Share

CHAPTER 23

last update publish date: 2020-10-01 14:44:26

Thirsty

Nakailang ikot na ako dito sa kama pero hindi pa rin ako makatulog!

Damn it! Yung halikan namin ni Perfi ang lagi kong naaalala! 

Nakakainis ka Einalem! Ang rupok mo! Hindi mo dapat ginantihan ang mga halik niya, I should've push him away!

Inilubog ko ang aking mukha sa unan dahil sa kahihiyan. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kaniya bukas? What should I need to do? Nakakainis! Ano na lang ang pinagkaiba ko sa mga kahalikan niya sa parking lot? Shet! Sa parking lot din kami naghalikan ah!

I tried to open my facebook in my cellphone at marami akong natanggap na messages. Mostly ay galing sa mga kaibigan ko. At sa GC ng Sheaven Up ako ang topic!

Leley: nakascore na naman si Eina panigurado.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Leley. Nakascore?

Roma: wahaha! Tumpak ka diyan Leley! Hinarangan ba naman ni Perfi kanina eh.

Mariel: what happened?

Roma: sinabihan ni Perfi si Eina na manuod ng practice game kanina! My gosh! Ang haba ng hair ni Eina!

Mariel: malandi! Maharot! Tirador talaga!

Hindi ko alam kung saan kinukuha ni Mariel ang pinagsasasabi niya!

Ako: mga bwisit kayo! Kung makapag usap kayo tungkol sa akin parang hindi ko nababasa ah?

Roma: ay! Nandiyan ka pala girl? Shorry! Pero malandi ka pa rin!

Leley: wohh! Sagana ang love life ni ateng!

Roma: manahimik ka Leley at malandi ka rin! Hinding hindi makakatakas sa akin ang tinginan niyo ni Isaiah Haze!

Napailing ako. See? Mga chismosa talaga.

Leley: shut up na lang girl!

Doon ko na sinarado ang chat box namin at nag scroll na lang sa news feed. Hindi kasi ako makatulog. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang halikan namin kanina! Kinakabahan tuloy ako bukas. Umabsent kaya ako? Hay naku Einalem maling mali ang iniisip mo! I-cancel ko kaya yung gala namin sa sem break? Wait! Paano kung magtanong siya kung bakit?

Anong sasabihin ko? 'Perfi ayaw ko ng sumama sa outing natin sa sem break, nahihiya kasi ako sa halik natin eh'

Wahhhh! Ang sagwa pakinggan!

Natigil ako sa pag sscroll ng may makita akong picture na naka tag si Perfi. Picture ito ni Isacar at Perfi kasama si Jemina with a caption 'bati na ulit sila hahaha!'

Marami doong nag comment kung nag away ba daw ang mag pinsan. Hindi naman yun siguro dahil kanina di ba?

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ito. Kahit sa larawan napakagwapo pa rin ni Perfi. Hindi ko tuloy maiwasang mas humanga sa kaniya. 

Hindi mapagkakaila na malakas ang dugong Suarez sa kaniya. The common denominator when it comes to Suarez ay ang kanilang malalalim na mga mata. They have old spanish eyes. Lahat silang magpipinsan ay may kaniya kaniyang categories ng pagiging gwapo. 

And Perfi is one of them. He is handsome in his own unique way. At ang mas nakakaakit kay Perfi ay ang kaniyang mga mata na para bang isang tingin mo lang ay matutunaw kang talaga, lalo na kapag ngumingisi na siya o ngumingiti. Nakakakaba naman kapag seryoso o galit.

Kinabukasan ay halos pahirapan akong bumangon dahil inaantok na ako pero kailangan kung bumangon dahil friday ngayon! Puro major subject ngayon eh!

Mabilis akong nag ayos ng sarili kahit pa ang bigat bigat ng katawan ko. Bago ako bumaba ay uminom muna ako ng gamot. Nakita ko si mommy at daddy na nag bebreak fast kaya nakisalo na ako. 

They are talking about business kaya hindi na ako nagsalita. When I was finish eating ay nag paalam na ako. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at pumasok na sa driver seat, iistart ko na sana ang aking sasakyan pero literal akong napatigil ng maalala ko ang nangyari kahapon!

Dito yun mismo nangyari! Dahil sa inis nagpapadyak ako. 

"Shit!" Malutong kong sigaw sa loob. Paano ko ba yun makakalimutan?

Paano kung makita ko si Perfi mamaya? Anong gagawin ko? Should I act normal? Pero ang awkward! 

Naiinis ako dahil nagkakaganito ako! Bwisit!

Padabog kong inistart ang sasakyan at pinaharurot na ito paalis. Mas lalo akong kinabahan ng ma i-park ko na ang sasakyan. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at naglakad patungo sa room ko.

Napahinga ako ng maluwag ng wala akong nakasalubong na Perfi pero ng dumating ako sa room ay ingay ni Leley at Roma ang bumungad sa akin.

"Anong nangyari? Nanalo sina Perfi?" Tanong ni Roma.

"Oo." sagot kong tamad na tamad.

"Lumevel up na ba ang relasyon niyo ni Perfi?" Nagulat ako sa tanong ni Leley kaya binatukan ko siya. Paano kung may makarinig sa sinabi niya. Buti na lang busy ang lahat. Patapos na kasi ang sem, tapos next week na ang sem break kaya busy na ang lahat. Ako naman ay mamaya ko na gagawin ang requirements, siguro ay sa library na lang.

"Manahimik ka Leley wala kaming relasyon." Pabulong kong sinabi.

Hindi na nadugtungan ang usapan dahil pumasok na prof namin para sa araw na yun. 

Naging maayos naman ang lecture kaso lang ay may gagawin kaming scrapbook about history. Mamaya ko na rin kaya gawin yun? Tama! Para mas mabilis!

Natapos ang tatlong subject na puro stress na naman. Papunta na kaming cafeteria habang nagmamaktol na naman si Leley sa mga gagawin.

"Naiinis na ako! Ang daming gagawin! Research, reaction paper, scrapbook, reports, at meron pang pa drawing sa biology!" Angal ni Leley. 

Napabuntong hininga ako. Tama siya ang daming gagawin. Tapos ang pasahan pa ng mga yun ay sa sabado na. Yung research naman ay after sem break pa. Ang bukas lang ipapasa ay yung reaction paper, scrapbook, reports at yung drawing si biology about sa animal cell ata yun!

At wala pa akong gawa kahit isa!

My gosh! Cramming ang bet ko ngayon!

Natigil ako sa pag iisip ng makita ko na naman ang grupo ng mga Suarez na papasok sa cafeteria. Kinabahan ako lalo at pa simple kong inayos ang aking buhok. Ano ba yan Eina! Napaghahalataan ka eh!

"Ang agap ng mga Engineering ngayon ah?" Roma asked. Nakita niya rin ata yung mga Suarez. Well, nakita ko rin si Perfi pero nasa likod nila kami kaya hindi niya ako mapapansin. Kinakabahan tuloy ako sa pagpasok sa cafeteria.

"Tara na! Gutom na ako!" Sabi naman ni Leley. 

Hinigit ako ni Leley papasok sa cafeteria at nagsimula na ngang tumambol ang puso ko sa sobrang kaba.

Unang nahagip ng paningin ko ay ang maingay na table ng mga Suarez. Nagtatawanan sila doon at si Jonas na naman ang bangka sa kwentuhan while Perfi is just laughing with them. 

Naglakad kami patungo sa table namin kung nasaan sina Mariel.

"Ang tagal niyo!" Mataray na sinabi ni Mariel ng nakaupo na kami.

"Stress kasi eh!" Sabi naman ni Roma.

Nagkwentuhan pa sila about projects and assignments pero ako naman ay nasa ibang dimensyon ang utak. Pasimple akong sumulyap ng tingin kina Perfi at halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita ko siyang nakatingin sa direksyon ko wearing his most famous smirk!

Agad akong nag iwas ng tingin at mabilis na kinuha ang burger sa harapan ko para maiba ang atensyon ko.

"Sayang naman hindi kami makakasama sa outing niyo! May lakad kami ng family eh!" Narinig kong sinabi ni Niña.

Wait! Tungkol saan na ba ang topic?

"Kami rin! Sayang talaga! Bonding na sana eh." Malungkot na sinabi ni Mariel. 

"Hindi rin ako pwede." Maikling sinabi ni Vaness.

Ang pinag uusapan nila ay yung outing sa sem break. Sinabihan ko kasi sina Roma na ipaalam sa apat yung plano namin dahil baka gusto nilang sumama pero mukhang may mga plano na sila.

"Katulad ng sinabi ni ate hindi kami pwede." Sabi naman ni Marriane.

Mariel and Marriane are sister. Mas matanda si Mariel pero nagkaabot sila sa pag aaral. Parehas silang second years college na dahil pinagsabay sila ng kanilang mommy.

Habang nakikinig ng kwentuhan nila Mariel ay hindi ko mapigilan ang pag sulyap kina Perfi, at ng sumulyap ako ay wala na siya sa upuan niya pero andun pa rin sina Isacar at Jonas. Si Perfi lang ang kulang sa siyam. Nasan na yun?

Bumuntong hininga ako at kumuha ng fries na inorder ko pero halos iluwas ko ito ng may naglapag ng juice sa harap ko. Mas kinabahan tuloy lalo ako,

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga kaibigan ko. Tiningnan ko kung sino ang naglagay at hindi ko nagkamali. It was Perfi!

"Hello Perfi!" Kinapalan ni Leley ang mukha at sinabi pa yun!

Pilit kong kinunot ang noo at tiningnan siya. He just smirked at me and he glanced at Leley.

"Hello there. I just gave your friend a juice maybe she's now thirsty." Perfi said with a playful tone,

Hindi ako makapagsalita nanatili ang tingin ko sa kaniya pero nag iwas ako ng tingin ng bumaba ang tingin niya sa akin.

Damn! My heart is beating so darn fast!

"Ay oo! Uhaw na uhaw na yan si Eina! Sa totoo lang kanina niya pa iniintay ang juice." Pinanlakihan ko ng mata si Roma.

Bruha talaga itong babaeng ito!

Humalakhak si Perfi kaya napatingin akong muli sa kaniya. Bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa tainga at sa harap pa ito ng mga kaibigan ko!

This is so damn shit!

"Drink this...or I'll kiss you." He whispered.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 35

    SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 34

    OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 33

    Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 32

    Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 31

    FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status