LOGIN"I-I'm sorry."
Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I'm sorry, Alea."
I heard her chuckled a bit. "Okay lang, Alexander. Masaya ako para sayo."
Nag tama ang tingin namin ng mag angat ako ng tingin. She smiled.
"Friends?" Nakangiti pa ding tanong niya saka inilahad ang kamay saakin.
Nginitian ko din siya. "Friends." Parehas kaming natawa ng tuluyan kong abutin ang kamay niya.
Lumapit siya saakin saka ako niyakap. Walang pag aalinlangan ko siyang niyakap pabalik.
"Ay ang sweet!"
Sabay kaming napabitiw mula sa pag kakayakap ni Alea ng marinig na may nag salita.
Nanlaki ang mata ko ng makita si Missy, Joshua at Joaquin na nakatayo sa harapan namin.
Agad dumako ang tingin ko kay Joaquin na madilim ang mukhang nakatingin saakin. Hindi ko tuloy napigilang hindi mapalunok.
"Anong meron dito?" Nang aasar na tanong ni Missy saamin ni Alea.
Saglit ko pang nilingon si Alea na namumula ang mukhang nag baba ng tingin.
"Wala." Ako ang sumagot.
"Wala? Eh, bakit kayo mag kayakap?"
Umiling iling ako. "Wala lang iyon. Kayo, anong ginagawa niyo dito?" Kay Joshua ako tumingin. Gusto ko kasi na siya ang sumagot dahil pag kay Missy, wala akong makukuhang tamang sagot.
"Hinahanap ka. Nabalitaan namin ang nangyari."
Malalim akong napabuntong hininga sa sinabi ni Joshua.
"Bakit ka nga pala umalis? Wala naman silang gagawing masama sayo."
Kunot noo kong tinignan si Missy. "Ano bang balak nila?"
Tumawa pa muna si Missy bago siya nag salita. "Gusto mong malaman? Halika!" Agad akong umatras ng hahawakan na sana ako ni Missy.
"Halika na, Alexander!"
"Ayoko."
Malalim na napabuntong hininga si Missy bago tumango. "Hay! Bahala nga kayo. Babe, let's go. At ikaw Alea, sumama ka saamin."
"Teka, saan kayo pupunta?"
Hindi sumagot si Missy. Kinindatan lang naman ako ni Joshua bago sila nag lakad palayo. Nakasunod sakanila si Alea.
Kaya naman, naiwan kaming dalawa dito ni Joaquin.
Nag angat ako ng tingin sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Are you mad at me?" He asked.
Galit nga ba ako? Galit nga ba ako sakanya dahil sa nangyari?
"I'm sorry, Alexander." He said sincerely. Ramdam ko ang sinseridad sakanyang boses.
"I know you're not yet ready."
Nag iwas ako ng tingin. Malalim akong napabuntong hininga bago dahan dahang tumango.
"Okay lang. Nangyari na eh, alam na din ng lahat."
"I'm really sorry. Aayusin ko ito. Sasabihin—" I cut him off. Hindi ko gusto ang nasa isip niya ngayon.
"Huwag na. Okay lang naman. Siguro mas maganda na din ito."
"Are you sure?"
"Oo."
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Naramdaman ko nalang na nakayakap na siya saakin. Sobrang higpit ng yakap niya. Tila ayaw na akong bitawan pa.
"I love you." He whispered in my ear.
Napapikit ako. Ramdam ko ang pag mamahal niya. Sobra bilis din ng pag tibok ng puso ko.
"I'll make you mine." He whispered again.
Mas humigpit pa ang pag yakap niya saakin.
Nais ko.. Nais kong ipaalam sakanya na. Sakanya lang rin ako.
"Ay!"
Agad kaming nag layo ni Joaquin ng marinig ang isang matinis na tili. Nilingon ko agad ang pinanggalingan ng tiling iyon. Isang marungis na batang babae ang naroon. Nakatakip ang kamay nito sa kanyang mga mata.
Anong ginagawa ng bata dito? Mukhang nanligaw.
"Hi." Nakangiti kong bati sakanya.
Unti unting tinanggal ng bata ang kamay niyang nakatakip sakanyang mata.
Napangiti ako ng makita ang mukha nito. Kung lilinisin ito ay napakagandang bata.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Lumingon tingin ang bata sa paligid bago ibinalik ang tingin saakin.
"Bakit kayo mag kayakap?" Tanong rin nito. Ang kanyang noo ay nakakunot habang nag papalipat lipat ang tingin saamin ni Joaquin.
"Ikaw bakit ka narito?" Tanong ko muli.
Napangiti ako ng ngumiti ito saakin.
"Ako po? Namumulot po ako ng bite at bakal. Tapos po napunta ako rito tas nakita ko po kayo."
Tumango tango siya bago muling tinanong ang bata. "Sinong kasama mo? Anong pangalan mo?"
"Ang chismoso niyo naman po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Joaquin na nasa tabi ko lang.
"Masama bang mag tanong?"
Umiling siya. "Hindi po. Wala po akong pamilya. Mag isa ko nalang po. Tapos po ang pangalan ko ay Andrea. Kayo po may pamilya kayo?"
Mag isa niya lang?
Nag lakad ako palapit sakanya.
"Ako si Kuya Alexander. Gusto mo bang sumama ka nalang saamin?" Nakangiting tanong ko.
Nanlaki ang dalawang mata niya at napaatras.
"Ayoko nga! Baka mamaya po pag sumama ako sainyo events niyo ang mga lamang loob ko."
Malakas akong natawa sa sinabi niya.
"Mukha ba akong nag bebenta ng lamang loob?" Nakangiting tanong ko.
Umiling iling ito. "Hindi po."
"Ano sasama ka?"
Natawa ako ng tumingala ito na parang nag iisip.
Nang ibalik nito ang tingin saakin. Nginitian ko siya. "Ano?"
"Pag sumama po ba ako sainyo, papakainin niyo ako? May marami po bang food sa bahay niyo?"
Natatawa akong tumango. "Gusto mo din bang mag aral?"
Mas lalo akong natawa ng gulat itong nag takip ng bibig.
"Talaga po?"
"Oo naman."
Si Joaquin ang nag hatid saamin ni Andrea sa bahay. Pinapasok ko muna siya.
"Ito po ang bahay niyo?"
"Oo." Sagot ko.
Hangang hanga itong nakatingin sa bahay namin.
Napangiti ako ng pag buksan kami ni Nanay ng pinto. Agad akong lumapit kay Nanay at nag mano sakanya. Ganon din naman ang ginawa ni Joaquin.
"Mabuti naman at nakauwi na kayo."
"Opo, Nay."
"Hello po!" Lahat kami ay napunta ang tingin kay Andrea na magiliw na nakangiti kay Nanay na gulat namang nakatingin sakanya.
"Ako po si Andrea po." Pag papakilala ni Andrea kay Nanay.
Unti unting sumilay ang ngiti ni Nanay kay Andrea saka ito kinausap.
Pinalam ko agad kay Nanay ang balak ko kay Andrea na kupkupin nalang dahil wala na itong pamilya at nasa lansangan nalang.
Nakakatuwa dahil pumayag agad si Nanay at balak din niyang pag aralin si Andrea sa susunod na taon.
Hindi pa naman huli dahil nitong taon palang ito.
Napangiti nalang ako habang pinag mamasdan sila Nanay at Andrea na masayang nag uusap.
a?"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b