LOGINA story written by Ayesha Sky
ELIZABELLA’S POV
FLASHBACK
Dumating na ang hapon ngunit wala pa ring balita kay daddy hanggang sa may isang kaibigan nila mommy at daddy na naka-kita daw sakanya, hindi ko n alam ang sunod na sinabi ng tao na iyo basta ay umalis na laman bigla ang mga kapatid ni daddy na sa tingin ko ay mag-hahanap.
Ako naman ay nag-handa para sa pag-alis dahil mamay ay kailangan naroroon na ako kung saan kami mag-peperform at kakanta, sinuot ko na ang damit na nilabhan ni daddy at isinuot na rin ang mga alahas na iniwan niya bago siya umalis. Si lolo muna ang sasama saakin ngayong magpe-perform ako dahil nga sa biglaan nalang pagka-wala ni daddy, kaya naman umalis na kami para pumunta na sa simbahan.
Nang makarating kami doon ay marami na agad na tayo kaya naman naupo na ako kung saan naroroon ang mga choir members na kakanta rin habang si lolo ay nakatayo lamang sa gilid habang pinanonood ang mga ginagawa ko, maya-may lumapit si ate pia kay lolo at bigla nalamang umiyak si lolo habng bitbit ang pinsan kong 1 years old pa lamang na anak ng kapatid ni daddy.
“Iwan muna kita kay ate pia mo ha? May pupuntahan lang ako, sakanila ka na sumabay pauwi.” Sinabi ni lolo at tsaka sila umalis, kaya naman hinila na agad ko ni ate pia para sumama sa kanya kung saan siya nakaupo. Kataka-taka naman na hinihimas-himas niya ang buhok ko na parang bata.
“Ate pia bakit po? Bakit umalis si lolo?” medyo nawiwirduhan ako sa ginagawa niya saakin dahil parang pinapakalma niya ako na ewan, labis ang pag-tataka ko kaya hindi ko na naiwasang mag-tanong.
“Wala iyon, may pupuntahan nga lang daw siya. Baka importante.” Sinabi naman niya saakin kaya medyo napanatag naman ang loob ko dahil baka nga importante lang talag ang pupuntahan ni lolo, kaya naman wala na akong ginawang iba pa bukod sa pag-hihintay na kami naman ang mag-perform.
Maya-maya ay kami na nga ang tinawag sa stage upang mag-perform ng sama-sama, mamaya pa ako after nila magso-solo kaya naman medyo hinay-hinay lang ako sa pag-gamit ng boses ko habang kasamang mag-perform ang mga choir members.
Matapos naming kumanta ay nag-handa na akong muli dahil pag-tapos ng mga sumasayaw ay ako na ang kasunod, pero para bang habang nag-hihintay ako dito ay parang may hinahanao ang mata ko ngunit hindi ko matukoy.
Ang tanging nararamdaman ko lang talaga ay takot at kaba ngayong ako na ang sunod na magpe-perform, maya-maya ay tinawag na ako sa stage. Kaya naman lahat ng maliliwanag na ilaw ay sa direksyon ko naka-tapat, at pati ang mga tao ay saakin din nakatingin.
Kaya naman lumapit ako kay ate pia dahil hindi na talaga ako makapag-salita sa kaba na nararamdaman ko, pero sinabi niya na bumalik ako kung saan ako dapat pumwesto dahil kailangan ko daw ituloy ang performance ko kung hindi ay magagalit si daddy.
Kaya naman umakyat ako sa entablado kahit damang-dama ng puso ko ang kaba na palagi kong nararamdaman sa tuwing marami ang mga taong nakatingin at nanonood sa aking ginagawa.
Huminga ako ng malalim at nag-simula na sa pag-kanta. Habang kumakanta ako ay naka-lagay ang kaliwa kong kamay sa aking dibdib para maiwasan ang kaba. At ipinipikit-pikit ko pa ang aking mga mata, maya-maya ay nawala na ang kaba na aking nararamdaman kaya naman dahan-dahan at maganda ang pagkaka-bigkas ko sa bawat nota.
"Galing ah? Oh tara na." Nang makababa ako ng entablado ay sinalubong agad ako ni ate pia at pinunasan ang mga pawis kong tumatagaktak.
"Sige po." Hinawakan niya ang malamig kong kamay at sabay-sabay na kaming nag-hanap ng masasakyan kasama ang kanyang dalawang anak na kasali rin sa performance kanina.
Maya-maya ay ng malapit na kami sa bahay ay hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na parang may gusto siyang sabihin pero bawal, kaya hindu ko maiwasang tignan siya pero nginingitian niya lamang ako.
Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay, tahimik, walang kabuhay-buhay, at hawak pa rin niya ang kamay kong nangangatog na sa takot kung ano ba ang nangyayari.
Nang makapasok na kami sa loob ay nag-pasalamat na si lolo kayla ate pia dahil sa pag-hahatid nito saakin, kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay habang nasa isip na nandito na si daddy.
"Nasaan na si daddy?" Bungad ko agad habang papalapit sa loob ng kwarto namin.
"Eli patay na ang daddy mo." Ngunit isang masamang balita ang natanggap ko, kasabay ng mahigpit na yakap ng lolo ko.
"Bakit?" Para akong bata kung ngumawa ng marinig ko ito, sana ay panaginip lang ang lahat. Sana hindi ito totoo, napaluha na lamang ako habang hindi na makahinga.
"Binaril siya kagabi, nakita na siya nila tita mo." At ang mas lalo pang dumurog sa puso ko ay ng marinig na binaril na parang hayop ang tatay ko.
Nagagalit ako at parang gusto ko ng pumatay dahil sa narinig ko mula sa lolo ko, puno na ng luha ang aking mga mata at hindi maintindihan na emosyon ang nararamdaman habang umiiyak.
K I N A B U K A S A N
Hindi pa rin matanggap ng sarili kong nasa harap ko ang kabaong kung saan naka-lagay ang natagpuang bangkay ni daddy, hindi katanggap-tanggap ang nangyari sakanya kaya't labis na pag-hihinagpis ang nararamdaman ngayon ng aming boong pamilya.
Marami ang nakiramay, marami ang nasaktan sa biglaang pagka-wala niya na ang iba ay halos mahimatau na sa kakaiyak sa harap ni daddy, at nandito ako ngayon binabantayan ang daddy ko na hindi ko manlang nabigyan ng isang masarap na halik at yakap bago siya nawala.
"Mag-aaral akong mabuti at ako mismo ang mag-bibigay hustisya sa'yo daddy."
END OF FLASHBACK
Habang inaalala ang masasaya at mapapait na alaala na sinapit ng aming pamilya ay hindi maiwasan ng sarili kong mangulila sa magulang, napaka bata ko pa kasi ng mawala ang mga magulang ko kaya ngayon ay nag-sisilbi na lang silang mga alaala sa aking puso’t isipan.
Kahit na ilang taon na ang nakalipas mula ng iniwan nila ako ay hinding-hindi sila nawala sa isip ko, ang mga alaalang masaya kami ay palaging naka-lagay sa isipan ko at binabaon ko sa araw-araw para maging inspiration ito sa magiging challenge na mararansan ko sa bawat hakbang pa-taas sa aking pangarap.
Sobrang sariwa pa rin ng mga ito sa isip ko na parang hindi pa rin talaga matanggap ng sarili ko at hindi pa rin ako makapaniwalang wala na sila, pero dahil kailangan kong mag-patuloy sa buhay para sa bunso kong kapatid ay nag-aaral akong mabuti at ginagawa ang lahat upang matakbuhan ang prolemang tinatahak ng sariling kamalian.
At tsaka kailangan ko talagang mag-aral upang pag-dating ng araw ay mapagawa ko ang pinapangarap na sariling bahay kasama ng aking kapatid, at syempre ay nais kong mapag-aral ang kapatid ko para naman may maitulong ako sakanya bilang isang ate sakanya. Alam ko rin naman na mahirap para sa kanya na maka-move on sa pag-kamatay nila mommy at daddy lalo na’t siya ang baby nila na halos ayaw ng lumayo sakanila, hindi lang siya nag-sasalita pero alam ko ang totoong nararamdaman niya dahil ate iya ako at kabisado ko ang bawat aksyon na ginagawa niya habang siya ay lumalaki.
Kaya ngayon palang na bata pa lang ako ay kailangan ko ng galingan ay pagiging estudyante para makapasa sa mga mahihirap na subjects ng school at nangunguna diyan ang math, para sa gayon ay maging maganda ang aking kinabukasan kasama ng kapatid ko at ang lola ko na siyang nag-aruga at nag-alaga saakin ng mawala ang mga magulang ko. Dahil bata pa lamang ay ninanas ko nang magkaroon ng napaka laking mansion na mayroon pang swimming pool at iba pa na kadalasang pinapangarap din ng nakararami katulad ko.
Kaya palagi kong sinasabi sa isip ko na kaya ko ang lahat na challenges na dumating sa buhay ko dahil kapag hinahayan kong mag over-think ako ay masama ang kinalalabasan nito at naapektuhan pa ako at ang pag-aaral ko, kaya naman hangga’t maaari ay iniiwasan ko ang mag-isip ng ibang bagay bukod sa kailangan kong tupari ang lahat ng mga pangarap ko kung nais ko talagang magkaroon ng maayos na buhay.
Kaya naman ngayon ay labis na lamang ang aking pag-aayos para sa nalalapit na debate namin ni Marie kasama pa ng mga pahirapang tanong ng mga senior high students, hindi ako magkanda-ugaga sa pag-eensayo na hindi ko kailangang kabahan sa mangyayari kung hindi ay baka mahimatay ako sa kalagitnaan ng paged-debate. Kahit sanay na ang utak at bunganga ko sa pakikipag-debate ay natural lang na kabahan ako lalo na’t hindi madaling matalo ang kalaban ko, nang maalala ko ang video ni marie na kung ano-ano ang ipinag-sasasabi saakin ay natakot ako.
Dahil na kay cindy ang video, hindi malabong biglaan nalang nilang ipakita ang video sa maraming tao habang nag-dedebate, kaya naman agad akong nag-punta sa room kung saan nandoon namamahinga ang team hyacinth. Naabutan kong tahimik ang lahat at yung iba ay natutulog pa kaya naman agad kong nilapitan si cindy dahil siya lang ang tanging gising at nagse-cellphone lang naman.
“Cindy! Please wag mo ng ipakita yung video sa principal, nag-mamakaawa ako sayo.” Nagulat na lamang ako ng bigla nalang pumasok si marie sa loob ng room namin at ani-mong lumuhod pa sa harap ni cindy kaya naman naalimpungatan ang mga tulog.
“hahaha! Nakakatawa ka marie alam mo ‘yun? Gagawin ko ‘yun kahit na lumuha ka pa ng dugo sa harap ko, alam mo kung bakit? Para mawala yang ugali mo na pagiging mataas ang pride at pagiging feeling! Ayaw namin ng ganyan na president!” humalakhak ng kay lakas si cindy sa harap ni marie at sianmpal ng masasakit na salita na sa tingin ko ay nararapat naman sakanyang ginawa.
“Cindy please! Kailangan kong maging president! Mawawalan ako ng fans!” muling pag-mamakawa ni marie at hindi na ako naawa this time, fans? HAHAHAHAHA! Dami kong tawa mga 101 dalmatians.
“Ano kamo? fans? hahaha! Ilang mariuana pa ang nasinghot mo at kung ano-ano ang sinasabi mo? At tsaka alam mo? Kung makita ka ni Harrison na ganyan sigurado akong burado ka sa buhay niya, kaya lumayas ka na sa harap ko at wala ka namang mapapala.” Mataray pa na pagka-sabi ni cindy kaya nagyon palang ay alam ko ng desidido siya na bigyan ng leksyon si marie sa mga kabaliwang ginawa niya sakin, at siguradong mag-dadamay-damay na ang lahat lalo na’t nakuhanan din ng video kung paano nila ako lait-laitin, kaya isang daang pursyento akong sigurado na patay silang lahat sa mga magulang nila lalo na si marie at kallea.
Dahil expected na ng mga magulang nila na magaling, matatalino at mababait sila sa paaralan, kay lagot na sila kung makikita nila ang totoong kalokohan ng mga anak nila kay medyo nagi-guilty ako sagagawin ni cindy. Medyo lang.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV