Share

Chapter 5

Author: Jah_Jah_12
last update publish date: 2020-07-29 09:14:12

Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Ramdam ko ang pag lapat ng kanyang malambot na labi saakin. 

Ang mas ikinagulat ko pa ay ng maramdaman ko ang pag galaw ng kanyang labi. Dahil sa gulat, buong lakas ko siyang tinulak kasabay ng pag dapo ng kamao ko sa kanyang mukha. 

"Fuck!" 

Gamit ang kanyang dalawang kamay, sinapo niya ang kanyang mukhang nasaktan. Bigla akong dinapuan ng guilt sa katawan. 

Mukhang n-nasaktan ko talaga siya. 

"H-Hindi ko sinasadya." 

Dahil sa pag kataranta, dali dali akong nag lakad palabas ng cr. 

Shit. Alexander! Anong ginagawa mo? 

Habang nag lalakad patungo sa pwesto. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. B-Bakit ramdam ko pa din ang kanyang malambot na labi sa labi ko? 

Naguguluhan akong napailing iling. Mali! Mali ito. Hindi ito tama. 

"Alexander? Okay ka lang? Namumula ka." Sinalubong ako ng nag aalalang si Nanay. 

Ngumiti ako kay Nanay saka tumango. "Opo, Nay. Ayos lang po ako."

Mukhang hindi ko nakumbinsi si Nanay dahil matagal pa niya akong tinitigan bago siya napipilitang tumango. 

"Sige. Basta kung masama ang pakiramdam mo, mag pahinga kana muna anak." Nag aalala pa ding sabi ni Nanay.

Natatawa ko siyang inakbayan. "Nay, namula lang saglit ang anak niyo." 

"Kung ganon, anong dahilan ng pamumula ng anak ko?" 

Natigilan ako sa tanong ni Nanay. Hindi agad ako nakasagot. Alanganin akong ngumiti kay Nanay ng mapansin ang titig niya. 

"Anak, may gusto ka bang sabihin saakin?" 

Agad akong umiling. Hindi ko kayang sabihin kay Nanay ang nangyari sa cr.

Malalim na napabuntong hininga si Nanay bago tumango. "Alam kong may gumugulo dyan sa isip mo. Basta anak, pag gusto mo ng ikwento kay Nanay. Sabihin mo lang ha? Huwag kang mahihiya kay Nanay." 

"Salamat, Nay."

"Syanga pala anak, yung kwinento mo saakin na Campus King? Aba! Bumili ng 20 kilos ng bangus!" Tuwang tuwang sabi ni Nanay. 

"Talaga, Nay? Mabuti kung ganon." Kaya pala biglang umonti ang isda. 

Hindi kaya lumansa naman siya sa sobrang dami niyang bangus na binili?

Kinabukasan, kinakabahan man ay pumasok pa din ako sa Campus. 

Galit kaya siya sa ginawa kong pag suntok sakanya? Siya din naman ang may kasalanan! Hinalikan niya ako. Dahil sa ala alang iyon, alas dose na akong nakatulog. 

"Alexander." 

"Alea.."

Muling sumabay saakin si Alea kaya naman nag desisyon akong ihatid siya. 

Habang nag lalakad kami, hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi pakinggan ang sinasabi ng mga babae na nadadaanan namin ni Alea. 

"Kawawa naman si King. Dapat dun sa sumuntok sakanya mamatay!" 

Napalunok ako ng marinig ang sinabi nung isang babaeng galit na galit. Huwag naman sana akong mamatay. 

"Grabe! Ang laki ng black eye ni King. Sino kayang hampaslupa ang gumawa non?"

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan kaming makaakyat sa second floor ni Alea. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi ng mga babae sa baba. Mukhang galit talaga sila. Huwag naman sanang mag katotoo ang mga sumpa nila. 

"Ayos ka lang, Alexander? Namumula ka." Alea asked worriedly. 

I nodded. "A-Ayos lang."

"Sigurado ka?" Itinaas niya ang kanyang isang kamay para mailapat iyon sa noo at leeg ko. 

I smiled. "Mainit ba ako, doc?"

Mahinang natawa si Alea. "Hindi ka naman mainit. Pero sigurado ka okay ka lang?"

"Oo naman." 

"Sige pasok na ako." 

Nang mag isa nalang akong nag lalakad. Paulit ulit akong napapabuntong hininga. 

"Ayan na si King!" 

Bigla akong nakaramdan ng pag kataranta ng marinig ang sinabi ng isang babae. 

Napatakip ako sa mag kabilang tenga ko sa lakas ng tili ng mga babae dito sa hallway. 

Wala sa sariling lumingon ako sa likod. 

Napasinghap ako ng makita ang mukha ni Joaquin. Isang malaking black eye sa right eye niya ang sumira sakanyang magandang mukha.

Nanlaki ang mata ko ng mag tama ang tingin naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko ng makita kung paano umaliwalas ang kanyang mukha ng mag tama ang tingin namin. 

Nag iwas ako ng tingin. Hanggang ngayon,  naguiguilty pa din ako sa ginawa kong pag suntok sakanya. 

Muli akong tumalikod at nag lakad na paalis. 

Lunch time ng kasama ko ulit si Alea, Missy at Joshua. Dahil wala naman akong klase ng 1 to 2 pm, muli akong nag tungo sa library.

Papalapit palang ako sa lagi kong pinag pwepwestuhan, natigil ako sa pag lalakad ng makita si Joaquin na nakaupo roon. 

Agad siyang umayos ng upo ng makita ako. 

A-Ako ba ang hinihintay niya?

Malalim akong napabuntong hininga bago muling pinag patuloy ang pag lalakad.

"Alexander.." 

"Anong ginagawa mo dito?"

Habang nag hihintay sa sagot niya. Inilapag ko na muna ang mga gamit ko sa lamesa bago naupo sa upuang katapat niya. 

"I'm sorry." He apologized.

Nag angat ako ng tingin para tignan siya. 

"For what?"

"Alam kong mali ang ginawa ko pag halik—" I cut him off. Napalingon pa ako sa paligid dahil baka may makarinig. Nakahinga ako ng maluwag ng wala namang nakatingin saamin. 

"Kalimutan nalang natin ang nangyari. Humihingi din ako ng tawad sa ginawa kong pag suntok sayo."

Unti unting napakunot ang noo niya. 

"Kalimutan? No way! That was our first kiss—" Agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Pwede ba?! Hinaan mo yang boses mo.."

Napasinghap ako ng kunin niya ang isang kamay ko at inilapit iyon sa kanyang labi.

"Joa—"

"Listen to me, Alexander. I really like you a lot. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari. Basta ang alam ko nagising nalang ako, ikaw na ang gusto ko." 

Natigilan ako sa mga binitawan niyang kataga. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Umiling iling ako.

Pilit kong hinihilot ang kamay kong hawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang pag kakahawak doon. 

"Believe me.."

"Nahihibang kana ba? Parehas tayo—"

Nanlaki ang mata ko ng dinala niya ang kamay ko sakanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya ng maramdaman ang mabilis na pag tibok ng kanyang puso. 

Kung gaano kalakas ang tibok ng kanyang puso ay ganon din ang saakin.

"I like you, Alexander."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Baby, You're Mine   Chapter 16

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 15

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 14

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 13

    Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 12

    Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?

  • Baby, You're Mine   Chapter 11

    Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status