Share

Scents Of Romance
Scents Of Romance
Author: Emi unnie

Prologo

Author: Emi unnie
last update publish date: 2020-08-08 18:30:25

May isang dalagang sumisisid sa isang malinis na dagat ang mga korales at isda ang gustong-gusto niya laging nakikita.

Walang katinag-tinag si Kathlaine.

She was not breathing...

"Kath! Nasaan ka?" Umalingawngaw ang paos na tinig ng isang lalaki sa mga batuhan na nakakalat sa dalampasigan.

Napapitlag si Kathlaine ng makarating sa kinaroroonan ang naturang boses.

Dali-dali siyang umahon mula sa pagkakadapa.

Her nimble feet climbed at the rough face of the small rock mountain of the seaside with practiced ease.

"Nandito lang ako, Ben." Aniya nang nasa ituktok na ng mga bato.

She smiled at the tall man below.

Nakatayo si Ben sa buhanginan.

Nakahawak sa antigong tungkod habang nakatingala sa kanya.

At nakasimangot.

"Nandiyan ka na naman." Angil nito, kunot-noo. "Hindi ba't binabawalan kitang magpunta diyan?" 

Hindi ininda in Kathlaine ang pabugnot na pasalubong ng lalaki. Nakangiti pa rin siya hanggang makarating sa ibaba.

Patakbo niyang nilapitan si Ben. Yumapos siya sa bewang into at humalik sa isang humpak ng pisngi.

"Nanonood lang ako ng mga isda." Paliwanag niya sa masiglang tono.

"May malaking aquarium sa bahay, Kath. Marami ding isda." Sambit ni Ben.

"Mas masarap silang pagmasdan kung nasa natural na tirahan." Umabrisiyete siya sa isang luyloy ng braso. "Halika na. Baka mainitan ka nang usto dito."

Unti-unting nabura ang pagkayamot sa mukha ni Ben. 

Bumuntong-hininga ito."Pasensiya ka na, Kath. Nag-aalala lamang ako ng husto kapag nawawala ka sa paningim ko." Pag-amin nito.

Tumingala siya rito. Sumeryoso na din. "Ako ang dapat na humingi ng paumanhin, Ben." Bawi niya. "Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko." 

Gnarled, arthritic fingers caressed the delicate shape of her head.

Pati ang matamis na hubog ng makinis na pisngi ay hinaplos din ng mga daliri. "Napakabait mo, Kath. Isa kang biyaya ng langit sa akin." Ginawaran nito ng halik ang noo niya. Ginawaran nito ng halik ang noo niya. "Natatakot akong mawala ka sa akin...."

"Oh, Ben! Hinding-hindi ako mawawala sayo!" Bulaslas ng dalaga.

"S-sana nga, Kath." Sambit ng matandang lalaki. "Ngunit ika-labingwalong taong kaarawan mo na ngayon. Puwede mo nang gawin ang anumang nais mo. Hindi na kita kayang pigilan kung gusto mo nang umalis sa poder ko, Kath." 

Huminto siya sa paglalakad. Hinarap niya ito. "Hindi ako aalis sa poder mo, Ben. Mahal na mahal kita!" 

Napapikit si Ben. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Kath. Bulong nito.

Yumapos siya nang mahigpit na mahigpit sa payat na katawan ng matandang lalaki.

"Ikaw ang maysabing nasa hustong edad na ako. Ben." Wika niya. Puno ng emosyon ang mababang boses. "May sarili na along pag-iisip. Alam ko na kung ano ang ibig ko. Ikaw yung, Ben. Ikaw lang ang tanging lalaki na mamahalin ko!"

Niyakap na rin siya ni Ben. "Oh. Kath, mahal na mahal din kita. Kaya lang napakatanda ko na at--" 

"Hindi! Hindi ka matanda." paikli ng dalaga. Tumungkay uli ito sa kanya. "Nagkasakit ka lang. Kaya ka nanghina. Kapag gumaling ka na nang magaling, magiging malakas ka na tulad ng dati." 

"I must be crazy for encouraging you, Kath." Bulong nito habang hinahagkan ang kanyang noo. "Pero hindi ko na alam kung ano pa ang mga tama o mali." 

"Ikaw lang ang tanging pakamamahalin ko, Ben." Anas ni Kath. "Ikaw lang ang lalaking pinangarap ko kong makasama nang habang buhay!"

Any man would be lost with that king of fervor!

At si Senyorito Benicio de Loughrey ay hindi sanay mabigo sa anumang bagay na ginugusto.

"A-ang ibig mong sabihin, papayag lang magpakasal sa akin, Kath?" 

"K-kasal?" Bulaslas ng dalaga. Namilog ang mga matang may malalantik na pilikmata. 

"G-gusto mo akong pakasalan?"

Tumango ang matandang lalaki. "Kung tatanggapin mo ang alok." Ani nito "Nais kong matiyak na magiging akin ka na habang-buhay."

"Oh, Ben! Maligayang-maligaya ako!" Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. "Maligayang-maligaya ako!" Ulit pa niya.

"Payag ka? Magpapakasal tayo?" Tanong ng matanda.

"Oo, Ben!" Sa sobrang katuwaan napatalon ang dalaga habang niyayapos nang mahigpit ang matanda.

"T-teka, Kath. Matutumba tayo. Huwag ka masyadaong malikot--"

Ngumit nahuli na ang lahat natumba na silang dalawa sa buhanginan.

"Ay!"

Nagkumahog sa pagtayo si Kath. "Mel? Mel, nasaktan kaba?"

Umiling ang matanda ngunit nakangiwi at umuungol.

"Anong masakit?"

"W-wala. Parang nalinsad lang itong balakang ko. Sunduin mo si Makario. Pagpapatulong ako sakanyang bumangon." 

"Ako na lang. Halika, tutulungan na kita." Alok ng dalaga.

"No! Sinabi kong tawagin mo si Makario. Sundin mo na lang kung ano ang utos ko!" Bulyaw ng matanda.

Kapag ganito na ang tono ni Senyorito Benicio natatakot na si Kathlaine. "S-sige--" Aniya, halos pahikbi.

"Dalian mo! At huwag ka nang sasama sa kanya pagpunta niya rito!" Dugtong pa nito. 

"P-pero--"

"Kath, sundin mo nalang ako." Pakli ng matandang nakahiga na patahiya sa buhangin. Ibinaba nito ang tono pero paangil parin ang pagsasalita.

Saka lang naintindihan ni Kathlaine na nagtatago ng nadaramang sakit ang kausap.

"Uhm, s-sige. Susunod na ako sa nais mo." 

Tumakbo siya nang mabilis patungo sa malaking bahay na yari sa bato. Itinulak niya ang kalawanging tarangkahan sa likod at humangos papasok sa malawak na bakuran.

"Mang Makario!" Sigaw niya nang malapit na sa kusina. Nandoon palagi ang lalaking katiwala dahil ang asawa nito ay kusinera naman. 

Pupungas-pungas ang tinawag. Nagkasalubong sila sa pintuan. 

"Bakit, Kath? Anong nangyari? Nasaan si Senyorito Benicio?"

"N-naiwan siya sa dalampasigan." Hingal niya.

"Ha? Bakit naiwan siya doon?" 

"Natumba kami at hindi na siya makabangong mag-isa." Paliwanag niya. "Nagpapasundo siya sa iyo, Mang Makario."

Nagkamot ng ulong nakakalbo ang katiwala. "Kundangan naman kasi, ka-tigas ng ulo. Hindi na dapat nagpupunta sa mga lugar na delikado, punta parin ng punta!" Nagbubusa ito dahil sa labis na pag-aalala.

"A-ako ang may kasalanan, Mang Makario. Patawarin n'yo ako." Sambit ni Kathlaine.

Yukong-yuko ang ulo ng dalaga, Larawan ng sariwang kabataan at likas na kainosentihan. 

Bumuntong-hininga si Mang Makario. "Iha, bata ka pa. At malakas. Kaya mongagpunta sa kahit na saang lugar mo nais. Pero si Senyorito Benicio, matanda na. Dapat ay alam niya na ang mga limitasyon ng kanyang katawang masasakitin!"

Iling-iling habang papalayo. 

Naiwan si Kathlaine na nakatigagal.

"Kath, iha. Pumasok ka na rito.  Halika nagtimpla ako ng mainit na tsokolate, 'yung paborito mo."

Awtomatiko ang pagtalima ng dalaga. Ilang taon na ba niyang naririnig ang pag-aalok ni Aling Leonora ng main it na tsokolate sa kanya?

Napamahal agad siya sa mga taong nandito sa pamamahay ni Senyorito Benicio de Loughrey sa unang araw pa lang ng paninirahan niya rito. 

Namatay sa panganganak sa kanyang ang ina. Sinikap siyang palakihin ng ama ngunit naging malulungkutin na ito. Siyam na taon siya nang maging ganap na ulila.

Kinupkop siya ni Aling Leonora at Mang Makario, ang mag-asawang katiwala na walang anak. 

Nang makita siya ni Senyorito Benicio, inako nito ang reponsibilidad sa kanya.

Inaalagaan siya at pinalaki nang maayos ngunit kailanman at hindi siya nito itinuturing na anak.'Papa Benicio' ang itinuro nina Aling Leonora na itatawag niya sa butihing iyon.

" 'Ben' ang gusto kong itatawag mo sa akin." Kontra naman ng matanda.

"Kaibigan lang ako, Kath. Hindi ko maaring palitan ang iyong ama." Iyon ang palaging sinasabi ni Senyorito Benicio.

Kaya pala, mayroon itong ibang damdamin para sa kanya. Na tinugon naman ng kanyang puso...

Their engagement was announced during dinner that night.

Kasalo nila ang mag-asawa sa espesyal na hapunan na inihanda para sa kaarawan ni Kathlaine.

"May magandang balita kami sa inyo." Umpisa ni Senyorito Benicio. "Magpapakasal na kami ni Kath sa isang linggo."

Sabay napanganga sila Mang Makario at Aling Leonora. Halatang-halata ang matinding  pagkabigla ng mga ito.

"A-ano po, Senyorito Benicio?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mang Makario.

"Magpapakasal kami ni Kath," ulit ng matandang Senyorito. Hindi nito pansin ang reaksiyon ng mga kaharap. Ang mga mata nito ay nakatutok sa maamong mukha ni Kathlaine.

Parang namumutla ang kulubot na balat nito ngunit hindi naman kasi ito palalabas ng bahay. 

"Ipinangangako kong paliligayahin kita, Ben," pangako niya habang nakatitig nang buong pagmamahal sa kasintahan.

"Susmaryeosep!" Bulong ni Aling Leonora. "H-hindi ba nag-iisip ang matandang ito?"

"Leonora, huminahon ka. Wala tayong karapatang magsalita. Alam  nila ang ginagawa nila." Saway naman ng asawa nito.

Si Kathlaine lamang ang nakakarinig dito. Dahil mahina na ang pandinig ni Senyorito Benicio. Luminga siya sa gawi ng mga ito at ngumiti ng pasasalamat sa lalaki.

"Batiin niyo naman kami, Makario, Leonora." Utos ng matandang senyor.

Awtomatikong sumunod ang mag-asawa.

"M-maligayang bati po, Senyorito Benicio. Napaka-suwerte niyo." Sambit ni Aling Leonora.

Tumawa ng malakas ang senyor. "Tama ka, Leonora. Suwerteng-suwerte ako kay Kath!" Sang-ayon nito. "Makario, kumuha ka ng alak sa basement."

Tumindig si Aling Leonora nang lumabas ng kumedor ang asawa. "Uh, k-kukunin ko ang dessert." pagdadahilan nito.

Naiwan ang dalawa.

Ngumiti sa kanya ang nobyo, "Halika dito, Kathlaine."

Maliksing tumalima si Kathlaine.

Her slim body was sheathed with a ruffled with silk dress, She looked and felt beautiful. Like a warm breeze during a summer day.

Pumulupot sa beywang niya ang mga bisig ni Senyor Benicio. "Napakaganda mo, Kath. Ang iyong mga mata, ang iyong mga labi...." Anas nito. "Ibinabalik mo ako sa aking kabataan magmula nang dumating ka sa buhay ko."

Kathlaine shook as she stood before him.

Her slender arms embraced him lovingly. 

"Binigyan mo naman ako ng talino at matandang bukas, Ben." Ganting bulong niya. 

"Kainlanman, hindi ko mababayaran ang mga kabutihang ipinakita mo sa akin."

Lumalam ang mga matang malalalim.

"Hindi ko alam kung ako ang sasabihin ng mga tao sa akin, Kath. " Wika ng matanda. "Disiotso ka lang at singkwenta y kuwatro naman ako. Triple ng edad mo ang edad ko." Dugtong nito.

Hinagod ng mga daliri ni Kathlaine ang malalim na kunot sa pagitan ng mga kilay nito.

"Bakit mo sila iintindihin, Ben?" Tanong niya. "Mabibigay ba nila ang kaligayahan mo?"

Natahimik ang matandang lalaki. Para bang pinipigil ang emosyon.

"I-ikaw, Kath? Maibibigay ko ba ang kaligayahan mo?" 

Ginawaran niya ng halik ang mataas na noo bago isiniksik ang mukha sa leeg.

"There's no doubt about it. Ben. Ngayon pa lang, maligayang-maligaya na ako!" Pahayag ng dalaga.

"Hindi mo ako iiwan kahit na  kailan?

"Hinding-hindi, mahal ko." She vowed fervently.

Higit isang linggo ang ipinaghintay nila.

Nag-collapse si Senyor Benicio. Kailangan itong ma-ospital.Alalang-alala si Kathlaine. At Araw at gabi siyang nakabantay sa tabi ng matandang lalaki.

"Huwag kang mag-alala. Kath. Mububuhay pa raw ako ng matagal, sabi ng doctor."

Gayon nga ang narinig niyang sinabi ng espesyalista.

"Alam ko." Wika naman niya sa masuyong tono. "Kaya lang, dapat magpahinga ka parin. Hindi pa naman naka-set ang petsa ng kasal natin, hindi ba?"

Nagmatigas ang matanda. "Hindi. Gusto kong makasal na tayo. Baka maagaw ka pa ng iba sa akin."

Humagikhik si Kathlaine. "At paano naman mangyayari yon? Nandito lang ako lagi sa tabi mo?"

"Hindi mo ba makikita ang mga doktor na batang-bata at mga guwapo pa?"

"Hindi ako tumitingin sa kanila, Ben. Baka ikaw? Ang daming magagandang nurses dito,ha?"

Ngumiti ang matanda, pero malungkot padin.

"Magaling na magaling ka na ba talaga?" Paniniguro niya. Maputlang-maputla pa ito.

Tumango si Senyor Benicio ngunit parang may itinatago.

"Ano ba talaga ang naging sakit mo?" 

Nagkibit balikat ito. "It was nothing. Katulad nga ng sinabi ng doktor ko, mabubuhay pa ako ng matagal."

Hinagkan niya ito sa noo bilang pagpapakita ng kasiyahan.

"Natutuwa ako para sa'yo Ben." Sambit niya, buong pagmamahal.

Nagulat siya nang maging maanghang ang tono at ang ngiti ng matandang senyor.

"Eh, ikaw, matutuwa ka pa kaya kapag nabagot kana sa piling ko?"

"Ben!" Napamaang siya. "A-ayaw mo na ba akong pakasalan?"

The old man readily shook his sparsely haired head. "Hindi nagbabago ang isip ko, Kath. Bata ka pa, ipinapangako ko sa sarili ko na magiging akin ka pagdating ng araw."

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang mararamdaman sa sinabing iyon.

Nakalimutan na niya ang pag-usisa naging naramdaman nito...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Scents Of Romance   Chapter 5

    R-18 [ W A R N I N G ]Nanginginig ang buong katawan ni Kathlaine.Ngunit nag-aapoy ang kanyang pakiramdam. Habang ang loob ng kanyang utak ay pinag-haharian ng isang hindi nakiki-lalang emosyon.Madilim, malakas at maalab ang naturang damdamin. Mistulang usok na kumakalat sa bawa't sulok ng kanyang kabuuan.Init na sumisigid sa bawa't himaymay ng kanyang laman.Hanggang sa maramdaman na lang niyang natutunaw ang makapal na yelong nakabalot sa kanyang kaloob-loobang bahagi.Binubuksan siya ng unti-unti.Binubuhay siya nang dahan-dahan.She was returning back into her ojd, vulnerable self. Dafenseless and naive."Natanggap kaya ni Uncle Benicio ang telegrama ko?"Napapitlag si Kathlaine nang marinig ang boses ng lalaking kasabay na luma

  • Scents Of Romance   Chapter 4

    Nasasabik si Gabrien.Halos hilain niya ang mga oras.Ngayon lang nangyari ang magkaganito.Women had always been easy-to-get for him.Ngitian lang niya ang mga babaeng nakursunadahan sa isang party, kasama na niya ito sa kanyang pag-uwi.He regarded women as merely play things which were designed to give pleasure and only pleasure.They had no permanent place in his life. The only important woman for him and whom he respected and loved so much- was his mother.Ang ikalawang importante para sa kanya ay ang trabaho niya.But the moment he set eyes on that woman...Parang bigla siyang hinigop ng kung anong lakas.Kathlaine,Kathlaine...Nakintal agad sa kanyang utak ang malalaki at bilugang mga mata, na may malalantik na pilik.At ang mga labing mapupula ay tila kaysarap halikan.Ano kaya ni uncle Benicio ang babaeng yon? Hindi naman sana anak? bulong niya sa sarili. Magiging pinsang-buo pa ba niya ang

  • Scents Of Romance   Chapter 3

    Walang cellphone si Kathlaine,Wala din siyang pinapagkaabalahan sa bahay na iyon. Ang lawak-lawak ng mansyon nila ngunit ang lungkot naman ng kanyang nadarama.Naglalakad-lakad si Kathlaine sa hardin nang araw na dumating ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya.Narinig niya ang ugong ng paparating sasakyan. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin.She was busy fighting her self-pity, as usual. "Miss? Miss, puwedeng magtanong?"Saka lang siya luminga sa dakong pinanggalingan ng boses-lalaki.Nakita niya ang isang estranghero na banyaga ang itsura ngunit napakatatas mag Tagalog."B-bakit?" Natagpuan nalang niya ang sarili na humahakbang na palapit sa bakod na yari sa rehas na bakal."Hinahanap ko si Benicio de Louhrey."Binasa pa muna ng lalaki ang hawak na papel para makasiguro bago nagpatuloy."Kilala mo ba siya"? Pagtatanong ng binata."Ahm, O-oo, D-dito siya nakatira."&

  • Scents Of Romance   Chapter 2

    "Sige na, Anak. Ngayon lang ako hihiling sayo." Pag-mamakaawa ng matandang babae bago inihit ang masasal na ubo."But, Mom. What's the use? Uncle Benicio may not want to go here for a visit. He's too old for travelling. You said, Hus bone might've gone cranky with old age." Emir Gabrien Tiongson, a tall man with a slender but well muscled body, tried to reason with his mother.Umupo si Gab sa magarang sofa at tumabi sa kanyang ina."Basta!" The old woman insisted after controlling her couching. "Gusto kong makita si Kuya Benicio. Kahit na sa hiking pagkakataon na lang."Umiling-iling si Gab.Nasa kalagitnaan siya ng business negotiations. Kaytagal niyang hinihintay ang oportunidad na dumating sa kanya kagabi.....Ngunit hindi naman lingid sa kanya na may taning ng ang buhay ng kanyang ina.Kaunting panahon na lang ang ititigil nito sa mundo."Ok, l'll go tonight." Pangako niya kahit na laban sa loob.Napangiti niya ang k

  • Scents Of Romance   Chapter 1

    Isang linggo pa ang lumipas, nang matuloy ang simpleng kasal nina Senyorito Benicio de Loughrey at Kathlaine Del Mundo.Ang tanging saksi ay sina Mang Makario at Aling Leonora. At ang abogadong inimbita ng matandang senyor.May nga bisita sila ngunit pawang mga tauhan lamang sa mansion.Walang inimbitahang taga-labas si Senyor Benicio."Attorney, ibinigay ko kay Kath ang lahat ng mga ari-arian ko." Pahayag ng matandang senyor.Kakatapos lang nilang kumain ng masarap na panghalian. At kasalukuyang nag kakape sa veranda.Nagdudumaling umalis ang paring nagkasal sa kanila dahil mayroon pa itong bibinyagan sa kabilang bayan.Nagulat si Kathlaine sa narinig. "B-ben." Sambit niya. Nanlalaki ang mga mata niya. "H-hindi mo kailangang gawin yan."Ginagap ng lalaking napangasawa ang kamay niyang nanlalamig."Hayaan mo lang ako, Kath. Ibig kong tiyakin na nasa ayos ang kinabukasan mo kahit na ano pang mangyari.""Oh, Ben! Iy

  • Scents Of Romance   Prologo

    May isang dalagang sumisisid sa isang malinis na dagat ang mga korales at isda ang gustong-gusto niya laging nakikita.Walang katinag-tinag si Kathlaine.She was not breathing..."Kath! Nasaan ka?" Umalingawngaw ang paos na tinig ng isang lalaki sa mga batuhan na nakakalat sa dalampasigan.Napapitlag si Kathlaine ng makarating sa kinaroroonan ang naturang boses.Dali-dali siyang umahon mula sa pagkakadapa.Her nimble feet climbed at the rough face of the small rock mountain of the seaside with practiced ease."Nandito lang ako, Ben." Aniya nang nasa ituktok na ng mga bato.She smiled at the tall man below.Nakatayo si Ben sa buhanginan.Nakahawak sa antigong tungkod habang nakatingala sa kanya.At nakasimangot."Nandiyan ka na naman." Angil nito, kunot-noo. "Hindi ba't binabawalan kitang magpunta diyan?"Hindi ininda in Kathlaine ang pabugnot na pasalubong ng lalaki. Nakangiti pa rin siy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status