Alas otso na ng gabi. Wala na masyadong tao sa kalsada. Ganoon sa probinsiya, alas siyete pa lang ng gabi, kung hindi tulog ay nasa loob na lang ng bahay ang mga tao.Hapong-hapo mula sa kakatakbo ang labing-siyam na taong gulang na si Vivien. Hindi alam kung saan tutungo. Basta tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada na naiilawan lamang ng iilang poste ng ilaw. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumadampi sa kanyang balat habang paika-ikang dahan-dahang tumigil sa pagtakbo.Magulo ang buhok at punit ang damit, ni walang tsinelas na suot. Napaupo si Vivien sa gilid ng kalsada para makapagpahinga.Mangiyak-ngiyak na hinaplos niya ang masakit na talampakan.Ngayon niya naramdaman ang hapdi ng sugat na naroon. Hindi niya inalintana ang sakit kanina basta makatakas lang.May mga pasa rin siya sa katawan at mukha. Muli siyang lumingon sa pinanggalingan, wala na ang humahabol sa kanya. Napahagulgol siya nang mapagtanto
Last Updated : 2020-09-29 Read more