Share

Kabanata 4

Author: Jhodreams
last update publish date: 2020-09-29 06:11:17

Parang musika sa teynga ang huni ng mga ibon. Sariwang hangin mula sa malalaking puno. Para siyang hinehele habang nakahiga at relax na relax sa duyan.

Ahhh...Ang sarap ng ganitong buhay...

Nang biglang ang hele ay parang lindol sa lakas nang paggalaw ng duyan.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at naghanda para tumakbo.

Pero biglang bumuka ang lupa. Kitang kita niya ang madilim at malalim na butas sa kanyang paanan. Wala siyang pagpipilian kundi manatili sa duyan at maghintay ng tutulong.

Nang biglang may maitim na kamay ang humawak sa kanyang paa. Pilit siyang hinihila.

Sumigaw siya at nagtatadyak.

Sumigaw siya nang sumigaw habang inilalaban ang buhay. Pilit siyang hinihila sa loob ng hukay. Kapit na kapit naman siya at nilalabanan ang kamay na iyon...

Ngunit kahit gaano siya kumapit. Kahit ilaban pa niya ng ilang beses. Talo pa rin siya.

Tuluyan siyang nahulog.

Sa kanyang pagkakahulog nakakita siya ng mga tao sa taas ng bangin na tinatawanan siya. O kaya ay tinutuya. May mga tingin na naaawa ngunit walang nais tumulong.

Nandoon din si Robert, ngunit may pumipigil dito para tulungan siya.

Nawalan na siya ng pag-asa.

Nang isang kamay ang pilit siyang inaabot. Ngunit nagdalawang-isip siya na abutin iyon nang makita kung kanino ang mga kamay na iyon.

Gusto pa niyang mabuhay, aabutin ba niya? O hahayaan niya at tuluyan nang magpalamon sa lupa.

Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata.

"Vivien, Vivien!" Narinig niyang sigaw. Patuloy ang pagsigaw sa kanyang pangalan.

"Vivien!" sa huling sigaw na iyon ay napamulat siya at inabot ang kamay na iyon.

"Vivien?"

Sa kanyang pagmulat. Napaisip si Vivien kung ligtas na ba siya?

Nanlalabo man ang kanyang paningin. Nakaramdam naman siya ng kaligtasan. Isang malaki at mainit ang nasa harap niya, nakayakap sa kanya. Nagbibigay sekyuridad na ligtas nga siya.

Nakayakap din siya dito. Kung gaano kahigpit ang yakap nito ay mas mahigpit ang kanya. Ayaw niyang bumitaw. Muli siyang pumikit. Isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa balikat ng taong kayakap.

"Shhh... are you okay now?" Isang mabining tanong iyon na nagpasikdo sa kanyang puso.

Napamulagat siya at bigla ang pagtahip ng kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses.

Bigla siyang kumalas at tinulak si Jayson.

"An'ong ginagawa mo rito? Asan ako? An'ong nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong habang palinga-linga.

Their eyes met.

Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi niya maintindihan, it was the first time na makitaan niya ng ganoong ekpresyon si Jayson.

He always has a blank face. Blank emotion. Blanko talaga na hindi mo mababasa kung ano ang iniisip niya, ano ang nararamdaman niya.

Nakikita lang nila ang emosyong nito kung galit!

"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya noong hindi siya bitawan ni Jayson.

She looked around. Hinala niya ay nasa hospital siya. Hinawakan niya ang suwero at hinila ang karayom sa kamay para tuluyang maalis.

It was painful pero tiniis niya.

She's still weak. Nakaramdam pa rin siya ng hilo, pero hindi siya puwedeng magtagal sa lugar na iyon.

Unang-una, wala siyang pambayad.

Pangalawa, kailangan niyang makaalis nang makapaghanap buhay siya. Wala siyang pera para gastusin sa kahit anuman..

Pangatlo...

Ayaw niyang manatili sa iisang lugar kasama si Jayson.

"What are you doing?" gulat na tanong ni Jayson sa kanyang ginawa.

"Kailangan ko na'ng umalis," mailap ang mga matang sagot niya dito. Bumaba sa kama.

Suot ang hospital gown, nagsimula siyang maglakad. Ngunit pinigilan lamang siya ni Jayson. He grabbed her arm and pull her back to his body.

"No you can't." he whispered. Maawtoridad ang tinig nito sa pagpigil sa kanya.

Naestatwa siya sa bilis ng pangyayari. They've never been very close in their entire life,ang ganito,ang magkayakap.

Her heart beats crazily.

Hindi niya maintindihan pero hindi pa siya nakaramdam ng ganoong tibok ng puso.

Not even to his ultimate crush and ex-boyfriend na si Robert. Maybe because of the mix emotions, hindi niya matanto kung ano.

"Wala akong pambayad dito kung tatagal pa ako," wala siyang maisip na idahilan, kaya iyon ang lumabas sa bibig niya, but part of it was true. Wala siyang pera.

"I'll pay everything," deklarasyon nito at pilit siyang inalalayan papunta sa kama.

"Ayaw kong magkautang..."

"Whether you like it or you need to like it...you stay here. Ako na ang bahala sa lahat. If you want to pay me? I'll tell you when or how," sabi nitong pinutol ang anumang sasabihin niya.

Still in his arms, hindi na siya muling nagsalita. Nahihilo siyang muli, isabay pa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Nanghihina siya. Nangangatog ang kanyang mga tuhod.

Tila naman naramdaman iyon ni Jayson kaya pinangko siya nito patungo sa kama.

Kakababa lamang sa kanya ni Jayson nang bumuka ang pinto at iniluwa doon ang hangos na hangos na si Robert.

The face of a worried man.

"Vivien, an'ong nangyari? Okay ka lang ba?" Tarantang tanong nito sa babaeng kahihiga pa lang.

Nilapitan niya agad ang babaeng nakahiga. Hindi pinansin ang ibang naroon, nakatuon ang kanyang paningin kay Vivien.

"Anong ginagawa mo rito Robert? Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Vivien na mukhang kabado. Nanginig ang kanyang boses sa pag aalala.

"Hinahanap ka ng Tatay mo. Sabi niya hindi ka pa daw umuuwi. Nagtanong tanong ako, may nakakita nga na dinala ka dito," sagot nito at ginagap ang kamay niya. "Okay ka lang ba?ano ang nangyari?"

Takot ang gumuhit sa mukha ni Vivien.

But when she sees Jayson's dark face and dark aura. Bigla siyang kinilabutan. Mas lalo siyang natakot sa presensiya nito.

"P-pakisabi na lang kay tatay hindi muna ako uuwi,"aniya na hindi makatingin nang diretso kay Robert.

"Why?" kunot-noong tanong nito.

"Dahil...k-kasi..."

"She needs to be here for a day or two. She still needs some test," sabat ni Jayson nang wala siyang maapuhap na idadahilan.

Robert was very surprised of seeing Jayson there.

"Anong ginagawa ng gagong 'to dito?" Nagngingitngit na tanong ni Robert. Ang tinging ipinukol niya kay Jayson ay parang makakapatay.

With his dark aura, Jayson manage to smile to mock Robert.

"I'm her knight in shining armour," panunuya pa nito sa lalaki. Pinantayan ang matalim na tingin ni Robert.

Vivien was panicking. Baka mag-away muli ang dalawa. Last time ay halos mag patayan ang mga ito. Hindi na niya maalala ang dahilan. Pero hospital ang bagsak ni Robert.

Sabagay nasa hospital sila ngayon...

Pero hindi!

"Sasama ka na lang sa akin kung ayaw mong umuwi sa inyo." Pagkukumbinsi nito sa kanya. Muli siyang hinarap nito.

Robert is about to pull her so she can stand.

"Try! Tignan natin kung makakalabas ka dito ng buhay," banta ni Jayson.

Pinigilan ni Vivien ang kamay ni Robert nakikiusap sa pamamagitan ng mga mata na umalis na ito.

"No, Vivien sasama ka sa akin" pamimilit ni Robert.

"And where are you going to take her? Sa bahay ninyo? At anong balak mong gawin kay Vivien? Gawing kabit? Hindi ba't buntis ang asawa mo? Baka mapaanak iyon ng maaga ." Ngumisi pa si Jayson habang nakikita ang pagtiim bagang ni Robert. Natutuwa siyang makita ang pagkatalo nito.

Biglang sumugod si Robert at kinuwelyuhan ang nakangising si Jayson.

"Vivien knows my situation with Elaine. Hindi kami kasal, at hindi ko kailanman gagawing kabit si Vivien. I love her, and I treasure her!"

Nagdilim pa lalo ang mukha ni Jayson dahil sa narinig mula kay Robert. Ngayon pakiramdam niya siya ang talo. Hinawakan niya ang kamay ng lalaking nakahawak sa kwelyo niya, mahigpit ding hinawakan iyon. Gigil na gigil siya at nagngingitngit ang mga ngipin. Gustong gusto niyang ibalibag sa sahig ang lalaki. Kung hindi lang dahil kay Vivien, malamang bali na ang buto ni Robert. Isa pa, ayaw na niyang dagdagan pa ang pasakit na nararamdaman ng dalaga.

Natatarantang bumangon si Vivien.

"Please 'wag kayo mag-away, uuwi na

lamang ako," Sigaw niya sa mga ito kahit pa nga hinang-hina pa siya.

Binitawan ni Robert si Jayson. Napatingin ito sa kanyang dereksiyon.

While the other man is so pissed right now.

"No way lady, sa tingin mo hahayaan kitang umuwi. Kitang kita ko ang takot mo sa Tatay mo!" Saad ni Jayson sa sarili.

"You're not going home. You will stay here!" utos ni Jayson sa dalaga.

Hindi makapaniwala, napatingin si Vivien at Robert sa kanya.

"Ano'ng pinaplano mong kabulastugan na naman kay Vivien?" dudang tanong ni Robert. Matalim ang tinging ipinukol niya sa binata.

Imbes na sagutin ang tanong ni Robert ay kay Vivien siya nakatingin.

"This is what I want you to do to pay me for your life. Stay with me." hindi iyon pakiusap kundi utos sa dalaga.

Her jaw dropped. While Robert was pissed again.

"Baka nakakalimutan mong mula pagkabata wala kang ginawa kay Vivien na mabuti. You just make her suffer! So what game is this again?" Akusa na tanong ni Robert. Muling lumapit sa dalaga at nakiusap. "Hindi ka sasama sa kanya Vivien."

Parang wala siyang narinig na salita mula kay Robert. All her attention was with Jayson na nakatitig lang sa kanya ng mariin.

Para siyang hinihipnotismo ng mga matang iyon ng lalaki.

"We can pay him back. Ako ang bahala," dagdag ni Robert para makumbinsi siya." Tara ..."

"Hindi ako sasama sa 'yo Robert. Umuwi ka na, baka hinihintay ka na ni Elaine." She cut him off.

Roberts face was in disbelief na pinagtutulakan niya ito paalis.

Humarap si Vivien kay Robert noong dumilim ang ekspresyon nito.

"I know that you are concern about me, as a friend. Salamat. Pero kaya ko ang sarili ko. Gaya ng dati, I will not allow him to bully me again. Hindi ako papatalo sa kanya. Pero gaya nga ng sabi niya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at naniningil na siya. After this... it will be normal again. Umuwi ka na." pinal na saad niya sa lalaking bagsak ang balikat na umalis.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained by the Past   Kabanata 13

    Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni

  • Chained by the Past   Kabanata 12

    Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito

  • Chained by the Past   Kabanata 11

    Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

  • Chained by the Past   Kabanata 10

    Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no

  • Chained by the Past   Kabanata 9

    Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti

  • Chained by the Past   Kabanata 8

    Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status