LOGINNakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Malapit na ako sa building namin ng makakita ako ng mangilan ngilang estudyante.
Malalim akong napapabuntong hininga bago binalewala ang mga iniisip ko. Nang patuloy ako sa pag lalakad patungo sa building namin na hindi pinapansin ang paligid.
Ramdam ko kanina pa ang mga matang nanonood saakin. Napakunot ang noo ng ganoon din sa loob ng classroom namin. Kakaiba ang tinging binibigay nila saakin.
Anong nangyayari?
Can someone tell me, what's happening?
Ilang beses akong napabuntong hininga habang sinusubaybayan ang mga kaklase ko. May ilan sakanila ay titingin muna saakin bago sa cellphone na hawak.
Napakunot ang noo ko. Anong tinitignan nila?
A-Ako ba?
Muli akong nakakita ng isang kaklase ko na tumingin muna saakin bago binaba ang tingin sa cellphone na hawak hawak.
Gusto kong malaman kung anong nangyayari. Kaya, tatayo na sana ako pero nahinto ng pumasok si Jane kasama ang kanyang grupo. Lumakas pa lalo ang kabang nararamdaman ko ng mag tama ang tingin naming dalawa. She smirked at me.
"Good morning, everyone!" She greeted.
Muling bumaling ang tingin niya saakin. Umayos ako ng upo bago nakipag laban ng tinginan sakanya.
"Hi, Alexander." Ang ngisi sakanyang labi ay naroon pa din.
"How's your sleep?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot at nanatili ang tingin sakanya.
"Updated kaba?" Natatawang tanong niya. Hindi ako sumagot.
Napailing iling siya bago inilahad ang kamay sa isang babaeng kaibigan niya. Inabot sakanya ang isang cellphone.
Unti unting napakunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko, may kinalaman ako kung sa anong meron dyan sa cellphone na yan.
Dahan dahang nag lakad palapit saakin si Jane. Nang tuluyan siyang nakalapit, inabot niya saakin ang hawak hawak na cellphone.
"Para maupdate ka." Natatawang sabi niya.
Nanginginig ang kamay ko ng abutin ko sakanya ang cellphone.
"Enjoy!" Kinindatan pa muna ako ni Jane bago sila nag lakad palayo saakin. Nakasunod lang ang tingin ko sakanila hanggang sa makaupo sila sa kani-kanilang pwesto.
Muli akong nilingon ni Jane. "Go!" She mouthed. Ang kanyang tingin ay nasa cellphoneng hawak ko.
Nag iwas ako ng tingin sakanya. Napunta ang tingin ko sa mga kaklase ko na nakatingin saakin. Tila hinihintay ang gagawin ko.
Muli akong malalim na napabuntong hininga bago binaba ang tingin sa cellphone na hawak ko.
Nakapatay iyon kaya naman, binuksan ko.
Agad nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa gulat ng makita ang isang picture. Picture kung saan pinag buksan ako ng pinto ni Joaquin. Sigurado ako, kahapon ito nakuhanan. Sa may parking lot!
Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Jane na sinalubong ako ng masamang tingin.
Muling nanlaki ang mata ko ng bigla nalang umiyak ang mga kaklase kong babae habang nakatingin saakin.
Natigilan ako. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko dahil sa gulat.
"Huhuhu! Alexander bakit mo naman inagaw saamin si King!"
"Huhuhu! Ibalik mo nalang siya saamin."
What the hell?
Galit ba sila saakin?
Bakit hindi ko ramdam?
Hindi ko talaga alam kung paano ako nakaalis sa classroom namin nang matapos ang klase.
Pag baba ko ng building namin, napaamang ang labi ko ng makita ang mga estudyanteng babae na nag sisiiyakan.
Napangiwi ako ng may makitang pulang pula na ang mata. Halatang kanina pa umiiyak.
Isang estudyanteng babae ang nakakita saakin. Natigil ito sa pag iyak at nanlalaki ang mga matang tinuro ako.
"Ayun siya! Si Alexander!"
Nanlaki ang mata ko ng tumingin saakin lahat ng mga babae. Ang ikinalaki pa lalo ng mata ko ng bigla nalang silang tumakbo palapit saakin.
"Alexander!" Sigaw nila.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang tumakbo kaya naman, mabilis akong tumakbo palayo bago pa nila ako maabutan.
"Alexander!"
"Alexander!"
Mas binilisan ko pa ang pag takbo. Tumatakbo kong nilingon sila, medyo malayo naman na ako pero nakasunod pa din sila.
Napasinghap ako ng bigla akong mabangga sa isang tao.
"So—" Natigil ako sa pag sasalita ng maamoy ang pamilyar na pabango.
Dahan dahan akong nag angat ng tingin. Nag tama ang tingin namin ni Joaquin. He looked worried.
"Hey, are you okay?" He asked worriedly.
Hindi ako sumagot. Nanatili ang tingin ko sakanya.
"Alexander!"
Muling nanlaki ang mata ko ng marinig ang sigaw na yun. Agad akong lumingon sa likod. Napasinghap ako ng makita ang mga babae.
"Andyan sila." Wala sa sariling nasabi ko.
Naramdaman ko nalang ang pag hawak ni Joaquin sa kamay ko bago ako hinila patakbo.
"Let's go!"
Isang malakas na iyakan ang narinig namin ng mag simula kaming tumakbo ni Joaquin habang mag kahawak kamay.
"Wala na! Sila na!" Rinig kong sigaw ng isang babaeng umiiyak.
Bumaba ang tingin ko sa mag kahawak kamay namin ni Joaquin. Bakit ang gandang tignan. Hindi ko tuloy mapigilan hindi mapangiti.
Parehas kaming hinihingal ni Joaquin ng makarating kami sa parking lot.
Hinihingal akong sumandal sakanyang kotse. Ganon din naman siya.
Katahimikan ang bumalot saamin. Tanging ang pag hinga lang namin ang maririnig.
"I'm sorry." Maya maya ay pambabasag niya sa katahimikan.
Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin.
Kunot noo ko siyang hinarap.
"Bakit ka nag sosorry? May kinalaman kaba roon?" I asked.
He shook his head. "Hindi ko alam na mang yayari ito. Alam kong hindi okay sayo ang nangyayari ngayon. I'm sorry."
Tumango ako. "Okay lang. Wala kang kasalanan. Siguro, sign na ito para harapin natin ang mundong pilit nating tinatalikuran. Wala namang masama kung susubukan natin diba?" Nakangiting tanong ko sakanya.
Natigilan siya at napatitig saakin.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilain para sa isang yakap.
He hugged me tight. Ramdam ko ang saya sa kanyang yakap.
"Thank you. Thank you, Alexander."
Natawa ako at wala ng nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.
Isang click ng camera ang nag pahiwalay saaming dalawa.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mag jowa na parehas nakangiting nakatingin sa cellphone.
"Aba! Siguradong trending to!" Natatawang sabi ni Missy na ikinalaki ng mata ko.
"Missy!"
Kinindatan ako ni Missy pag katapos ay tumawa siya ng napakalakas.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b