Share

CHAPTER 26

last update publish date: 2020-10-04 11:49:50

FPSO

Sobrang agap kong nagising kinabukasan kaya naman mabilis akong natapos sa pag aayos ng sarili. Nakapag kwentuhan pa ako kina mommy bago ko naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko.

Perfi:

I'm already here.

Agad ko yung nabasa at nagpaalam na kina mommy at daddy. Agad akong lumabas ng bahay at doon ko nakita ang itim na chevy car ni Perfi. Huminga ako ng malalim. Dahil nga P.E kami tuwing Saturday, naka p.e uniform din ako. Nasa bag ko yung pamalit ko after ng class.

Agad kong binuksan ang passenger seat at pumasok na doon. And there I saw Perfi with his dark blue v neck shirt with his black leather jacket, maong jeans, at sneakers.

Damn he's hot.

"Good morning." He greeted at me while I'm fixing my seatbelt.

"Morning.." i greeted back. Nang matapos ay pinaandar na niya paalis ang sasakyan.

Kinakabahan ako. Lagi akong kinakabahan kapag kasama ko na si Perfi. Feeling ko ay napakasikip ng lugar na ito para sa akin.

"It's your p.e class." He said after a long silence.

"Oo, pinaka last ngayong sem." I said.

"Ikaw? Hindi niyo p.e class?" I asked. Napansin ko kasing naka civilian outfit siya. Siguro ay mga minor subjects lang ang meron siya ngayon.

"Mamaya pa. Meron akong p.e uniform sa locker." He said. Tumango ako. He's a varsity kaya alam kong lagi siyang ready sa mga ganiyan.

"What time is your break?" He asked again. Napatingin akong muli sa kaniya. At katulad ng dati may tinatago na naman siyang ngisi sa mga labi.

"9 hanggang 10, bakit?" I asked with full of anticipation. Damn it! Why am I like this?

"I'll wait for you then." He said. Kumunot ang noo ko,

"At bakit naman?" Kunot noo kong tanong.

"Ano pa? E di kakain." Natatawa niyang sinabi na para bang ang tanga tanga ko. Nag sisimula na naman siya ah!

"Ang pangit mo talaga kausap!" Naiinis kong singhal at sumandal na lang sa upuan at sumilay sa bintana ng kaniyang sasakyan. Tinted naman itong sasakyan niya kaya walang makakakita sa amin.

"Sus naman nagsusuplada ka na niyan?" He teased.

Bwisit ah!

Naririnig ko ang mga halakhak niya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nanlaki pa ang mata ko ng may makita akong babae na nakatayo malapit sa pinagpaparkingan ni Perfi. I know this girl! Siya yung kahalikan ni Perfi dito sa parking lot!

Aba't! May continuation?

"Oh yung girlfriend mo nandito." I hope I did not sound so bitter.

Tinanggal ko ang aking seatbelt habang ramdam na ramdam ko ang inis para kay Perfi. Umagang umaga naha high blood ako.

"She's not my girlfriend Eina." Malamig na sinabi ni Perfi. I secretly rolled my eyes at binuksan ang pintuan para makaalis na pero bago umalis ay inirapan ko si Perfi sa loob na kunot na kunot ang noo.

"Whatever!" I said before I walk out. Nadaanan ko pa yung babae at halos makita ko ang nagtataka niyang mukha dahil sa paglabas ko sa kotse ni Perfi.

Damn it! Kumikirot ang puso ko. Akala ko...magiging masaya ang paghatid niya sa akin. Naiinis ako!

Padabog akong pumasok sa P.E class. Ayos lang naman yun dahil wala pang prof. Pero napansin nina Roma at Leley ang pagdadabog ko.

"Why so grumpy Eina?" Leley asked while staring at my face.

Hindi ako umimik at binuklat na lang ang libro na hawak ko. Mamaya ko na ipapasa ang mga requirements na ginawa ko, pati yung scrapbook.

"OMG! Baka LQ sila ni papa Perfi." Malanding sinabi ni Roma kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Natahimik siya sa isang tabi.

Kinuha ko ang aking cellphone dahil naramdaman ko itong nag vibrate sa bag ko. At doon nakita ko ang text mula kay Perfi.

Perfi:

Eina, we just talked. Stop thinking that she's my girlfriend.

Kumunot ang noo ko sa text niya. Why is he explaining? Wala na akong pakielam okay?!

Bwisit Eina sinabi na kasing lumayo ka sa kaniya eh!

Perfi:

Please reply. What are you thinking?

Dahil hindi na ako nakatiis nag reply na ako.

Ako:

Mind your own business.

Damn it! Kahit reply it sounds so bitter! Napailing na lang ako at pinatay ang phone ko dahil dumating p.e prof naman.

At dahil P.E ito sa gym kami pinapunta ng prof. Kinakabahan tuloy ako. Baka maligaw na naman dito si Perfi at hanggang ngayon naiinis ako. Kahit pigilan ko ang sarili ko nagseselos ako. Naiinis ako. Dahil kahit kailan hindi ako nag iisa sa buhay ni Perfi. Maraming babaeng naghahabol sa kaniya at isang katulad ko ay hindi nababagay. Isang pribelehiyo na lang na nakakasama ko siya.

At hindi dapat ako mag isip ng ganito dahil wala kaming relasyon ni Perfi. Hindi pwede itong iniisip ko! Maling mali Eina!

"Ano bang problema Eina? Kanina ka pa tahimik?" Leley asked while we're walking towards the gym.

"Ayos lang ako Ley. May iniisip lang.." sagot ko para hindi na sila mag alala.

Hindi na siya nagsalita ng umimik na ang prof sa harapan namin. Ayos sa kaniya ang gagawin naman namin ngayon ay table tennis. Bumuntong hininga ako. Hindi ako gaanong marunog mag table tennis pero may alam naman ako kahit papaano.

Hinati kami ulit sa dalawang grupo. At bawat isa sa grupo ay haharap para lumaban. Si Leley at isa kong kaklase ang unang maglalaban kaya umupo muna kami sa bench para manuod.

Ako naman ay pilit kong hinihila lahat ng katinuan ko. Hindi ko dapat isipin ngayon si Perfi. For effing sake Eina!

Section lang namin ang nandito sa Gym dahil ang ibang business ad ay nasa field, soccer ata p.e nila.

Hindi ko malaman kung ilang buntong hininga na yata ang nagawa ko habang nanunuod sa laban ng mga kaklase ko. Medyo matagal pa ang turn ko dahil Zurbano ang apelyido ko. Nauna si Leley dahil Calucin ang apelyido niya.

I am not in the mood right now. Parang gusto ko na lang umuwi at matulog sa kwarto ko. Damn! I missed my room!

Sa huli kong buntong hininga ay nagulat na lang ako ng tinawag na ang pangalan ko ng prof, it's my turn now.

"Einalem December Zurbano." The prof called. Agad akong tumayo at lumapit sa table. Tumingin ako sa magiging kalaban ko at napansin kong si Anthony pala ito. He's my silent classmate. Pero balita ko ay matalino daw ang lalaking ito.

"Go Eina!" Narinig kong sigaw ni Roma.

"You can do it Einalem!" Sigaw naman ni Leley.

Kinuha ko ang pingpong ball dahil ako ang unang serve, tinira ko ito at namangha ako ng tinira niya ito pabalik sa akin, naging magalaw ako para matira ko din pabalik, sa huli siya ang hindi nakasambot sa pingpong ball.

I smirked. Nakita kong ngumisi din si Anthony sa akin. I am now enjoying the game.

Naging competitive ako at sa huli ay ako ang nanalo but Anthony is also have the talent in this game.

Nang tinawag na ang next na maglalaro ay nabigla ako ng tumabi sa akin si Anthony. I was drinking my mineral bottled water, si Roma at si Leley ay may kausap na isang babae kaya hindi nila ako napansin.

"You're good." He compliment. Tumingin ako kay Anthony habang umiinom din siya ng tubig. Anthony has a fair skin. He's tall but Perfi is more taller, he's handsome because of his korean features but Perfi's spaniard blood is much more better.

Damn it Einalem December! Stop comparing!

"Ikaw din." Sabi ko pabalik. I heard him chuckled after he drunk his water.

"Kilala mo na siguro ako di ba?" He asked. Tumango ako at nilipat ang tingin sa bagong pair na naglalaro sa table tennis.

"Of course. You're my classmate." I said.

I am not in the mood to talk to him. Maybe naganahan ako kanina pero dahil yun sa laro. Nakalimutan ko kasi ang frustration ko kay Perfi pero ngayon nawala na naman ako sa mood.

"But I guess you need to know me more..I am Anthony Carlos Lee." Tumingin ako sa nakalahad niyang kamay at kumunot ang noo ko. Bakit pa siya nakikipagkamay? Formality?

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ito but I guess there's no wrong with it so I accepted his hand.

"Einalem December." Tipid kong sinabi,

"December is your surname?" He asked. Kumunot ang noo ko. Hindi niya ba narinig ang pangalan ko ng tinawag ako ng prof? He's not attentive enough then.

"It's my second name." I said a bit irritated. Hindi ko alam kung bakit pero naalibadbaran na ako sa kaniya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero bago ko pa magawa yun ay may pwersa ng humatak sa akin palayo kay Anthony.

Dahil sa gulat ay napatayo ako napatingin kung sino ito pero sa amoy pa lang at sa kung paano mag react ang mga tao sa paligid ay alam ko na.

"Don't touch her." Mariing sinabi ni Perfi habang madilim na nakatingin kay Anthony.

Agad akong kinabahan. Sa mga mata ni Perfi alam kong galit ang namumuo doon. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko na siyang mailayo dito.

"Pinagbabawalan mo ba ako Mr. Suarez?" Nagulat ako sa seryosong tanong ni Anthony.

Damn it! Bakit pa ba siya nagsalita? Hindi ko naman siya close ah? Shit!

"Anong nangyayari diyan Mr. Lee?" Lumapit sa amin si Prof dahil sa kaguluhang nakita.

Pinapalibutan na kami ng mga classmate ko. Nakita ko kung paano nag react sina Roma at Leley na para bang bulate na binudburan ng asin.

"Tss ang pangit." Rinig kong singhal ni Perfi. Ramdam ko ang mahigpit niyang hawak sa braso ko.

Ano bang nangyayari dito kay Perfi? Bakit ba siya nanggugulo dito sa gym? Wala ba siyang klase?

"Anong sinabi mo?" Narinig yata ni Anthony ang sinabi ni Perfi.

Shit! Bakit ba sila nag aaway?! Naguguluhan ako!

"Ang sabi ko ang pangit. Ang pangit ng p.e uniform sayo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Perfi at lalo na akong nagulat ng muntikan na siyang sugudin ni Anthony dahil sa galit pero nakita kong hawak hawak na nina Edu at Arthur si Anthony! Anong nangyayari at bakit nandito ang mga Suarez?!

"Stop it students! Kung hindi kayo titigil ay ipapadala ko kayo sa dean's office." Sigaw ng prof sa amin.

Humarap si Perfi sa aming prof at hindi ako makapaniwala kung paano niya tiningnan ang Prof. Wala ba siyang takot?! Ano bang nangyayari sa kaniya?

Bakit siya nagagalit? Di ba ako dapat ang galit?!

"Hihiramin ko lang si Einalem." Sabi ni Perfi bago niya ako kinaladkad palabas ng gym.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Siguro pati ang prof ay naguluhan sa inasta ni Perfi. At dahil dito ay naiinis na naman ako sa kaniya! Bakit siya sumusugod eh wala naman akong ginagawang masama? Ako nga dapat ang galit dito eh pero hindi nananatili akong walang imik dahil walang halaga iyon dahil walang kami!

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko at marahas na binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Tumigil kami sa ilalim ng isang puno sa tapat ng building Education Department. Sana lang ay walang makakita sa amin dito.

"Ano? Mas gusto mong magpahawak sa payatot na yun?" Sigaw niya pabalik.

This is the first time na nakita ko siyang frustrated. Pero hindi ako magpapadala dahil galit ako sa kaniya!

"Pakielam mo ba?! Bakit ikaw? Bakit hindi ka na lang magpahalik sa girlfriend mo?!" Damn I lost it!

Napapikit ako ng mariin. Mali Eina. This is not right!

"I told you she's not my girlfriend!" Galit na rin niyang sinabi.

Why do we have this argument anyway?

"I don't care! Aalis na ako!" I frustratedly said pero bago pa ako makaalis nahigit na niya ako pabalik at pinasandal sa puno at doon kinulong sa kaniyang braso. Nanlaki ang mata ko doble dobleng kaba ang naramdaman ko. He crouched so our eyes would level, hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso kaya bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib.

"Do you like that stick man?" He said with full of sarcasm. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi maalis alis ang kaba sa dibdib ko.

"Who the hell was that?!" Inis kong tanong hindi pa rin ako makatingin sa kaniya,

"Yung kahawak mo ang kamay! Ayos ka rin eh! Nakalimutan mo agad?" Naiinis niyang sinabi.

Hindi ko na maintindihan kung saan na napunta ang usapan namin!

"Ano bang problema mo?! Nagpakilala lang naman si-"

"Kaklase mo na pero nagpakilala pa rin? Hindi naman first day of school ah?" Sarkastiko niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Dahil sa iritasyon ay nagawa ko siyang tingnan sa mga mata at dito ko napagtanto na naiinis siya sa mga nakita niya.

He don't like Anthony? Ayaw niyang kinakamayan ko si Anthony? Bakit parang...

"Anong inaatungal mo diyan? Ikaw nga eh kahalikan mo tapos hindi mo girlfriend! Ano kayo french kiss at first sight?!" Sigaw ko sa kaniya at hinampas ko siya sa dibdib para makawala ako sa pagkakakulong sa braso niya pero ang damuhong lalaki ay nanatili sa harap ko.

"Hindi kami naghalikan kanina-"

"Naghalikan kayo noon!" putol ko sa sinasabi niya.

"Noon yun! Pero hinding hindi na ngayon!" Sigas niya pabalik.

Damn it! This argument is making me crazy.

"Tapos uulitin niyo ulit! Dahil yun ang gustong gusto mo di ba?! Nanghahalik kahit walang label!" Sigaw ko.

Nakita ko ang pagkakatigil niya sa sinabi ko. And then suddenly I saw his evil smirk. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kung ano sa mga ngisi niya.

"I will never do it again because I'm now addicted in someone elses lips." He whispered while looking at me with his soft eyes. Lahat ng galit at inis na nakita ko sa kaniyang mga mata ay napalitan ng halo halong emosyon na hindi ko maunawaan.

Hindi ako makapagsalita lalo na ng mas lalo siyang lumapit sa akin. My heart is beating so fast and I'm afraid that he can...felt it.

"I would accept all the label she wants in this world just to touch and kiss her lips." He said in a very husky voice.

Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya pero unti unting...nanlalambot ang mga tuhod ko, hindi na ako makapagsalita. Ang lahat ng inis ko sa kaniya ay nawala na parang bula.

At ang mas nakakagulat sa lahat ay ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Galing sa pagkakangisi naging mas seryoso siya ngayon kasabay ng pagbagsak ng mga mata niya sa labi ko. Para na akong pako dito na hinding hindi na makakagalaw.

"Don't touch other men again..." he whispered in my ear. Ramdam na ramdam ko ang init at kiliti nito dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"...I want your touch only for me. FPSO." He whispered. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

Nakangisi na siya sa harap ko ng lumayo siya sa akin at kahit nanghihina na ako ay pinilit kong magtanong.

"F-FPSO?" I asked. He's smirked turned even wider. Damn! Hindi ko na alam! Bahala na!

Tumingin siya sa akin at halos matunaw ako sa kinatatayuan ko.

"For Perfiñan Suarez Only."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 35

    SorryI am so lost. I am so sad. And at the same time...I feel so down. Hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang maging masaya sa kalagayan ko. Kaya paano ko ipapakita sa mga kaibigan ko na ayos lang ang lahat?Nasa loob ako ng aking Vios. Naka park na ako sa parking lot ng school pero...kinakabahan akong lumabas dahil alam ko kung anong makikita ko. Panigurado akong maraming naghihintay sa akin.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang reflection sa camera. I tried to smile but my eyes is telling otherwise. Pero sa huli bumuntong hininga na lang ako.Just one month Eina. Spend your one month in darkness.Lumabas ako ng driver seat at kinuha ang aking bag. Tahimik akong naglakad papasok sa school pero agad ding natigilan ng makita ko si Perfi na nakasandan sa isang puno na para bang kanina pa may hinihintay. Agad sumibol ang kaba sa aking puso ng magta

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 34

    OverNaging masaya ang araw namin. Walang oras na hindi ako nakaramdam ng tuwa. Lalo na dahil sa kalokohan ng magpipinsan minsan ay sumasali pa sina Leley at Roma.Makikita na ang papalubog na araw sa horizon ng karagatan. It was beautiful. Hinding hindi ko ito malilimutan. The happiness...I'm feeling...I won't ever forget this.Sabay sabay kaming nanuod ng sunset, nagkaroon din ng pictorial ang mga Suarez. At syempre laging present ang digital camera ni Jonas. Pangarap niya yatang maging photographer.Naglabas din ng cellphone si Perfi at nag selfie kami parehas. At sa bawat ngiti ko ay walang mababasa ditong kalungkutan, purong kasiyahan lamang.Nang dumilim naman ay gumawa ng bonfire si Jonas at syempre may alak na naman. Nasa dalampasigan lang kami at sa gitna namin ay ang bonfire."At dahil last night na natin to maglalasing tayo hanggang sa hindi na tayo ma

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 33

    Scared to deathKinabukasan ay agad nagplano ang lahat na mag swimming sa dagat. Pero dahil may mga hang over ang lahat tamad na tamad pa sila magsibangon. Si Roma naman ay umagang umaga nagsusuka sa banyo. Si Leley naman ay tulog na tulog pa sa kama. Itong babaeng ito isa pa eh. Inihatid siya dito ni Isaiah na tulog na tulog, lasing yata."Gising na Leley!" Sigaw ko sa tainga ni Leley sabay sipa ko sa paa niya. Natawa ako ng bigla siyang napabangon sa biglang gulat. Taas taas pa ang magulo niyang buhok. Mukha siyang sabog sa itsura niya."Eina naman eh!" Sabi niya sabay irap sa akin. Humalakhak ako habang pinagmamasdan siyang parang baliw na naglalakad sa banyo. Sakto naman na kalalabas lang ni Roma na nakasuot ng bathrobe."Anyare don?" Roma asked, confused because of Leley's weird face."Ayun, lasing parin yata hanggang ngayon." Sabi ko. "Ako nga rin eh. Ang

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 32

    Last"Gusto kita...no...I think I'm falling in love. Please be mine, Eina."Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nalunok ko na ang dila ko. My knees are trembling terribly. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay malapit ng tumalon ang puso ko.Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang mahina niyang paghalakhak."Where's your tongue now, Eina?" He teased. Dahil sa sobrang kaba ay sinubukan kong ialis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito at ang mas nakakainis mas napalapit pa ako sa katawan niya. We're just inches away."I-Inaantok na ako." Sabi ko habang iniiwas sa kaniya ang aking paningin but he's staring at me intently!"Girlfriend na kita?" He asked that made my eyes widened. What the hell?! Mas lalo akong nanlaban sa hawak niya p

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 31

    FallingNang dumaong na sa Polillo Island ang yate ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda ng tanawin! Sobrang sariwa ng hangin. Matatanawan mo ang malayong kagubatan sa dulo at sa kanan naman ay ang malawak na karagatan."Wow!" Namamanghang sinabi ni Roma at Leley habang nakamasid sa buong paligid."Welcome to the Suarez Paradise!" Malakas na sigaw ni Jonas na nag echo pa sa buong paligid.Suarez Paradise?Napatingin ako kay Perfi na ngayon ay nag iintay sa akin na mapasulyap sa kaniya. Nag taas siya ng kilay sa akin at ngumisi."Let's go?" He asked. I nodded at him. Nang naglakad na siya ay sumunod kami nina Leley at Roma. Sina Jonas naman ay nauna na yata sa Hotel.Namamangha na lang ako habang napapatingin sa buong paligid. Sobrang aliwalas. Mukhang napaka pino ng kulay puting buhangin. Ang dagat ay kumikislap at napaka ganda n

  • Since that Day (TAGALOG)   CHAPTER 30

    Baby"Today is the day!" Sigaw ni Roma habang palabas kami ng hotel room. Natawa na lang ako sa kaingayan niya.Dala dala na namin ang mga gamit namin dahil ngayon ang alis namin papuntang Polillo Island. Lahat kami ay nakahanda. I am wearing my spaghetti strap romper and stringed sandals. Suot ko na rin ang aking glasses at beach hat! Si Roma naman ay naka maong short at halter top, si Leley naman ay naka short shorts at tube top na pinatungan ng see through blazer. Lahat kami ay excited na dahil ang sabi ni Perfi ay sasakay kami sa yate nila! "Hello girls!" Bati sa amin ni Jonas. Ngumiti lang ako sa kaniya, lahat kami ay nasa labas ng van dahil iniintay pa namin yung iba. Si Edu at Jonas pa lang ang nandito."Nasan na ang mga pinsan mo Jonas?" Tanong ni Roma."Nagsisiksikan sa elevator." Natatawang sagot ni Jonas. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga pu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status