Share

33

Author: algeahermosa
last update publish date: 2020-07-29 20:00:06

Tinotoo nga ng kanyang ina ang kanilang pag-alis. Dahil wala pang tatlong araw ay bumiyahe na sila kasama ang mga amigas nito papuntang Japan.

Hindi niya alam kung paano nito naasikaso ang mga papeles nila ng ganoon kabilis. Siguro may kaibigan itong may-ari ng airport o kung ano. Pero wala na siyang lakas pa para alamin.

At ngayong unang araw nga nila dito ay ilang patong ng jacket at trench coat ang kanyang suot-suot. Ber months na rin kasi kaya sobrang lamig na ngayon dito.

Pati ang kanyang baong damit ay ang ina ang nag-asikaso. Hinayaan lang naman niya ito dahil nagkulong lang talaga siya sa kanyang kwarto sa loob ng tatlong araw.

Nakakabaliw pa rin talaga, bulong niya sa sarili.

"Sweetie, don't you want to buy anything?," malambing ang boses na tanong sa kanya ng isa sa mga amigas ng sariling ina.

Nandito kasi sila ngayon sa Aeon Lake Town sa Koshigaya, hindi naman ito kalayuan sa Tokyo. Pero ito ata ang pinakamalaking mall sa Japan base sa mga narinig niya sa usapan ng mga matatanda. Over 700 stores ang nakatayo sa loob ng mall na ito at napakaganda pa ng tanawin sa labas. Dahil pinapalibutan ito ng isang malaking lawa at mga puno sa bandang gilid.

Hindi nga lang niya talaga magawang namnamin ang ganda ng lugar. Dahil ang puso niya ay lumuluha pa rin.

Marahan naman siyang ngumiti habang may maliit na ngiti sa labi, "I don't have any plans to buy po," magalan niyang turan.

"Sayang naman kung hindi ka bibili, hija. Lahat ng tinda dito ay original at mas mura pa kaysa sa tinda sa bansa natin!," singit naman ng isa pang ginang.

Apat ang amigas na kasama ng kanyang ina, kaya anim silang magkakasama ngayong naglalakad sa bawat stalls. Panay pa nga ang kuha ng litrato ng isang kaibigan ng kanyang nanay na hindi na niya inalam pa ang pangalan.

"Hay naku, hayaan niyo na 'yan si Toni, mga amigas. Malungkot kasi ang unica hija ko, kaya ako na lang muna ang mamimili para sa kanya," apela naman ng kanyang ina na pormadong-pormado sa suot na fluffy trench coat.

"Nasabi mo nga, pero hindi ko naman alam na ganito pala kalungkot! Nakakaloka!," lintanya naman ng isa pang ginang na maraming alahas sa katawan na hindi nagpadaig sa makapal na kasuotan.

"But I like your idea, Tasya! I don't have any girl kids kaya this is my time to shop for your daughter! Marami ditong stalls ng designer clothes!," ang isa namang babaeng napaka-sopistikada ang dating ang nagsalita, para itong matapobre kung hindi mo kilala.

"Kaya don't mind na lang my daughter, ah. She just need peace right now," muling wika ng kanyang ina bago inakay ang dalawang ginang na kausap.

Naiwan naman siya sa bandang likuran na ikinaluwag ng kanyang dibdib. Hindi niya kayang makipagsabayan sa enerhiya ng limang ginang.

Napansin naman niya ang bahagyang pagsulyap sa kanya ng babaeng nagtanong sa kanya kanina, bago nito napiling sumunod sa ina.

Sa hindi malamang dahilan, nakitaan niya ang mga mata nito ng simpatya.

Ipinakli na lamang niya ang kanyang isipan at itinuon na lamang sa paligid.

Maganda talaga ang loob ng mall na ito. Napakaraming tao pero napaka-organisado. Hindi kagaya sa kanyang bansa na akala mo ay laging may mga hinahabol. Dito ay maayos silang pumipila sa elevator man o escalator. Hindi rin gaano nagkakabungguan ang mga tao dahil marunong silang dumistansya kahit na masikip. At kahit sa pagtatapon ng basura ay napakadisiplinado nila.

Iba talaga ang mga tao sa Japan.

HINDI niya alam kung paano niya natiis ang halos walong oras na paglilibot nila sa Mall na ito. Hindi naman sila puro lakad dahil minsan ay humihinto sila para mamili ng kung ano-ano.

At hindi rin niya alam kung natutuwa ba sa kanya ang mga kaibigan ng kanyang ina o ano. Pero halos ng mga pinamili nilang damit, bags, shoes, accessories, makeups ay para sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang kanyang nanay na tinuturo pa ang maaari niyang magustuhan.

Napakagastador ng mga kaibigan nito. Dinaig pa ang kaibigan niyang si Cia. Ang mga ito ay literal na nagtatapon ng pera.

At ngayon nga ay nasa isa silang restaurant dito rin sa loob ng Mall, Ohitsu Gohan Shirokujichu ata ang pangalan kung tama ang kanyang memorya.

Samu't-saring hindi pamilyar na pagkain ang nakalatag sa kanilang napakalaking lamesa. Hindi naman siya mahilig sa Japanese cuisine kaya wala siyang background sa mga pagkaing nakalatag.

"This one is so delicious, Toni! You shoukd try it," nakangiting inabot pa sa kanya ng isang ginang ang bowl na may lamang kanin na malagkit ata at iba pang rekados.

Nakangiti naman niya itong tinanggap, "Salamat po, Tita -," natigilan naman siya dahil hindi pala niya inalam ang mga pangalan ng mga ito.

"Tita Char, call me Tita Char," agap naman ng kaharap.

"Thank you, Tita Char," pag-uulit naman niya.

The latter smiled at her, "My pleasure, dearest Toni," at bumalik na ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan.

"Kumain ka ng kumain, anak. Don't let yourself starve just because you're not feeling well," paalala naman ng kanyang ina at sinalinan pa ang kanyang plato ng kung ano-anong pagkain.

"I know, Mama. But thanks for this," she smiled on her.

Her Mom tapped her head, "Mama will do everything just for you," at ngumiti pa ito pabalik.

"Aww! So sweet naman!," kinikilig na turan ng isang ginang sa kanilang dalawa, bahagya pa nitong sapo-sapo ang parehong pisngi.

"Inggit ka lang, Sha," pang-aasar naman ng isa pang babae.

"Like I am talaga, Vicky. I'm just so overwhelmed seeing Tasya's daughter with her! This is our first time bringing someone's child!," lintanya namang muli na tinawag na Sha, so she concluded it's her Tita Sha.

"Planning to do it next time?," natatawa namang singit ng babaeng nagtanong sa kanya kanina.

"Para namang sasama ang anak ni Sha sa kanya, Louise," ang ina naman niya ang nagsalita.

"You're bullying me!," umarte pang nagtatampo ang kanyang Tita Sha bago ito naglagay na rin ng pagkain sa sariling plato.

Tahimik naman siyang pinapanood ang mga ito.

This kind of squad is so rare. Hindi niya alam kung paano ito nakilala ng kanyang ina. But she ended up in a good company.

She can't imagine herself being like that with Cia and Xiaxia. Travelling and spending money on luxurious things just because they don't have anything to do. She more prefer the peaceful one.

But while watching her Mom and her amigas together, parang ang sarap tumanda kapag kagaya nila ang kasama mong tatanda. No worries on anything, just contented on what they are doing.

PAGKATAPOS ng mahabang araw nila sa labas ay napagpasyahan na rin nilang umuwi sa wakas.

They just rented a 2-storey house na sakto sa kanilang anim. Paid everything by them. Ang alam niya ay hindi naman ginalaw ng kanyang ina ang mga credit cards niya.

Diretso kwarto pa nga ang mga ginang dahil na rin sa kapaguran. Hindi niya alam kung mga tulog na ba iyon. Basta ngayon ay nandito siya sa may fireplace.

Akap ang dalawang tuhod habang suot-suot ang makapal na sweater at jogging pants, pinapanood niya ang bawat lagatok ng nasusunog na kahoy.

She can't sleep.

Hindi dahil may insomnia siya or what, pero dahil sobrang daming tumatakbo sa kanyang isipan.

Kumusta na kaya siya?, she asked silently.

Kahit pilit niyang iwinawaksi sa isipan ang binata ay nananariwa pa rin sa kanyang balintataw ang kulay karagatan nitong mga mata. Ang mainit nitong yakap, ang matitipunong bisig at dibdib at ang pamilyar nitong amoy na nakakahalina. Samahan pa ng ngiti nitong nakakalaglag panga at ang baritonong boses na lalong gumaganda kapag humahalakhak.

Nababaliw na nga talaga siya.

"Can't sleep?"

Natigil naman siya sa pag-iisip nang maulinigan ang pamilyar na boses ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ina.

She raised her eyes on her na hindi naman nalalayo ang pwesto sa kanya, "Kayo po pala Tita Louise," naalala niya ang pangalan nito nang banggitin ito ng ina kanina sa kanilang usapan.

Marahan naman itong ngumiti sa kanya at tumabi pa sa kanyang kinauupuan, "Something's bothering you?," she asked again.

Ibinalik naman niya ang paningin sa apoy, "Actually, my life is a mess right now," she answered honestly.

Somehow, she finds comfort on her. Napakalambing ng boses nito and her face reminded her someone she knew.

"I know, darling. The first time I saw you in the airport, your eyes tells a story. It was broken."

Huminga naman siya ng malalim, "Ganito po ata talaga kapag first love. Napakasakit."

Naramdaman naman niya ang bahagyang pagtingala nito sa kanyang gilid, "That's how woman build her stronger version of herself. From the pain, you'll learn how to hugged it as your advantage to the next level."

"But the pain is still fresh, Tita. I still can't let go it."

"Sa una talaga, masakit, but when you learned to understand that's how life works, matututunan mo rin iyong tanggapin. Anyway, it's just your first love. It's might be irreplaceable, but when you found your one true love. Ang masasabi mo na lang ay mas hindi mo siya kayang mawala," parang ang lalim ng pinaghuhugutan ng kanyang kausap pero based on her age, it's her own experiences.

"I don't know if I can love again after this," she unconsciously bite her nails.

"You will never know, Toni. When Cupid meddled with your life again, you don't have a choice but to play with his game."

Bahagya naman siyang napailing.

Hindi niya alam kung may hihigit pa ba sa puso niya bukod kay Leonardo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   SERENADE SERIES #1

    Isang pagbati!Narito ka dahil nagawa mong tapusin ang aking nobela at binabati kita. Isa ka ng ganap na hermosa, at kung hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang iyan ay galing sa espanyol na nangangahulugang maganda.And you are beautiful, whatever your skin color, your body type, your gender or your race, because you are a God's masterpiece, remember that.Ang librong ito ay nais lamang mag-iwan ng isang mensahe na ang pag-ibig ay hindi makasarili.Si Toni ang halimbawa ng babaeng kayang tiisin ang lahat manatili lamang sa kanya si Leo. Handa siyang maging masokista. Ngunit hindi ganoon ang pagmamahal.Ang pagmamahal ay mapagbigay at mapagkumbaba, hahayaan mo ang iyong iniirog na maging malaya kung anuman ang kanyang ikaliligaya, kagaya na lamang ng ginawa ni Vixen.

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   EPILOGUE

    "Galingan mo mamaya sa quiz bee, Leo. Sabi ni Ma'am Balitez kapag ikaw ang nanalo exempted na tayo sa long tests!," tuwang-tuwang turan kay Leo ng kaklaseng lalaki, nagawa pa nitong akbayan siya."Oo na. Bitawan mo na ko," naiiritang pakli niya dito bago muling hinarap ang makapal na librong binabasa."Sungit mo naman, chini-cheer na nga kita!""Hoy, Umali! Tigilan mo nga 'yan si Marasigan, baka malasin at makalimutan niyan mga inaral niya para sa quiz bee!," sinita ng kanilang presidente ng klase ang makulit na kaklase.Salamat naman, bulong niya sa sarili.Ginugol lang niya ang kanilang dalawang oras na bakante sa pagre-review. Pilit sinasaulo ang lahat ng mga termino. At nang dumating na ang oras ng kanyang laban ay dali-dali na niyang nilagay sa balikat ang may kabigatan na backpack."Hindi mo dapat makalimutan lahat ng inaral mo, Leonardo," kinakausap niya pa ang sari

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   40

    "Mama, who's the owner of this house?," nagtatakang tanong niya sa ina pagkababa pa lamang nila sa sasakyang nagdala sa kanila.Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay, malaki at halatang mahal ang bawat materyales na ginamit. Kung hindi siya nagkakamali ay mas malaki ang isang ito sa mansyon nila sa Tanay. This one is a medieval type, at nagtatalo ang kulay ng kayumanggi at krema."Bahay ng Tita Louise mo, Toni," her mother answered pagkatapos pasalamatan ang personal driver na inarkila pa talaga nito.Her Tita Louise's house is elegant like her. As an engineer, ang masasabi niya ay napakaperpekto ng mansion na nasa kanyamg harapan. Halatang ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin itong matatag."So, why we are here, then? Birthday ba ni Tita?," she curiously asked again.She's wearing a creamy dress just above her knees and paired it with her caramel block heels. Saman

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   39

    Toni tried to busy herself doing some office works kahit na hindi naman niya ito kailangang gawin pa. She really needs a distraction.Nakakabaliw lang ang lahat. Hindi niya pa rin talaga lubos akalain na manggagaling mismo sa bibig ng binata ang gusto niyang marinig dito.Para lang siyang panaginip, pero nangyari talaga.Leonardo often visited her office ngunit hindi niya ipinapahintulutan sa kanyang sekretarya na papasukin ito. She's still not ready to faced him again.Wala pa siya sa matinong pag-iisip at baka kung anong kabaliwan lamang ang gawin niya. What she have been within those past months was enough for now, tama na muna ang iba."Lahat ba ng dumating na construction materials ngayon

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   38

    Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naghaharumentado sa simpleng salita ng binata ang bawat parte ng kanyang katawan.Nakakabaliw."Stop spitting out nonsense, Attorney," gusto na niyang matapos ang sayaw na ito, ngunit tila ayaw yata siyang pakawalan ng binata."Hindi ako nagsisinungaling, Antoinette. The day I first laid my eyes on you, there's still unexplainable connection I felt for you. I can't describe what it is, but I know it's something deep. Nakakapaso. Nakakalunod. Nakakatakot. And believe me when I say that ikaw na lang ang babae ko simula ng tanggapin ko ang offer mo," his eyes still on her, pilit pinapabatid na sa kanya lang ang buong atensyon ng binata.Hindi rin nito alintana ang iba pang mga taong sumasayaw sa kanilang paligid. H

  • Reckless Serenade (Serenade Series #1) [Tagalog]   37

    "Is this dress would be fine?," nag-aalangang tanong niya kay Vixen habang iniikot ang sarili, suot ang isang black sleeveless body con dress just thigh length, revealing din ito ng bahagya dahil kita ang kanyang cleavage and there's a slit na mas lalong nagpakita ng kanyang hita.Mangha namang ipinabalik-balik ng binata ang tingin sa kanyang kabuuan, "So perfect, Toni!"She rolled her eyes at dinampot na lamang ang kanyang silver purse sa table, "Bolero. Tara na nga at baka mahuli pa tayo," naglakad na siya palabas wearing her killer heels.Natatawa namang humabol sa kanya ang lalaki, nagawa pa nitong pasadahang muli ang kanyang katawan, ramdam niya iyon, "I'm just telling the obvious, babe.""Whatever, Khalid."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status