LOGINGutom
Puro kantyaw ang inabot ko pagkaalis ni Perfi. Sa sobrang ingay ng mga kaibigan ko parang gusto ko na lang umalis at gawin ang mga assignments ko.
"Aalis na nga ako!" Sabi ko sabay tayo pero hinigit ako pabalik ni Roma habang nakangisi ng malaki. Lahat sila ay ganun and for damn sake! Nasa cafeteria kami! Baka marinig ng iba ang mga pinagsasasabi nila!
"Umiiwas ka eh! Tell us the truth Einalem! What's the real score between you and Perfi?" Roma asked in a playful tone.
Kanina pa nila yan tinatanong ng makaalis si Perfi at palaging pareho lang ang sagot ko.
"Wala nga! Ang kukulit ninyo! Malay niyo nagmamagandang loob lang?!" Naiinis kong sagot.
Lahat sila ay nagtaasan ng kilay. Ako naman ay nag iinit na ang pisngi dito.
"Hindi eh! May kakaiba! Di ba sabi mo siya ang nag aya sayo sa outing? What's the meaning of that?" Malisyosang tanong ni Leley.
Ang sarap nilang sapakin isa isa, maliban lang kay Marriane at Vaness na nanahimik lang sa isang tabi.
"Nagmamalasakit nga lang-"
"Shut up Eina, never nagmalasakit sa ibang tao ang mga Suarez maliban na nga lang kung may hidden agenda." Mataray na sinabi ni Mariel.
Ano bang dapat kong sabihin? Walang kakaiba sa amin ni Perfi. Hindi ko rin alam. Maybe for me alam kong may gusto ako sa lalaking yun na habang buhay kong itatago sa sarili ko. Hangga't maaari ayaw ko ng komplikasyon sa buhay. At mas lalong ayaw kong mag assume dahil mas mahirap yun.
"I don't know..." sabi ko na lang. Mukhang napansin nila ang pag iiba ng tono sa aking boses kaya nanahimik na sila.
Tumungo na lang ako at napatitig sa juice na ibinigay ni Perfi. Tumayo ako at kinuha ang aking bag pati na rin yung juice.
"What are you doing Eina?" Nagtatakang tanong ni Marriane. Mukhang siya lang ang nakapansin sa gagawin ko dahil ngayon pa lang ako tiningnan nung lima.
"Ibabalik ko na lang kay Perfi. I'm not thirsty." Sabi ko at aalis na sana pero bigla akong hinawakan ni Roma sa braso at muling pinaupo. Medyo napasulyap ako sa mga Suarez at nakita kong nagkakabiruan na sila doon.
"Sigurado ka ba diyan?" She asked curiously. Tumango ako.
"Oo naman, yun naman ang totoo eh. Hindi ako nauuhaw." Mariin kong sinabi.
"Luh! Joke lang yung sinabi ko kanina!" Medyo kinakabahan na sila Roma dahil akala nila ay galit ako.
Stupid talaga itong mga ito.
"Stupids! I'm not mad, I just realized that I don't want to be treated like this by Perfi. Sa dami ng mga babae niya ay ayaw ko ng maki isa." Sabi ko.
"W-Wala na naman akong nakikitang babae na kasama si Perfi eh-"
"Ngayon wala...but we are not sure in the coming days." I cut Roma off.
"Ang nega mo, Eina!" Mataray na sinabi ni Mariel.
"You like him?" Nagulat ako sa tanong ni Vaness. Matalino itong babaeng ito alam kong alam na niya.
"OMG!" Nagtaklob pa ng bibig si Niña. Hindi na ako nagsalita at napatingin sa juice. Sumulyap akong muli sa table nina Perfi and I saw him laughing to whatever Isacar was saying. Nakita ko rin ang mga kababaihan na nagmamasid din sa mga Suarez. At wala man lang silang alam doon. Wala silang pakielam.
Napatingin akong muli sa juice. Hindi ko na lang iinumin. Ayaw ko namang lumapit sa table nila para isauli lang ito. I don't want to be attention seeker.
"Sige mauna na ako, wala akong klase ngayong hapon sa library muna ako, tatapusin ko na ang mga assignments." Pagpapaalam ko bago tumayo.
"Ingat ka, i love you Eina." Sweet na sinabi ni Niña.
"Bye!" Sabi nilang lahat bago ako umalis. Pagkalabas ko sa cafeteria ay tinapon ko sa basurahan ang juice.
Naglakad ako patungo sa computer lab para manggawa ng reaction paper, reports at yung mga ididikit ko sa scrapbook.
Umupo ako sa isang PC at nagbukas ng web para makapanggawa na. Nasa gitna na ako ng pag iisip ng ilalagay sa reaction paper ng bigla na lamang may umupo sa tabi ko. Nang lumingon ako dito ay dumagundong na naman ang puso ko dahil sa presensya ni Perfi sa aking tabi.
He's wearing his smirk at mukhang good mood siya ngayon.
"Why are you here?" I asked while watching him. Kumunot ang noo ko ng sumandal siya sa mono block na para bang isang hari.
"Sinundan ka. Anong ginagawa mo dito?" He asked back.
"Malamang nag cocomputer." Pilosopo kong sagot at ibinalik na ulit ang tingin sa monitor.
Humalakhak siya sa tabi ko at mas lalo pang lumapit. Hindi ko maintindihan kung bakit dikit ng dikit ang lalaking ito sa akin. Trip na naman niya ako? Pero bakit...hindi ko mapigilang matuwa na nasa tabi ko siya ngayon?
Eina ang gulo gulo mo!
"Is that a reaction paper?" He asked while looking at the monitor. Nasa microsoft office ako ngayon. Nakalagay na ang isang sentence sa reaction paper, madami na sana akong nailagay kong wala itong lalaking ito ngayon.
"Oo, assignment." Sagot ko. Damn it! Bakit ko ba siya sinasagot? Di ba dapat ipagtabuyan ko siya.
"I wanna help." He volunteered. Kumunot ang noo ko at bumaling ako sa kaniya, nakita ko siyang nakahalumbaba at pinaglalaruan ang lower lip niya. Ramdam na ramdam ko na naman ang dagundong ng puso ko. Mukha siyang model!
"W-Wala ka bang klase?" Tanong ko. Sana may klase na lang siya para umalis na siya!!
"Wala, kaya nga ako nandito di ba?" He chuckled. Nagulat pa ako ng kinuha niya ang keyboard at may tinype na isang sentence doon sa reaction paper ko, pinagmasdan ko siya habang ginagawa yun at namangha ako ng malaman kong alam niya yung book na pinabasa sa amin at ngayon ay ginagawan namin ng reaction paper!
"Alam mo yung book na yan?" Tanong ko. Pinapanuod ko pa rin siyang nagtitipa doon. At hindi ko akalaing naka five sentence na siya! Hindi ko akalaing matalino din ang lalaking ito!
He's a chemical engineering of course he's smart!
"I guess so?" Parang hindi pa sure siya ha? Eh ayan nga eh at matatapos niya na ang paper!
Sumandal ako sa aking upuan at hinayaan siya doon. Hanggang sa tumapat ang mga mata ko sa kaniyang mukha. He's so serious while doing my reaction paper. Para bang ayaw niyang magkamali at doon pa lang mas lalo yata akong....nahuhulog.
"Wala kang magawa sa oras mo kaya ka nandito?" I tried to break the silence. Tunog lang kasi ng keyboard at aircon ang maririnig eh. Kaming dalawa lang ang tao dahil break time ata nung prof na nagbabantay dito sa Com lab.
"You can say that, bakit ayaw mo ba? Tinutulungan na nga kita?" Natatawa niyang sinabi habang nagtitipa sa keyboard. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha.
"FYI Mister, marunong akong gumawa nan." Sabi ko.
Tumigil siya sa pagtatype at sumulyap sa akin ng nakangisi. Nag unat siya ng mga daliri at tinitigan ako ng matagal. Kumunot ang noo ko dahil sa dobleng tibok ng puso ko.
"Pikunin ka talaga, at ang sarap mong pikunin." Sabi niya kaya mas lalong nag init ang pisngi ko. Bahagya kong tinulak ang kaniyang braso dahil sa inis. Or should I say, inis inisan.
"Wag kang tumingin sa akin tapusin mo na yan, may report pa akong gagawin tapos mag piprint din ako ng ilalagay ko sa scrapbook." Sabi ko.
Nakita kong medyo napangiwi siya dahil sa marami kong sinabi. Siguro ay nagulat siya dahil ang dami kong assignment.
"Ang dami naman..." bulong niya sabay patuloy ulit sa pagtatype.
Ako naman ay kinuha ko ang aking notebook at nagsulat ng mga reports para itatype ko na lang mamaya at ipiprint. Humaba ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa may naisip akong tanong.
"Kayo ba? Wala ba kayong mga assignment or projects, plates?" I asked, tumingin ako sa kaniyang side view. Kahit seryoso ang gwapo.
"Natapos ko na kagabi." Sabi niya. Napatango ako.
"Sana all." Natatawa kong sinabi kaya natawa din siya,
"At ikaw? Anong ginawa mo kagabi at ngayon mo lang ito ginagawa?" Tanong naman niya.
Ginawa ko kagabi? Nag isip...lang naman ako tungkol sa halik naming dalawa!
No..No...Eina don't you ever go there! Buti nga at hindi awkward tapos ngayon iisipin mo yan?!
"I-I slept early." Sabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat.
Nang matapos ay tumingin ako kay Perfi at napakunot ako ng noo ng makita kong iba na ang ginagawa niya.
Kumukuha siya ng mga pictures na gagamitin ko sa scrapbook! Pati yan ay alam niya?!
"P-Paano mo nalaman yan?!" Nagtataka kong tanong. Tumingin siya sa akin ng nakangisi.
"Kung hindi mo naitatanong best in history ako noong elementary." Natatawa niyang sinabi kaya napangiwi ako. Anong connect? Parang ang layo naman.
"Ewan ko sayo, tapos ka na sa reaction paper?" I asked while watching him doing the pictures and informations na ilalagay ko sa scrapbook.
"Yes boss!" Agad niyang sagot at nagmamayabang na ipinakita ang ginawa niya, napatango tango ako ng makita kong magaling ang pagkakagawa niya.
"Thanks." I said while looking at his work. He chuckled at me.
"I deserve a reward Eina." He whispered, nagulat na lang ako ng makita kong sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Nanlamig ang buo kong katawan sa ginawa niya. Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin! Damn it! Naalala ko tuloy yung kahapon!
"T-Tumigil ka nga!" Sabi ko sabay tulak sa kaniya palayo kasabay nun ang malakas niyang paghalakhak.
Umirap ako sa kaniya at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
Halos alas kwatro na ng matapos kami sa com lab at nakakapanibago dahil hindi umalis si Perfi sa tabi ko hangga't hindi ako natatapos. At ngayong palabas na kami ng com lab siya pa ang may hawak ng mga papel na pinrint namin.
"Kain tayo?" Pag aaya niya habang magkasabay kaming naglalakad sa hall way. Hindi ako sanay dahil pinag titinginan kami ng mga estudyante lalo na dahil kasabay ko si Perfi. Walang hindi nakakakilala sa kaniya dito.
"Yan ang napapala mo sa pagsama sa akin." Sabi ko.
"Ang dami mo talagang nasasabi ikaw na nga itong tinutulungan." Tumingin ako sa kaniya at nakita kong umaarte lang siya. Damn! Ang cute niya! Bwisit!
"Baliw ka na nga." Pang iinis ko pa sa kaniya pero nagulat na lang ako ng hinigit niya ang aking kamay at kinaladkad ako patungo sa parking lot.
Aba't ang lakas ng loob ah!
"Hoy ano ba!" Sigaw ko sa kaniya.
Tumigil kami sa kaniyang sasakyan at pinasakay ako sa passenger seat. Sa bilis ng pangyayari hindi na ako nakaangal.
Nang makapasok siya sa driver seat ay nilagay niya sa likod ang mga pinaprint ko kanina.
"Gutom na talaga ako Eina, at sa sobrang gutom ko baka ikaw ang makain ko."
SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta
OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma
Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang
Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p
FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n
Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu