singkwenta sa kanila. "Hatiin niyo, lakas ng loob niyong maglaro! Akala ko ba pustahan 'to asan na 'yung pera?!" Hindi nila ako sinagot basta nalang silang tumakbo at nag high five pa.

Bwesit nauto ako do'n, may pera sila nawala sa isip ko! Mga walanghiyang boplaks!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   Five

    Chapter 5 (5)"Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ko."Hindi ko rin alam, hindi ako nakinig sa mga sinabi niya.'nak."Kumalma ako dahil sa sinabi ni Mama. Dapat lang, dapat hindi pakinggan ang lalaking 'yon. Tsaka ko lang binalingan ang mga kaibigan kong sarap na sarap sa pagkaing dala-dala ni Mama kanina."Kulang kayo, saan si Salvin?" Tanong ni Mama ng mapansing dalawang monggi lang ang naririto."Nag lq po sila ni Kelly, Tita" Walang ano-ano'y sagot ni Jude! 'Pag ako nainis sa Bacolodnon na 'to tutusukin ko ng barbeque stick iyang itlog niya!

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   Four

    Chapter 4 (4)"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita."Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila."Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!""'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   Three

    Chapter 3 (3)Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan."Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala."Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko."Sorry, Salv, sorry."Ngumiti siya, halatang napipilitan."Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   Two

    Chapter 2 (2)"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro."Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin."Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako."Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya."Sige, tulungan niyo 'ko kung paan

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   One

    Chapter 1 (1)"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin."Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan."Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya."Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan."Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa

  • Puzzle Series #1: Eva in Disguise   Simula

    SimulaMasyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi."Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status