LOGINChapter 4
(4)
"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.
Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita.
"Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila.
"Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!"
"'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."
"Ulol, pera ko naman ito sa pusta!"
"Huwag kana kasing sumigaw Kel," Si Jude naman ang pumulupot ng kamay niya sa leeg ko. "Materturn off sa'yo si Salvin."
Monggi! Anong pakialam ko kung materturn off siya? Duh? In the first place, hindi ko rin naman ginusto na gustuhin niya ako.
Pero syempre nakokonsenaya ako, kaso hindi naman pwedeng paasahin ko siya kaya mas mabuti na 'yon.
Bakit ko ba siya iniisip aber? Kung ayaw niya akong pansinin edi wag! Patunay na siguro 'yun na mababaw lang ang pagkagusto niya sakin at nag-uumapaw naman ang pagkagalit.
Ang sabi kasi ng karamihan, kapag gusto mo hahayaan mo, ipapalaya mo. Eh, sa parte niya naman mas pinili niyang layuan ako at iwasan. Nakakainis ka Salvin! Kaibigan kita kaya namimiss na kita, potek ka!
"Kelly!" Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Jude.
"Mabibingi ako!"
"Kanina pa kita tinatawag ng mahinahon, gusto mo talaga eh yung sigaw." Aniya. "Ganito ba dapat?" Tanong niya at nagsimulang mag stretching. Anong problem ng isang to at nagkasaltik bigla?
"Kelly, ohh, ahh! Yes, ganyan nga makinig ka ahh, putcha---" Kaagad kong tinakpan ang maruming bibig niya dahil marumi din ang mga lumalabas dito.
"Hoy, ikaw ilonggo ka! Napaka bastos mo," Tinampal ko ang braso niya na panay niyang iniiwas. "Dinadamay mo na ako dyan sa kamanyakan mong abnoy ka!"
"Kelly," Tawag niya na naman. Sa takot na baka isigaw niya ulit ang mga salitang iyon ay sinikmura ko siya. "Outch, beh masakit huhu"
"Masasaktan ka talagang alipungoy ka! 'Wag mo na akong kausapin baka masikmura ulit kita!"
"Uy, Kelly naman. Nagbibiro lang naman ako galit kana agad. Ano friendship over na tayo ganern?"
"Bahala kang nademonyo ka!" Nag martsa ako paalis habang ang dalawang monggi ang nakasunod lang sa likuran ko. Kahit naman 'di nila sinabi na susunod sila ay naramdaman ko dahil ang iingay nila!
"Ma! Andito na 'ko!" Sigaw ko galing sa labas. Nakailang sigaw na ako at ilang minuto narin ang lumipas, ngunit aala maring Mama ang lumalabas.
"Hija," Si Aling Milda, ang kapitbahay naming tsismosa. "Si Sharon ba hinahanap mo?" Tanong niya, tinutukoy ang pangalan ng mama ko.
"Opo," Sagot ko kaagad. "Nasaan po siya?" Bigla akong nakaramdam ng kaba pero kaagad namang nawala ng makita kong ngumiti bahagya si Aling Milda.
"Kasi kanina nakita ko siya, parang may kausap tapos magkagalit sila. Narinig kong pinapaalis siya ng mama mo pero ayaw nung lalaki. Bigla niyang hinila ang mama mo pasakay sa sasakyan." Minsan talaga napapakinabangan din ang tsismosa sa mundo. Magpapasalamat naba ako sa'yo Aling Milda?
"Saan daw po ang punta?"
"Ay naku! 'yan ang hindi ko alam. Hindi ko na kasi narinig ang usapan kasi mabilis na humarurot 'yung sasakyan."
"Sige po, salamat Aling Milda."
"Walang anuman, hija. Basta balitaan mo ako ha? Kung anong nangyari sa mama mo baka---" Pinutol ko siya sa sasabihin niya. Wala akong pakialam kung bastos man ang magkakaintindi niya roon.
"Wala pong may mangyayari. Salamat nalang po, makakaalis na ho kayo."
Salamat naman at hindi na siya naki tsismis pa! Naku, 'pag di pa siya tumigil baka pumulot na ako ng bato at nasangsang na sa bunganga niyang talak ng talak!
"Pasok," Aya ko sa mga kaibigan ko na ngayon ay ngising aso na. "Hep, hep!"
Pinatigil ko sila sa harap ng pintuan bago pa makapasok may kailangan akong sabihin. May agreement dapat muna kami.
"'Wag ninyong uubusin ang pagkain dahil makakatikim kayo sakin." Dinuro ko sila isa-isa. Nangyari na dati iyon. Nag-cr lang ako no'n para magpalit dahil meron ako, paglabas ko ubos na lahat ng pagkain! Pati yung lasagna ko na hindi nangangalahati ay inubos rin ng mga patay gutom na 'yan! Bigay pa 'yun ni Tita Sally. Habang ako ay 'di pa masyadong nakatikim. Masarap pa naman siyang magluto.
"Yes, boss!" Sabay nilang sabi at nagsalute pa ang mga monggi.
"At 'wag kayong kakalat dahil pag nangyari 'yon kakalat din dugo niyo!"
"Ang hard mo brad woah!" Si Dexter na tinakpan pa ang dibdin animo'y may gagahasa sakanya.
"Masusunod binibini." Ang bwesit na si Jude ay nag bow pa habang ang kamay ay nasa dibdib.
"Panghuli 'wag kayong maingay dahil nasa taas lang ako. Magbibihis."
"Sama kami!" Sabay na namang sabi nila.
"Sama niyo mukha niyo, mga bastos!" Tinalikuran ko sila at umakyat na patungong ikalawang palapag para makapagbihis.
Nilamon nang pag-iisip ang utak ko. Nasaan si Mama? Sinong tinutukoy ni Aling Milda na may sasakyan daw? Sapilitan ba siyang isinama? Ano na kaya ang nangyari sakanya? Nag aalala na 'ko ma.
Pababa na ako sa hagdan ng makarinig ako ng mumunting tawa.
"Tol, matutuwa si Alec 'pag nakita niya ako. Lumaki na muscles ko pati narin yung 'ano' ko." Walanjo, ano bang klaseng pag-uusap iyan! Nasa pamamahay ko pa talaga sila nag-uusap! Napaka walang hiya talaga ng mga kaibigan kong 'yan.
"Pumayag na ngang makipag sex sakin si Danica tol, 'pag nakita niya ako sa pasukan malamang yayayain na akong magpakasal no'n." Ano? Sex daw? 17 lang kami kaya anong sex ang pinagsasabi ng Dexter na 'yan?!
Pinapatunog ko ang tsinelas ko habang bumababa upang malaman nila at matigil na sila sa malaswa nilang pagiisip.
"Hi Kelly," Binati ako ni Dexter. Hindi ako makatingin sa kanila naaalala ko lang ang mga pinagsasabi nila. "Kinain namin 'yung tinapay ininom narin namin yung coke na natitira."
"Hoy, kay mama 'yon! Bulate niyo talaga hindi makatigil sa pagkain no?"
"Anong meron?" Biglang sumulpot si Mama sa kung saan.
"Ma, saan ka galing?" Bungad ko.
"Gusto niyo bang mag merienda? Ipaghahanda ko kayo." Pagbabaewala niya sa tanong ko. Kaagad na um-oo ang dalawa kaya isinama sila ni mama sa kusina.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila do'n. Tatanungin ko ulit si Mama kung saan ba talaga siya nanggaling.
"Ma, sa'n ka galing? Sabi ni Aling Milda---" Pinutol niya ako sa pagsasalita sa ikalawang pagkakataon dahil kinausap niya na naman ang mga kaibigan ko.
"Ayan, masarap iyang spanish bread. Sige pa kumain pa kayo ng marami."
"Ma, ano ba! Kausapin mo naman ako! Nag-alala ako tapos hindi ka man lang nag-abala sabihin sakin kung saan ka galing?" Hindi ko na nakayanan. Sumigaw na ako dahil sa pagiisnob ni mama sakin.
"Dati naman hindi ko sinasabi ang mga lakad ko sa'yo diba?" Pabalang na sagot niya. Naiinis na ako! Bakit ba hindi niya maintindihan na nag-alala ako?
"Iba 'to ma, sabi ni Aling Milda kanina---"
"Naniwala ka sa tsismosang 'yon?"
"Wala akong ibang paniniwalaan ma, siya lang ang nakakita sayong sumakay ka sa mamahaling sasakyan!"
Gulat niya akong tiningnan. "Pa'no---?"
"Oo, sumakay ka nga. Kanino 'yon ma? Sino?"
"Basta," Mabilis niya akong tinalikuran pero mas mabilis ang kamay kong humablot sa braso niya.
"Sino?"
"'Wag kanang makulit Kelly. Ipaghahanda ko pa ang mga kaibigan mo."
"Wala akong pakialam ma! Sabihin niyo muna kung sino 'yung kanina!" Tumaas baba ang dibdib ko sa galit. May pakiramdam ako kung sino iyon pero ayaw kong umasa. Ayoko na.
"Si Alfred, ang papa mo." Humina ang boses niya.
Ano? Kahapon lang ako nangtanggal ng dumi sa tenga bakit nabibingi na naman ako?
"Ang papa mo anak." Ulit niya dahil alam niyang pagnahimasmasan ako ay iyan panigurado ang tatanungin ko.
Bakit? Bakit siya nagparamdam?Ayaw niya sa'min ni mama at 'yon ang pinaniniwalaan ko dahil sakanya mismo nanggaling iyon! Kaya bakit? Bakit siya babalik? Hindi namin siya kailangan! Magdudusa siya sa ginawa niya samin ni Mama. Kahit kailan hindi ko na siya tatanggapin pa uli katulad ng hindi niya pagtanggap sa'min.
Chapter 5 (5)"Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ko."Hindi ko rin alam, hindi ako nakinig sa mga sinabi niya.'nak."Kumalma ako dahil sa sinabi ni Mama. Dapat lang, dapat hindi pakinggan ang lalaking 'yon. Tsaka ko lang binalingan ang mga kaibigan kong sarap na sarap sa pagkaing dala-dala ni Mama kanina."Kulang kayo, saan si Salvin?" Tanong ni Mama ng mapansing dalawang monggi lang ang naririto."Nag lq po sila ni Kelly, Tita" Walang ano-ano'y sagot ni Jude! 'Pag ako nainis sa Bacolodnon na 'to tutusukin ko ng barbeque stick iyang itlog niya!
Chapter 4 (4)"Mga walanghiya kayo! Ibalik niyo ang pera ko!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.Pagkatapos kong magpa-print kaagad ko silang sinundan nahanap ko sila sa tyangge nina Tita Sally at nakikipagsagutan kay Lolita."Brad," Tinapi ko ang kamay ni Dexter na bumalot sa leeg ko at pinandilatan sila."Tinulungan ko na nga kayong manalo kinupitan niyo pa ako. Ibalik niyo ang pera ko! Sumbong ko kayo kay Mama!""'To naman," Lumayo ng kaunti si Dexter tsaka may kinuha sa loob ng kanyang pantalon. "Ayan, isang daan 'yan. Ganya ka namin ka namin ka mahal."
Chapter 3 (3)Mabilis na lumipas ang panahon. Simula noong umamin sa akin si Salvin ay tandang-tanda ko pa kung paano ko siya tinanggihan."Salv," Iyon lamang ang nabigkas ko pagkatapos niya akong tanongin. "Sorry... Kaibigan kita at hanggang doon lang 'yon. Kahit kailan hindi ko naisip na magugustuhan o magiging boyfriend kita, pasensya na..."Tumango lamang siya, pero alam ko na iba ang pumapasok sa isip niya dahil matagal ko na siyang kilala."Tangina, bakit ko pa kasi sinubukan?" Tanong niya habang nakayuko."Sorry, Salv, sorry."Ngumiti siya, halatang napipilitan."Ayos lang, hindi mo kasalanan na nagkagusto ako sa taong hanggang kaibigan lang ang turing sa'kin." Iyon lang at mabilis niya kaming iniwan sa labas ng bahay nila at pumasok na siya sa loob.Nagkakasama parin naman kami, talagang hindi
Chapter 2 (2)"Grabe Kel, edi magpapanggap ka pala talaga niyan na lalaki ka?" Tanong ni Jude. Nasa tyangge kami nina tita Sally at kasalukuyang umiinom ng mountain dew, kakatapos lang kasi naming maglaro."Ilang beses ba talaga dapat sabihin ni Kelly bago mag sink in dyan sa utak mo?" Pilosopong asik ni Dexter sakanya.Sinabi ko sakanilang tatlo ang tungkol sa pagkuha ko ng exam sa boys home. Hindi sila una makapaniwala na talagang magpapanggap akong lalaki para lang makapasok doon. Kung hindi rin naman dahil sa Papa ko hindi ko rin naman ito gagawin."Sundan kaya kita do'n Kel?" Tanong naman ni Salvin at inakbayan pa ako."Eh, ikaw nalang kaya mag-aral do'n?"Napakamot siya sa ulo at awkward na ngumiti sa'kin. "Naisip ko lang na baka gusto mong may tumulong sayo" Kibit-balikat niya."Sige, tulungan niyo 'ko kung paan
Chapter 1 (1)"Hoy, Kelly hanggang kailan ka magiging tambay dito?" Inis na tanong ni Lolita ang anak mg may-ari ng tyangge na palagi kong tinatambayan na nasa tapat lang rin ng bahay namin."Pakealam mo? sa'yo?" Nginisihan ko siya at binelatan."Baka nakakalimutan mo na anak ako ng may ari ng tyangge na'to." Binugahan ko siya ng usok mula sa yosi ko. "Pwe! ano ba, ang baho!" Tinaasan niya ako ng kilay habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong niya."Mabaho? bunganga mo 'yan malapit kasi sa ilong mo" Nilaglag ko ang yosing hawak at inapakan."Excuse me?! Umalis kana nga dito wala nang may bumibili dahil sa
SimulaMasyado kaming naging abala dahil kasabay ng pagdedebut ko ang piyesta sa lugar namin. Christmas Break ngayon kaya walang pasok pero panay parin ang paroo't parito ko dahil maraming handaan. Napagpasyahan namin ni Mama na sa bahay nalang mag celebrate ng birthday ko. Hindi ito gaya ng ibang nagdedebut na bongga, masaya na kami sa kainan at may konting alak sa gabi."Kelly, bumaba kana rito at asikasuhin mo itong bisita mong bagong dating!" Mula sa pangalawang palapag dinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama, nakikipag-sabayan sa lakas ng speaker sa baba.Wala na akong inimbita pa bukod sa mga kaibigan kong kanina pa nakarating kaya bakit may dumating na naman? Dagdag na naman sa aasikasuhin at palalamunin!"Bababa na ako Ma, sandali nalang to!