LOGINPansin ko na kanina pa, ang pag titig ni Nanay kay Joaquin habang nanananghalian kami. Panay ang titig niya dito. Sabay titingin saakin. Nang mag tama ang tingin namin ni Nanay, nginitian ko siya bago ako nag salita.
"Nay, baka matunaw si Joaquin sa katititig mo."
Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Joaquin na nasa tabi ko.
"Pasensya siya. Hindi lang ako makapaniwala na narito ka saamin ngayon. Bukod kasi kina Missy at Joshua, wala na akong alam na kaibigan ni Alexander." Sabi ni Nanay saka niya nginitian si Joaquin.
Lumingon ako kay Joaquin ng marinig siyang tumikhim. Nag tama ang tingin namin ng lumingon ako.
Bigla akong nakaramdan ng kaba ng makita ang kakaibang emosyon sakanyang mga mata.
"Tita.."
Umayos ako sa pag kakaupo ng makaramdam ng kakaibang tensyon.
"May sasabihin kaba, hijo?" Tanong ni Nanay.
Saglit pa akong nilingon ni Joaquin bago siya tumango kay Nanay.
"Meron po. Gusto ko po sanang—"
"Good afternoon!" Isang malakas na sigaw ang bumalot sa buong bahay.
Napatingin kami sa pintuan ng kusina ng makita si Missy at Joshua na papasok.
"Hello. Pumasok na kami, wala kasing sumasagot tapos nakabukas pa." Tuloy tuloy na sabi ni Missy habang dere-deretso ang lakad.
Nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang nasa tabi ko.
"King?"
"Nandito ka din pala." Si Joshua na agad namukhaan si Joaquin.
Nag iwas ako ng tingin ng makita ang pag silay ng isang ngisi sa labi ni Missy.
"Kilala niyo siya?" Tanong ni Nanay.
Lumapit sakanya ang dalawa saka nag mano.
"Oo naman, Tita. Sino po ba ang hindi makakakilala dito kay King." Natatawang sabi ni Missy. Tumawa naman si Nanay at sumang ayon kay Missy.
Naupo ang mag kasintahan sa bakanteng upuan. Pinag handa na din sila ni Nanay para makasabay na din saaming mananghalian.
"Thank you, Tita."
Tumango naman si Nanay. Muli kaming bumalik sa pag kain. Samantalang itong si Missy hindi pa din natitigil sa mga sinasabi, tulad nalang ngayon.
"Teka, bakit ka nga pala nandito? Hinihingi mo na ba ang kamay nitong kaibigan namin?" Derederetsong tanong ni Missy na ikinalaki ng aking mga mata.
Bumakas ang pag kabigla sa mukha ni Nanay. Halatang hindi inaasahan ang sasabihin ni Missy.
"B-Babe.."
Nanlalaki ang mga matang nag takip ng bibig si Missy. "Oh, I'm sorry."
Hindi ako nakapag salita. Si Nanay ay nakabawi na mula sa pag kagulat at ngayon ay palipat lipat ang tingin niya saamin ni Joaquin.
"T-Totoo ba?"
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko saka nag baba ng tingin.
"N-Nay.."
"I want to court him po. Gusto ko pong ipaalam sainyo kaya narito ako ngayon."
My jaw literally dropped. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Joaquin. Talagang nag lakas loob siya. Sobrang lakas din ng pag tibok ng puso ko ngayon.
Hindi lang naman ako ang nagulat kundi sila Nanay din.
Nang makabawi sa pag kagulat si Nanay, tinitigan niya si Joaquin.
Malalim na napabuntong hininga si Nanay bago ako nilingon. "Wala namang problema saakin."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Nanay.
"Ang anak ko pa din naman ang mag dedesisyon sa bagay na iyan. Narito lang ako para suportahan ang anak ko."
Ngumiti saakin si Nanay. "Kung magiging masaya naman kayong dalawa, bakit hindi? Bakit hindi niyo subukan?"
Pag katapos ng tanghalian, nag tungo kami sa living room. Si Missy, tili ng tili dahil kinikilig daw siya. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong tinulak kay Joaquin.
Mas lumakas pa ang tili ni Missy ng bumagsak kami ni Joaquin sa sofa.
Nanlaki ang mata ko ng mag katitigan kami ni Joaquin.
Naramdaman ko ang pag pula ng mukha ko ng makita ang pag baba ng tingin niya sa labi ko.
"Uyyy! Titigan moments."
Natataranta akong umalis sa inagaw ni Joaquin ng muling marinig ang nang aasar na boses ni Missy.
Hiningi sana ako ng tawad kay Joaquin, ang kaso, nagulat ako ng makita ang pag silay ng ngisi sakanyang labi. Napatitig ako roon bago unti unting umakyat ang tingin ko patungo sakanyang mga mata.
"Babe, halika nga dito."
Nang marinig ko ang sinabi ni Joshua, agad akong nag iwas ng tingin kay Joaquin. Bumaling ang tingin ko sa mag kasintahan na may nanunuksong tingin.
"Alam mo babe, Tara sa kusina. Tulungan natin doon si Tita na gumagawa ng meryenda."
Agad umalis ang mag kasintahan kaya naman naiwan kami dito ni Joaquin.
Nag lakad ako patungo sa single sofa bago naupo.
Hindi ko siya magawang tignan dahil ramdam ko ang mga titig niya kanina pa. Tila hindi na siya kumukurap habang pinapanood ako.
"I want to court you." He whispered softly. Tama lang para marinig ko.
Nag angat ako ng tingin sakanya.
"A-Ano bang sinasabi mo dyan, Joa—"
"I'm serious. I really want to court you."
Hindi ako nakapag salita. Tanging pag iwas lang ng tingin ang tangi kong nagawa.
"Alexander.."
Napapikit ako ng marinig ang aking pangalan mula sakanya. Napakasarap sa pandinig.
"I'll court you."
"B-Bahala ka."
Agad akong nakaramdan ng saya sa puso ko ng masilayan ang unti unting pag silay ng isang matamis na ngiti mula sakanyang labi. Napakagandang pag masdan ang kanyang mukha.
Ngayon naguguluhan ako kung paano ko nabihag ang kanyang puso na matagal ng inaangkin ng karamihan.
"Thank you." He said and smiled sweetly at me.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b