LOGIN
Naglalaro ng putik ang pitong taong gulang na si Vivien sa malawak na likod bahay ng mga Perez. Ang pinakamayamang angkan sa kanilang bayan.
Ang nanay niya ay katulong at labandera sa mansiyong iyon. Sabado ng umaga dahil hindi nakauwi ang kanyang Tatay, napilitan ang kanyang ina na isama siya sa mansyon.
Abala ang kanyang ina sa paglilinis sa loob ng bahay. Binilinan siya nito na sa likod lang at huwag na huwag papasok sa loob.
Kaya naman dahil walang magawa, napagtuunan niya ng pansin ang maliliit na bahagi ng tubig ulan. Umulan kagabi kaya naipon ang mga tubig sa lupa.
Tuwang-tuwa siyang nagtampisaw sa tubig. Habang ang malamyos na hangin ay dumadampi sa kanyang balat. Sumisilip din ang sinag ng araw mula sa malalaking puno ng mangga sa bakuran. Hindi pa nakuntento pati kamay niya ay naglaro doon.
"Yuck! You are playing with the dirty water!?"
Nagulat siya noong may mag-salita mula sa kanyang likod. Agad siyang tumayo at tinignan ang nagsalita.
Dahil sa paglalaro,nakatabing ang ibang buhok niya sa kanyang mukha. Kaya para makita ang kanyang panauhin, gamit ang maruming kamay, hinawi niya ang buhok.
Nadumihan tuloy ng putik ang kanyang mukha.
Ngumiti ang bungal na si Vivien. Isang batang lalaki na kasing edad niya ang nakatayo sa 'di kalayuan.
Chubby ang batang iyon. Nakadamit ng puti at maong shorts.
Looking disgusted. Lumayo pa lalo ang batang lalaki sa kanya.
"Gusto mo makipaglaro?" dahil inosente at walang kaalam-alam, naka ngiti pa rin niyang inaya ang bata para maglaro.
Ang batang lalaki naman ay nandidiring lumayo pa sa papalapit na batang babae.
"Stay away from me,you dirty and stinky brat!" sigaw nito at lalong nagkumahog para makalayo.
Dahil hindi naman nakakaintindi ng english si Vivien ay nagpatuloy pa rin ito sa paglapit.
"Halika, masaya maglaro 'pag dalawa." Pilit niyang inabot ang kamay ng bata nang marumi niyang kamay.
Sa pagkabigla sa kanyang ginawa ay naitulak siya ng batang lalaki.
Napasalampak siya sa lupa.
Siya namang paglabas ng kanyang ina mula sa bahay.
"Senyorito!"
Ang nasaktan na si Vivien ay agad na tumayo at mangiyak-ngiyak na tinignan ang inang papalapit sa kanilang dalawa.
"Naynay, itinulak niya po ako," sumbong niya rito. Itinuro pa ng maruming kamay ang batang lalaki.
Ngunit imbes na daluhan siya ng ina. Ang batang lalaki ang agad nitong nilapitan.
"Okay ka lang ba senyorito? At ikaw Vivien, anong ginawa mo kay senyorito ha!" baling na tanong nito sa kanya.
Naiiyak sa pagkabigla ang batang si Vivien. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa kanya nagagalit ang ina, kitang-kita naman nito ang nangyari. Siya ang nasaktan. Kahit sa murang isip, alam niyang wala siyang ginawang masama.
Kinurot siya sa tagiliran ng ina.
Napasigaw siya sa sakit ng kurot.
"Nay, masakit," impit na sigaw niya.
"Ikaw bata ka,'di ba sabi ko sa iyo huwag kang gumawa ng ikakapahiya ko!" nanggigigil na saad ng nanay niya.
"Naynay, wala po akong ginawa sa kanya. Siya nga po nantulak sa akin e." Pagtatanggol niya sa sarili.
Napalingon si Vivien sa batang lalaki.
Pinapanood nito ang ginawang pangungurot sa kanya ng ina.
Nakatawa pa ito at mukhang masaya na nakikitang sinasaktan siya ng ina.
Muli siyang nagmakaawa sa ina dahil patuloy ito sa pangungurot.
"Naynay, sorry na po." Namimilipit na sa sakit sa tagiliran si Vivien.
"Huwag ka sa akin humingi ng tawad... magsorry ka kay senyorito," galit na utos nito at hinila siya patungo sa harap ng batang lalaki.
Wala man kasalanan, napilitan siyang humingi ng tawad. Mapapagalitan at masasaktan lamang siya lalo ng kanyang ina.
"Sorry." Tumingin siya sa batang lalaki. Nakalabi siyang humingi ng tawad.
"I dont want you here anymore. You're dirty and stinky. Bleh!" Iyon ang tugon sa kanya ng batang lalaki.
Lalong napaiyak ang batang si Vivien. Lalo noong binelatan siya ng batang lalaki. Agad tumakbo ang batang lalaki sa loob ng bahay.
Nanlilisik ang mga mata ng kanyang ina noong tingalain niya ito habang nagpupunas ng luha.
"Umuwi ka na nga bata ka! Siguro naman nandoon na ang walang hiya mong ama!" puno ng iritasyong utos nito sa kanya.
"Naynay, hintayin nalang kita. Malayo po ang bahay," pakiusap niya.
Nagbisikleta kasi silang mag-ina patungo sa mansyon. Malayo ang kanila sa mga kabahayan. Nakatayo kasi ang kubo nila sa may bundok. Kung hahakbangin ng maliliit niyang mga paa, aabutin siguro siya ng isang oras mahigit sa paglalakad.
"Hay naku Vivien, umuwi ka na. Baka matanggal pa ako sa trabaho dahil sa iyo. Ikaw ang malas sa buhay ko...tignan mo nga ngayon! Umuwi ka na," utos nito.
Naiiyak na naman ang batang si Vivien.
"Huwag na huwag mo akong dramahan bata ka ha! Umuwi ka na kung ayaw mong makatikim ulit sa akin!" pagalit na sigaw ng kanyang ina.
Napatakbo ang batang si Vivien nang akma siyang papaluin ng ina.
Mangiyak-ngiyak man ay nagpatuloy siyang maglakad. Alam naman niya ang daan pauwi.
Habang naglalakad sa medyo mabatong daan, napapansin ng batang si Vivien na pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan.
Napayuko tuloy siya.
"Ay!" Sigaw niya na nagpalingon sa mga nagtsitsismisan sa harap ng tindahan ni Aling Juaning. Napansin niyang wala pala siyang suot na tsinelas. Sa takot niya sa nanay niya, napatakbo pala siyang hindi naisuot ang sapin niya sa paa.
Napalabi ang batang si Vivien. Maglalakad siya ng higit isang oras tapos wala pang tsinelas.
Napasalampak siya sa gilid ng daan. Sumakit ang kanyang paa sa naapakang bato.
"Ano'ng nangyari sa iyo Vivien," isang nag-aalalang tinig ang narinig niya.
Tumingala siya. Inaaninag mula sa sikat ng araw ang babaeng nakatayo sa harap niya.
Nakita naman ng babae ang pagkurap-kurap niya dahil sa sinag ng araw kaya bumaba ito para pantay sila ng nakasalampak na batang babae.
Napangiti si Vivien nang mapagtantong si Mrs Belen iyon. Magiging guro niya sa pasukan.
"Hello titser," Isang masayang ngiti ang ibinigay niya rito. Musmos man, ramdam niya kung sino ang mabait at nagbabait-baitan lang sa kanya.
"Tignan mo ang itsura mo bata ka, bakit ang rumi-rumi mo? Nasaan ang tsinelas mo?" Sunod-sunod na tanong nito. Hinaplos ang mukha ng batang paslit. Inilagay din sa likod ng teynga ang nakatabing na buhok sa mukha ng bata.
Tumayo si Vivien.
"Nandoon po, doon sa malaking bahay," itinuro niya ng daliri ang gawi kung saan siya galing.
"Bakit mag-isa ka, saan ka pupunta?" bakas pa rin sa mukha ng guro ang pag-alala nang muling ibaling ang tingin sa bata.
"Uuwi na po ako sa amin," inosenteng sagot ng batang si Vivien.
"Ikaw lang mag-isa?" nag-aalalang tanong muli nito.
Tinanguhan ng batang si Vivien ang gulat na guro.
"Ma," tawag ng isang batang lalaki mula sa kabilang kalsada. Palapit ang sampong taong gulang na anak ni Mrs Belen.
May hawak itong dalawang supot ng soft drinks at tinapay na kabibili lang sa tindahan.
Napalunok si Vivien nang makita iyon. Hindi pa siya nananghalian. Ala-una na ng hapon.
Napansin naman ng mag-ina ang tingin niya sa pagkain. Nagkatinginan ang mga ito.
"Gusto mo?" Tanong ng nakangiting batang lalaki.
"Hindi na, sa inyo 'yan," tanggi niya kahit pa kumakalam na talaga ang kanyang sikmura.
Nakangiting nagtinginang muli ang mag-ina
"Sa 'yo na ito," Inabot ng bata ang soft drinks at supot ng tinapay.
Nag-alangan man ay nangibabaw na rin kay Vivien ang gutom kaya agad na nilantakan ang tinapay na bigay.
"Salamat po," sambit niya habang puno pa ang bunganga.
Siya namang pagdating ng tricycle na kanina pa siguro hinihintay ng mag-ina.
"O siya, Vivien aalis na kami. Kung hindi lang sana kami nagmamadali ipapahatid na kita kahit hanggang sa kaya nitong tricycle. Kaya lang ay talagang kailangan kami sa hospital. Mag-ingat ka," mahabang saad ng guro, wala siyang magagawa kundi iwanan ang batang paslit.
Ngumiti lamang si Vivien.
Aalis na rin sana siya noong sigawan siya ng anak ni Mrs Belen.
Inalis nito ang tsinelas at ibinigay sa kanya.
"Malaki sa 'yo, pero mas okay na kesa maglakad kang naka-paa." Umiling siya para tumanggi. Nakatingin siya sa paa ng bata.
"Bibili na lang kami sa bayan ng akin mamaya. Importante ikaw," nakangising sabi nito. At saka tumakbo na patungo sa naghihintay na tricycle. Kumaway pa ito bago tuluyang sumakay.
Isinuot niya ang tsinelas na malaki ng kalahati sa kanyang paa. Napangiti ang inosenteng si Vivien.
Nangiti siya dahil hindi naman ganoon kamalas ang araw na iyon. Hindi siya malas ngayon.
May libre na siyang pagkain...may kaibigan pa siya sa katauhan ng mag ina.
(Vote comment follow)
Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni
Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito
Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.
Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no
Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti
Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas