LOGINIsang linggo na simula ng iwasan ko siya. Tuwing makakasalubong ko siya ay gumagawa agad ako ng paraan para maiwasan siya.
Dahil sa kanyang pag tatapat. Isang linggo na din akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa mga sinabi niya.
Totoo bang gusto niya ako?
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan tuwing nakikita ko ang lungkot sa kanyang mukha tuwing mag kakasalubong kami.
"Talaga bang ayos ka lang, Alexander? Alam mo, ang laki laki ng eye bags mo." Si Missy.
Nakatitig silang dalawa ni Joshua saakin. Nag iwas ako ng tingin.
"Alexander. Umamin ka nga. Alam mo kilala ka na namin bata palang tayo. Sabihin mo kung sino ang gumugulo sa isip mo." Hinawakan ni Missy ang dalawang kamay ko.
"Alexander. Kanina nung sinundo ka namin sainyo, nakita ko sa mata ni Tita na sobra siyang nag aalala sayo." Sabi naman ni Joshua.
I sighed heavily. Malungkot akong tumingin sakanila. "N-Naguguluhan ako." Saad ko saka napailing iling.
"He said, he like me."
Lumipat ng upuan si Missy at naupo sa tabi ko saka niya ako niyakap.
"N-Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sakanya."
Humigpit ang yakap saakin ni Missy.
"Basta tatandaan mo na tanggap ka namin, Alex. Bata palang tayo tanggap kana namin."
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng maramdaman ang pag patak ang luha sa pisngi ko.
"Teka. Bago ka umiyak, who's the lucky guy?"
Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Missy. Ganon din naman si Joshua.
"Ikaw talaga babe! Paiyakin muna natin tong si Alexander bago ka mag tanong. Pero bro, who's the lucky guy nga ba?" Nang aasar na tanong ni Joshua saakin.
Hindi ko nalang iyon pinansin. Muli kong tinignan si Missy na nakayakap pa din pala saakin hanggang ngayon.
"Hindi kaya mag selos itong si Joshua kakayakap mo saakin?"
Natatawang tanong ko sakanya. Natatawang sinubsob naman ni Missy ang kanyang mukha sa tagiliran ko.
"Hayaan mo siya."
"Grabe ka naman babe. Ako hindi mo ba, yayakapin?"
Muli kaming natawa ni Missy ng makita ang nakasimangot na mukha ni Joshua.
"Can i sit here?"
Napaangat kami ng tingin sa nag salita. Agad akong nag iwas ng tingin ng mag tama ang tingin namin. Anong ginagawa niya dito?
Itong dalawang kasama ko ay halatang nagulat at hindi makapag salita.
"S-Sure!" Nauutal na sabi ni Missy.
Muli kong binalik ang tingin sakanya. Hindi naman nakawala sa tingin ko ang pag baba ng tingin ni Joaquin sa dalawang braso ni Missy na nakayakap pa din sa akin.
Mukhang napansin din naman iyon ni Missy dahil agad siyang bumitiw sa pag kakayakap saakin saka umayos ng upo.
"G-Gusto mo bang dito maupo?" Alanganing tanong ni Missy na ikinalaki ng mata ko.
Tumango naman sakanya si Joaquin. Pipigilan ko pa sana si Missy ang kaso, nakatayo na siya.
"Sige lipat kana."
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng tuluyan siyang makaupo sa tabi ko.
"Ahm. King? Hindi mo ba kasama ang mga dabarkads mo?" Tanong ni Missy na iniikot ang tingin sa paligid.
"They're busy."
Parehas na tumango ang dalawa. Nanlaki ang mata ko ng malipat ang tingin ng dalawa saakin. Unti unting sumilay ang nang aasar na ngisi sa kanilang labi. Nag iwas ako ng tingin bago tumikhim.
"C-Cr lang ako."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng dalawa. Agad akong tumayo at nag lakad paalis.
Nang sa wakas ay makarating ako sa banyo. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napasandal ako sa pader.
H-Hindi ko pa siya kayang harapin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Malalim akong napabuntong hininga ng maramdaman ang malakas na pag tibok ng puso ko.
Lumapit ako sa lababo at muling hinilamusan ang mukha. Mabuti nalang talaga, mag isa ko lang dito sa cr—Damn! Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari sa cr sa palengke. Dali dali akong nag lakad patungo sa cr para ilock iyon. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng biglang bumukas ang pintuan.
Agad akong napaatras ng makita kung sino ang pumasok. Nang mag tama ang tingin namin, nagulat ako ng makita ang iba't ibang emosyon na nag lalaro sakanyang mga mata. Tulad ng, pag mamakaawa, lungkot at pangungulila.
"Alexander.."
Muli akong napaatras ng humakbang siya palapit saakin.
"D-Dont—" Pag pigil ko sakanya.
Pero muli lang siyang nag lakad palapit saakin kaya talaga namang nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa niya.
Hindi ko inasahan ang kanyang pag luhod sa harapan ko. Pilit niyang inaabot ang isang kamay ko. Nang mag tagumpay, inilapit niya iyon malapit sakanyang labi saka hinalikan habang nakatingin saakin..
Hindi ko maagaw sakanya ang kamay ko dahil mahigpit ang pag kakahawak niya.
"Joa—"
"P-Please... Please, stop avoiding me."
Napaamang ang labi ko. Tila naubusan ako ng lakas na mag salita.
Pauli ulit niyang hinalikan ang kamay ko.
"Please, Alexander. Stop avoiding me.."
"Joaquin, tumayo—" He cut me off.
"No! Please." Umiling iling siya.
"Joaquin, tumayo kana dyan!"
Umiling iling ulit siya. Habang nakikita ko siyang nasasaktan, nasasaktan din ako. Muling nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita siyang lumuluha.
Dahan dahan akong naupo para mag pantay kami. Agad kong pinunasan ang luha sakanyang mata at pisngi.
He looked so sad. Pansin ko din ang pangingitim ng gilid ng kanyang mata. Halatang kulang sa tulog. Ang kanyang mata ay talaga namang nangingibabaw ang kalungkutan.
Bakit ngayon ko lang ito napansin?
Gamit ang dalawa kong kamay, kinulong ko ang kanyang mukha at pinag katitigan pa ng matagal.
"Ang lungkot lungkot mo."
Ang puso ko ay parang tinutusok habang nakatitig ako sakanya. Naapektuhan talaga siya sa ginawa ko.
"S-Stop avoiding m—" Hindi na niya natapos ang sinasabi ng bigla siyang nahimatay na ikinataranta ko naman agad.
Mabuti nalang agad akong nakahingi ng tulong.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
"I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.
Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.
Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?
Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b