LOGINA novel written by Ayesha Sky
ELIZABELLA'S POV
FLASHBACK
Matapos ang ilang araw ay biyernes na kinabukasan, kaya naman todo practise ang aming choir para ma-ensayo ng maayos ang kani-kanilang boses. Bukod kay Coach Aryan ay tumutulong rin ako sa kanyang mag-sanay ng mga members para naman bawas haggard kapag magpe-perform na.
Mahirap din kasi mag-sanay sa choir lalo na't iba-iba ang hanay ng mga boses namin, kaya minsan mahirap kung magsa-sabay-sabay ang lahat sa pag-kanta dahil magugulat ka nalang may biglang aangat na boses, may bababa, may katamtaman, may relaxed at yung iba pilit na pilit kapag ibubuga ang mga tono.
Hindi rin naman kaya ni Coach Aryan ang turuan silang lahat na siya lamang mag-isa, kaya bilang estudyante niya sa pag-kanta ay isang magandang bagay na makasama ko siya mula sa pag-tuturo ng mga Choir members.
At alam ko naman sa sarili kong never naging madali ang pag-tuturo sa pag-kanta, minsan nga ay napapabuntong-hininga na lang si Coach sa sobrang pagod na may halong pagka-pikon sa mga estudyanteng mahirap talaga turuan.
Kaya naman kahit alam kong mahirap ay sinubukan kong mag-turo para na rin tulungan si Coach Aryan mula sa pahirapang pag-tuturo ng mga bata at pati mga high school students na rin.
"Elizabella, ang
magiging solo moayyungkantani Mariah Carey na when you believe. Maganda 'yun bagaysabosesmo, practisekitaafternila." Inabot saakin ni Coach Aryan ang isang papel kung saan naka-lagay ang lyrics ng kanta, kahit na hindi ko na talaga ito kailangan.Matagal ko na kasing alam ang kantang ito na nalaman ko pa mula sa playlist ng mommy ko, dahil katulad ko ay grabe na lamang ang hilig niya sa musika na halo mayroon na siyang isang libong kanta sa kanyang cellphone. Hilig ni mommy ang mga singer na katulad ni Mariah Carey, Whitney Huston, Celine Dion at iba pa na talagang sikat at magaling na mang-aawit na iniidolo niya.
Mahilig rin siya sa OPM katulad ng kantang 'Tanging Yaman' na unang kanta na ginamit ko para sa patimpalak na sinalihan ko noong daycare student pa lamang ako, Ang kantang 'Pangarap na Bituin' ni Sharon Cuneta na hilig niyang ipa-kanta saakin sa Videoke.
At dahil hindi naman kami masyadong mayaman ay mic at speaker lang ang ginagamit namib kapag magpa-practise ako at mag-hahanda para sa isang patimpalak, nakakabit ito sa T.V par makita ko ang lyrics nito habang kumakanta. Minsan nga ay nag-aarkila kami ng Videoke para makapag-ensayo lamang.
Madalas na ka-duet ko si mommy kapag kumakanta ako, minsan naman ay mag-susulat siya sa isang papel ng mga kakantahin ko at tsaka ko ito isa-isa kakantahin sa Videoke dahil gusto lang niyang marinig ang boses ko kung paano ito mag-bago sa bawat ensayo na ginagawa niya saakin.
'Di hamak na kay ganda ng taste ni mommy pag-dating sa musika, mahal niya ang lahat ng uri ng mga kanta mapa-rock 'man iyan ay hindi niya bibigyan ng pag-dadalawang isip na gawan ito ng kanyang sariling version at tsaka ito kantahin.
Ganoon din si daddy, katulad ko ay magaling rin siyang kumanta. Maganda rin ang kanyang taste sa music dahil puro ito swabe at gwapo pakinggan, medyo mataas din ang boses niya at bagay na bagay sa boses na mayroon si mommy. Lagi pa nga silang nagdu-duet ni mommy sa Videoke kapag may time sila at ang palagi nilang kinakanta ay ang kantang 'Please be careful with my Heart' na sa pagka-kaalam ko ay isang kanta mula sa paborito nilang palabas.
Kaya naman kung tatanungin ako ng mga tao kung kanino ako nag-mana ay alam ko na agad ang sasabihin ko na walang pag-aalinlangan.
Maya-maya ay natapos ang pag-tuturo ni Coach sa mga bata kaya naman nasa mga Highschool at senior highschool student na siya nag-tuturo, halata ang inis sa kanyang mukha habang ginagawang katatawanan ng mga lalaki ang kantang pana-aawit sakanila ni Coach kaya naman nanlilisik na tingin ang ibinigay niya sa mga lalaking tumatawa.
Tumingin din ako sa mga tumatawa at nakita ko ang isang Senior high school student na kaklase ni Clayton, siya ang lalaking palagi niyang kasama kapag aalis siya at pupunta ng canteen. Hindi kataka-taka kung bakit siya maingay dahil ang kasama niya palaging si clayton ay isang maingau din na lalaki, natandaan ko tuloy noong hiningi niya ang number ko at number ni Cindy ang ibinigay ko.
"Napaka
babastos niyo, hindiba kayo marunongmakinig at sumunodsasinasabini Coach?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-salita noong nakita kong bigla nalang napa-hawak si Coach sa batok niya dahil sa biglaang pag-halakhak ng malakas ng isa sa lalaking pinagagalitan niya."Joke lang
naman miss snowy eh." Sinabi niya saakin matapos ko siyang pandilatan ng mata at tsaka niya ako tinawanan katulad ng ginawa niya kay coach na nag-painit ng ulo niya."Hindi namin
kailanganngkabiruandito, kung hindika makikipag-cooperate aymabuti pang mag-quit ka na sa club na 'to at wag na wag kangsumali." Sa malalim na boses ko ito sinabi sakanya para mapunta sa isip niyang galit at seryoso ako sa sinasabi ako, at tsaka kapag hindi sila tumigil ay hindi ako mag-dadalawang isip na burahin sila sa listahan ng mga members lalo na't kayang-kaya ko silang palitan at tanggalin.Kaya naman matapos kong sumigaw sakanila ay natahimik nalang sila at mukhang sobrang guilty na, sa itsura pa lang ng kanilang reaksyon sa aking sinabi ay kitang-kita na.
Kaya naman pinaupo ko na si Coach sa isang upuan na malapit sakain upang pag-pahingahin siya at pahingahin ng malalim, at tsaka ako bumalik sa mga lalaking nag-painit ng ulo ni coach.
Hindi na sila katulad kanina na parang magkaka-kabal na tuko dahil hindi sila mapag-hiwalay kaya naman tumayo na ako sa harap nila at binasa ang lyrics ng kakantahin nila na ginagamit kanina ni Coach at tsaka ito pinakanta sakanila.
Himala naman na hanggang ngayon ay lahat sila tahimik at walang kibuan, kahit lingon ay hindi nagagasa ng isa sa kanila. Hindi na sila tumatawa kalag pinakakanta ang lines nila sakanila kaya naman tinawag ko na si Coach para bumalik at siya na ang muling mag-turo sa mga maiingay na ngayon ay tahimik na estudyante.
Matapos nito ay ako naman ang nag-ensayo para sa solo ko at hindi namab ako nahihirapan dahil una sa lahat ay abot ito ng aking boses at kabisado ko naman na ang liriko nito. Kaya naman hindi na ako kumanta ng malakas at bagkus ay kinanta ito ng mahina at sa isip ko lamang.
"Okay that is all today, sana maganda
ang pagpe-perform niyobukas. And samgabastosdiyan, ipag-palibanniyomuna 'yan samgabahayniyo." Masama ang loob ni Coach habang sinasabi ang mga kanyang pamamaalam bago umuwi lahat ng choir member, kaya naman medyo naawa ako sakanya lalo na't hindi pa niya nararanasan ang pag-tawanan ng mga senior high sa school."You can go home now." Mahinang pagka-kasabi ni Coach at tsaka wala ng kasunod na salita pa at siya ay bumaba na, kaya namab lahat kami ay bumaba na rin. Nang maka-baba ay nakita ko ang muling pag-tawa ng isa sa mga lalaking nambastos kay Coach kaya naman mahinahon ko silang nilapitan.
"Kung hindi
niyokayangrespetuhinsi Coach Aryan, wag nalangkayong mag-salita. At ikaw, hindimo ikina-gwapoang pag-tawasaharapniya." Madiin kong dinuro ang lalaking nagawa pang tumawa matapos ng nangyari kanina kaya naman bakas sa kanyang mukha ang pagka-gulat sa ginawa ko, hindi na sila naglakas-loob pang sumagot kaya naman lumabas na ako ng school para hanapin si daddy."Elizabella!" Sigaw ni daddy habang kumakaway, napaka-layo naman pala ng pinag-paradahan niya kaya hindi na kataka-taka kung maliligaw ako bigla. Kaya naman agad akong tumakbo upang puntahan siya kung saan naka-parada ang tricycle namin at tsaka ako pumasok sa loob para mamahinga habang si daddy ay nag-simula na sa pag-mamaneho.
"Kamusta araw?" Tanong niya habang focus na focus pa sa pagda-drive habang suot ang kanyang sun glass na sinasabi niyang mas nag-papagwapo sakanya.
"Nakaka-inis." Mahina kong sinabi kaya muling bumalik ang init ng ulo na naramdaman ko kanina ng maalala ang ginawa ng mga studyante na iyon kanina.
"Bakit? May nang-bully nanaman
basayo?" Gulat niyang tanong saakin na mukhang nag-aalala, dati kasi ay madalas akong nabubully na nauuwi sa matinding sakitan. Kaya naman kapag may nang bubully saakin ay to the rescue sila ni mommy para ireklamo ang kung sino 'man ang nanakit saakin.First time ko lang kasing sinabi sakanya ngayong year na may pangit nanaman akong naranasan sa school katulad ng inis kanina, kaya naman siguro sa tinagal-tagal na ng panahon na hindi ako nag-susumbong sakaniya ay nabigla siya.
"Wala daddy, may bastos na senior high kasi
sa practise naminkanina. Taposhabangtinuturuansilakaninani Coach Aryan, ayaw nilamakinig at nag-tatawanan pa. Sinasadyarinnilanglakasan para masmainissi Coach, kayaayunsinitako." Pagpapaliwanag ko kay daddy habang nasa-ulo pa ang kanan na kamay dahil sa sobrang inis na nararamdaman."Hayaan
mo na iyongmgaganungtao, karma is a b!tch ngadi'ba?" Natawa na lang ako sa sinabi ni daddy habang uma-acting pa siya na may nasabi siyang nakaka-tawa saakin.Nagtuloy-tuloy na ang byahe hanggang sa maka-uwi na kami sa bahay, inabot ng ilang oras ang oag-eensayo ko sa paaralan kaya naman 5 na noong nakauwi kami sa bahay. Maya-maya ay nakapasok na ako sa bahay at tsaka ko naalala ang damit na gagagamitin ko sa solo ko bukas na hindi pa nalalabhan.
"Hala daddy, yung
damitkohindi pa nalalabhan." Sinabi ko kaya naman kahit hindi pa ako nakakapag-palit ng damit uniporme ay tumakbo na ako papasok sa loob ng kwaryo namin para kuhanin ang damit na gagamitin ko para bukas."Akin na rito
bilis." Sigaw ni daddy at tsaka niya inilabas mula sa loob ng bahay namin ang washing machine at ang dryer, inabot ko ito sakanya ngunit aksidente ko itong naihagis dahil sa biglaang pagka-patid sa isang extension."Oo
lalabhanko, ihahagismo pa." Isinigaw niya saakin matapos kong aksidenteng maihagis sakanya ang damit, hindi na ako sumagot pa dahil baka mas lalong lumaki ang misunderstanding na nangyari. Pumasok na lamang ako sa kwarto upang mag-palit ng uniform at pilitin ang mag-pahinga mula sa ilang oras na practise.Maya-maya ay nagising ako na patay na ang ilaw at nakita kong aalis si daddy na dala ang kanyang bag na siguro ay may pupuntahan kasama ng mga kapatid niya, inilabas niya ang mga alahas na gagamitin ko mula sa bag kaya naman bumalik na ako sa pag-tulog dahil alam kong babalik rin naman siya mamaya.
K.I.N.A.B.U.K.A.S.A.N
"Elizabella, nasaan ang daddy mo?" Nagising na lamang ako dahil sa malakas na pag-tapik ni lolo saakin, at kagulat-gulat pa ang ibinungad niyang tanong saakin.
"Huh? Ewan ko, umalis kagabi di'ba? Baka hinatid yung mga service niya." Sinabi ko tsaka ako nag-inat at tumayo sa pwesto na kinahihigaan para mag-toothbrush sa banyo.
"Wala, yung isang service niya rito sa kabilang bahay hindi pa niya naihahatid." Nagulat ako sa isinigaw ni lolo habang nasa banyo ako, paano mangyayari iyon? Hinding-hindi pa nagkaroon ng chance para makalimutan ni daddy na may service siya kinaumagahan, maliban lang ngayong araw.
Halatang kinakabahan na ang lahat dahil hindi na sila magkanda-ugaga sa pag-tatanong sa mga ka-close nila na baka napadpad si daddy sakanila, ngunit ang sagot ng lahat ay wala. Kaya naman nag-post na ang mga kapatid ni daddy na itinatanong kung nakita ba nila si daddy or baka nakitulog si daddy sa init ng ulo ngunit wala talagang nakakapag-sabi.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV