Share

Chapter 15

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-09-30 15:30:52

A story written by Ayesha Sky

Author's note!

Pasensiya na at puro flashback! Balik normal tayo!

~

ELIZABELLA'S POV

"Elizabella apo, gumising

ka na mag a-alas siete na. Nandito na ang iyong kaibigan na clynton ang pangalan." Nagising ako sa malakas na pag-ugoy sa akin ni lola habang masarap ang tulog ko, at hindi ko namalayang malapit na nga talagang mag alas siete.

"H-ha? Teka

lola!" Gulat na gulat ako nang maalala kong susunduin nga pala ako ni clynton ngayong araw, kaya naman dumiretso agad ako sa banyo at naligo nang sampung minuto. Bawal akong ma-late lalo na't kasabay ko pa siya, parehas kaming mananagot sa masungit na guard nang school kapag na-late kami.

Hindi na ako naligo nang matagal dahil medyo malamig at maulan naman sa labas, hindi na rin ako nag almusal nang matagal. Kumuha na lang ako nang isang tinapay ay humalik kay lola at tsaka ako dumiretso sa labas, nakita ko siya na nakatayo sa gilid nang gate namin at nakangiti pa siya kahit matagal-tagal na siguro siyang nag hihintay.

"Tara na." Mag lalakad na sana ako nang bigla niya akong pinigil, ibinigay niya saakin ang kulay white na helmet at sinuot naman niya ang kulay itim. Bigla akong napalingon nang bigla niyang sakyan ang motor na nasa tabi nang bahay namin.

"Sakay na." Pag-aaya niya saakin at ngumingiti pa, kaya naman dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanyang motor at hinila naman niya ako kaya muntikan na akong matumba.

"S-sayo yan?" Hindi talaga ako makapaniwala, mas mukhang maangas at napaka gwapo niya pa habang nakaupo sa motor. Para siyang isang lalaki sa isang sine na isang gangster hahaha! Pero napapa-isip ako dahil kung may motor siya ay bakit pa nila kailangang mag-commute ni ma'am mary?

Isinuot ko na ang puting helmet na ibinigay niya saakin at tsaka ako sumakay sa motor niya, lumingon pa siya saakin bago paandarin ito upang tignan kung maayos na at okay na ang pwesto ko tsaka kami umalis.

Kasalukuyan akong nakahawak sa isang bakal na nasa likod ng motor niya, hindi kasi ako makahawak sa baywang niya dahil nahihiya ako. Hindi rin naman ako makahawak sa balikat niya dahil baka mawalan siya nang balanse sa pag-mamaneho, ng napansin niyang ayaw kong humawak ay halos muntikan akong mahulog nang bigla niyang binilisan ang pag mamaneho kaya naman napahawak na ako sa kanyang baywang.

"Hahawak

ka rin naman pala nahihiya

ka pa." Pang iinis niya pa saakin kaya naman kinurot ko ang baywang niya at tsaka tumawa ng malakas habang natawa na rin naman siya sa kalokohang ginagawa namin habang nakasakay kami sa motor.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa school at kamalas-malasan namang nakasabay pa namin ng pag dating si Marcelo, ang boyfriend ni kallea. maangas pa siyang lumabas mula sa kotse niya at parang nag papa-cute at nang-aagaw ng atensiyon mula sa mga babaeng nag aabang sakanya sa parking lot ng school.

Pinanuod pa muna namin siya ni clynton at kinabahan ako nang dahan-dahan siyang pumunta papalapit saamin kaya naman umatras kami at medyo lumayo ngunit nag patuloy siya hanggang sa nasa harapan ko na si marcelo.

"H-hoy! Umalis ka

nga." Tinulak ko siya pa-layo saakin dahil amoy na amoy ako ang matapang na halimuyak nang pabangong ipinaligo niya sa damit niya, pero hindi siya umaatras at parang nang iinis pa. Buti na lang ay kasama ko si clynton. hinila niya ako upang maging dahilan upang mag mukha siyang tanga at tsaka kami kumaripas nang takbo papunta sa loob ng campus.

Hindi ko na nakitang sumunod pa si marcelo pero napansin kong napaka sama ng tingin saakin ng mga babae na makakasalubong ko, lahat sila ay parang nilamukas at hindi maipinta ang reaksyon sa mukha kaya naman mas binilisan ko pa ang pag lalakad para naman makapunta na agad sa classroom.

Papunta na sana kami sa mag-kaibang classroom nang biglang may apat na babaeng humarang saamin, mukhang maaarte sila na parang mga grupo ng mga babae sa mga pelikula na mahilig mang away ng ibang estudyante. Mukha silang mga kontrabida na akala mo ay magaganda kahit mukha naman silang mga pabidang masarap ilampaso ang mukha, grrr gigil ako.

"Hoy ikaw!" Sigaw saakin nung nasa gitna at palagay ko ay siya ang leader ng grupo nila, naka pulang lipstick at sobrang kapal naman nang face powder. Kulang nalang ay ilagay mo sa kabaong at suotan nang saya para mag- mukha ng bangkay.

"Ano?" Sagot ko sakanila at tsaka ko isinukbit sa likod ko ang bag na kanina ay hawak ko dahil baka biglang manabunot at manakit ang mga babaeng 'to, iba na ang handa.

"Bago ka pa lang dito ang yabang-yabang

mo na, kaya pati

kami ay pinag-yayabangan

mo." Sabi naman nung katabi ni babaeng naka red lipstick na si kallea, at siya naman ay naka violet lipstick na si andrea. Halos humalakhak at matumba ako sa kinatatayuan ko ng ma-realize ko na silang apat ay mag-kakaiba nang kulay nang lipstick pero pare-parehas ang kapal nang face powder.

"Oo

nga, tsaka

ka na mag yabang kung hindi ka bago." Sulsol pa nang babaeng katabi naman ni andrea, at ang kulay nang lipstick niya ay pink na hindi bagay sakanya. Naka-pamewang pa na parang nag titinda nang kamukha niyang isda sa palengke.

"Well i didn't know there's a rule about that nonsense? I will do what i want to do, and i will say what i want to say. At tsaka kailangan ba pag matagal ka na dito dun ka

lang

pwedeng mag yabang just like you said? Well halata at bagay naman sayo dahil pa-cool ka." Sinabi ko pa at may pa gulat effects pa ang mga babaeng mukhang bangkay harap ko, umirap pa sila na parang sila pa ang biktima.

"Hoy! Wag mo kaming pag salitaan

ng ganyan!" Sinabi naman nung babaeng katabi ni kallea, at isang ang babaeng  may makapal na kulay itim na lipstick naman na si ashley. Mas lalo siyang nag mukhang bangkay, pero evil version.

"Hindi pa naman kita

kinakausap eh, pa-victim at papansin

ka

lang talaga." Sagot ko pa at parang mapipikon na ang mga ito dahil halatang magagalit at mag wawala na ang katabi ni andrea.

"Aba? How dare you! Hindi mo

ba

kami kilala?!" Sabi naman ulit ni kallea habang kasabay ng pag hagod ng kamay niya ay ang pag iikot-ikot ng hawak niya pekeng gucci bag.

"Wala naman akong pake kung sino ka eh, hindi din ako interesado kaya wag ka nang mag pakilala." Sinabi ko muli at ayan nanaman ang pa-shock reaction nila na parang bang mamamatay sila sa sinabi ko.

"At wala din akong interes mag pakilala sayo." Matapang na sigaw pa ni kallea na mukhang puputok na dahil kitang-kita ko mula sa leeg niya ang nag-wawalang mga ugat.

"Pero tinatanong mo

saakin kung kilala kita?" Sinabi ko muli at nag kagat labi na si andrea na parang aatakihin na ako at sasabunutan.

"Aahhh! Bwiset

ka!" Akala ko ay rambulan na, hindi pala. Pumapadyak-padyak na umalis si kallea at agad namang sumunod naman sakanya ang mga alagad niyang isda.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko nagawang ibigay ang maling number kay clayton noong araw na iyon, talagang wala lang akong tiwala sakanya that time at hindi pa kami masyadong close.

Ngayon ay wala na sila brian, loraine at clairish sa school dahil lumipat na sila kaya naman kami na lang ang natira ni loryanne at erica na mag-kakilala hanggang sa nakilala namin sila nicolei at marysam. Simula nun ay kami-kami na lamang ang naging close at hindi na nag-karoon nang iba pa.

Habang nag-didiscuss si Ma'am sa harapan ay nag-katinginan kami ni loryanne. Nasabi ko na kasi sakanya na naalala kong kilala ko nga pala si clayton at kilala rin niya ito kaya grabe din ang gulat naming dalawa.

Noong panahon na nagustuhan ko si harrison ay ang panahon na nakilala ko si clayton, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ba nakalimutan pero sa tingin ko ay dahil ito sa nangyaring issues between junior highschool and senior highschool.

Last year kasi ay nagkaroon ng policy na hindi na pwede pang makipag-usap sa mga senior highschool students kung hind mo kaano-ano, yun siguro ang bagay na nag-bigay hadlang saaming dalawa na nakilala pa ang isa't isa.

"Ready ka na ba sa performance mo sa lunes?  Nako po baka mapiyok ka niyan."  sa sinabing 'yun ni loryanne ay muli kong naalala na may performance pa pala ako sa lunes at kailangan kong mag-practise mamaya kaya naman imbis na inumin ko ang choco na binili ko ay ininom ko nalang ang tubig ko dahil yun ang naalala kong payo saakin ni harrison.

At dahil malapit na ang performance ko ay syempre hindi ko maiwasang labanan at natakot, dahil katulad nang sinabi ni loryanne ay may chance akong mapiyok or hindi kaya masobrahan sa pag-kanta. At kapag nangyari 'yun ay malamang pa sa malamang ay hindi na ako patawarin ng mga magulang ko.

~

Follow me on my Social Media Accounts!

Facebook: Ayesha Lofranco Ramos

Wattpad: Ayesha_ Sky

Instagram: Ayesha_Eternity

Twitter: MissAyesha_Sky

Tumblr: Ayesha sky

Thank you for reading! I love you!♡


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status