Masayang mukha ni Nanay ang sumalubong saakin pag baba ko ng tricycle na sinakyan. "Nay, mano po." "Kamusta ang araw mo?" Nakangiting tanong saakin ni Nanay. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa masayang mukha ni Nanay. "Okay lang naman po, Nay. Kailangan ko lang mag review dahil may quiz daw kami bukas sabi ni Professor Cruz." Isa si Nanay sa dahilan kung bakit ko pinag bubuti ang pag aaral. Gusto kong makapag tapos ng pag aaral. Pinangako ko sa sarili ko na pag nag karoon na ako ng trabaho, titigil na si Nanay sa pag lalako sa palengke. Dalawa nalang kami ni Nanay ngayon. Dahil si Tatay ay matagal na kaming iniwan. &
Terakhir Diperbarui : 2020-07-28 Baca selengkapnya