Share

Kabanata 3

Author: Jhodreams
last update publish date: 2020-09-29 06:10:20

Pinagmamasdan ni Jayson ang nakahigang dalaga. Nasa maliit silang silid sa hospital. Nakaupo siya sa maliit na monoblock chair sa tabi ng kama nito. Mahimbing na natutulog si Vivien. Dahil na rin siguro sa pagod at mataas na lagnat. Napabuntong hininga siya habang hinahaplos niya ang may pasang pisngi ng dalaga. 

"Tama ka nga, Vivien. Masaya nga siguro ako kapag binubully kita. Kapag nakikita kitang hindi masaya. But I will never hurt you like this. I will never hurt you physically. Gago ang gumawa nito sa 'yo, malaman ko lang kung sino, mas matindi pa ang mapapala nito sa gagawin ko. Babasagin ko ang mukhang meron siya!" pagbabanta niya habang kausap ang tulog na dalaga. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa nararamdamang galit.

Gumalaw ang natutulog na si Vivien. Kaya naman agad din niyang binawi ang kamay na humahaplos sa pisngi ng dalaga.

Ilang saglit lang ay pumasok na ang doctor sa kwarto.

"Hijo," called by the doctor with a worried face.

He knew then there's something wrong. Napatayo siya at sinalubong ito.

"Ninong?" Mapait siyang napangiti sa Doctor at the same time ay ninong niya. Lumapit sa kanya ang doctor at tinapik siya sa balikat.

"Wala ba siyang ibang pamilya maliban sa kanyang ama?" tanong ng doctor na lalong nagpakunot ng noo niya. Lalo siyang nabahala.

Labis siyang nagtaka.

Kanina lang ay hinanap ang pamilya ni Vivien, pero dahil ama lang ang alam niyang meron ito, at nagta-trabaho pa yata ito sa ibang lugar, sinabi na lamang niya na siya ang tatayong pamilya nito at magbabayad sa lahat ng gastos sa hospital. Siya rin ang pipirma ng kaukulang papeles na kakailanganin.

"Kaibigan niya ako ninong." pagkumbinse niya sa Doctor. Nararamdaman niyang walang tiwala 

O parang ayaw sabihin sa kanya ang isang bagay.

"Alam ko Jay, but this is really sensitive. Kung totoo ang hinala ko, she could be in danger," pabulong lamang ang boses ng doctor habang siya ay kausap.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Eager to know what is really wrong.

"Ninong, Trust me. What's the matter?" tila nawawalan na siya ng pasensiya kaya hindi na maitago sa boses niya ang frustration.

Huminga ng malalim ang doctor at lumingon sa tulog na tulog na si Vivien.

Saka muli siyang binalingan. Tumagal ang pagkakatitig nito sa kanya bago bumuntong hininga at nagsalita.

"I suspected rape case here hijo. She was molested by someone."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa doctor.

Kuyom ang kamao at umigting ang kanyang panga. Ayaw niyang ipakita sa doctor ang nagpupuyos niyang galit.

The situation is like a bomb, it is worst than what he thought...

"But I'm not sure yet hijo, kailangan natin ng consent niya to have a medico legal. If she wants to use this as an evidence. The question is? If she wants to sue who's responsible for what happen to her," mahabang sabi ng doctor at tinapik siya sa balikat.

"Paano? Why do you think it is a case of rape?" Still in the act of denial na tanong niya.

"Itsura pa lang niya noong dinala mo siya rito. Punit na damit, pasa sa katawan. And the nurse said, she has a kiss mark malapit sa kanyang dibdib, and a finger mark on her thighs too. We don't know if it happens too before, pero this time, mukhang nanlaban siya," mahinahong paliwanag sa kanya ng doctor.

Bagsak ang balikat. Hindi niya napigilang suntukin ang dingding.

"Maghulos dili ka Jayson,"malakas na napasigaw ang doctor, inaawat ang galit na inaanak. Napalingon din ito sa tulog na dalaga. Buti nalang at mahimbing ang tulog nito.

Nangibabaw pa rin ang pagiging amain ng doctor sa kanya, pinigilan nito ang kanyang mga kamay na walang halong puwersa.

"Like I said, it's not confirm yet. And Jayson this not your business anymore! Kung tama ang hinala ko, let the authorities do what they need to do!" Suhestiyon ng doctor sa kanya. Matamang siyang pinagmamasdan.

Jayson seems not listening to him. 

"Kayo muna ang bahala kay Vivien," 

He grabbed his wet jacket na nakalagay sa ibabaw ng mesa saka akto nang palabas. 

"At saan ka pupunta? Sa bundok? Para ano Jayson? We don't really know who? Isa pa hindi mo teritoryo ang bundok na iyon! Mapapahamak ka!" Mariing babala ng doctor kay Jayson.

Blood shot eyes, unti-unting pumatak ang mga luha sa mga mata ni Jayson. Sa realidad na wala siyang magagawa.

Idagdag pa ang frustration at galit na nararamdaman, makakapatay talaga siya ng tao.

Hindi niya maintindihan!

Walang ibang dapat manakit, walang ibang dapat mag paiyak, magpahiya kay Vivien.

Walang iba kundi siya lang!

Papatayin niya kung sino ang gumawa sa kanya ng ganito, kahit na sino, maging ama man ito ng dalaga.

Mga walang hiya!!

She was rape? She was molested?

"Arghhhh" sigaw niya habang sinabunutan ang buhok at nagpalakad- lakad sa maliit na silid.

"Hijo, umuwi ka muna. Magpahinga. Kailangan mo narin magpalit ng damit," utos ng doctor.

"No! I'll stay. I want to know everything from her!" Nagpupuyos sa galit na wika niya.

Hinila siya ng doctor.

"She was in distress Jayson, maybe in shock too. Not only her body but her emotion, her mind. Don't make things worst Jayson. Umuwi ka na. You need to calm yourself too. Hindi ka makakatulong kung dadagdag ka pa sa problema hijo. Kami na ang bahala sa kanya," paniniguro ng doctor kay Jayson na para bang walang tiwala sa kanya.

Matalim ang tinging ipinukol niya sa doctor. Napabuntong hininga na lamang si Dr. Villa.

Walang nagawa si Jayson noong ipagtulakan siya ng doctor palabas sa pinto. At iiling-iling habang pinasadahan ng tingin ang sinuntok nitong dingding. Tanging plywood lang ang pumapagitan sa mga kwarto sa mallit niyang klinika. Kaya hindi na siya nagtakang may bitak ang dingding.

Kilala niya si Jason. Kilala niya rin si Vivien at ang kaugnayan nito at sa pamilya ng mga Perez.

Naiiling na lamang siya. 

Kanina lang ay nakita niyang magalit ng ganoon si Jayson. Tipikal na mainitin at basagulero ito. Pero iba ang galit na nakita niya kanina.

Kakaiba din ang ikinikilos ng kanyang inaanak. 

The way he panic habang humihingi ng tulong para magamot ang dalaga.

The way he was disturb while waiting for all the results.

The way he look at her too is very different..

Is it different?

Maybe?

Tinawag ng doctor ang nurse na nakaduty sa gabing iyon.

"Pakibantayang mabuti ang pasyente. Tawagan ako kung nagkamalay na siya." Utos niya sa nurse at muling pinasadahan ng tingin si Vivien

"Yes doc."

"Siya uuwi na ako," paalam niya habang nakatanaw pa rin sa dalagang mahimbing na natutulog.

Kanina pa sana umuwi si Doctor Villa. Pero dahil nga sa emergency na kailangan ng inaanak kaya siya inabot ng halos hating gabi na.

Isa pa, panatag siyang mahimbing ang tulog ni Vivien. Alam niyang magigising na ito bukas ng umaga. O baka tanghali na.

Ang importante ngayon ay ma-i-check niya muna ang inaanak kung nakauwi ito ng maayos at walang ginawang katarantaduhan.

"Hay buhay, dapat ay nagpapahinga na ako, kung hindi ko lang mahal ang batang iyon." sa isip niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained by the Past   Kabanata 13

    Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni

  • Chained by the Past   Kabanata 12

    Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito

  • Chained by the Past   Kabanata 11

    Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

  • Chained by the Past   Kabanata 10

    Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no

  • Chained by the Past   Kabanata 9

    Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti

  • Chained by the Past   Kabanata 8

    Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status