LOGINA novel written by Ayesha Sky
ELIZABELLA SNOW'S POV
FLASHBACK
Ngayon ay napaka lala na ng kalagayan ni mommy, pero ngayon ay nasa bahay na lamang siya upang duon na mag-pagaling dahil sinabi ng doctor na hindi naman daw pwede na mag-stay siya sa ospital ng ganoong katagal. Maari naman daw siyang bumalik kung may mararamdamang hindi maganda.
Ngayon ay isa akong grade 5 students sa bulacan, ngayon pa lang na bata ako ay ramdam ko na ang pagod ng isang matanda sa problemang dala ng buhay namin. Kaya naman napag-desisyunan ni daddy na isali ako sa drum and lyre ng school para naman ma-focus ang sarili ko sa ibang bagay na hilig ko.
Ngayon ay araw na upang mag-karoon kami ng performance sa harap ng mayor upang i-present ang school namin kaya naman kailangan naming isuot ang magandang costume at mag-lagay ng kolorete sa mukha.
Magaling mag-make up, mag ipit ng buhok at mag cuticle si mommy. Pinag-aaralan niya yun para saakin dahil nais niya na maganda ako palagi, tuwing may contest ay siya ang nag-aayos saakin kaya mukha akong mayaman palagi. Hindi siya nag-kulang sa pag-aayos at pangangalaga ng balat ko, hindi kinulang sa lotion at perfume kapag gagayak. Hindi din nag-kulang sa pamimili ng damit para saakin at sa kapatid ko, sa pagkain ay mas lalong hindi nag-kulang. Kaya for me? She is the best, bilang isang ina sa dalawang bata at asawa sa tatay ko ay isa siyang kumpirmadong responsable.
Ngunit ngayon ang parang ayaw kong umatend sa pag-peperform ng school namin dahil kahit napaka ganda ng aking suot ay wala akong confidence dahil feeling ko ang pangit ko. Si mommy kasi ay hindi na katulad ng dati, hindi na siya gumagalaw kasi sasakit ang katawan niya hindi rin siya tumatayo kasi natitisod siya.
"Mommy memake-up mo ba ako?" nag-tanong ako sa mommy ko matapos tumingin sa salamin, wala siyang kibo. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makalabas ako ng kwarto at makapag-bihis ng costume, kailangan kong um-attend dahil kung hindi ay siguradong magagalit si mommy ba ayaw naming mangyari.
Aalis na sana kami ni lolo na siyang mag-hahatid saakin sa school kaso ay biglang nahagip ng aking mata ang nga box kung saan nakalagay ang mga make-up ni mommy, lumapit ako dito upang tignan ang laman kahit alam ko naman na ito at kabisado ko na ang bawat naka-lagay doon.
Kinuha ko ang lipgloss ni moomy na parati niyang ginagamit saakin para gumanda lalo ang labi ko, at tsaka sunod kong kinuha ang face foundation na palagi rin niyang nilalagay sa mukha ko tsaka ko inilagay ito sa aking maliit na bag at Nag-patuloy na sa pag-alis.
Pag-dating ko sa school ay napaka-dami nang bata na magpe-perform din kaya naman pumasok na ako para hindi mahuli, habang nag-lalakad papunta sa aming grupo ay narinig ko ang bungisngisan ng mga babae malapit saamin na kalaban ng aming school.
Maganda ang kasuotan nila at pati na rin ang kolorete ng kanilang mga mukha, nag-simula nanaman akong mag-isip ng hindi maganda para saakin kaya naman agad akong tumakbo sa banyo ng paaralan. Binuksan ko ang bag na nag-lalaman ng simpleng pang-make up kaya naman nag lagay na ako ng face foundation na pantay lang sa kulay ko at nilabas ang lipgloss para lagyan naman ang aking labi.
Huminga ako ng malalim upang ilabas sa aking isipan ang mapang-husgang tingin ng mga babae at tumingin ako sa salamin ng banyo.
"Maganda ako, hindi ko kailangang mahiya." pilit akong ngumiti para mawala ang negativity na patuloy na pumapasok sa isip ko tsaka ako lumabas ng masaya sa banyo..
Katulad kanina ay rinig ko pa rin ang bulungan ng mga babae kaya naman agad ko silang tinignan, hindi sila lumilibot at puro bulong lamang ang ginagawa kaya naman nilapitan ko sila upang kausapin saglit.
"May problema ba kayo?" Naka-pamewang pa ang isa habang kinakausap ko sila.
"Wow tapang pangit naman yung make-up." Kunwari pang sabay nilang pag-tawa ng katabi niyang babae, umiirap-irap pa na parang kaya nang buhayin ang sarili.
"Ayos lang, at least make-up lang ang pangit saakin. Balibhasa ay pangit ka na, pati ugali moat pangit at pati make-up mo pangit." tinalikuran ko ang mga nag-bubulungan at dumiretso na sa lugar kung saan kami naka-pwesto, sa puntong iyon ay nawala ang hiya at pag-iisip ko kung maganda ba ako ngayong araw. Nawala yung pag-iisip ko kung pinag-uusapan ba ako ng mga tao habang nag-lalakad ako sa harap nila.
Kahit hindi ako na ayusan ni mommy ay hindi naman ako galit, dahil naiintindihan ko yung kalagayan niya na kahit gusto din naman niya akong ayusan ay hindi niya magawa dahil nahihirapan na siya sa kalagayan niya ngayon. Mas ayos pa saakin ang maging tanga sa contest na ito, basta ay maayos ang kalagayan ni mommy.
Natapos ang performance at lahat-lahat kaya naman sinundo na ako at nakauwi sa bahay, as usual ay nakahiga si mommy sa kwarto namin at hindi gumagalaw dahil sa sakit ng kanyang katawan. Kumain na ako ng tanghalian at tsaka ako nag-palit ng damit pang bahay.
Maya-maya ay nakita kong ginagamit ni mommy ang tablet ko at tila ba parang may tina-type, pero hinayaan ko nalang dahil baka bored siya dahil wala naman siyang magawa dito sa bahay. Sinisilip-silip ko siya at nakikita kong type lang naman siya ng type hanggang sa pag-lingon ko ay nakita kong umiiyak siya kasama ng walang tigil na pag-hikbi.
Ayoko siyang lapitan dahil baka pagalitan niya ako, kaya naman wala akong magawa kung hindi ang silipin siya mula sa malayong lugar.
Ilang buwan na naka-stay si mommy sa bahay at patuloy ang medication, pero walang pag-babago ang nangyayari sakanya at madalas na sumasakit ang ulo. Kaya naman agad namin siyang dinala sa ospital para i-confine at mag-patuloy ng pag-gagamot niya sa ospital.
Nasasaktan akong makita ang mommy ko nakahiga na lang at walang kabuhay-buhay, kina-kailangan siyang lagyan ng life support o tubo para mas tumagal pa ang buhay niya. Nanghihina na na si mommy at hindi na makakita, nati-trigger na ng sakit niya ang kanyang kidney, puso at utak na nagiging dahilan ng kanyang pang-hihina.
Ngayon ay naka-confine siya sa loob ng ICU kaya pinapunta kami ni daddy sa ospital upang makita ang kanyang kalagayan, hindi ko matukoy kung bakit parang hindi na dumidilat manlang
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV