Home / All / Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo / Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

Share

Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

Author: FirePhoenix
last update publish date: 2020-10-23 01:00:00

Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa  tokador habang hawak hawak niya ang  nakababata niyang kapatid na si  Kevin  na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old.  Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement. 

Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.

 Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement  at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila.

" Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pupunta; tinuruan na kita hindi ba kung paano paandarin ang  kotse." Hawak- hawak ng ina sa magkabilang balikat si Dolor.

"Ngayon na  ang araw na iyon kung sakali 'di kami makaligtas ng Papa mo na saiyo nakasalalay ang kaligtasan niyong magkapatid." Mariing paalala ng kaniyang ina kay Dolor.

Pigil ni Dolor ang pag iyak hawak ang kanyang bibig umaagos na ang luha sa kaniyang mga mata habang nakasilip sa pintuan ng tokador  nila wala ng inaksayang sandali si Dolor dali-dali niyang binuksan ang secret door at doon sila pumunta magkapatid buhat-buhat niya si Kevin sa kaniyang mga bisig at nang makarating sa gubat  ay dali-dali niyang hinanap iyong kotse nakita niya ito sa tabi ng  balete at dali dali niyang inalis ang mga dahon doon  na nagtatabing sa kotse. Inayos niya ang kapatid niya sa backseat at tinignan niya ang cabinet doon kung saan naroon ang kanilang mga passport; documents at baril na fully loaded. Marunong si Dolor sa paghawak ng baril sa paano'y tinuruan na siya ng Ama niya 7ears old pa lamang siya. Dali-dali niyang binuhay ang makina at doon tinahak nila ang palabas ng gubat.

'Di paman sila nakakalayo ay nakita na sila ng mga Hapon nagpaputok ang mga Hapon.  Napuruhan ang gulong nila at nagbale-balentong ang sasakyan sa ere at patuwad na bumagsak ang sinasakyan nila. Nang makalipas ang sandali ay nagkamalay si Dolor  inalis niya ang seatbelt niya; hinanap niya ang kaniyang kapatid.

"Kevin!" Tawag nito pero 'di sumasagot si Kevin.

"Binuksan niya ang pintuan ng kotse at hinila palabas si Kevin.  Pinulsuhan niya ito buhay pa siya bagama't duguan pinangko niya ito at paika-ikang  naglakad palayo sa mga Hapon nakita niya ang masukal na daan papuntang maisan doon sila nagtago...Yakap-yakap ni Dolor si Kevin.

"A-ate!  Masakit ulo ko!" Sambit ng kapatid niya.

"K-kevin lumaban ka! Makakayanan natin ito!"  Halos mawalan na ng pag-asang tawag niya sa kapatid nito.

Pero nawalan na ng malay si  Kevin. Nahintakutan si Dolor niyugyog niya ang kapatid niya at ng malaman niyang patay na ito ay niyakap niya ito ng buong higpit at napahiyaw "Hindi!" Kevin hwag!" Pagsusumamo niya. 

Narinig niya ang mga putok ng baril  lalong hinigpitan niya ang pagyakap sa kapatid niya at pumikit siya naramdaman niya ang ilang putok ng baril na tumama sa likuran niya  kasabay ng pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata pero bago siya mawalan ng ulirat ay may naaninag siyang nilalang na dumaan sa kaniya hinawakan niya ang paanan nito para pigilan ito sa paglayo.

" T-tulungan mo k-kami!" Tawag at pakiusap niya bago siya mawalan ng malay.

Natapos na ang misyon ni Valcan ng lisanin niya ang mansyon ng alkalde papunta na siya sa lagusan pabalik sa mundo niya ng sa kawalan ay nakita niya ang  dalawang paslit na nakahandusay malapit sa lagusan nilagpasan niya sila ngunit naramdaman niya ang pagpigil ng  kaniyang paglakad at ng kanyang lingunin ang kanyang mga paa ay nakita niya ang isang paslit  duguan ang kamay na humahawak sa paanan niya nagtama ang kanilang mga mata  ang pakiusap ng babaeng ito ay tumagos sa puso niya  ramdam niya ang sakit at pait at pag mamakaawa nito bago ito mawalan ng malay.

Sa ilang libong taon niya sa paglalakbay paruo't-parito sa mundong ito ay ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong emosyon tumatagos sa kaniyang kamalayan. 

Yumuko ito at pinagmasdan ang babaeng nakahandusay at sa 'di malamang pangyayari ay mayroon siyang naramdaman kakaiba dito nakita niya ang tatak sa nuo nito palatandaan na ito ay itinakda para mamatay at doon niya naalala na ito pala ay anak ng alkalde..

Bagamat nakatakda na iyon mamatay ay lumalaban parin ito dinig niya ang kaluluwa nito na ayaw bumitiw oh umalis sa kaniyang katawan sumisigaw ng katarungan.

Sa hindi mawaring dahilan ay bumunot siya ng balahibo sa kaniyang pakpak at nilagay ito sa nuo ng babae at  nawala ang  tanda sa nuo nito at sya'y nagkamalay.

Nagising si Dolor na wala siyang naalala sa nilalang na nagligtas sa kaniya ang buong akala nga niya ay patay na siya; ang natatandaan niya lamang ay nais niyang lumaban, mabuhay para sa kapatid niya doon niya napansin ang  kapatid  niyang  payapang nakahimlay sa kanyang mga paanan at bigla bumalik sa  ala-ala ang mga pangyayari. Buong pagtatangis siyang umiyak ng mga sandali na iyon nang nasaid na ang kanyang  luha ay pinagpasya niyang ilibing ang kapatid niya  sa gubat na iyon.

 Malalim na ang gabi ng natapos siya doon niya naramdaman ang pagod sa katawan niya pasalampak siyang umupo sa lupa at nilabas ang baril sa kaniyang likod sinipat niya ang loob nito at nakita niyang naglalaman ito ng anim na bala. Pinagtiklop niya ang kanyang mga palad pigil ang emosyon na nakatitig sa kawalan sabay usal nya.

"Magbabayad sila!!! Ipinapangako ko!!!"  Buong galit at poot na sigaw niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 11: "Ang Taga-Bantay"

    1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter 12: "Nang tumigil ang Mundo"

    Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Ten: "Ang Pamamaalam"

    Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Nine: "Ang Buwan sa Gitna ng Dilim"

    Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Eight: "Ang Pag-gising ng aking Kamalayan"

    "Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga

  • Ang Pag ibig sa Magkabilang Mundo   Chapter Six: "Sa muli niyang Pagbabalik"

    Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status