Share

Kabanata 13

Author: Jhodreams
last update publish date: 2020-10-01 01:54:53

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.

Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis. 

"Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"

Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong.

"Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"

Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya.

"Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"

Napatiim bagang siya. 

"Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririnig mula sa kanya.

"P're naman, hindi naman tayo suwail sa batas. Ano bang problema mo sa tao?" Napapakamot na sa batok ang pulis. Hindi alam ang gagawin, lalo na kaya kung ipagpilitan ni Jayson ang gustong mangyari.

Jayson's jaw clenched. He looks so angry. Natakot ang kaibigan niyang pulis.

Kilala ang pamilya ni Jayson. Sa kanila ang pinakamalaking hospital sa bayan. Kanila ang clinic sa kanilang barangay na pinamamahalaan pareho ni Dr.Villa. May iba't ibang negosyo rin ang pamilya nito roon. Isang napakagaling na negosyante ang ina ni Jayson at isang arkitekto ang ama nito. Kilala ang mag-asawa sa buong bayan, kaya hindi lingid sa mga ito ang nangyaring gulo noon. They are just forbidden to talk about it, bilang respeto sa pamilya Perez na malaki ang naitulong sa naturang lugar.

"Never mind, tiyakin mo lang na mamanmanan ninyo ito. He might do something bad. At ayaw kong lumapit siya sa anak niya, baka ako ang makapatay sa kanya," mariing saad ni Jayson na nagpalunok sa laway ng kaibigan. He knew Jayson, makailang beses na itong nadamay sa malaking gulo. Kung hindi ito ang halos mamatay, ito naman ang makakapatay. Walang sinasanto ang kaibigan. Maging si Kamatayan. Kaya nitong makipaglaro sa apoy. Matalino si Jayson, lalo na pagdating sa taong umaagrabyado sa kanila. Kung siya ang kinalaban ,hindi mo mapapansin, naglalakad ka na pa lang may saksak sa likod.

Nakaramdam tuloy ng awa ang pulis sa matandang lalaki. Mukhang pinag-iinitan ito ni Jayson. Ayaw na rin naman niyang alamin ang dahilan, baka siya naman ang mapahamak sa kamay nito.

"Aalis na ako, tawagan mo na lang muli ako kung may pagbabago at kung mabubulok na ito sa kulungan." Paalam nito at akma na sanang aalis noong may naalala. "How about...?"

Naintindihan agad iyon ni SPO2 Matias.

"Balita ko nasa kabilang bayan na sila. Sa San Mateo." Apat na taon nang may pinasusubaybayan si Jayson sa kanya.

Nagdilim ang mukha ni Jayson.

"Good!" Puno ng galit na saad nito at agad na umalis. Napailing na lamang si SPO2 Matias habang pinapanood si Jayson. "You need to move on Jayson. Para maging masaya ka. Hatred will just kill you." Sa isip niya habang pabuga ng hangin. Wala siyang ibang hinahangad kundi ang kasiyahan at kalayaan nito sa nakaraan. Oo nga't mahirap kaaway si Jayson, pero napakabuti nitong kaibigan. 

Hindi agad umuwi si Jayson. Tumigil siya sa parke at nagpalamig ng ulo. Ayaw niyang umuwi na mainit at may galit sa dibdib. Baka kung ano ang magawa niya at masabi sa babaeng kasama.

Nakaupo siya sa motor niyang nakapark at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro ng baseball nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot noong makita kung sino ang tumatawag.

"Ma?" Pilit niyang pinasaya ang boses. Hindi kailangan malaman ng kanyang ina na may bumabagabag sa kanya. Hindi ito makakatulong sa kanyang kalagayan.

"How are you, iho? Namimiss ka na ni Mama." Mapait na napangiti si Jayson sa turan ng ina.

"I miss you too ma. I really miss you." gumaralgal ang boses niya. Naalala ang kalagayan ng inang nasa Maynila. Gusto sana niya itong samahan pero importante din ang mga negosyo nila. Ayaw din ng ina niyang mapabayaan ang mga iyon. Kung sana nandoon ang kanyang ama. Sana hindi nagkanda letse-letse ang buhay nila.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone noong maalala ang kanyang ama.

"I want to see you iho." Nadurog ang puso niya noong magsimula nang humikbi ang ina sa kabilang linya.

"Ma, magpagaling ka, magkikita tayo at magsasama na muli. Don't worry, I will visit you one of this days." Pangako niya habang nagpapahid ng luha sa mga mata. Napatingala siya sa langit para pigilan ang luhang nais pang kumawala.

"Everything will be alright ma."

Narinig niya ang buntong hininga ng ina sa kabilang linya at ang papahinang hikbi.

"Ang batang iyon, siya ang may kasalanan ng lahat!" Nang biglang maghisterical ang kanyang ina sa kabilang linya, nagsisisigaw ito. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone lalo na noong marinig ang ibang mga boses sa kabilang linya. Unti-unti na ring nawawala ang boses nito sa telepono. Kinabahan siya.

"Ma?" Alumpihit niyang tinatawag ito. Napamura siya noong wala na talagang sumasagot, ayaw niya lang patayin ang tawag dahil baka may sumagot pa. Hindi naman siya nagkamali, pagkaraan ng limang minuto, may kumausap na sa kanya mula sa kabilang linya.

"Hello po," boses babae iyon.

"What happen to my mom?" Hindi maaalis sa tinig niya ang pag-alala, na may kalakip na galit. Galit na hindi niya alam kung para kanino.

"Sir, pinatulog po namin si Ma'am. Nagwawala po kasi. Tawagan niyo na lang po sa ibang araw."

Bumuntong hininga siya. Muling napakuyom ang kamao niya. Akala niya bumubuti na ang lagay ng ina. That she's moving on already. Noong huling bisita niya rito ay maayos naman itong kausap. Maayos din ang lagay at maaliwalas ang mukha.

Napapaisip siya kung nararamdaman kaya ng ina niya ang ginagawa niya ngayon? Nararamdaman kaya nito ang pakikipaglapit niya kay Vivien. Nararamdaman ba nito ang labis niyang pag aalala sa babae. Kung gayon, dapat na ba siyang umiwas?

"Sir?" Nabasag ang malalim niyang pag iisip sa tawag na iyon.

"Alright, I will call again next time. Thank you." Pinatay niya ang cellphone, at tila nanghihinang napakapit sa upuan ng motor. Nagpupuyos ang kanyang kalooban.

Sa galit na gustong ilabas, pinagsisipa niya ang gulong ng motor. Pinagsusuntok ang upuan. Hindi pa siya nakuntento, binuwal niya ito at nagsisigaw. Natakot tuloy ang mga batang kanina lang ay masayang naglalaro. Nagsitakbuhan ang mga ito palayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained by the Past   Kabanata 13

    Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni

  • Chained by the Past   Kabanata 12

    Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito

  • Chained by the Past   Kabanata 11

    Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

  • Chained by the Past   Kabanata 10

    Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no

  • Chained by the Past   Kabanata 9

    Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti

  • Chained by the Past   Kabanata 8

    Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status