Share

Kabanata 8

Author: Jhodreams
last update publish date: 2020-10-01 01:48:34

Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.

Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.

Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.

Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too.

"Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito.

"Huh?" Agad siyang nag-iwas ng tingin. Huling-huli kasi siya nitong nakatitig

"Kasi ako, maganda ang naaninag kong view ng bundok!" In his husky low voice. Seryoso ang mukha.

Pinamulahan siya ng pisngi at tinakpan agad ang sarili noong marealize ang ibig sabihin nito.

Wala pala siyang suot na bra at aninag sa suot niyang t shirt ang dalawa niyang bundok.

Wala siyang paki-alam kagabi dahil madilim naman ang kuwarto. Pero ngayon ay sobrang liwanag na.

At heto na naman ang mga tingin nitong 'di niya mawari kung ano ang ibig sabihin.

Tumayo ito at naglakad paalis. Sinundan niya lamang ito ng tingin hanggang mawala ito sa may sirang pinto. Agad siyang napatakbo sa washroom para na rin makapag ayos, at makapagpalit.

Matagal siya sa banyo. Naligo na rin kasi siya, pero ang totoo hindi niya alam paano haharapin ang binata.

Napabuntong hininga siya habang nagbibihis.

Masyadong malaki ang t-shirt sa kanya. Small size siya pero large lahat ng size na binili nito sa kanya.

Nagmukmukha tuloy siyang mataba sa mga damit na iyon. Naisip niyang binilhan pa siya ng damit. Sana ay pinahiram na lamang siya ng t-shirt nito, tutal ay kasing laki yata ang binili sa size ng lalaki.

Itinali na lamang niya ito sa likuran para magmukhang maliit bago siya nagpasyang lumabas ng kwarto.

Nakapagluto na ng almusal si Jayson noong lumabas siya.

Sinangag, itlog at hotdog ang nakahain.Ngunit wala si Jayson sa kusina. Naupo siya sa mesa at naghintay. Wala pang tatlong minuto ay lumabas na rin si Jayson sa kwarto nito at bagong ligo rin.

Hindi niya napigilang langhapin ang bango nito noong dumaan ito sa harap niya.

"Bakit hindi ka pa nag-umpisang kumain," puna nito sa kanya,naupo ito kaharap niya at sinandukan ang kanyang plato. Naglagay na rin ito ng ulam at ibinigay sa kanya.

"Eat!" utos nito.

Tipid siyang ngumiti at nagpasalamat.

Tahimik silang kumain. Medyo alangan siya sa presensiya nito pero napadami ang kain niya. Gutom siya, at hindi maipagkakailang masarap ang niluto ni Jayson. Minsan lang kasi siya nakakatikim ng ganoon. Madalas kape ang ulam niya o kaya mantika na may asin o bagoong sa umagahan.

Paminsan-minsan siya sumusulyap kay Jayson at medyo nakapokus siya sa kinakain. Kaya  naman hindi na niya namalayang tapos na ito at pinagmamasdan siyang kumakain.

Nabilaukan tuloy siya pagkaangat ng kanyang tingin at magtama ang mga mata nila. Agad naman siyang dinaluhan nito at binigyan agad ng tubig na maiinom.

Ang weird lang talaga sa pakiramdam niya na ang dati niyang kaaway at nang-aapi sa kanya, taong halos isumpa siya, ang nag-aalaga sa kanya ngayon.

Hindi siya lubos na nagtitiwala dito pero mas nanaisin naman na niya sigurong sumugal kay Jayson kesa sa iba. Atleast si Jayson, hindi nagkukunwari, kung galit ito at nais siyang saktan,alam na alam niya. Dahil sa buong pagkakakilala nilang dalawa ay aso't pusa sila.

Pakikitunguhan niya si Jayson ayon sa pakikitungo ng lalaki sa kanya.

But of course, she will never put her guard down.

Baka kasi masaktan siya. Lumagapak at 'di na muling makakatayo pa.

Siya muli ang naghugas ng pinag kainan nila. Pagkatapos niyang maghugas, sumilip siya kung nasaan si Jayson. Nasa sala ito at kasalukuyang tutok sa pinapanood na news. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para titigan na muli ang lalaki.

Malaki ang pinagbago ni Jayson sa pisikal na kaanyuan. Chubby ito noong bata, ngayon hot na. Medyo bakat kasi ang muscles nito sa damit na puti.

Pero ang labis na nakakuha sa pansin niya ay matangos na ilong nito na ngayon ay kitang kita niya dahil nakaside view ito. Badboy type ang aura ni Jayson. Lalo na at may earrings ito sa magkabilang teynga plus tattoo in his arms.

Don't mention the attitude towards her, siguro isa na siya sa nagkandarapa na bigyan ng pansin ni Jayson noon. Kahit pa nga barumbado ito at nakakatakot, napakaraming naghahabol dito. Halos paiba-iba nga ito ng babae buwan-buwan. Mga babae kasi ang nagbibigay motibo at halos magpatayan na rin para makuha ang matamis na oo nito.

Dahil sa isiping iyon hindi niya napansin na napalingon sa kanya si Jayson.

"Shocks!"agad siyang nagtago sa pader. Mabilis at malakas ang tibok ng puso niya sa pagkakahuli nito sa kanyang pagsilip.

Sana hindi niya ako napansin. Piping-dalangin niya habang patuloy ang mabilis na pagtahip ng kanyang dibdib.

Baka kung anong isipin ni Jayson, kaya kahit nangangatog ang tuhod niya ay nagpasya siyang lumabas sa pinagtataguan pero sisilipin niya muna ito kung nakatingin pa.

Dahan-dahan niyang isinilip ang mukha sa may pinto, para lamang mabangga sa matigas na dibdib at maamoy ang halimuyak ng isang lalaki.

Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya naagapan ni Jayson. Nahawakan siya nito sa beywang.

Tiningala niya ito, kunot ang noo at nakataas ang isang kilay ni Jayson. Pero may naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"Sorry," nahihiyang hingi niya ng paumanhin at tumayo ng matuwid.

Nabitawan ni Jayson ang hawak sa kanya.

"What's the matter?"tanong nito na nagingiti na naman. Nasisiyahan si Jayson sa nakikitang pamumula ng babae.

Umiling si Vivien Parang naumid ang dila niya sa paghaharap nila.

"Wala, eh anong sinisilip mo?"tanong niyang muli, may halong pang-aasar ito.

Napalabi si Vivien.

Nasaan na ang tapang mo Vien? Usap niya sa sarili.

"Matutulog na ako," paalam na lang niya kay Jayson. Hindi na muling makatingin sa mukha nito kaya nagmamadali niyang bagtasin ang daan patungong kwarto.

Napatigil lamang siya dahil sa malakas na halakhak nito.Napalingon siya rito at nagtatakang pinagmasdan ito. Napaka-genuine ng halakhak na iyon.

"Kagigising mo lang, matutulog ka ulit?" lalong mas naging mapaglaro ang ngiti nito sa labi.

"Puyat ako", sagot niya at tinalikuran na muli ang lalaki para pumunta sa kwarto.

Agad na napawi ang ngiti ni Jayson noong mawala sa paningin niya si Vivien.

You can't be this happy Jay, you're not allowed. Specially with her. Paalala niya sa sarili.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained by the Past   Kabanata 13

    Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni

  • Chained by the Past   Kabanata 12

    Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito

  • Chained by the Past   Kabanata 11

    Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

  • Chained by the Past   Kabanata 10

    Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no

  • Chained by the Past   Kabanata 9

    Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti

  • Chained by the Past   Kabanata 8

    Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status