로그인Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya.
"Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Napakunot ang noo ko. "Alam ang alin?"
Laglag ang panga ng mag kasintahan na napatingin saamin. Pag katapos ay parehas din silang tumawa ng napakalakas. "Alexander my dear friend. Huling huli kana sa balita. At ikaw naman Joaquin. Wala ka bang balak na sabihin sakanya?"
Sigurado akong hindi na maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa pag kakakunot ng aking noo. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa pinag uusapan nila. Bigla din akong kinabahan. At ayan na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
Umayos ako sa pag kakatayo ng sulyapan ako ni Joaquin bago niya muling ibinalik ang tingin kay Missy.
"Sasabihin kona sana ngayon ang kaso dumating kayo."
Hindi naman nakasagot si Missy sa sinabi ni Joaquin. Hindi na ako nakatiis kaya nag salita na ako.
"Ano ba kasi iyon?"
"Oh, sabihin mo na." Tinaas taasan pa ng kilay ni Missy si Joaquin.
"I-I'm sorry." Si Joaquin.
"Alam mo kasi Alexander," Napangiwi ako ng muling mag salita si Missy. Napakadaldal talaga. "Kaninang umaga, sinugod siya ng mga fans at gusto nilang malaman kung anong ibig sabihin ng kumakalat na picture niyo." Bigla akong kinabahan. Alam ko na ang ibig sabihin ni Missy, pero nais ko pa ding malaman kung tama ba ang nasa isip ko. "Inamin niya sa lahat na nililigawan ka niya na ikinaguho naman ng mga fans." Natawa pa si Missy sa huling salitang binanggit niya.
Napaamang ang labi ko. Gulat akong napatitig kay Joaquin.
"S-Sinabi mo sakanila?"
Dahan dahang tumango si Joaquin habang ang kanyang expression ay humihingi ng tawad. "I'm sorry, Alexander."
Now, I know.
Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Gulat pa din ako sa nalaman. Kaya pala, kaya pala ganon nalang kung makapag react ang mga fan girls niya.
Muli akong malalim na napabuntong hininga. Pang anim ko na ata itong pag buntong hininga. Bawat pag buntong hininga ko, alam kong sinusulyapan ako ni Joaquin pero hindi ko nalang siya pinansin pa.
Hanggang sa makarating kami sa bahay, tahimik lang akong nag tanggal ng seatbelt.
"Alex—"
"Salamat sa pag hatid." Hindi ko na siya nilingon pa. Bumaba na agad ako sa sasakyan niya at derederetsong nag lakad papasok ng bahay.
Saktong pag pasok ko, ay pag labas naman ni Nanay ng kusina.
Ngumiti saakin si Nanay na agad kong ginantihan. "Narito kana pala."
"Mano po, Nay."
Nakatitig lang saakin si Nanay habang nag lalakad ako palapit sakanya. Maski ng mag mano ako ay nakatingin lang siya saakin.
"Akyat lang po muna ako, Nay."
Pag talikod ko, nahinto ako sa pag hakbang ng marinig ang tanong ni Nanay.
"Ayos ka lang ba?"
"Opo, Nay."
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Hindi na ako nakapag almusal kaya naman nag tungo na ako sa cafeteria. Sakto namang walang gaanong estudyante.
Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang tingin ng mga tindera dito sa cafeteria. Pati ba naman sila? Tss.
May naririnig akong bulong. Alam ko naman na ako iyon dahil nasa akin ang kanilang tingin. Hindi ko na, naubos ang pag kain ko dahil hindi ako makakain ng maayos dahil halos lahat ng tao dito sa cafeteria, nasa akin ang tingin.
Habang nag lalakad ako sa hallway, nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko.
"Sumama ka saamin."
Nanlaki ang mata ko ng lagyan nila ng panyo ang bibig ko kaya hindi ako nakapag salita. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang lalaki na tinawanan lang naman ako.
"Relax. Wala kaming gagawing masama sayo."
Nag pumiglas ako pero malakas sila. Wala akong nagawa kundi ang mag pahila sakanila. Napakunot ang noo ko ng mapansing papunta kami ng gym. At talaga namang nakakapagtaka din na walang mga estudyante dito sa field.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng tanggalin na ng dalawa ang panyo sa bibig ko.
"Pasok ka. Maraming nag hihintay sayo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Mukhang napansin nila iyon dahil tumawa silang dalawa. Ngayon ko lang napansin na, kaibigan pala ito ni Joaquin. Si Jake at Phoenix.
"Don't worry, walang mang yayaring masama sayo."
"Haba ng hair mo Dude!"
Isang malakas na tulak ang ginawa ng dalawa saakin kaya nakapasok ako sa loob ng gym.
Pag pasok na pag pasok ko, my eyes widened in shocked and my jaw dropped. What the hell?
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Lahat yata ng babae ay narito. At hindi lang iyon, lahat sila ay naka, black t-shirt and black pants. Lahat din sila ay nakalipstick na black. Halatang nag durusa talaga.
Unti unti akong umatras.
"Narito na siya!" Sigaw ng isang babae sabay turo saakin.
Agad akong tumakbo palabas ng gym bago pa nila ako maabutan.
Mabilis na takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa likod ng building namin.
Hinihingal akong sumandal sa pader.
Malalim akong napabuntong hininga at napatitig sa kawalan.
Ano naman ang gagawin nila saakin don kung hindi ako umalis?
Damn. Hindi ko gusto ang nangyayari.
"Alexander?"
Agad akong napatingin sa nag salita. Malungkot akong ngitian ni Alea ng mag tama ang tingin namin.
"Hey! What are you doing here?"
She sighed. "Sinundan kita. Sinundan kita ng makita kitang tumatakbo palayo sa gymnasium." She said sadly. Ramdam ko ang lungkot sakanyang boses kahit na pilit siyang ngumingiti saakin.
"Are you okay?" I asked.
She nodded. "I'm fine." But I know, you're not okay.
Hindi na ako sumagot, ganon din naman siya. Maya maya lang ay nag salita ulit siya.
"Totoo pala."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ang alin ang totoo?"
"Na nililigawan ka ni King."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita.
I heard her sighed heavily.
"G-Gusto kita, Alexander."
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b