LOGINHabang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.
Dec 2019
Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.
Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.
Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya may nakita kasing bukol sa dibdib niya abot-abot ang dasal ko ng mga sandali na iyon hiling ko na sana maging ok ang operasyon. Ako lang ang nasa mga ganoong oras dahil ang asawa ko naman ay bantay sa dalawa ko pang anak ganoon din ng sila ay nadengue ay ako rin ang nagbantay dahil ang asawa ko naman ay bumabyahe naman sa gabi.
Awa ng Ama nairaos ng maayos ang operasyon ng aking anak.
Buong magdamag din ako hindi nakatulog noon kaya ng nagising ang anak ko at naghanap ng makakain ay tinanong ko siya agad ano ang gusto niyang kainin.
Ako lang mag isa nagbabantay sa kanya kaya binilinan ko siya na bibili lang ako saglit nilabas ko ang mga bato ko na taga-bantay ko binulungan ko sila na bantayan ang aking anak at nilagay ko sila sa ilalim ng unan niya at nagpaalam ako saglit.
Malayo-layo din ang nilakad ko bago makarating sa Chinese restaurant sa Ersao doon kasi paboritong kainan namin mag-ina noong nag summer job siya sa trabaho ko.
Habang naghihintay ako hindi ko alam pero kinabahan ako bigla na hindi ko mawari. Nang dumating ang take out order ko ay dali-dali akong bumalik sa hospital.
Malayo palang ako ay tanaw ko na ang mga kumpol-kumpol na tao malapit sa hospital at pagtingin ko sa taas ay may makapal na usok mula sa tuktok ng building ng hospital.
Napatakbo ako "Dios ko! Ang anak ko!" Usal ko takbo ako nakita ko ang mga tao ay nagsisilikas palabas ng hospital ng me biglang humarang sa akin sa entrance hindi daw pwede pumasok.
"Hindi pwede! Andoon ang anak ko mag isa lang siya!" Sagot ko at hinawi ko ang kamay niya at sinalubong ko ang maraming taong lumalabas. Nasa 4th floor pa ang anak ko mabilis kong nililinga mga taong bumababa baka makita ko doon ang anak ko.
Nang makarating ako ng 2nd floor namataan ko ang anak ko hawak ang swero niya at umiiyak inalalayan ng janitres namin sa hospital, si Annabelle.
"Faye!" Tawag ko yakap-yakap ko anak ko, nanginginig ang katawan niya sa takot.
"Mam Gwen buti po nakita ko po anak niyo umiiyak po inalalayan ko po siya alam ko po kakatapos niya lang po ng opera." Lahad nito.
"Salamat Anabelle mabuti nakita mo anak ko...San ba nanggaling ang sunog?" Tanong ko.
"Mula po sa warehouse po sa 7th floor may nagwewelding po sa taas tapos bigla po nag spark yung gamit niya nataranta po yata yung gumagawa iniwan nya po ng ganun." Paglalahad nito.
Abot-abot pasasalamat ko ng mga sandali na iyon dahil ligtas ang anak ko at ang iba pang mga pasyente.
Pagkatapos ng isang oras ay nakontrol na 'yong apoy at pinabalik na kami sa aming mga kwarto.
APRIL 2020
Hindi ako makatulog ng gabing iyon sapagkat naalala ko ang sunud-sunod na dagok na naranasan ko noong nakaraang taon at ngayon nga ay ang Covid na siyang nagpaguho sa buong mundo.
Ang sabi ng iba ang pagyakap sa larangang ito ng espirituwal ay parang krus na pasan-pasan mo araw-araw dahil marami kang isasakripisyo at susubukin ka gaya ng ginto na dinadaan sa apoy.
Bumalik din sa ala-ala ko ay ng panahon ng pagputok ng bulkan sa Taal nag-pm ang kaibigan ko sa espirituwal humihingi ng tulong dahil hindi daw nya macontact ang kapatid niya at nanay niya.
Send niya sa akin ang picture ng nanay at bunso niyang kapatid.
Wala na akong inaksayang sandali at pinuntahan ko ang lugar kung saan naruruon ang kapatid at nanay niya sa pamamagitan ng Remote Viewing or ang tawag ng iba ay ESP (EXTRA SENSORY PERCEPTION) oh sa makatuwid bagay lakbay-diwa.
Sa isang iglap parang telebisyon sa harap ko ang nakita ko. Isang tagpo ng mga tao, lahat ay nagsisilikas sakay-sakay ng truck ng mga sundalo hinagilap ko ang kaniyang nanay at ate nandoon sila sa tent kasama ng ilang nagsilikas pulos abo ng lahar ang katawan at putik naka t-shirt na green ang bata at ang nanay niya ay nakapusod nun at naka t-shirt lang at pants na maiksi akay-akay ang anak niya. Madilim sa loob ng tent at nakita ko silang lumabas pumipila din para sumakay sa truck.
"Ligtas sila...Marahil nawala lang ang signal doon" lahad ko ke Ben kinabukasan ay nag-pm si Ben sa akin nakatawag na raw siya sa nanay niya kinagabihan at sinabi nga niya sakto at detalyado raw kung paano ko sila nakita ng mga oras na iyon nagpasalamat siya sa akin.
Lumawak ang mga kaalaman ko na kusang lumalabas sa akin. Mga anghel na naging tao ay kusang nagsilapit sa akin na hindi ko mawari bakit?
Kahit ang sa panig ng dilim na naging tao ay kusa ring naging malapit sa akin marami akong natuklasan sa lihim at hayag kagaya ng kung paanong ang buwan ay payapang nakahimlay sa dilim ng gabi ganun din sila civil sa isa't isang nirerespeto ang bawat isang katungkulan ngunit darating ang sandali kung saan ang bawat itinakda at misyon ng bawat isa'y kailangang tuparin at ihayag sa takdang panahon at ang digmaan laban sa mabuti at kasamaan ay malapit na ring maganap.
1914 kasagsagan ng WORLD WAR 1: Makikita ang pumpon ng mga bangkay sa bawat kalsada at mga butut- balat, walang mga saplot na mga tao na nakapila sa hindi tiyak na patutunguhan. Makikita sa mga mata nila ang takot at kawalang pag asa habang ang mga sundalong hapon ang nangunguna sa kanila.Habang sa isang tagpo naman ay may isang sanggol na anim na buwan na sumususo sa patay na niyang ina na kahandusay sa gilid ng kalsada walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya sa hindi kalayuan naman ay may dumaang isang truck sa gitna ng kalsada ang mga lulan nuon ay mga immigrant at mga ibang lahi na nakapag asawa ng mga Pilipino karay-karay nila ang kanilang mga anak nag iiyakan sa loob ng truck na yun.May isang pamilya duon na ubod higpit ang yakap sa kanyang mag iina. Sya ay si Hiro isa syang migrante na hapon na nakapag asawa ng Pilipina na isang Public Teacher &nb
Kitang kita ni Dolor ang mga pangyayari. Ang dalawang putok ng baril na tumama sa kaniyang Ina habang silang dalawa magkapatid ay nakatago sa tokador habang hawak hawak niya ang nakababata niyang kapatid na si Kevin na 5 years old pa lamang noon at siya naman ay 16years old. Ang tokador na iyon ay may secret door kung saan ito naman ay papunta sa basement.Ginawa ito ng ama nila sakaling atakihin sila ng mga kalaban sa politika ay mayroon pagtataguan ang kanyang mag-iina doon niya sinanay at tinuruan ng alkalde ang kaniyang anak na si Dolor sa maaring mangyari.Planado na ang lahat ng alkalde paglapag na paglapag pa lamang ng mga hapon ang loob ng tokador na iyon ay may secret door papuntang basement at sa loob ng basement ay nakapaloob din ang lagusan papunta sa tunnel palabas papuntang gubat kung saan naman nakatago ang kotse nila." Dolor makinig ka mabuti anu't -anuman ang mangyayari dito kayo pup
Mula ng may kanya-kanya ng pamilya ang aking mga anak ay napagpasya ko na lamang na umuwi na lamang sa aming probinsya sa may Batanes ang asawa ko naman na laki sa maynila ay mas pinili niyang lumagi sa bunso kong anak at masayang naninirahan dun kasama ng aking mga apo bagamat tutol man sila ay wala silang nagawa dahil iyon ang hiling ko sa kanila ang gugulin ko ang natitirang taon sa buhay ko sa pagtupad ng misyon ko at ito ay ang pag tuturo at pag gagamot marami din akong nagamot sa abot ng aking makakaya.Napakasarap ng hangin mula sa taas ng White house buti nalamang at may elevator sa white house na iyon at hindi na ako mapapagod pang umakyat.Tanaw ko na ang dulo ng dagat ang mapayapang alon na humahampas sa dalampasigan tumingala ako at kita ko naman ang papalubog na araw na kulay kahel habang ang maliwanag na buwan naman sa hilaga ay maaninag mo ang kanyang ganda .Pumikit ako a
Habang tumatagal ako sa larangang ito habang nadaragdagan ang kaalaman ko ay patindi naman ng patindi ang mga pagsubok na naranasan ko dumating ang sandali na ginive-up ko ito at piniling mamuhay nalang ng normal ngunit may mga pangyayari na pilit parin akong binabalik dahil sa isang tungkulin.Dec 2019Pakiramdam ko ng mga sandali na iyon para akong nalulunod kumakampay ang kamay habol ang hininga na pilit kong umahon sa tubig na pilit akong inilulubog.Iyon ang mga nararamdaman ko ng mga sandali na 'yon. Sa paano'y sunud-sunud na dagok ang dumating sa aking buhay.Malamig ang panahon ng gabing 'yon pumapailanlang ang mga karoling ng mga bata sa mga bahay-bahay samantalang lutang ang isip ko ng mga sandali na 'yon paano kasi'y pagkatapos madengue ng dalawa kong anak ay eto namang anak kong panganay ay ooperahan naman sa dibdib niya m
"Uy lunch na girl baka gusto mo muna kumain." Yakag ni Flor sa akin katrabaho ko at ka buddy ko lalo na sa food tripping.Napatingin ako sa orasan 12:10 pm na kaya minabuti ko muna iligpit gamit ko nginitian siya at sabi ko kita na lang kami sa labas.Naghintay ako sa may elevator dahil tanghalian na madami na nakapila at dahil sa social distancing apat lang allowed sa loob.Pag bukas ng elevator ay may nakasakay na sa sulok nakatalikod at nakaharap sa wall ng elevator."Parang pamilyar sa akin yung tao na yun ah." Sambit ko sa sarili ko.Tatlo kami pumasok at 'yong isa ay papasok pa lang."Apat lang po allowed sa elevator." Paalala ko sa papasok pang isa.Tumingin 'yong dalawa sa akin nagtataka."Tatlo palang tayo mam." Sagot ng isa itinuro ko yung nasa sulok katapat ko sa kanan."Eto oh." Sabay turo ko doon sa nakatalikod. Nandilat ang mga mata ng mga
Napapadalas ang pag gising ko na umiiyak at habang tumatagal ay kahit maging gising ako ay naiiyak na lang ako sa hindi ko mawaring dahilan.Ansakit -sakit parang sugat na di nahihilom ng panahon. Lalo ko ito nararamdaman sa tuwing umuulan sa bawat pag buhos nito ay sabay din bumubuhos ang hapdi sa puso ko.Parang mayroon kulang sa buhay ko na hindi ko mapunan o ninuman.Pauwi na ako uli galing sa trabaho as usual umuulan uli buti nalang hindi ko nalimutang mag dala ng payong ng araw na iyon habang naghihintay ng bus pauwi napansin ko mga taong nakakasalubong ko ay may magkakapareha may dala dala silang mga rosas at yung iba naman ay teddy bear natanong ko sa sarili ko ano bang petsa ba ngayon? February 14?"Ahh kaya pala." Napapangiti kong sagot sa sarili ko at napailing ako." Wuss.. Wala namang forever maghihiwalay din kayo!" Pag aalo ko sa sarili ko.Pero deep inside may inggit ako naramdaman.