MasukA novel written by Ayesha Sky
ELIZABELLA'S POV
FLASHBACK
"Daddy kakanta
akosa biyernes, need kongpantalon and t-shirt." Nakangiti kong salubong kay daddy noong sinundo niya ako galing school, mag-kakaroon kasi kami ng performance sa friday at may solo ako kaya naman excited ako na sabihin kay daddy na mag-peperform ako."Sige, saan daw?" Sinabi Sabay ng pag-andar ng tricycle habang lumilingon-lingon pa sa dadaanan, at mukhang busy na busy.
"Sa
simbahan daw." Sinabi ko, pansin ko na mukha kaming mag-tropa mag-usap ni daddy, pero hindi naman siya nagagalit dahil katulad niya ay hindi ko rin alam kung bakit para akong matanda mag-salita.Hindi na siya nag-salita at nag-ptuloy na sa pag-mamaneho ng tricycle habang humilata na ako sa jumbo na sasakyan ni daddy para umidlip, maya-maya ay nasa bahay na kami kaya naman pagewang-gewang akong pumasok sa loob ng bahay para kumain.
Pag-dating ko ay wala namang pag-babago, tahimik pa rin ang bahay namin na parang dinalaw ng multo. Sabagay ay ang mga magulang lang ni daddy ang kasama namin sa bahay kaya naman kung tutuusin ay lima lang naman kami.
Pakiramdam ko ay medyo boring na sa bahay dahil wala naman akong cellphone, wala rin naman akong ibang mapag-lalaruan dahil ang tablet ng kapatid ko ay property niya lang kaya kung gagamitin ko ay mahuhuli ako ay tiyak na mag-aaway kami. Hindi kasi ako binibilhan ni daddy mg cellphone dahil sa tingin niya ay makakaabala ito sa aking pag-aaral na totoo naman.
Kapag kasi nakaka-explore ako ng isang bagay ay it's either good or bad for me, kaya naman agree din ako kay daddy na huwag ng bigyan ako ng cellphone.
Kumain na ako matapos kong ibaba ang mga gamit ko ay agad akong nag-punta sa kusina para kumuha ng kutsara't tinidor, plato at baso para sa pagkain na kukuhanin ko. Nang buksan ko ang kaldero ay nag-lalaman ito ng masarap na adobo ni daddy at ang isa naman ay ang kanin.
Kaya naman agad akong kumuha ng kanin at ulam tsaka ako lumabas sa terrace ng bahay para doon kumain, malamig kasi sa labas kaya presko ako kung doon ako kakain. Habang si daddy naman ay muling nag-paalam para umalis dahil oras na upang sunduin ang kapatid ko kasama ng mga sine-service niyang bata, kaya naman mag-isa lang ako sa bahay dahil pati ang lolo at lola ko ay nasa kani-kanilang kwarto.
Pumasok na muli ako dahil binuksan ko ang T.V para naman mawala ang inip na nararamdaman ko tsaka ako nanood, kaso nga lang ay commercial pa lang.
"OMAYGAD!" napa-sigaw na lamang ako ng biglang mag jump scare ang commercial ng isang horror movie sa T.V kaya naman agad kong kinuha ang kinakain ko tsaka ako lumabas ng bahay para ipag-patuloy ko ang pag-kain.
Manginig-nginig akong ngumuya habang naka-sandal sa upuan sa harap ng lamesa, tumaas ang balahibo ko sa commercial na 'yun na parang ayaw ko na tuloy pumasok sa loob ng bahay. Maya-maya ay narinig ko na ang pag-takbo ng isang bata, kaya naman alam ko na agad na kapatid ko ang tumatakbo na ang ibig-sabihin ay nandito na sila sa bahay.
"May pantalon
ka ata saaparadormo, tignanmo." Sinabi ni daddy habang ibinababa ang mabibigat na gamit ng kapatid ko at tsaka siya uminom ng malamig na tubig mula sa pitsel."Sigi." Agad akong pumasok sa kwarto namin para tignan kung mayroon nga ba akong pantalon na magagamit ko sa biyernes.
As usual ay hindi na kami bibili pa dahil pag-dating sa damitan ay ayos lang saakin kahit sira-sira o luma na ang susuotin, minsan nga ay hinihiram ko na lang ang ibang damit ni daddy kapag may kailangan akong damit kaya naman 'dun na ako agad sa aparador niya mag-hahanap.ng damit dahil mayroon naman siya kaya hindi na kailangang bumili pa para naman bawas gastos nalang sa araw-araw.
Hindi rin naman ako mahilig mamili ng damit, dipende nalang kung pasko at bagong taon ay may bago rin akong sapatos at damit na pwede kong magamit pag-kailangan. Lola at lolo ko naman sa pagitan ni mommy ang bumibili sakin ng bagong damit kapag pasko, kaya naman kapag sila ang bumibili ay kadalasan ay branded ang nabibili nila. Kaya hindi kataka-tala kung bakit abot langit na lang ang pag-papahalaga ko sa mga gamit na binibili saakin kahit hindi ko naman hiningi.
Pagka-tapos ng malalimang pag-huhukay sa malalim na espasyo ng aparador ko ay sa wakas nakakita na rin na ako ng pantalon na magagamit ko sa friday, pero wala akong t-shirt na nahanap kaya naman agad akong pumunta sa aparador ni daddy para doon na lamang mag-hanap at mag-halungkat.
Ilang minuto lang ay nahagip ng mata ko ang mala-asul na damit, kaya naman hinila ko ito agad para hindi na matabunan pa ng mga nasa ibabaw na hinukay ko pataas. Itinupi ko ang mga damit na nakuha ko sa aparador ko at aparador ni daddy, sinara ko na ang pinto tsaka ako lumabas ng kwarto para ipakita ito sakanya at mag-paalam na kumuha na naman ako ng damit sa aparador niya na gagamitin ko sa friday.
"Daddy, nakakita na ako
ngpantalon at t-shirt. Kasoyung t-shirt galingsaaparadormo." Pakipot pa akong ngumiti dahil iniisip ko na baka magalit na siya dahil sa kaka-kuha at hiram ko ng mga damit niya."Ayos na 'yan
basta mayroon ka." Mahina niyang tugon habang inaasikaso ang mga gamit ng kapatid ko dahil titignan niya kung may assignment ito, at dahil na rin sa mukhang ginulungan ng sampung truck at tsaka inapakan ng mabibigat na elepante ang bag ng kapatid ko dahil sa sobrang gulo nito.Naka-simangot na inayos ni daddy ang bag ng kapatid ko dahil sa sobrang gulo ay kaunti nalang pwede na itong maging basurahan, may naka-lagay pang supot ng kung ano-anong bagay dito at supot na rin ng mga kinakain niya araw-araw sa paaralan.
Kulang na nga lang ay mabigyan na siya ng award bilang isang best in walang tapon-tapon in one year sa basurahan award dahil kung makikita niyo lang ang bag ng kapatid ko ay pwede na itong itapon ng walang kahit anong salita pa at walang kung ano ang magaganap.
Maya-maya ay lumabas na ang lolo at lola ko sa kwarto kung nasaan sila kanina at katulad ng ginagawa nila dati ay kakamustahin nila ako kung ayod lang ba ang araw ko ngayong araw sa paaralan.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV