LOGINOrder
Nag drive si Perfi patungo sa SM at doon kami nag hanap ng restaurant na pwedeng kainan. Inakit ko siya sa isang fast food pero ayaw niya. I almost rolled my eyes at him dahil mas maarte pa siya sa babae.
Ang ending sa isang romantic restaurant kami kumain. It just so awkward because all the customers are couples! And we are not couples!
"Baka isipin nila nagdadate tayo." Iritado kong sinabi habang kumakain ng dessert. Ito lang ang inorder ko dahil hindi naman ako gutom, pero itong si Perfi lahat yata ng nasa menu ay inorder niya!
Seriously? Ganito siya katakaw?
"Ikaw ba iniisip mo na nagdadate tayo?" Balik niyang tanong. Tumigil ako sa pagkain at sinamaan siya ng tingin pero deadma lang siya dahil gutom na nga yata.
"Of course not! Palibhasa sanay na sanay kang may ka date." Umirap ako sa kaniya at nagpatuloy na kumain. Narinig ko ang paghalakhak niya kaya mas lalo lang akong nainis sa kaniya.
"Ako ang dinadate nila Eina, sino ba naman ako para tumanggi?" He said in a playful tone.
Damn he's right. Dahil gwapo at mayaman siya nakakasilaw nga naman siya para sa mga babae. Chick magnet?
"Shut up, kumain ka na lang diyan." Pagtataray ko.
"Seriously? Ang taray mo pa rin kahit tinulungan na kita sa mga assignments mo?" He said.
Hindi na ako umimik dahil kapag sinagot ko pa siya alam kong hindi na kami matatapos sa alitan namin. Siya kasi ang tipo ng lalaking hindi nagpapatalo. Lagi siyang may rason. At hindi ko alam kung bakit imbis na mainis mas lalo ko pang nagugustuhan ang mga personality niya.
He's a playboy but there's something in him that is different. At ngayon ipinakita niya sa akin na mabait naman pala siya. Hindi ko nga lang alam kung...may kapalit ang lahat ng ito.
"Tomorrow is our last day in school before the semestral break, I want us to plan about our outing." He suddenly said.
Tumingin ako sa kaniya at uminom ng juice bago nagsalita. Napansin kong malapit na siyang matapos sa pagkain. Ganun ba siya kagutom sa mga ginawa namin? There's a crocodile on his stomach.
"Fine, when is it?" I asked. Tinitigan niya ako at ngumisi. Hindi ko alam kung anong nginingisi niya but I have a bad feeling about this.
"I am serious Perfiñan, don't make fun of me." Pagtataray ko kaya ngayon naman ay umiling iling siya habang natatawa. Hindi ko alam kung bakit siya natatawa.
"Suplada." He teased. Kumunot ang noo ko. Bakit ba lagi niya na lang akong iniinis?
"I'm not! Stop it Perfi! Let's talk about the outing!" I said trying not to lash out in front of him. Tahimik pa man din ang buong lugar tapos sisigaw ako? That's humiliating.
"You're not? Really? You slapped me in our first encounter, you shouted at me in our second and in our third you puke in my shirt. That's why I couldn't forget your face." He said in a very playful tone.
Nag init ang pisngi ko. Tama siya ang pangit nga ng simula but...we're not supposed to talk about this!
"Stop it. Let's schedule-"
"And in our fourth you kissed me." He said and wink. Nanlaki ang mata ko sa kakapalan ng mukha niya.
"Excuse me! The last time I remember you were the one who kissed me! You stole my first kiss you dumbass!" Iritado kong sinabi. Kung wala kami sa public space kanina ko pa siya nasapak.
"I'm your first kiss! That's good to hear!" He said like it's so overwhelming.
Nag init tuloy ang pisngi ko ng marealize na sinabi ko yun ng harap harapan.
"Shut up! I'll leave you here if you don't stop it." Sabi ko at aamba ng alis pero agad niya akong hinila pabalik sa upuan ko. Napairap ako and at the same nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko dahil sa paghawak niya sa akin.
"Fine..masyado kang hot. Just chill." He said again. Umirap ako at pinag cross ko ang aking braso.
"So ano na?" Tanong ko.
"Okay. Wednesday morning tayo aalis. Roadtrip tayo hanggang 12 noon, tapos stop over tayo para mag lunch tapos maghahanap tayo ng resort or hotel para sa tutulugan natin, I just hope there's a bar or something para makapag enjoy tayo." He explained.
Napatango ako sa sinabi niya.
"Saan ba ang destination natin?" I asked. Ngumisi siya kaya kumunot na naman ang noo ko. There's something going on in his mind again.
"Destination? If you want pwede dito." Sabi niya sabay turo sa dibdib niya kung nasan ang lintek niyang puso, tumaas ang kilay ko at napangiwi, he laughed at my reaction.
"Seriously Perfi?" My brows furrowed.
"Alright...we're heading to north. At ang magiging last place natin ay sa Polillo Islands, meron kaming beach resort doon." Sabi niya.
"Rich kid." I commented. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin. Huminga ako ng malalim.
"So it's settled then?" I said. Tumawa siya sa sinabi ko.
"Business Ad ka nga. Kung makapagsalita ka parang nag uusap tayo about business eh." He joked.
Nang matapos siyang kumain ay napagdesisyonan na naming umalis doon. And I suddenly remember my car. Nasa parking lot pa yun ng Enverga.
"Balikan natin yung car ko. Nasa Enverga pa yun." Sabi ko habang iniistart niya ang kaniyang sasakyan. Ako naman ay kinakabit ang seatbelt.
"It's already 6 pm. You're parents might be worried." He said. Tumingin ako sa kaniya after kong malock ang seatbelt.
"Wala akong sasakyan bukas." Sabi ko.
"I'll fetch you tomorrow. I know where your house remember?" He said. Nag dadrive na siya paalis ng SM.
"Wag na baka makaabala ako." Sabi ko at nag iwas na ng tingin sa kaniya. His side view is so manly. Nasa unahan na ang paningin ko habang pinagmamasdan ang mga store na nadadaanan namin.
"I insist Einalem." He said.
"Baka may iba ka pang susunduin?" I asked. Natawa siya sa sinabi ko kaya napatingin akong muli sa kaniya.
"Believe me, ikaw ang kauna unahang babaeng hindi ko kamag anak na susunduin ko." He said while smiling. Kitang kita ko yun kahit nakatingin siya sa daan. Suminghap ako sa sinabi niya.
He's lying!
"Don't lie to me." sabi kong hindi makapaniwala. And then suddenly he became serious.
"I don't lie Einalem December. Simula ngayon lahat ng maririnig mo mula sa akin ay purong katotohanan lamang." He said seriously.
Hindi na ako nakaimik. He seems serious. Ramdam na ramdam ko ang dagundong ng puso ko. Ito na naman. Tuwing kasama ko si Perfi nagkakagulo na lahat ng sistema sa buong pagkatao ko.
Tahimik akong lumabas sa kotse niya ng makarating kami sa bahay. Tinanggal ko ang seatbelt at kinuha na yung bag ko at yung mga papers na ginawa namin kanina.
"Thank you." I said sincerely. Walang halong pagtataray. Hindi pa ako nakaka baba sa kotse niya dahil gusto kong magpasalamat sa kaniya.
"Thank you for helping me out." I said when he didn't talk. Nagkatinginan kami. Ayan na naman yung mga mata niyang nakakatunaw.
"Your welcome. I'm always free if it's you." He said.
Tumango ako at ngumiti at mabilis na lumabas sa sasakyan niya. Inintay ko pang umalis ang sasakyan niya bago ako dahan dahang pumasok sa bahay. Nanghihina ang tuhod ko.
What is happening to me? I know I like Perfi but why do I have this feeling na hindi lang ito simpleng atraksyon lamang?
Einalem stop what you're feeling. You're sick for goddamn sake!
Kinausap pa ako ng sandali nina mommy at daddy bago ako umakyat sa kwarto ko. Nagbihis na ako ng pantulog bago ko hinanda ang mga materials ko para sa scrapbook.
Ito na lang ang pagkakaabalahan ko ngayong gabi dahil alam kong mahihirapan na naman akong makatulog.
Habang busy ako sa panggagawa ay nag beep ang phone ko kaya tiningnan ko ito.
Perfi:
What's your time tomorrow?
Oo nga pala hindi niya alam ang schedule ko.
Ako:
10 am. Just pick me up at exact time but it's fine if you have other things to do. I know how to commute.
Perfi:
No. I'll fetch you just wait for me. Are you busy?
Kumunot ang noo ko. Of course I'm busy. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. What is going on?
Ako:
Of course I am. Nakalimutan mo na yata yung mga sinabi ko kanina.
Perfi:
What are you doing?
Napailing ako. Makulit talaga ang lalaking ito. Patigil tigil tuloy ako sa panggagawa!
Ako:
Doing my scrapbook.
Perfi:
Let's video call.
What? Nababaliw na ba siya? My gosh, yung puso ko nagwawala na.
Ako:
You're crazy. Just sleep and don't disturb me.
Perfi:
I can help you and I'm not sleepy yet.
Bumuntong hininga ako at napatitig sa reply niya. Bakit kami mag vivideo call? Tutulungan niya ako? Ano namang maiitulong niya sa video call?
Halos mapatalon ako ng tumunog na ang cellphone ko para sa video call ni Perfi. Bumuntong hininga ako at mabalis na nag salamin sa maliit kong salamin at bahagyang inayos ang buhok. Hindi naman ako mukhang maputla ngayon kaya ayos lang ito.
I click the button when I think I'm ready. At agad kong siyang nakita sa screen. Nakita kong nakasandal siya sa head board ng kama niya. His black wavy hair is a bit disheveled. Damn it! Even in a screen he still looks handsome!
"So what help are you talking about?" I asked him. Nag iwas ako ng tingin at inilagay ang phone ko sa aking tapat. Yung kita rin yung mga ginagawa ko.
"Ang kalat ah?" Natatawa niyang sinabi. Umirap ako dahil totoo ngang makalat. Ganito ako kapag may ginagawa lahat ay magulo.
"I'm super busy, mamaya na ako maglilinis pagtapos na." Sabi ko habang nag gugupit ng picture at ididikit ko ito mamaya sa colored paper.
"Alright. So ano pa ang hindi pa tapos?" Tanong niya. Sumulyap ako sa screen at nakita kong titig na titig siya sa mga ginagawa ko. He really wants to help huh?
Wala ba siyang gawa at ito ang inaatupag niya?
"Dalawang page na lang actually, pero medyo nahihirapan ako sa last page, hindi ko sure kung tama ang information na nakuha ko." Sabi ko at idinikit na ang picture sa aking scrapbook.
"May I see?" He asked. Tumango ako at kinuha ang phone at pinicturan ang larawan at sinend sa kaniya.
"Did you see it?" I asked. Tumango tango siya at tumingin sa akin.
At katulad ng sinabi niya tinulungan niya nga ako sa last page. I couldn't believe na kahit yun ay alam niya. Perfi is also smart he's not just handsome!
Hindi ko akalain na darating ang mga panahon na ito na may isang tutulong sa akin. Nasanay akong mag isa lang. I am an only child. Si mommy at daddy ay busy sa firm company namin, nitong college lang ako nagkaroon ng stable na mga kaibigan. Kaya naman this is the first time na nagkaroon ako ng katulong sa mga ganitong bagay.
Halos 10 pm na kami natapos. Hanggang sa pagliligpit ko ay pinapanuod niya ako at kung ano anong sinasabi kaya natatawa na lang ako. Masyado akong masaya na kahit ang pagliligpit ay halos hindi ko naramdaman. Nang matapos ay kinuha ko na ang aking phone at umupo na ako sa kama ko. Kaharap ko pa rin siya.
I looked at him and I saw that he's a bit sleepy.
"You're now sleepy. I'm sorry. You can now sleep Perfi." Sabi ko. He smirked again and I saw him lay on his bed.
"I may be sleepy but I'm still enjoying to talk to you." He said huskily. Pinakiramdaman ko ang puso ko. And my damn heart is being wild again.
"What a line. Sleep now. That's an order." Pinilit kong tumawa para hindi niya mahalata na talagang naapektuhan ako sa mga salita niya.
He chuckled at me. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayon. Madalas ko siyang makitang nakaayos ang buhok dahil medyo wavy ito pero ngayong medyo magulo ito mas hot siyang tingnan.
"Yes boss. I am willingly obey your order."
SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta
OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma
Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang
Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p
FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n
Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu