Share

chapter 33

Author: Ayesha_Sky
last update publish date: 2020-10-12 10:51:59

A novel written by Ayesha Sky

FLASHBACK

ELIZABELLA'S POV

Hindi ko mawari kung bakit nag-simulang umiyak ang mga tao ng makalabas ang doktor sa ICU kung saan may nakakabit na life support kay mommy, wala namang mali akong nakikita? Humihinga ang mommy ko, buhay pa siya. There's no need to cry, walang dahilan para umiyak sila ng umiyak.

Nakita kong yakap-yakap ng daddy ko ang kapatid ko at pinag-mamasdan si mommy, hanggang sa lumapit na ang doktor kay daddy at may sinabi sakanya na hindi kayang tanggapin ng tainga ko.

"Hindi na po

kaya

ng pasyente, kung ire-revive pa natin

siya

ay

mas

lalo

siya mahihirapan, she looks like she's breathing right?but in the monitors there's no vital sign that we can find, Only the life support keeps her on breathing. I'm sorry sir, condolence to your family." Tumakbo ang daddy ko sa banyo ng ospital, at mula dun ay rinig na rinig namin ang hinagpis ng sakit na kanyang nararamdaman. At dun ko nalaman na wala na.

"Jhomellelumabas

ka

diyanAlam naming nasasaktan

kakaya

anak please lumabas

ka na." Kumatok ang lola ko sa pintuan na siyang mommy ni daddy, lahat ng nasa paligid ko ay umiiyak habang ako ay parang ligaw na bata dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayong wala na.

"Wala na ang mommy niyo." Malakas na hagulgol ng daddy ko habang yakap-yakap niya kami ng kapatid ko, at doon ay ang kauna-unahang umiyak ang isang malakas na taong katulad ko.

Bumagsak ang mga luha ko na parang ulan na pinigilang ibuhos ng langit, para akong mamamatay dahil sumisikip ang dibdib ko mula sa pag-iyak. Hindi malaman ng sarili kung ano ba ang dapat kong gawin, kung masakit sakanila. Pa'no pa kaya saakin na hindi manlang nagawang maka-usap ang mommy ko bago manlang siya mawala.

Niyakap ko ang daddy ko dahil feeling ko noong oras na 'yun ay kailangan ko ng yakap ng isang ama.

Matapos ang isang araw na pag-aayos ng funeral ni mommy ay dinala na siya sa bahay namin para pag-lamayan, pero parang ayaw ng katawan kong lumapit sa kabaong kung saan nakalagay ang bangkay ni mommy. Ayokong ipasok sa isip ko na wala na ang mommy ko dahil ako lang mismo ang nasasaktan, iniisip ko nalang na nag-papahinga lang siya pero babalik siya.

"Anak

lapit

ka

sa mommy mo." Unti-unti akong lumapit kay daddy, hindi ko alam kung bakit nanginginig ang katawan ko habang nag-lalakad papalapit kay daddy.

At nang tumingkayad ako ay nakita ko ang gandang ipinamana saakin ng mommy ko, suot-suot niya ang dress na suot ko ng ako'y umabay sa isang kasalan. Maganda ang make-up niya at bahagyang nakangiti pa, gusto kong tuloy buksan ang kabaong niya upang sabihin lahat ng mga bagay na hindi ko nasabi sakanya noon.

Pero ngayon, hanggang tingin na lang siguro ako sa mga litrato niya at sa kabaong kung saan siya nakahiga na para lamang isang reynang natutulog. Binabantayan ko siya araw-araw, walang oras na lumayo ako sa mommy ko. Dahil ang gusto ko ay kasama ko ang mommy ko sa natitira niyang araw, sa bawat pakikiramay naman ng mga tao ay nakikita kong nag-aabot sila ng tulong kay daddy na magiging kabayaran sa libong utang namin sa ospital.

Matapos ang isang linggo na lamay ni mommy ay inalis na siya sa bahay upang dalhin namin siya sa simbahan ng bulacan-bulacan para doon siya dasalan at ilibing, habang iminamaneho ng mga lalaki ang karwaheng pinag-lalagyan ng mommy ko ay kitang-kita sa mga tao kung gaano nila kamahal ang nanay ko.

Abot langit ang kanilang pakikiramay dahil kahit sobrang layo ng pinag-lamayan ni mommy ay sasama pa rin sila sa pag-papalibing nito. Nang mailibing si mommy ay umalis na kami sa dating tinitirhan upamg lumipat sa bahay ng mga magulang ni daddy.

Lumipas ang mga minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon ay hindi pa rin nawala sa isip namin ang pag-kawala ng mommy ko. Mahirap at masakit pa rin na tanggapin na ganito ang nangyari kay mommy, pero ang sabi ng mga tao ay ayos lang ang nangyari sakanya dahil at least hindi na siya mahihirapan pa mula sa malala niyang sakit. Sinabi naman ng iba na makakalimutan ko naman da iyon kapag lumaki na ako.

Pero walang kahit anong bagay at pangyayari na magiging dahilan para makalimutan ko siya, kahit hindi kami masyadong malapit sa isa't isa, kahit na hindi ko masabi sakaniya na mahal ko siya ay labis ang pag-mamahal na nasa puso ko para kay mommy.

Kahit hindi ako malambingin, kahit hindi ko siya palaging hinahalikan katulad ng kapatid ko, kahit hindi ko siya palaging sinasabi gamit ang po at opo, kahit minsan pasikreto ko siyang iniirapan, kahit minsan pasikreto akong nag-sasabi sakanya ng masama, mahal ko ang mommy ko. Pero it's too late to tell her kasi kung kailan wala na siya tsaka ko siya hinanap.

Katulad ng awa na nararamdaman ko sa sinapit ni mommy ay naawa rin ako para kay daddy, kailangan niyang mag-trabaho para saamin ng kapatid ko at kahanga-hanga namang ginawa niya iyon ng walang pag-aalinlangan.

Tinahak niya lahat ng pagod at hirap sa pag-tatrabaho para sa pag-aaral namin ng kapatid ko, at dahil sa kanya ay nakapag-aral ako sa isang pribadong paaralan at naging isang scholar. Marami akong natutunan at nalaman sa paaralang aking pinasok, marami rin akong naging kaibigan.

Kaya kulang ang pasasalamat para masabi kong thankful ako at nag-karoon ako ng isang tatay na katulad niya, nag-trabaho siya bilang isang tricycle driver upang matustusan ang aming pag-aaral. Kaya siya na ang palaging nag-hahatid at sundo sa amin ng kapatid ko, medyo naging malapit kami ni daddy.

Palagi ko na siyang hinahalikan sa pisngi kapag papasok ako sa paaralan at minsan ay niyayakap ko pa siya kapag natutulog, pero katulad ng dati ay parang takot akong sabihin sakanyang mahal ko siya dahil nahihiya ako.

Pakiramdam ko kasi ay porket dalaga na ako ay napapalayo na ang damdamin ko sa daddy ko, pero syempre ay mahal ko siya hindi ko lang talaga masabi dahil hindi mawala ang hiya sa damdamin ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status