LOGINMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man, mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at poot na dala ng masamang nakaraan. Kaya mo bang magmahal at mag paubaya? Kaya mo bang magpatawad at tanggapin kung sino man siya. Kaya mo bang kalimutan ang poot at pagkasuklam, para mahalin siya? Can you free yourself from being chained by the past?
View MoreMabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni
Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito
Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.
Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no