LOGIN"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.
Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.
Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.
Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator.
"Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.
Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang.
"Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.
Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka.
"Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan.
"Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga katabi ko. Sabay tawa ng isa pagkalinga ko sa reflection ng salamin ay tatlo lang tlaga kami! Doon ko naalala 'yong nakasabay ko noon dati! Kinilabutan ako at nasabi ko nalang na:
"Ay ano ba 'yan naduling na naman ako." Pag alibi ko nalang sabay pikit ko ng mata nasa 17th floor pa kami at napansin ko wala na naman pumindot ng 8th floor eh 'yong mga kasabayan ko mga ground floor din ang pinindot.
"Juice ko Lord! Usal ko 'wag ka naman sana mangulit sa akin please! ayoko pindutin ang 8th floor!" kako sa isip ko.
"Ah papindot po ng 8th floor." pakisuyo ko sa lalake sa unahan at pinindot niya ito. Nang pagdating sa 8th floor ay nakaangat ang paa ng multo na palabas nakayuko ang ulo.
Tiningnan ako ng tatlo sa elevator hinihintay na lumabas ako.
"Ahh may nalimutan ako punta na lang ako ng ground floor." Pagsisinungaling ko na namumula ang mukha ko sa pagkapahiya.
Naghihintay na si Flor sa ground floor umakbay na agad si Flor sa akin ng hindi inaasahan pagkahawak ni Flor sa akin ay nag iba ang lugar na nakita ko .parang tumigil ang orasan pati ang paglakad ng mga tao 'yong si manong guard nag-freeze rin habang te-temperature niya 'yong papasok sa loob ng department namin at sa isang kisap-mata 'yong mundo ko ay huminto at may lagusan akong nakita. Pinasok ko ito at ang tagpo na nakita ko ay nasa probinsya ako at gabi noon may mga pumpon na mga bata akong nakasalubong tabi ng mga puno ay ang sementeryo napadaan ang mga bata doon at sa taas ng puno na 'yon ay nakita nila ang kapre karipas ang takbo nila sa takot naiwan pa ng batang babae ang kanyang tsinelas sa takot. At bumalik ako sa kasalukuyan gumalaw si guard si Flor naman ay nagpatuloy sa pagsasalita napalingon ako ke Flor.
" Flor...May itatanong ako... Noong bata ka ba mayroon ka ba nakakatakot na experience?" Tanong ko sa kanya . Huminto sya sa paglalakad. Tumango siya.
"Flor, naganap ba ito ng minsan pauwi na kayo ng mga kaibigan mo? May puno ng balete tabi noon sementeryo tapos may sumisitsit sainyo paglingon nyo ay kapre napigtas pa nga tsinelas mo noon? Tanong ko sa kanya. Kinilabutan siya sa detalyadong kwento ko sa tagpo na 'yon. Binitiwan niya ako na parang nakakita ng multo.
"P-pano mo nalaman 'yon? Wala pa ako kinekwentuhan nyan ah." Pagtatapat nito.
"Pagkahawak mo sa akin nag flash sa isip ko mga tagpo na 'yan" pagtatapat ko.
"Gwen...Bukas din ang 3rd eye mo." Pagtatapat nya.
"A-a-kala ko noong una baka namamalik-mata lang ako pero totoo nga! Bukas nga Third eye mo! Kaya pala nagtataka ako sa nilalang na lagi nakabuntot saiyo sabay tingala niya sa taas sa tabi ko." Lagi siyang nakamasid at nakabantay saiyo. Pagtatapat niya.
"Ako nakikita mo ba siya?" Tanong niya sa akin tumingin ako sa likod niya doon ko palang naaninag ng malinaw ang anino na laging nakasunod sa kaniya.
"Albularyo ba lolo mo? Kasi siya ang laging nakasunod sayo. "Pagtatapat ko napaiyak siya sa nilahad ko. Tumango siya ng pagsang-ayon.
Nagkwentuhan pa kami ng maraming bagay.
"Pagyamanin mo 'yang abilidad mo Gwen marami ka pa matutuklasan sa paligid mo."
Hinawakan ko palad niya nakita ko ang butas sa gitna noon dumudugo.
"Flor, Marami ka pang matutulungan gamitin mo iyan sa pagga-gamot nakikita ko sa palad mo ang butas at dumudugo ito simbolo ng pagpapako ng krus." Nagulat siya sa nilahad ko sabay bawi ng kaniyang mga palad.
" Gwen...Isa ka sa mga napabilang sa mga napili konti lang nakakaalam nito." pagtatapat niya.
Ang pagmulat ko sa aking kamalayan ay nagbigay takot sa akin dahil bakit ako? Hindi ko ito hiniling o hinangad ngunit anuman ito kailangan ko itong tanggapin.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.