Share

Chapter 3

Author: Emi unnie
last update publish date: 2020-08-13 14:58:51

Walang cellphone si Kathlaine, 

Wala din siyang pinapagkaabalahan sa bahay na iyon. Ang lawak-lawak ng mansyon nila ngunit ang lungkot naman ng kanyang nadarama. 

Naglalakad-lakad si Kathlaine sa hardin nang araw na dumating ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya.

Narinig niya ang ugong ng paparating sasakyan. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin. 

She was busy fighting her self-pity, as usual. "Miss? Miss, puwedeng magtanong?"

Saka lang siya luminga sa dakong pinanggalingan ng boses-lalaki.

Nakita niya ang isang estranghero na banyaga ang itsura ngunit napakatatas mag Tagalog.

"B-bakit?" Natagpuan nalang niya ang sarili na humahakbang na palapit sa bakod na yari sa rehas na bakal.

"Hinahanap ko si Benicio de Louhrey." 

Binasa pa muna ng lalaki ang hawak na papel para makasiguro bago nagpatuloy.

"Kilala mo ba siya"? Pagtatanong ng binata.

"Ahm, O-oo, D-dito siya nakatira." 

Hindi niya alam kung bakit lumalakas ang pagkabog ng dibdib habang nakatitig sa kausap.

"Dito?" Tila hindi makapaniwala dahil tumanaw pa muna sa malaking bahay na nakikita din kahit malayu-layo rin sa tarangkahan.

"Sino ka? At ano ang kailangan mo sa kanya?" Usisa ni kathlaine matapos tumango.

"Ako ang anak ng kapatid niyang babae." Pagpapakilala nito kay kathlaine.

Nagulat siya sa narinig. Hindi agad siya makaimik.

"Nandiyan ba siya ngayon." Sambit ng lalaki nang mainip.

Tumango si kathlaine. "O-oo, pero--"

"Maari bang tumuloy?" Inatake ng pag-aanlinlangan ang isipan niya.

"H-hindi ko alam." Aniya, habang tutop ng isang kamay ang lalamunan. Nalilito siya.

Ngayon lang siya nakipag-usap sa ibang lalaki.

She glanced around her furtively.

Natatakot siya na baka nasa paligid lang si Senyor Benicio.

At minamatyagan siya....

"Babalik nalang ako mamayang gabi, miss." Wika ng lalaki. Seryoso ang anyo nito. Nakatitig rin sa kanya.

Hindi na pakapagsalita si Kathlaine. Tila inipit nang kung ano ang kanayang dila.

His dark eyes delved her soul with mesmerizing intensity.

Para siyang inilipat sa ibang panahon, sa ibang lugar...habang bihag siya ng mga matang malalalim.

Her small tongue licked her drying pink lips with an unknowing provocativeness.

Sinundan ng binata ng tingin ang munting galaw na iyon.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ng binata

"K-kathlaine--" Tugon niya bago pa siya nakapag-isip.

"Kathlaine?" Sambit ng lalaki. "It's beautiful..." Para bang tinitikman ang lasa niya, sa pamamagitan ng pangalan.

Nanghilakbot siya sa direksiyong tinatakbo ng malikot niyang isipan.

"B-bumalik ka nalang mamaya. Paalam." Nagdumali siyang tumalikod para makalayo agad.

"Sandali lang, Kathlaine." Pigil sa kanya ng lalaki.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang wag nalang siyang pansinin and pagtawag nito.

Huminto siya at humarap sa binata.

"Ako si Gabrien Tiongson. Gusto kong makipagkaibigan sa'yo." 

Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"N-nais mong makipagkaibigan sa akin?" She asked him wonderingly.

Isang sampatikong lalaki ang ibig makipag-kaibigan sa kanya!

Tumango ang lalaki. "Bakit nagulat ka? Wala bang nakikipagkaibigan sa'yo?"

Umiling si Kathlaine habang nagbababa ng tingin. "Bihira lang ang nga taong nagagawi dito." Wika niya matapos mag-isip ng isasagot.

Kamag-anak ito ni Benicio, kaya hindi siya dapat nagsasabi ng kung ano-ano tungkol sa pagiging mahigpit at masungit ng senyor.

"Hindi ka ba lumalabas ng bahay?"

"B-bihira din." She replied in a small voice. 

"I see." Sambit nito matapos siyang matitigan uli. 

"S-sige. Kailangan ko bang bumalik sa bahay." She said goodbye hastily. 

Ibig niyang lumipad nang mga sandaling iyon ngunit parang yari sa bakal ang lahat ng mga parte ng katawang niya.

Halos ayaw niyang lumayo.

Ramdam na ramdam niyang nakasunod sa kanya ang mga matang nakakabighani.

Mabuti nalang hindi siya natalisod sa paglalakad. Pagdating sa bahay, saka lang siya nakahinga uli ng maayos.

Nagtungo agad siya sa kusina.

"Betty, nasaan ang susi sa malaking gate?"

"Ay! senyora, na kay senyor po."

"Bakit nasa kanya?" Nagtaka si Kathlaine.

"Lumabas po siya kanina. Nagpasundo kay attorney." 

"B-bakit di ko alam." Nagulat din ang katulong.

"P-po?"

"Anong oras na sila umalis?"

"Kaninang pagkapos ng almusal lang." 

"Nasaan ako?"

"Nand'on po yata kayo sa inyong silid."

Sinadya ni Ben na iwanan si'ya!

Nanlumo si Kathlaine.

"Sinabi ba niya kung ano oras si'ya babalik?"

Hindi makatingin ng diretso ang katulong.

"Eh, mga ilang araw daw po siya mawawala, Senyora."

Parang lumutang si kathlaine matapos makaramdam ng matinding sama ng loob.

Pinigil lang niya ang mawalan ng bisyo.

"P-punta muna ako sa kuwarto ko, Betty." Paalam niya habang tumatalikod.

"Tawagin niyo lamang po ako, senyora, kung may kailangan kayo." Pahabol nito.

Tumango lang siya ngunit hindi niya naunawaan ang mga salitang narinig.

Nagtungo siya sa kanyang silid. Doon siya umiyak nang umiyak.

Her husband's betrayal was a strong blow. Dahil hindi niya inaasahan.

May ilang araw din itong parang nag-mellow. 

Hindi na gaanong nambubulyaw. At panaka-naka, nagkukuwento ito ng tungkol sa kabaatan nito.

Binabanggit-bangit ang tungkol sa bunsong kapatid na si Reza.

Napapangiti pa nga... 

Kaya nangangarap si Kathlaine ng pagbabago sa relasyong nilang mag-asawa. Inakala niyang nagkaroon na nang kasagutan ang kanyang mga panalangin.

Nakatulugan niya ang paghihinagpis.

Nang magising ay magda-dapit hapon na. Inat-inat siyang bumangon. Nagugutom na siya.

Dinatnan niyang nagluluto sa kasina si Betty. 

"Magandang hapon po, senyora." Ang magalang na bati nito. Nangiti habang sinisipat ang namumutlang mukha at namumogtong mga mata ni Kathlaine.

"Magandang hapon din." Pilit ang ngiti niya. 

"Maari bang dito nalang tayo kumain?"

"Sige po." Ang agarang sang-ayon ng katulong. "Pero ako nalang po maghahain. Maupo nalang kayo po kayo diyan.

Ipinaghila siya nito ng isang silya.

"Salamat." Sambit niya sa matamlay na tinig.

She was feeling lethargic with sadness. Kaya kahit ba gustuhin niyang tumulong, hindi niya magawa dahil sa panlalambot na nadarama.

Wala sila masyadong imikan nang kumain na. Iginalang in Betty ang pananahimik niya.

The young maid tried to comfort her with unobtrusive concern. Inasikaso siya at pinagsilbihan ng hindi na niya kailangang mag-utos.

"Ako na lang po ang bahala sa mga ito, senyora." Agap nito nang akmang tutulong na naman ito.

Hindi na siya nagpumilit pa. Mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. "Salamat sa kabutihan mo, Betty." Wika niya bago lumabas ng pintuan ng kusina.

Walang direksiyon ang mga hakbang niya.

Dumadako siya kahit saan siya igiya ng mga paa.

Wala ring laman ang kanyang isipan.

Para bang nalambungan ng malamlam na emosyon ng kalungkutan.

Nakarating siya sa kalawanging tarangkahan, na patungo sa tabing-dagat.

Kahit na madilim na ang paligid dahil papalubog na ang araw, naaninag pa rin niya ang malaking kandadong nakakabit.

Malakas ang loob ni Benicio na iwan siya rito mag-isa.

Dahil nakakandado ang mga daraanan.

Mistula silang bilanggo ni Betty.

O baka naman mayroong susi ang katulong? At natatakot lang sa matandang amo kaya hindi sinasabi sa kanya?

Biglang nabuhayan ng loob si Kathlaine. Bumalik siya sa bahay.

"Betty? Magsabi ka mga ng to too." Sambit niya agad. "Mayroon kang susi, hindi ba?" 

Namutla nang husto ang katulong. "E-eh, w-wala po, senyora." Pagsisinungaling nito.

"Huwag kang kang mag-alala hindi ako ng hahanap ng susi para lumabas. Gusto ko lang matiyak na puwede tayong lumabas kung may kailangang bilhin."

Nakalma ang katulong. Yumuko ito dahil napahiya. "Pasensiya na, senyora. Hindi ko nais na pagtaguan kayo....kaya lang binalaan ako ni senyor na aalisin ako sa trabaho kapag nakalabas o tumakas kayo."

Kumurba pataas ang mga kilay ni kath. "At bakit naman ako tatakas? Ito ang tahanan ko, Betty." 

Bumadha ang labis na pagtataka sa mukha ng kaharap. "Hindi kayo nagnanais iwanan ang senyor, sa kabila ng...?"

Malungkot pero ngumiti si Kathlaine. "Hindi naman siya dating gan'on." Aniya. 

Ngunit hindi na niya naituloy ang ibang sasabihin nang may marinig silang mga busina ng sasakyan.

"A-ang senyor!" Bulaslas ni Betty.

Itinaas niya ang isang kamay upang tumahimik muna ito. 

Iba ang tunog ng busina.

"Iba ang tono, Betty. Ibang sasakyan yan." 

Naalala niya ang pamangkin ni Benicio na babalik daw ngayong gabi.

"Kung hindi ako nagkakamali, yan ang anak ng kapatid ni Benicio." Dugtong niya habang patungo na sa pintuan.

"Eh, senyora? Patutuluyin nyo po ba siya?" Luminga siya rito. "Hindi ba't may susi ka?" 

Namilipit ang katulong. Piniga ng mga kamay ang suot na puting apron habang nagpapaliwanag. "Hindi po diyan sa harapang tarangkahan, kundi doon sa likuran, ang ibinigay sa akin ng senyor." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Scents Of Romance   Chapter 5

    R-18 [ W A R N I N G ]Nanginginig ang buong katawan ni Kathlaine.Ngunit nag-aapoy ang kanyang pakiramdam. Habang ang loob ng kanyang utak ay pinag-haharian ng isang hindi nakiki-lalang emosyon.Madilim, malakas at maalab ang naturang damdamin. Mistulang usok na kumakalat sa bawa't sulok ng kanyang kabuuan.Init na sumisigid sa bawa't himaymay ng kanyang laman.Hanggang sa maramdaman na lang niyang natutunaw ang makapal na yelong nakabalot sa kanyang kaloob-loobang bahagi.Binubuksan siya ng unti-unti.Binubuhay siya nang dahan-dahan.She was returning back into her ojd, vulnerable self. Dafenseless and naive."Natanggap kaya ni Uncle Benicio ang telegrama ko?"Napapitlag si Kathlaine nang marinig ang boses ng lalaking kasabay na luma

  • Scents Of Romance   Chapter 4

    Nasasabik si Gabrien.Halos hilain niya ang mga oras.Ngayon lang nangyari ang magkaganito.Women had always been easy-to-get for him.Ngitian lang niya ang mga babaeng nakursunadahan sa isang party, kasama na niya ito sa kanyang pag-uwi.He regarded women as merely play things which were designed to give pleasure and only pleasure.They had no permanent place in his life. The only important woman for him and whom he respected and loved so much- was his mother.Ang ikalawang importante para sa kanya ay ang trabaho niya.But the moment he set eyes on that woman...Parang bigla siyang hinigop ng kung anong lakas.Kathlaine,Kathlaine...Nakintal agad sa kanyang utak ang malalaki at bilugang mga mata, na may malalantik na pilik.At ang mga labing mapupula ay tila kaysarap halikan.Ano kaya ni uncle Benicio ang babaeng yon? Hindi naman sana anak? bulong niya sa sarili. Magiging pinsang-buo pa ba niya ang

  • Scents Of Romance   Chapter 3

    Walang cellphone si Kathlaine,Wala din siyang pinapagkaabalahan sa bahay na iyon. Ang lawak-lawak ng mansyon nila ngunit ang lungkot naman ng kanyang nadarama.Naglalakad-lakad si Kathlaine sa hardin nang araw na dumating ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya.Narinig niya ang ugong ng paparating sasakyan. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin.She was busy fighting her self-pity, as usual. "Miss? Miss, puwedeng magtanong?"Saka lang siya luminga sa dakong pinanggalingan ng boses-lalaki.Nakita niya ang isang estranghero na banyaga ang itsura ngunit napakatatas mag Tagalog."B-bakit?" Natagpuan nalang niya ang sarili na humahakbang na palapit sa bakod na yari sa rehas na bakal."Hinahanap ko si Benicio de Louhrey."Binasa pa muna ng lalaki ang hawak na papel para makasiguro bago nagpatuloy."Kilala mo ba siya"? Pagtatanong ng binata."Ahm, O-oo, D-dito siya nakatira."&

  • Scents Of Romance   Chapter 2

    "Sige na, Anak. Ngayon lang ako hihiling sayo." Pag-mamakaawa ng matandang babae bago inihit ang masasal na ubo."But, Mom. What's the use? Uncle Benicio may not want to go here for a visit. He's too old for travelling. You said, Hus bone might've gone cranky with old age." Emir Gabrien Tiongson, a tall man with a slender but well muscled body, tried to reason with his mother.Umupo si Gab sa magarang sofa at tumabi sa kanyang ina."Basta!" The old woman insisted after controlling her couching. "Gusto kong makita si Kuya Benicio. Kahit na sa hiking pagkakataon na lang."Umiling-iling si Gab.Nasa kalagitnaan siya ng business negotiations. Kaytagal niyang hinihintay ang oportunidad na dumating sa kanya kagabi.....Ngunit hindi naman lingid sa kanya na may taning ng ang buhay ng kanyang ina.Kaunting panahon na lang ang ititigil nito sa mundo."Ok, l'll go tonight." Pangako niya kahit na laban sa loob.Napangiti niya ang k

  • Scents Of Romance   Chapter 1

    Isang linggo pa ang lumipas, nang matuloy ang simpleng kasal nina Senyorito Benicio de Loughrey at Kathlaine Del Mundo.Ang tanging saksi ay sina Mang Makario at Aling Leonora. At ang abogadong inimbita ng matandang senyor.May nga bisita sila ngunit pawang mga tauhan lamang sa mansion.Walang inimbitahang taga-labas si Senyor Benicio."Attorney, ibinigay ko kay Kath ang lahat ng mga ari-arian ko." Pahayag ng matandang senyor.Kakatapos lang nilang kumain ng masarap na panghalian. At kasalukuyang nag kakape sa veranda.Nagdudumaling umalis ang paring nagkasal sa kanila dahil mayroon pa itong bibinyagan sa kabilang bayan.Nagulat si Kathlaine sa narinig. "B-ben." Sambit niya. Nanlalaki ang mga mata niya. "H-hindi mo kailangang gawin yan."Ginagap ng lalaking napangasawa ang kamay niyang nanlalamig."Hayaan mo lang ako, Kath. Ibig kong tiyakin na nasa ayos ang kinabukasan mo kahit na ano pang mangyari.""Oh, Ben! Iy

  • Scents Of Romance   Prologo

    May isang dalagang sumisisid sa isang malinis na dagat ang mga korales at isda ang gustong-gusto niya laging nakikita.Walang katinag-tinag si Kathlaine.She was not breathing..."Kath! Nasaan ka?" Umalingawngaw ang paos na tinig ng isang lalaki sa mga batuhan na nakakalat sa dalampasigan.Napapitlag si Kathlaine ng makarating sa kinaroroonan ang naturang boses.Dali-dali siyang umahon mula sa pagkakadapa.Her nimble feet climbed at the rough face of the small rock mountain of the seaside with practiced ease."Nandito lang ako, Ben." Aniya nang nasa ituktok na ng mga bato.She smiled at the tall man below.Nakatayo si Ben sa buhanginan.Nakahawak sa antigong tungkod habang nakatingala sa kanya.At nakasimangot."Nandiyan ka na naman." Angil nito, kunot-noo. "Hindi ba't binabawalan kitang magpunta diyan?"Hindi ininda in Kathlaine ang pabugnot na pasalubong ng lalaki. Nakangiti pa rin siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status