LOGINA novel written by Ayesha Sky
ELIZABELLA SNOW'S POV
JUNE 10, 2020 WEDNESDAY 6:00 AM
Naka-higa lang ako at parang pagod ng pumasok pagkatapos ng dalawang araw na mag-kasunod naming campaign, ngayon pa lamang ay napapagod na ako at parang wala ng balak bumangon sa higaan pero ano nalang ang mangyayari saakin kung mahihiga lang ako dito at walang gagawin sa sarili?
Pumasok tuloy sa isipan ko ang dating sinabi ng mommy ko, 'Anak, kung may
pangarapka wag kadapat sumusuko.' Dati kasi ay parang sawang-sawa na ako sa pag-aaral ko dahil sobrang sakit na ng ulo ko sa kakapilit intindihin ang math, kaya naman imbis na mag-aral ako ng mabuti dati ay kain lang ako ng kain at hindi nakikinig sa discussion.Kaso ay nalaman ito ng magulang ko na naging dahilan kung bakit nila ako napag-sabihan, hindi naman kasi kami mayaman at may kaya lang naman kami sa buhay. Kaya naman para sa mga magulang ko ay mahalaga ang edukasyon lalo na't alam nilang iyon lamang ang maibibigay niya saakin.
Maagang nabuntis ang mommy ko kaya naman sa murang edad ay tumigil sila sa pag-aaral ni daddy upang alagaan at pag-handaan ang nalalapit na pag-labas ko noon sa sinapupunan ni mommy. Kahit hindi sila naka-graduate ay nag-karoon ng matinong trabaho ang daddy ko at ang mommy ko naman ay ang siyang nag-aalaga saakin sa bahay habang tinutulungan siya ni nanay.
Nang lumaki na ako ay nag-simula na akong mag-aral, natutong mag-bilang, bumasa at ang nakaka-proud ay ang mag-salita ng english sa napaka-murang edad. Bata pa lang ay tinatawag na akong kabisote ng mga kamag-anak ni daddy dahil hindi ako magaling sa math, pero sinabi nila na huwag ko nalang itong pansinin at patunayan ko sakanilang hindi ako kabisote.
Kaya simula noon ay bawat grade na matutungtungan ko ay may mga medals akong nakakamit mula sa mga patimpalak at mga honors na nakukuha ko, kaya hindi mapag-kakailang proud ang mga magulang ko saakin kahit pinapalo nila ako lagi hehe.
Hindi ako malapit masyado kay mommy, hindi rin masyadong malapit kay daddy. Hindi ako clingy noong panahon na iyon kasi nasa isip ko na medyo malaki na ako para sa mga bagay na iyon kaya hinahayaan ko na lamang ang kapatid ko ang maging clingy sa kanila.
Hindi rin ako showy sa kung ano ang nararamdaman ko, talagang kung may masakit saakin ay ii-keep ko na lang sa sarili ko at hindi na mag-sasalita pa. Dahil kapag ang bunso ay ang nasaktan mag-aalala ang magulang, dahil bunso eh. Natural naman 'yun sa mga magulang na matuon ang atensyon nito sa mga nakababatang anak at alam ko iyon kaya no choice ako kung hindi ang intindihin ang magulang ko na ang bunso ay kailangang alagang-alaga ni mommy.
Pero kahit na ganito ay masaya namab kami ng kapatid ko, mahal ko siya at mahal niya ako kahit palaging nag-sasabong na parang mga manok. At Kahit na may kaya lang sa buhay ay masaya kami habang mag-kakasama sa bahay, araw-araw bonding at syempre araw-araw din ang pag-aalaga saamin ni mommy na walang kakupas-kupas. Ngunit bakit ngayon ay wala na?
FLASHBACK
"Anak, ikuha
moakongtubig." Agad akong tumayo mula sa pahirapang pagdo-drawing ko sa kwarto namin at ikinuha ko ng tubig si mommy, inabot ko ito sakanya at para bang uhaw na uhaw siya habang iniinom ito.Napansin ko these days na nahihirapang mag-lakad ang mommy ko at parang namamaga ang mga binti niya, madalas na ring sumasakit ang kanyang tuhod. Sinasabi ni mommy ay rayuma lang daw ito pero ayaw kong maniwala dahil grabe na lang kung mamaga ang kanyang binti.
Hindi naman niya sinasabi kay daddy dahil ayaw niya itong mag-alala kaya naman pati ako ay sinasabihang huwag ng sabihin pa kay daddy, tumagal ng tumagal ang panahon at mas lumala ang kalagayan ni mommy.
Bigla nalang siyang natumba mula sa pagka-katayo niya at hindi bumabangon kaya naman agad kong tinawag ang daddy ko na sa kasalukuyang natutulog pa, ng nagising na siya ay nag-panic na ang lahat ng tao sa paligid at nag hadaling dalhin sa ospital si mommy.
"Ayon
sakanyang results ayrayumalangito, there is no need to worry. I will just give her some medicines that will lessen the pain that she is experiencing." Sinabi ng doktor matapos masuri ni mommy, ngayon ay gising na siya at halata sa mukha ang pagod pero pinipilit niyang ngumiti para hindi kami mag-alala sa kanyang kalagayan.Pag-katapos ng ilang month na pag inom niya ng gamot mula sa pinag-konsultahang doktor ay walang pinag-bago ang kalagayan ni mommy, bagama't ay mas lalo pa itong lumala kaya naman ang lolo ko na ang nag-dala kay mommy sa isang kilalang ospital sa bulacan.
"Now we have our results, i hate to say this but mayroon
posiyang lupus." Nang makalipat kami sa ibang ospital ay ito ang sinabi ng doktor saamin, hindi pa 'man namin naiintindihan ay umiiyak na kami sa kung anong kalagayan ni mommy."Doctor ano po yung lupus?" Tanong ni daddy sa doktor na maluha-luha pa ang mga mata, dahil katulad ko ay nag-aalala kami sa kalagayan ni mommy.
"Lupus is a systemic autoimmune disease that occurs when your body's immune system attacks your own tissues and organs. Inflammation caused by lupus can affect many different body systems — including your joints, skin, kidneys, blood cells, brain, heart and lungs." Ipinaliwanag na ito saamin nt doktor pero tila ba wala kaming maintindihan kahit isang bagay sa kanyang sinabi pero sa sinabi pa lamang ng doktor ay halata ng malala ang sakit na ito.
"Paano
ponaminsiya magagamot? Doc please maawaka." Muling tanong ni daddy sa doktor na hindi na mapigilan pa ang emosyon."Lupus is a chronic disease with no cure. This means that you can manage it with treatment, but it will not go away. Treatment can help improve your symptoms, prevent flares, and prevent other health problems often caused by lupus. Your treatment will depend on your symptoms and needs." Lahat kami ay natunganga ng sabihin ito ng doctor, with the term 'no cure' ay alam ko na ang mangyayari sa aming buhay.
Lahat kami ay nag-simulang umiyak sa dahil sa narinig naming kalagayan ni mommy, sobrang sakit at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa buhay ko ay hinding-hindi pa ako umiyak na parang wala ng bukas oa na darating, basta ay nasa isip ko lang na hindi ko kakayanin kung mawawala ang mommy ko.
Nag-simula na ang medikasyon niya noong araw na iyon, ni-hindi inisip nila daddy kung mababaon kami sa kahirapan kung ipapagamot si mommy. Basta ang layunin namin ay ang mas patatagin si mommy dahil ngayon siya na ang nangangailangan sa amin, kaya ngayon ay oras na upang ibalik ang mga bagay na bukal na loob na ibinahagi ng mommy ko.
Mahirap naging medikasyon ni mommy, hindi bumabalik ang lakas niya kung hindi ay mas lalo pa siyang humihina kaya kasalukuyang naka-confine si mommy para sa ospital mag-patuloy mag-pagamot.
Bakas ang hirap at sakit mula sa araw-araw na gamutan ni mommy, dati ay binti lamang ang namamaga sakanya pero ngayon ay pati ang kanyang mukha ay namamaga na rin na dahilan upang mas lalong hindi makagalaw si mommy at manatili na lamang sa higaan.
~
Follow me on my Social Media Accounts!
Facebook: Ayesha Lofranco Ramos
Wattpad: Ayesha_ Sky
Instagram: Ayesha_Eternity
Twitter: MissAyesha_Sky
Tumblr: Ayesha sky
Thank you for reading! I love you!♡
A story written by Ayesha SkyNgayon ay malapit ng mag-simula ang pinaka-hihintay ng lahat na debate as pagitan ng dalawang teams na Team Hyacinth at Team Scorpio, kaya naman habang nag-lalakad ang dalawang teams papalapit sa isa't isa ay nararamdaman na namin ang kaba at ang takot.Ang matalas
A story written by Ayesha SkyELIZABELLA’S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'S POVFLASHBACK
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLA'SPOV
A novel written by Ayesha SkyFLASHBACKELIZABELLA'S
A novel written by Ayesha SkyELIZABELLASNOW'SPOV