Se connecterTulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya.
"I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.
Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.
Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito ay nasa kanya.
Ngayon kaya? Kapag tinanong niya si Jayson,sasagutin kaya siya nito. Ngayon na mukhang ayos na sila, ayos na ang pakikitungo sa kanya. Oo at may pagdududa pa rin naman siya dito, agam-agam na hindi na yata naalis sa sistema niya kahit noon pa.
Muli siyang sumulyap sa wasak na pinto. Naalala na naman niya ang nangyari kagabi. Ang takot at pag-aalala ni Jayson. At ang malakas na pintig ng puso niya.
Nagpasya siyang lumabas na lamang muli, mag-aayos na lamang siya o maglilinis. Nang makasalubong niya si Jayson na nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto nito.
Nagkibit balikat siya at ipinagpatuloy ang pagpunta sa sala. Nanguha na rin siya ng walis at pamunas para sa paglilinis niya. Tamang tama rin na wala si Jayson doon, para makakilos siya na hindi na te-tense.
Kasalukuyan niyang pinapampag ang mga cushion ng sofa, nang lumabas si Jayson at bihis na bihis. Nagkatinginan sila.
"May kailangan lang akong asikasuhin, dito ka lang!" Saad nito na tila ba nabasa ang nais niyang itanong. Kakaiba ang aura nito ngayon. Darker! Lalo na noong nag iwas ng tingin sa kanya.
"Sige." Sagot niyang nag-iwas na rin ng tingin dito at itinuon ang mga mata sa sahig.
Nagmamadali na itong umalis. Dinig na dinig ni Vivien ang pag andar ng motor sa labas at ang mabilis na pagkawala ng malakas na tunog nito. Muli na lamang niyang ipinagpatuloy ang paglilinis.
Nasa TV stand na siya at kasalukuyang nagpupunas para matanggal ang alikabok noong mapadako ang kanyang mata sa isang picture frame. Isang magandang babae na pawang may itinuturo, nakapoint ang daliri nito sa kung sinong nasa likod ng camera. Kasama nito ang chubby na batang lalaki, nakasimangot at parang ayaw magpakuha ng litrato. Napangiti siya dahil kilalang kilala niya kung sino ang batang iyon.
"Kahit noon pa, halatang bugnutin ka ano? Laging galit sa mundo?" Hinaplos niya ang litratong iyon habang kausap ang nasa litrato.
Napadako ang tingin niya sa ina ni Jayson. Napakaganda rin nito at mukhang mabait. Minsan niya lamang ito nakita at nakasalamuha, pero magaan ang loob niya kay Mrs Perez.
Pasko noon, mga siyam na taong gulang siya. Kararating lang ng tatay niya galing sa isang buwan na trabaho. Construction worker ito at ngayon lang nakauwi sa kanila. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. Miss na miss na daw sila nito,sila ng Nanay niya.
Pero nadismaya ito noong malamang wala ang Nanay niya roon. Isang linggo nang natutulog sa malaking bahay. Tuloy, inutusan siya ng ama na sunduin ang ina. Hindi siya umangal kahit malayo ang lalakarin niya. Hindi lang dahil gusto na niya makita ang ina kundi dahil binigyan din siya ng ama nang perang pambili ng kahit anong gusto niya sa tindahan.
Suot pa rin ang malaking tsinelas na galing kay Robert, masaya siyang naglakbay patungo sa palasyo ng baboy na prinsipe. Humagikgik ang batang si Vivien dahil sa naiisip. Mula noong nakita niya ang batang mataba sa mansiyon, tinawag na niya itong baboy.
Parang napakadali nang paglalakbay ni Vivien, dahil na rin iyon sa kasiyahang nararamdaman. Pakiramdam niya lumilipad siya habang nag lalakad. Ni hindi siya pagod na narating ang gate ng mansiyon.
"Naynay! Si Vien po ito. Naynay," matinis ang boses niya habang pasigaw na tinatawag ang ina. Pilit siyang sumisilip. Tumalon talon pa siya para makita ang loob, mataas kasi ang gate at hindi niya makita ang kabila.
Napalabi siya dahil makailang tawag na siya sa ina wala parin ito.
Nang bigla siyang napahiyaw dahil sa busina ng sasakyan na paparating. Agad siyang gumilid para bigyan ng daan ang kotse, siya namang pagbukas ng gate at nakita ang ina. Na para bang kagagaling lang sa pagtulog dahil sa gulong buhok. Pilit lamang na inaayos habang niluluwangan ang pagkakabukas ng gate.
Nakapasok na ang sasakyan. Tatawagin na sana niya ulit ang ina pero namangha siya sa babaeng bumaba sa kotse. Napakaganda nito kaya natuon ang pansin niya dito imbes na ang ina ang bigyang pansin.
"Sandali Laura, may batang babae sa may gate kanina. May kailangan yata." Rinig niyang saad ng babaeng naging idolo niya dahil sa ganda.
Napatigil ang kanyang ina sa pagsara ng gate at sumilip sa labas.
"Naynay," tawag niya dito pagkalabas kung saan niya naikubli ang sarili.
Gulat na gulat ang ina niya at para bang natataranta dahil naroon siya. Pinandilatan siya ng mga mata at may babala ang mga tingin sa kanya.
"Sino iyan Laura," tanong ng palapit na si Mrs Perez.
"Hello po," masayang bati niya sa babae. Isinilip pa niya ang ulo dahil natatakpan ito ng ina.
Nakita niya ang mabini nitong ngiti. 'Saka tumingin ito sa kanyang ina.
"Ito ba ang anak mo Laura? Aba'y napakagandang bata."
Lumawak ang ngiti ni Vivien dahil sa papuri ni Mrs Perez. Tumango lamang din ang kanyang ina.
"Do you like chocolates? Candies?" malumanay na tanong nito sa kanya at bumaba para mapantayan siya.
Napatingin siya sa ina na may babala pa rin ang tingin. Kaya naman hindi na siya nakapag salita, kahit pa gusto niya ang mga iyon.
Napansin naman ni Mrs Perez ang pag alinlangan ng batang kaharap kaya inutusan nito si Laura upang kuhanin ang bag na naglalaman ng candies at chocolates."Here, take this. Masarap ang mga ito. Pasalubong ko iyan from my trip."
Inabutan siya nito ng malaking bar ng chocolate at supot ng iba't ibang candy. Tuwang tuwa niya iyong tinanggap upang ipagdamot lamang ng baboy na prinsipe.
"Ma, that's mine, why you're giving it away?" Mula sa pinto, patakbo itong lumapit sa ina. Inagaw pa nito ang supot ng candy na hawak niya.
Gulat na gulat silang lahat sa inasal ng baboy na prinsipe. Maging si Mrs Perez, hindi makapaniwala sa inasal ng anak.
"Jayson! What's wrong with you, hindi ka naman madamot a !" Gilalas na saad ng ginang. Pilit kinukuha ang supot ng candy.
Pinipigilan ng batang si Vivien ang iyak na nais kumawala. Nakalabi lamang ito na nakatitig sa mag ina.
Agad na sumaklolo ang kanyang ina at hinawakan siya ng mahigpit sa braso.
"Pasensiya na po Madam, senyorito. Iuuwi ko na muna itong anak ko." Sabi nito at hinila na siya palayo. Nabitawan pa niya ang chocolate na bigay. Hindi na lang niya inalintana iyon, mas nabibigyan niya ng atensiyon ang sakit at higpit na pagkakahawak ng ina sa kanyang kamay. Tila mapipigtas ang mga kamay niya mula sa pagkakahila nito.
"Naynay, sorry po. Pinapasundo lang naman kayo ni Itay,"
Napatigil si Laura at humarap sa batang babae. Matalim ang tinging ipinukol dito at padarag na binitawan ito.
"Magsama kayo ng walang kwenta mong ama!" Nagpupuyos sa galit na sigaw nito sa mukha ng batang si Vivien." Wala kayong ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Hindi ako masaya sa inyo. At lalong hindi ko kailangan ang tulad niyo sa buhay ko."
"Naynay?" Pilit na pinipigilan ng batang si Vivien ang luha. Nagpapakatatag na huwag maiyak dahil sigurado siyang lalong magagalit ang ina.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng ina sa kanila ng kanyang itay. Simula noong magkamalay siya sa mundo, hindi man lang niya naranasan ang masaya na buong pamilya.
Pero, hindi niya sinukuan ang pangarap na maging masaya sila, na magiging mabait ang Nanay niya. Na magiging normal ang buhay niya.
Pero hanggang pangarap na lang pala iyon. Hindi kayang abutin ng musmos niyang isip. At lalong hindi ngayon na sampong taon na ang nakararaan.
Dahil pagkatapos nilang makauwi, nag-away ang mga magulang niya. Nagising na lang siya kinabukasan na wala na siyang ina. Nilayasan sila nito.
Nagtuloy tuloy ang pagpatak ng luha ni Vivien sa pagkakaalala sa nakaraan.
"Kamusta ka na kaya Inay? Alam mo bang namimiss na kita."
Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni
Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito
Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.
Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no
Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti
Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas