Share

Chapter 7

Author: Jah_Jah_12
last update publish date: 2020-07-29 09:15:00

"Kamusta? Nagising na ba?" Iling lang ang isinagot ko sa tanong ni Missy. 

Nandito kami ngayon sa clinic. Hinihintay na gumising si Joaquin.

Nang mahimatay siya kanina, agad akong lumabas ng cr para makahingi ng tulong.  Sakto namang may guwardiya akong nakita kaya nakahingi agad ako ng tulong. 

Sabi ng nurse, over fatigue na siya. 

Isang oras na din simula ng mahimatay siya. 

Sabay kaming gulat na napatingin kay Joshua na hinihingal na pumasok sa loob ng clinic. 

"Oh, anong nangyari sayo babe?"

Hinihingal niyang tinuro ang pintuan ng clinic. 

"Y-Yung mga babae! Alam na nila ang nangyari sa Campus King, at ngayon pasugod na sila dito!"

"Oh my gosh!" Si Missy.

Tumayo agad si Missy saka nag lakad palapit sa may bintana. Nilingon ko pa saglit si Joaquin na mahimbing pa din na natutulog bago ako sumunod kay Missy na nakasilip na sa may bintana. 

"Ang dami!" She whispered. 

Nang makasilip ako sa bintana, nanlaki ang mata ko ng makita ang mga babae na nasa labas ng clinic. Sobrang dami! Napangiwi ako ng makitang may mga babae pang umiiyak. 

Napalingon ako kay Missy ng marinig siyang tumawa. 

"What's funny?" I asked her. 

Natatawang tinuro niya ang mga babae sa labas. "Parang mga tanga! Umiiyak pa sila oh! Akala mo naman mamamatay na ang Campus King nila."

Natawa na din tuloy ako sa sinabi ni Missy. Tumango ako sakanya bilang pag sang ayon. 

Mabuti nalang hindi namin naririnig ang mga drama nila. Siguro ang sakit sa tenga. 

Apat lang naman kami dito ngayon sa loob ng clinic dahil umalis ang nurse. 

Bumalik na din naman kami ni Missy sa pwesto namin kanina. 

Sobrang nakakailang ang katahimikan bumalot saaming tatlo. 

"Alexander.."

Nag angat ako ng tingin kay Missy ng tawagin niya ako. Nakatingin siya ngayon kay Joaquin na mahimbing na natutulog. 

"Siya ba?" Tanong niya saka nag angat ng tingin saakin. 

Napalunok ako at hindi agad nakapag salita.

Maya maya lang ay muling nag salita si Missy.

"Siya ang lalaking tinutukoy mo hindi ba? Kanina palang sa cafeteria, pansin ko na ang kakaibang kislap ng kanyang mata ng tignan ka niya. Mukhang tama nga ang sinabi mo, he like you." 

Napasinghap ako sa huling salitang binanggit ni Missy. Nang tignan ko siya ay nginisian niya ako. 

  

"Bro, mag salita ka naman." Natatawang sabi naman ni Joshua. 

Tinignan ko muna silang dalawa bago ako dahan dahan na tumango. 

"O-Oo.."

Napangiwi ako ng makitang bigla nalang nag tititili sa kilig si Missy.

"Bagay!"

Nahihiya akong nag iwas ng tingin. Nanlaki ang mata ko ng mag tama ang tingin namin ni Joaquin. 

Natataranta akong tumayo. "G-Gising kana pala."

"Hmm.."

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Na over fatigue ka." I said worriedly. 

Napakunot ang noo ko ng makita ang unti unting pag silay ng isang matamis na ngiti sa labi niya.

"Are you worried?" He asked softly. 

Natigilan ako sa tanong niya. Ang tangi kong nagawa ay ang titigan ang masayang mukha niya.

"Are you worried?" Pang uulit niya. 

Malalim akong napabuntong hininga bago dahan dahang tumango.

"Really?" Tuwang tuwang tanong niya. 

Muli akong tumango. "Oo. Sino bang hindi mag aalala. Eh, bigla ka nalang kayang nahimatay."

"I'm fine now."

"Halata nga."

"Hmm.."

"Baka from na yan, pakainin mo na muna."

Kinuha ko naman agad ang inaabot saaking lugar ni Joshua. Mainit pa naman iyon.

Tinulungan ko munang bumangon si Joaquin. Nang makaupo siya sa hospital bed, naupo na din ako sa upuan ko. 

"Kaya mo na bang kumain?"

He shook his head. "Feed me." He said sweetly. Nag mamakaawa niya akong tinignan sa mata.

"Please?"

Dahan dahan akong tumango bago umayos ng upo. "S-Sige." I said.

Hindi ko na pinansin pa ang pag silay ng matamis na ngiti sa labi niya. Nag focus nalang ako sa pag subo sakanya ng lugaw.

Muli kaming sinakop ng katahimikan. Si  Missy lang ang may lakas ng loob na basagin ang katahimikang bumabalot saamin dito sa loob ng clinic.. 

"Ang dami mong girls yan, King."

King chuckled. "Really?"

Natatawang tumango si Missy bago muling nag salita. "Oo. Iniiyakan kana nga nung iba eh. Akala mo naman, mamamatay kana." 

Natawa si Joaquin sa sinabi ni Missy. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong hindi mapatitig sa masaya niyang mukha. 

Agad akong nag baba ng tingin ng bigla nalang niya akong nilingon. Mahina akong napatikhim bago muling nag angat ng tingin sakanya kaya nag tama ang tingin namin.

"Mali naman ang kwento mo, babe."

"Bakit? Ano bang kwento mo?"

"Ganito kasi iyon. Umiiyak na ang ibang babae dyan sa labas dahil mawawala na sakanila ang Campus King nila. May mag mamay ari na kasi ng puso nito."

Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Joshua na ngumisi lang saakin. Si Missy naman ay natatawang sumang ayon sakanyang boyfriend. 

"Tama, tama. Agree ako sayo, babe."

Naramdaman kong parang biglang namula ang mag kabilang  ko kaya agad akong nag iwas ng tingin sakanila. Tumulong ako para hindi mag tama ang tingin namin ni Joaquin. 

"Uyy! Nag bla-blush kaba, Alex?" Nang aasar na tanong ni Missy. 

Dali dali akong umiling pero ang aking ulo ay nanatiling nakayuko. Takot na makita nila ang namumula kong mukha. 

"Uyy! Si Alexander, nag bla-blush!" 

"H-Hindi ako nag bla-blush!"

Mahinang humagikhik si Missy. "Talaga? Eh, bakit hindi ka makatingin saamin?"

"N-Napuling kasi ako." Pag papalusot ko na agad ko ding pinag sisihan. Halata namang hindi sila naniwala dahil bigla nalang humagalpak ng tawa ang dalawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, napaangat ko ng tingin saktong nag tama ang tingin namin ni Missy. 

"You're blushing!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Baby, You're Mine   Chapter 16

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 15

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 14

    "I-I'm sorry."Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Hindi ko kayang tignan kaya nag iwas ako ng tingin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 13

    Hindi kami tinigilan ni Missy. Talagang nang asar siya."Hindi talaga ako makapaniwala na alam na ng lahat." Manghang sabi ni Joshua na nakatingin kay Joaquin.

  • Baby, You're Mine   Chapter 12

    Nakakapagtaka ang katahimikan dito sa University. Wala man lang katao tao sa hallway. Nakakapagtaka din ang kakaibang kabang nararamdaman ko sa bawat pag hakbang ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pag tibok ng puso ko. Bakit parang may mang yayaring hindi maganda?

  • Baby, You're Mine   Chapter 11

    Nakakapagtaka na walang gaanong tao ngayon dito sa library. Malapit na din ang midterm exam kaya kailangan kong mag aral ng mag aral.Lunch time ngayon. Hindi na ako nag punta sa cafeteria dahil nag b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status