Share

Chapter 4

Author: Jah_Jah_12
last update Petsa ng paglalathala: 2020-07-29 09:13:50

Alas tres ng hapon ay naubos na ang paninda namin sa palengke. Kaya naman, umuwi na din kami agad ni Nanay pag katapos naming nag ayos sa pwesto.

Si Nanay naman ay hindi pa din makapaniwala na may naging costumer kaming big time. Si Joaquin. 

"Nay, meryenda na po tayo." Inilapag ko sa lamesa dito sa may sala ang bitbit kong tray na may lamang juice at tinapay.

"Sige, Anak."

Kwinento ko kasi sakanya na si Joaquin ang pinakamayaman sa aming Campus. At siya din ang Campus King na pinag kakaguluhan lang naman ng mga babae.

"Sino naman ang Campus Queen, anak?" Tanong ni Nanay.

"Wala pa, Nay. Baka yung magiging girlfriend niya." Yun naman talaga hindi ba? Siya ang tatanghaling Campus Queen.

Pag katapos naming nag meryenda ni Nanay, lumabas muna ako ng bahay para mag dilig ng halaman sa bakuran. Mahilig si Nanay sa halaman kaya marami kaming halaman.

"Alex, bro. Tara na, basketball." Nag angat ako ng tingin para tignan kun sino ang nag salita.

Si Vincent pala. Isa sa mga kapitbahay namin.

"Saka na. Marami pang trabaho dito sa bahay."

Tumawa siya ng marinig ang sinabi ko. 

"Mamaya na yan, bro! Ang sipag sipag mo naman. Tara!" 

"Hindi na." Pag tangi ko. Umiling pa ako.

"Sige, ikaw ang bahala. Pero kung mag bago ang desisyon mo, sunod kana lang sa court."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Vincent kaya naman umalis na siya. 

Muli akong bumalik sa pag didilig ng mga halaman. 

Maya maya lang ay napakunot ang noo ko ng makarinig ng mahinang hagikhikan. Nag tataka akong nag angat ng tingin. 

Napangiwi ako ng makita ang triplets ni Manang Faye na kinikilig at nag papaluan habang nakatingin saakin. 

"Ang cute talaga ni Alexander."

"Oo nga! Bagay siya saakin."

"Anong sayo? Saakin siya bagay!" 

Napailing iling nalang ako at muling bumalik sa pag didilig. 

Hindi ng tagal nasa tapat ko na ang tatlong mag kakapatid. 

"Hi, Alexander."

"Hello." I said and smiled at them.

Mahina akong natawa ng makitang namula ang kanilang mga pisngi. 

"P-Pwede ba kaming pumasok?"

"Bakit?" Tanong ko. Nasa labas pa kasi sila dahil sa gate na humaharang. 

"Sige okay lang, dito nalang kami."

"Baka mabasa ko kayo, nag didilig kasi ako."

Agad naman silang lumayo. Kaya muli akong bumalik sa pag didilig. 

"Alexander!"

"Hmm?"

"Pwede kaba naming yayaing mag mall?"

Matagal ko ng alam na may gusto ang triplets saakin. Si Angelina, Angelica at Angelic. Hindi ko talaga makakalimutan na nag makaawa saakin si Manang Faye na kahit isa lang sa mga anak niya ang ligawan ko. Hindi ako pumayag dahil wala naman akong gusto sa mga anak niya.

"Hindi ako pwede. Marami pa ang trabaho dito sa bahay."

Bumakas ang disappointed sakanilang mga mukha. 

"Willing to wait kami." Si Angelina.

I sighed. "Siguro sa susunod nalang. Sige, pasok na ako sa loob." Pag katapos kong mag paalam sakanila, nag lakad na din ako papasok sa loob ng bahay. 

Nagulat ako ng pag pasok ko ng bahay, nakita ko si Nanay na nakasilip sa may bintana. 

Kunot ang noo akong nag tanong. "Nay? Anong ginagawa mo dyan?"

"Talagang gustong gusto ka nung triplets, anak." Natatawang sabi ni Nanay.

Natawa din tuloy ako. "Nay, hayaan niyo na po sila."

Ngumiti naman si Nanay saka tumango. "Sige, mag luluto na ako."

"Sige po."

Habang nag hihintay kay Nanay na matapos mag luto, nanood nalang ako sa TV. 

Kumain din naman kami agad ng matapos mag luto si Nanay. 

Dahil muli kaming mag titinda bukas, maaga akong natulog.

Kinabukasan, alas singko palang, nasa palengke na kami. Marami na ding tao. Ang totoo nyan, mas maraming tao sa palengke tuwing linggo. 

"Mag Kano ang isang kilong bangus?"

"170 po." 

"Sige isa."

Ala sais ng iwan ako ni Nanay sa pwesto, umalis muna siya saglit para bumili ng almusal namin sa karendirya. Mabuti nalang wala pa namang gaanong tao. 

"Hey."

Nanlaki ang mata ko ng makita si Joaquin. Nakangiti ito habang nakatingin saakin. 

"J-Joaquin.."

"Good morning." He greeted.

Saglit akong napatitig sakanya. Ano na naman kayang ginagawa nito dito? Wala na ba siyang mautusan at siya na ang namamalengke?

"Morning, bangus ba?" Tanong ko sakanya. 

Napakunot ang noo ko ng titigan niya lang ako. 

"Bibili kaba?" 

"Can i buy you?"

Natigilan ako ng marinig ang sinabi niya.

Can i buy you?

Can i buy you? 

"W-What a-ahm." Damn. 

He chuckled. "Baby, relax."

My eyes widened. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya. 

"W-What did you say?"

"Can i buy you?"

Matagal akong nakipag titigan sakanya bago ako natatawang napailing iling. 

"Nasisiraan kana ba? Hindi mo na siguro alam ang sinasabi mo."

"Baby—" I cut him off. 

"Ano bang bibilhin mo? Hindi ko binebenta ang sarili ko. Kung wala kang balak bumili at kung mang gugulo ka lang, makakaalis kana."

Napaamang ang labi niya. Halata din sakanyang mukha na nagulat siya sa sinabi ko. 

Malalim akong napabuntong hininga. Saktong dating naman ni Nanay. 

"Anak, oh!" Hindi naituloy ni Nanay ang sasabihin ng makita kung sino ang nasa harapan ko. 

"Nay, cr lang po ako." Pag papaalam ko.

Ngumiti naman saakin si Nanay saka tumango. "Sige."

Agad na akong nag lakad paalis sa pwesto. Derederetso lang ang naging lakad ko hanggang sa makarating sa cr. 

Nanghihina akong napasandal sa pader. 

Nag lakad ako palapit sa lababo saka binuksan ang gripo para mag hilamos ng mukha. 

Wala sa sariling napatitig ako sa sarili ko sa salamin. 

Shit! Nahihibang na ba siya? Alam niya pa ba ang mga sinasabi niya? 

Muli akong nag pakawala ng isang malalim na buntong hininga bago muling hinilamusan ang sarili. 

Gulat akong napalingon sa pintuan ng cr ng bumukas iyon. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makita kung sino ang pumasok. 

"Anong ginagawa mo—" Natigil ako sa pag sasalita ng derederetso siyang  nag lakad patungo saakin habang ang kanyang dalawang mata ay nasa akin ang tingin. 

Napasinghap ako ng hilain niya ako at isinandal sa pader kaya na corner niya ako. Ang ikinalaki ng mata ko ay ng walang sabi sabi niya akong hinalikan. 

H-He kissed me...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Baby, You're Mine   Chapter 16

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 15

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 14

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 13

    Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 12

    Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?

  • Baby, You're Mine   Chapter 11

    Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status