Baby, You're Mine

Baby, You're Mine

last updateHuling Na-update : 2020-07-29
By:  Jah_Jah_12Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 Mga Ratings. 0 Rebyu
16Mga Kabanata
75views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

This is work of fiction. Names, characters, place and events are product of my imagination. Any Resemblance to real person Living or dead, or Actual event is purely coincidential. Grammatical and Typographical errors PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHT RESERVED Warning : read at your own risk.

view more

Kabanata 1

Chapter 1

Napasinghap ako dahil sa muntikang pag kalaglag sa hagdan. Kinikilig na mga babae ang nag uunahang tumatakbo pababa ng hagdan. May tumulak saakin dahilan kung bakit ako muntikang malaglag. Mabuti nalang may nakapitan agad ako.

"Kyaaaaah! Bilis girls, ang babagal niyo namang bumaba."

Napakunot ang noo ko, anong nangyayari at nag sisibabaan ang mga girls? Ilang sandali pa ay naubos na ang mga babaeng nag mamadaling bumaba. Malalim akong napabuntong hininga bago naisipang ipag patuloy ang naudlot kong pag baba sa hagdan.

"Alexander!"

Napapikit ako sa gulat at kabang naramdaman. Muntikan na naman akong malaglag.

Kunot ang noo kong nilingon si Missy. "Bakit ka nanggugulat?"

She just laughed out loud. "Nagulat ba kita? Sorry." Magiliw na sabi nito.

Agad akong napangiwi ng pisilin niya ang mag kabila kong pisngi.

"Missy, ano ba?!" Asik ko. Napakunot ang noo ko ng lumakas pa ang pag tawa niya.

"Ang cute mo talaga, Alex. Siguro kung hindi ko boyfriend si Joshua, liligawan kita!"

"What did you say, babe?" Sabay kaming nag angat ng tingin ni Missy para tignan si Joshua. Nakasimangot itong nakatingin saaming dalawa ni Missy.

"Joshua babe! I'm just kidding lang naman." Agad lumapit si Missy kay Joshua saka ito niyakap.

"Alam mo naman na mahal na mahal kita."

Hindi ko na pinansin ang dalawa. Muli akong humakbang pababa ng hagdan.

"Teka. Hintayin mo naman kami ni babe, bro." I heard Missy chuckled.

"Mukhang nag mamadali si Alexander. Saan ba ang punta mo?" Tanong saakin ni Missy ng makalapit silang dalawa saakin.

"Cafeteria." I simply said.

"Oh, sabay na kami sayo." Hindi na ako tumanggi pa. Kababata ko ang dalawang ito. Matagal ko ng alam na gusto nila ang isa't isa.

"Ay, anong meron?" Si Missy.

Mga babaeng tumatakbo patungo kung saan ang bumungad saamin pag kababa ng hagdan.

"Girls, dali. Baka hindi na natin makita ang Campus King!" Isang babae ang nag salita.

Dahil sa sinabi nito, nasagot ang tanong sa isipan naming tatlo.

Campus King..

"Bumalik na pala siya. Isang linggo din pala siyang nawala." Sabi ni Joshua.

Tama si Joshua. Sa mga naririnig ko, nag tungo ito sa ibang bansa kasama ang mga magulang nito.

"Tara na sa cafeteria, sigurado walang ganong tao don." Sabi ko na nauna ng mag lakad.

"Talagang wala. Eh, halos lahat ay nag tungo doon." Sabi ni Missy.

Itinuro pa niya ang daan kung saan nag takbuhan ang mga babae.

Tahimik na cafeteria ang bumungad saaming tatlo ng pumasok kami.

Bilang lang ang mga estudyante ngayon na kumakain.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng makarinig kami ng tilian. Ang tili na naririnig namin ay papalapit ng papalapit.

"Oh-uh! Nandito na sila."

Lahat kaming estudyante na kumakain dito ngayon ay napatingin sa entrance ng cafeteria ng mas lumakas ang tilian ng mga babae. Sign na, nasa labas lang sila. Isang grupo ng kalalakihan na nag tatawanan ang pumasok sa loob ng cafeteria.

"Edi sila na ang famous." Rinig kong saad ni Missy.

Kasama  nilang pumasok ay ang mga babaeng nag uunahang pumasok.

Napangiwi ako ng makita ang isang babaeng nadapa. Hindi ito agad nakabangon dahil sa mga babaeng tumatakbo papasok.

Nag iwas ako ng tingin na agad kong pinag sisihan. Napasinghap ako ng mag tama ang tingin naming dalawa ni Joaquin Dela Merced. Ang Campus King. He's looking intently at me. Agad din naman napigilan ang titigan namin ng humarang ang mga babae. Umayos ako ng upo. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaisip.

B-Bakit niyo ako tinititigan?

"Alex, ayos ka lang? Namumula ka." Missy said worriedly.

"H-Huh-Oo ayos lang." I said and smiled at her.

"Talaga ba, bro? Eh, para kang nakakita ng multo."

Parehas silang tumawa. Couple goals. Ang pag tawanan ako.

"I'm fine." Dahil masyadong maingay ang loob ng cafeteria, umalis na din agad kami ng matapos mag lunch.

Dahil wala akong class ng 1 to 2 pm, iniwan na ako ng dalawa. Nag tungo ako sa library para mag basa basa. Hindi ko nga lang namalayan na, nakatulugan ko ang pag babasa.

Nagising ako ng maramdamang parang may nakatingin saakin.

"Look who's sleeping."

Nanlalaki ang aking mga matang nilingon ang nag salita. Bigla akong nataranta ng makilala kung sino ang lalaking nakaupo sa upuang nasa harapan ko.

Joaquin Dela Merced..

"J-Joaquin." I stuttered. B-Bakit ako kinakabahan?

"Hmm.." Nag iwas ako ng tingin ng mariin niya akong tinitigan.

Bumaba ang tingin ko sa mga librong ginamit ko. Pinag tuunan ko iyon ng pansin. Isa isa kong inayos ang mga libro para maibalik na sa shelve ng library.

"What's your name?" Natigil ako sa ginagawang pag liligpit ng marinig ang tanong niya.

Nilakasan ko ang loob kong mag angat ng tingin sakanya at labanan ang kanyang titig.

"Kailangan pa ba yon? Hindi ko binibigay ang pangalan ko kung kani-kanino lang."

He smirked. "I'm Joaquin Dela Merced." Alam ko. Alam ko din na ikaw ang Campus King na kinababaliwan ng mga babae.

Tinitigan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi ko iyon tinanggap at inignora nalang.

Tumayo ako at binitbit ang mga libro. Muli kong tinignan ang tao sa harapan ko.

Napakunot ang noo ko ng makita kung nasaan ito nakatingin.

"Alexander Mendez." He whispered.

Hindi ko iyon pinansin, tinalikuran ko siya at nag lakad na patungo sa shelve para ibalik ang kinuha kong libro.

Bumalik din naman agad ako sa upuan ko ng maibalik na ang libro.

Napakunot ang noo ko ng makitang nakaupo pa din si Joaquin sa pwestong pinag iwanan ko sakanya.

Ano pa bang hinihintay ng lalaking to? Girls ba? Ibang klase, mukhang dito pa talaga gusto mag hasik ng kaingayan sa library. Napailing nalang ako. Nakasunod lang ang tingin saakin ni Joaquin ng makalapit ako.

Walang pag aalinlangan kong kinuha ang mga gamit ko at nag lakad na palabas.

"Wait!"

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad. Nag papanggap na walang narinig.

Nagulat ako ng makita ang mga babae sa labas ng library. Halata naman kung sino ang hinihintay.

"Hi, Alexander." Isang magandang babae ang humarang saakin.

"Hello."

"I'm Alea." Walang pag aalinlangang tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Nice to meet you." I said. Hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng pisngi nito.

Isang malakas na tilian ang bumasag sa katahimikan.

Parehas kaming napatingin ni Alea sa lalaking lumabas mula sa pinto ng library.

Napakunot ang noo ko ng makita ang matalim na titig nito saakin lalo na ng bumaba ang tingin nito sa mag kahawak pa rin naming kamay ni Alea.

W-Wait. W-What's happening?!

A/N; Hope you like it guys!

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Walang Komento
16 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status