Se connecterTwo weeks had passed, and her relationship with Leonardo remains the same. Even they are both busy with their own works, humahanap pa rin sila ng paraan para makasama ang isa't-isa. They often ate their lunch or dinner during and after work. Minsan naman kapag weekend ay napunta ang binata sa kanyang condo, at sabay silang kumakain ng almusal which was cooked by her.
Naging ganoon lamang ang routine nilang dalawa, at mas lalo niya pang nakikilala ang binata sa pagdaan ng mga araw. She doesn't know what to put in their label. Hindi naman sila fuck buddies dahil wala pa ulit nangyayari sa kanilang dalawa after their first! Yes, they often kissed, but that's it! Hindi rin sila mag-on dahil wala naman sinasabi ang binata tungkol sa nararamdaman niya, and she did the same as well. They are more likely casual with each other's company. Sinusulit lang nila ang mga sandaling magkasama silang dalawa. Maybe, this is her only role, ang matulungan ang binatang makilala ang tunay nitong nararamdaman. And she knows that time will come, Leonardo will be able to choose between them, her or his ex.
Mapait siyang napangiti habang nagpapatuyo ng buhok.
Today, Leonardo and her will go in her bakery sa Binangonan. Nabanggit niya kasi ang tungkol dito sa binata, and suddenly she hooked the interest of the hombre at nag-aya itong pumunta sila doon this weekend.
She's just waiting for his call na papunta na ang binata sa kanyang tinitirhan. Nakasuot siya ngayon ng floral dress with a long sleeves bell shape, low v-neck din ang bestida showing her cleavage, pinaresan niya rin ito ng beige block heels and a light makeup to complement her fresh look.
Ready na talaga siya sa date nila ng binata, like a teenager she's so excited!
Naputol lamang ang kanyang pag-iisip sa harapan ng salamin nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa vanity table.
She picked it up and opened the message.
From: Leo
you ready?
A small smile plastered on her face upon reading the short message. Kaya imbis na sagutin na lamang ang text nito, she chose to call him.
Wala pang tatlong ring ay sinagot na agad ito ng nasa kabilang linya. She was about to speak nang maunahan siya ng isang boses which is not Leonardo.
"This is Leonardo's girlfriend, who's this?," nahihimigan sa paraan ng pananalita ang katarayan nito.
At doon siya tuluyang natigilan. She was confused all of a sudden. Hindi siya maaaring magkamali, si Aishana ang nasa kabilang linya.
Pero bakit?, gusto niya sanang isatinig ngunit isinarili na lamang.
"Oh, I'm sorry. Wrong number ata," and without waiting for the other line to answer, she ended the call.
Nanginginig na nilapag niya ang telepono sa table. She doesn't know how and what to react. Naguguluhan siya. Ang daming tanong ang nasa kanyang isipan at the same time, ayaw niya ring malaman ang kasagutan.
Her phone lit up again and she effortlessly looked at the message on the notification.
From: Leo
baby, something came up, pwede bang mauna ka na lang muna sa binangonan? susunod na lang ako, i just need to meddle this.
She bite her lips, preventing herself from anything. Ayaw niyang umiyak. She was strong and maybe, mali lang ang pagkakaunawa niya sa sitwasyon.
She just type an "okay" reply with him and after she turned off her phone.
Pero hindi niya pala kayang isawalang bahala ang sitwasyon. Marahan siyang napatingin sa sariling repleksyon sa salamin. The woman looking at her right now is not the same Toni she built long time ago. The eyes of this woman are full of insecurities, at hindi siya iyon. This is the same woman she was ten years ago.
Hindi siya dapat ganito, after all ginusto naman niya ang nangyari. Ito ang gusto niya, ang makasama panandalian ang binata.
Siguro, kailangan niya lang talaga sanayin ang sarili.
"MA'AM TONI, nandito na po pala kayo," nakangiting bati sa kanya ni Juana, isa sa mga empleyado ng kanyang bakery pagkapasok na pagkapasok niya sa loob.
She smiled back with the same energy she received with the girl, like nothing happened a while ago, "Yes, dear, kumusta kayo dito?," aniya at inilibot pa niya ang paningin sa kabuuan ng bakery.
Maliit lang naman ang kanyang panaderya, para itong isang maliit na bahay na babasagin ang pader. When you entered the vicinity, una mong mabubungaran ang mahabang counter na kung saan nakahilera sa babasaging lalagyan ang iba't-ibang klase ng tinapay. While the surroundings have a table for two, group, solo and couches all around the corner of the store. Nagmukha na rin itong isang ganap talagang bakeshop dahil nag-o-offer din sila ng iba't-ibang inumin like coffee, frappe and milk tea to complement their goodies. Marami ring paintings na nakapalibot sa bawat gilid, some were vandals made by an artist. At isa lang ang mapapasalamatan niya sa magandang ambiance ng kanyang business, ang mga tauhan niya sa Sylvania.
"Ayy naku, Ma'am Toni, ang daming customers kanina bago ka dumating! Ni hindi kami magkandaugaga nila Anton at Dada, pati nga si Manong guard hinihingi na 'yung order ng ibang nakapila!," mahabang lintanya naman sa kanya ng loyal na empleyado.
Mas lalo naman siyang napangiti sa tinuran, "Do we need to hire more crews na ba?"
Umiling-iling naman ang dalaga. "Huwag na, Ma'am, doblehin mo na lang sahod namin. Kaso joke lang, Ma'am, baka seryosohin mo, pero pwede rin naman po kung gusto niyo."
Mas lalo siyang natawa sa kakwelahan ng kaharap. Kaya hindi talaga lalong nawawalan ng customers ang kanyang bakery ay dahil sa madaldal na kahera.
Kapag kausap mo ang dalaga ay mawawala lahat ng dala-dala mong problema.
"Why not? Basta maabot niyo 'yung mas mataas na kita ngayong buwan," mapagbiro ring tugon niya sa kaharap.
Mas lalo namang lumiwanag ang itsura nito, "Naku, Ma'am, huwag kang magbiro ng ganyan, baka seryosohin nga namin!"
"Hindi naman ako nagbibiro. Let's just see the sales by next month," muli niyang wika at idinako naman ang paningin sa mangilan-ngilan na mga customers na kumakain sa loob.
"Hulog ka talaga ng langit, Ma'am! Makakabili na ko ng bagong cellphone dahil sa inyo!," halos yakapin na siya ni Juana kung hindi nga lang biglang may lumapit na lalaki para um-order.
"Pasok muna ko sa loob, Juana," pagpapaalam niya sa kausap, balak naman niyang dalawin ang loob kung saan ginagawa ang mga tinapay.
"Sige, Ma'am, tek yur taym!," balikong pag-i-ingles pa ng dalaga.
Napailing na lamang siya habang natatawa ng bahagya bago niya napagdesisyunang pumasok na sa loob.
Pagkapasok pa lamang niya sa loob ay sinalubong na siya ng mabagong aroma ng harina. Kung mabango na sa loob ng shop, mas mabango dito kung saan ginagawa ang mismong mga tinitinda.
She suddenly missed baking, she whispered silently while still admiring the whole place.
Natanaw niya agad sila Anton at Dada na abalang nagmamasa at naghuhulma ng harina. Hindi muna siya nagpakita sa dalawa at pinagmasdan muna sila sa sulok.
Parang dati lang ay palpak pa ang mga gawa nilang tinapay, pero ngayon, isa na talaga silang magagaling na panadero. And she's proud to say that she was the one who taught them how to bake. Lahat ng alam niya, maging ang mga sikreto ay itinuro niya sa dalawa. At isa lang ang tunay niyang masasabi, they are doing good dahil kahit hindi siya masyadong nakakadalaw sa bakery ay hindi pa rin ito nalulugi.
Naramdaman ata ni Dada ang kanyang presensya dahil lumingon ito sa kanyang direksyon at ngumiti, "Ma'am Toni ikaw pala! Akala ko may nanonood na sa aming maligno!," napahawak pa ito sa sariling dibdib na may suot na apron.
Natatawa namang lumapit na siya dalawa, "Silly you! How's baking anyway?," she asked touching the dough they are making.
"Ito, Ma'am, masaya, na-apply na namin lahat ng tinuro mo!," magiliw namang tugon sa kanya ni Anton, panandaliang tumigil sa pinagkakaabalahan.
Tumango-tango naman siya, "That's good. Ano naman iyong pinakamabenta ngayong buwan?," she asked still admiring the fluffiness of doughs they just have molded.
"Base dun sa pinakitang papel ni Accountant Rigz at sa mga lagi naming ginagawa, iyong Spanish bread po, Ma'am. Ang sarap daw ng recipe! The best talaga kayo!," pamumuri pa sa kanya ni Dada, hindi alintana ang puro harinang mukha.
She was flustered, hindi pa rin sanay sa pamumuri ng mga empleyado kahit na halos limang taon na silang magkakilala, "Magagaling rin naman ang mga students ko."
"Ayy naku, Ma'am, huwag mo na kaming bolahin pa, kayo pa rin ang pinakamagaling dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi kami matututo!," panggagatong rin ni Anton.
"Gusto niyo ata ng mas mataas na sweldo, eh," she teased.
"Pwede rin naman, Ma'am, parang loyalty salary kumbaga," at tumawa pa nang napakalakas si Dada habang hinuhubad ang suot na face mask.
"Pero bago mo taasan 'yung sahod namin, Ma'am, si Aling Shela, iyong suki ng bakery na laging kumukuha ng tinapay dito, nangungulit sa amin kung kailan mo daw balak mag-franchise nitong bakery! Balak daw niyang magtayo sa may Angono!"
Bahagya naman siyang natigilan sa tinuran ng binata, "Really? Wala talaga sa isip ko 'yang pag-fa-franchise but I'll think of it. Pakisabi na lang sa kanya na pinag-iisipan ko pa kung papayag ako sa ganyang setup," she spoke slowly.
"Copy, Roger!," pabiro pang sumaludo sa kanya si Anton.
Itinayo lamang niya ang bakery na ito dahil sa munting pangarap niya noong kabataan. She really wanted to established her very own label of bakery. Ngunit wala sa plano niya ang pagpapatayo pa ng ibang branches, lalo na at siya lang naman talaga ang investor and owner nito. May iba pa naman siyang negosyong pinagkakaabalahan, but she'll try to think about it later.
Her thoughts were interrupted when her phone suddenly rang. Tiningnan naman niya ang caller at nang makitang si Leo ang tumatawag ay walang pag-a-alinlangan na sinagot niya ito.
"Hello, why?," she asked formally, sandali niyang nakalimutan ang tawag sa binata.
"Baby, are you okay?," nahimigan niya ang pag-aalala sa boses nito.
She distanced herself with her employees avoiding any issues, lalo na at mapang-asar pa naman ang mga ito, "Of course. Where are you? You said you'll be here din naman? Halos isang oras na ko dito."
The other line fell into silent, and she almost thought that the call was ended, not until she heard the deep sighed of Leo, "Something came up," he said in a low voice, tila alanganin sa sasabihin.
"Yeah, you just informed me a while ago," her right fist formed into a ball, alam na niya ang patutunguhan ng tawag, hindi naman siya bobo para hindi ito maunawaan.
"Baby, I'm sad to say na baka hindi na ko makapunta diyan. M-May kailangan lang akong asikasuhin. But promise, babawi ako. Trust me," malumanay na wika ng binata sa kabilang linya.
That's it! She knew it! Pero ang sakit pala mismong manggaling sa bibig ng lalaki.
She took a deep breathe, calming herself, "Alright, I understand. Take care," she really tried to make her voice in a monotone!
She was about to end the call nang marinig niya ang munting boses ng panauhing hindi niya inaasahang kasama pa rin ng binata sa kabilang linya.
"Leo, dear, sino ang kausap mo?," that's Aishana.
Halos mabitawan na niya ang hawak na telepono, buti na lang naalala niyang hindi siya nag-iisa sa lugar na ito.
Tangina!, she muttered a cursed while holding her breathe.
"CIA, where are you?," she asked upon Cia answered her call.
She's now driving pauwi sa sariling condo. Pinilit na lamang niyang aliwin ang sarili sa paggawa ng mga tinapay at pagtulong sa pagkuha ng orders ng mga customers bago niya napiling umuwi na ng bahay.
"Why? Aayain mo ba kong uminom ngayong gabi dahil iniwan ka na ng Attorney mo? Dahil kung oo, pumunta ka na lang dito sa unit ko, I'm busy sketching new designs," prangkang wika sa kanya ng kaibigan, mahihimigan pa dito na abala ito sa kung anong ginagawa.
"That's not it, Cia. He just cancelled our date for whatever reason," naalala na naman niya ang boses ng ex nito sa kabilang linya.
Gusto niyang humingi ng dahilan! Gusto niyang sumbatan ang binata dahil pinagmukha siyang tanga nito, ngunit anong magagawa niya? Wala siyang karapatan. She doesn't even know what's their label! Bullshit!
"Baka nasa ex," mapagbirong sagot naman ng kaibigan, ngunit hindi niya kayang makisakay dahil totoo naman ang sinabi nito.
He's probably enjoying the company of that bitch!
"Anyways, kung anuman 'yang pinuputok ng butchi mo, just go here in my condo, I can't go. May kailangan pa talaga akong tapusin na designs para sa isang bigating kliyente, but I'll listen with your rants. Promise me, baby," malambing na pagpapatuloy ng dalaga.
She changed her location sa Waze while maneuvering the wheels smoothly, "Thanks, Cia, you're really a friend," she spoke sincerely.
"Whatever! I'm your only friend, wala kong choice. Duh!," nakita pa niya sa kanyang isipan ang imahe ng mataray na si Cia.
She laughed a bit before making her way in her friend's unit.
Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.
"Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari
"Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman
Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H
"Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."