Share

Chapter 8

Author: Jah_Jah_12
last update publish date: 2020-07-29 09:16:58

Dahil madami pa din ang mga babae sa labas ng clinic, hindi pa kami makalabas. Mabuti nalang, nag presinta sina Missy at Joshua na lumabas at kausapin ang mga babae. 

Alas kwarto na ng hapon. Dapat ganitong oras nasa bahay na ako, baka nag aalala na si Nanay. 

"Are you okay?" 

Napalingon ako kay Joaquin na siyang nag tanong. Ang kanyang mukha ay nag aalala. 

I nodded. "Okay lang. Inaalala ko lang si Nanay dahil baka nag aalala na siya saakin kung bakit hindi pa ako nakakauwi." 

"I'm sorry."

"Ano kaba, ayos lang. Mag papaliwanag nalang ako kay Nanay."

"I'll come with you."

Hindi ako sumang ayon sa sinabi niya, kaya umiling ako. 

"Hindi. Hindi na kailangan. Mas maganda kung mag pahinga kana sainyo pag kauwi mo."

Napabuntong hininga pa muna siya bago siya tumango. 

"Okay."

Parehas kaming lumingon ni Joaquin kila Missy at Joshua na kakapasok lang. 

"Ang hirap nilang pakiusapan!" Naiinis na sabi ni Missy. Tinuro pa niya ang pintuan.

"H-Hindi pa sila umaa—" Missy cut me off. 

"Wala ka bang tiwala saakin, Alex? Of course, napaalis din namin sila."

Dahil hindi kapani naniwala si Missy, nag lakad ako palapit sa may bintana para tignan kung totoo ba ang sinasabi niya. 

Nanlaki ang mata ko ng makitang wala ng tao sa labas ng clinic. Humahanga kong tinignan si Missy na nginisian ako. 

"Oh, anong say mo?"

Tumawa naman si Joshua saka niya  inakbayan si Missy. 

"Umuwi na tayo."

Gusto pa sanang sumama ni Joaquin sa pag hahatid saamin pero hindi namin siya hinayaan. Sumabay ako kila Missy at Joshua. 

"Mag papaligaw kana ba?" Maya maya ay tanong ni Missy. Hindi ako makapaniwalang napatingin sakanya. 

"A-Ano bang sinasabi mo dyan!"

Humagalpak sa tawa si Missy. Hindi na ako nag salita pa, nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana. 

Maya maya lang ay tumigil na din sa pag tawa si Missy. Muli siyang nag salita. 

"Halata namang manliligaw din sayo iyang si King kaya ngayon palang isipin mo na ang isasagot mo."

Tila naubusan ako ng sasabihin dahil walang salitang lumalabas mula saakin. Nanatili akong tahimik habang unti unting napapaisip. 

"Alex, ito ang tatandaan mo. Marami mang tao na huhusga sa pag katao pero tandaan mo na nandito lang kami, tanggap ka ng buong buo."

Mahinang natawa si Missy ng makita akong nag punas ng luha. 

"Suportado ka namin bro."

"S-Salamat.."

Isang tanong ang nag lalaro sa isipan ko. 

H-Handa na ba ako? 

Handa na ba akong harapin ang mundong puno ng pang huhusga? 

Tulala akong bumaba sa kotse ni Joshua. Hindi na nga ako nakapag pasalamat at nakapag paalam sakanila. 

Nag aalala sinalubong ako ni Nanay. 

"Bakit ngayon ka lang anak?"

"Sorry po, Nay. Hinatid nga po pala ako nila Missy at Joshua." 

"Nakita ko nga." 

Pinaakyat na muna ako ni Nanay sa kwarto para makapag bihis. Pansin ko din ang mga titig saakin ni Nanay na parang pinag aaralan ako. 

Muli akong nag tungo sa living room ng makapag bihis. Tanging ingay lang mula sa TV ang maririnig. Tulala lang akong nakatingin sa kawalan. Namalayan ko nalang na nag baba si Nanay ng meryenda sa mini table dito sa living room. 

"Gusto mo bang mag usap tayo anak?  Alam kong may gumugulo dyan sa isip mo. Malay mo makatulong si Nanay."

Hindi ako nakapag salita, nanatili ang tingin ko kay Nanay. 

"Nandito lang si Nanay." Tumabi saakin si Nanay saka niya ako niyakap. 

"Anak—"

"Nay, naguguluhan a-ako. Sobrang naguguluhan." 

Ramdam ko ang pag higpit ng yakap saakin ni Nanay.

"S-Sabi niya po, g-gusto niya ako, Nay."

Nanatiling tahimik si Nanay kaya pinag patuloy ko ang sasabihin. 

"N-Nay, seryoso po siya. K-Kanina napatunayan ko iyon. Sobra siyang nasaktan sa ginawa kong pag iwas sakanya. N-Nay, natatakot po ako. N-Natatakot po ako sa sasabihin ng i-ibang tao." 

Panay ang punas ko sa luha ko habang nag sasalita. Maya maya ay narinig ko na ang pag singhot ni Nanay. 

Umiiyak si Nanay ng harapin ako.

"Anak, tanggap naman kita. Huwag kang matakot sumubok mag mahal. Ano naman ang sasabihin ng iba, hindi na iyon importante. Ang mahalaga mahal niyo ang isa't isa at andito ako tanggap kayo, Anak."

Hinatid pa ako ni Nanay sa kwarto ng matapos kaming mag hapunan. 

"Mag pahinga kana. Bukas hindi muna tayo mag titinda sa palengke."

"S-Sige po, Nay. Good night."

"Good night."

Tulad ng sabi ni Nanay, hindi nga kami nag tinda. Ang kaso umalis din si Nanay bandang alas otso ng umaga. May importante daw siyang aasikasuhin kaya naiwan akong mag isa dito sa bahay.

Tinapos ko muna ang mga gawaing bahay bago ako nag pahinga dito sa may living room. Nakapag dilig na ako ng halaman at nakapag hugas na ng pinggan. Mamaya pa ang mag passing at mag luluto ng ulam dahil maaga pa naman.

Hinayaan ko ang TV na nakabukas. Nahiga ako sa sofa bago binuklat ang hawak hawak na libro. 

Habang nag babasa, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. 

Nagising lang ako ng marinig ang sunod sunod na katok mula sa pinto. 

Dahil si Nanay lang naman ang alam kong uuwi, hindi ko na pinansin pa ang itsura ko. Basta nalang akong tumayo mula sa pag kakahiga bago dere-deretsong nag lakad papalapit sa pintuan. 

"Nay—" 

Nanlalaki ang mga matang muli kong mabilis na sinara ang pintuan. 

A-Anong ginagawa ni Joaquin dito?

Napahawak ako sa dibdib ko na mabilis ang pag tibok. 

Agad akong nataranta ng muli siyang sunod sunod na kumatok. Agad akong tumakbo sa salamin dito sa may sala para tignan ang sarili. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maayos naman ang itsura ko. Hindi ko alam ang gagawin kung hindi maayos ang itsura kong humarap sakanya. 

Muli siyang kumatok. Napabuntong hininga pa muna ako bago tuluyang nag lakad papalapit sa pintuan saka iyon binuksan. 

"Pasok ka." 

Niluwagan ko ang siwang ng pintuan para makapasok siya. Tinuro ko sakanya ang sofa. 

"Maupo ka muna, kukuha lang ako ng meryenda."

Hindi ko na pinansin pa ang titig niya saakin. Umalis na agad ako sa harapan niya at nag tungo sa kusina namin. 

Pag balik ko sa sala, nakaupo na siya sa single sofa.

"Paano ka nga pala nakapasok?" 

"Naiwang nakabukas ang gate." 

Tumango ako. Oo nga pala, hindi ko naisara kanina. 

Sabay kaming napatingin sa pintuan ni Joaquin ng bigla iyong bumukas. 

"Anak, kaninang kotse—"

Naglalaro si Nanay ng makita kung sino ang taong nasa tabi ko.

Nay, siya po ang lalaking tinutukoy ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Baby, You're Mine   Chapter 16

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 15

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 14

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 13

    Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 12

    Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?

  • Baby, You're Mine   Chapter 11

    Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status