Share

Kabanata 5

Author: Jhodreams
last update publish date: 2020-09-29 06:12:03

Sa katotohanan na nag-alinlangan at nagdududa siya kung bakit bigla na lang bumait sa kanya si Jayson ay sumama pa rin siya rito. Inilabas siya nito sa hospital sa araw ding iyon at dinala sa bahay nito sa kabilang bayan.

They are on their 2nd year of college, at doon ito tumutuloy tuwing pasukan. Katamtaman ang laki noon. Atubili pa siya na pumasok noong pagbuksan siya ng pinto.

"Dito ang silid mo," ika nito at itinuro ang isang pinto sa kaliwa. May isa pang pintuan sa kanan kaharap ng silid, malamang ay kwarto nito.

Binuksan nito ang pinto. Nanatiling nakahawak ito sa pihitan, hinihintay siyang pumasok. Bantulot siyang humakbang papasok.

Namangha siya sa disenyo ng kuwarto nang makapasok na siya nang tuluyan.

It has a modern design. Purple color ang dingding. The queen size bed has a floral bed sheets.

It has all the designs for a woman.

Napakagat labi siya. Kung ano-ano ang nasa isip siya sa oras na iyon.

"It was my mom's room kapag dumadalaw siya rito. But because she's not here at nanatili muna sa Maynila, you can use the room," wika nitong parang nabasa ang anumang nasa isipan niya.

Nabunutan din siya ng tinik na malamang hindi ito silid ng babae nito. Pero mas nag-alangan naman siyang gamitin ang silid ng ina nito.

"I can sleep on the couch. Huwag na rito. Ayaw kong haluan ng amoy ko ang napakabangong amoy ng nanay mo." Matipid niyang nginitian ang lalaki. Talagang nahihiya siya.

He sighed as he enter the room with her stuff. Ibinaba nito sa kama ang mga supot ng damit, tsinelas at sapatos na binili nila sa bayan bago umuwi.

"Use the room," he pause as he look at her intensely. "Or if you want, you can sleep with me, on the same bed," tatawa-tawang suhestiyon nito. Pilit pinapagaan ang sitwasyong medyo bumibigat.

Inirapan niya ito. Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Napakagat tuloy siya sa pang-ibabang labi.

"Sa kusina na muna ako," putol sa katahimikan na namayani at paalam ni Jayson makaraan ng ilang saglit. Nakalabas na ito sa pinto nang bigla itong dumungaw ulit.

"By the way, take a bath. Nangangamoy ka na eh!" Natatawang suhestiyon nito at tinakpan pa ang ilong ng kamay.

Ibinato ni Vivien ang hawak na damit mula sa supot. Tatawa-tawang pinulot iyon ng lalaki at ibinato pabalik sa kanya. Eto na naman, inuumpisahan na naman siya.

Bully talaga, at hindi na yata maaalis sa sistema nito ang pangbubully sa kanya. Pero nakakapanibago dahil ibang pangbubully ang ngayon. Magaan na parang nakikipag biruan lang ang lalaki. Tuloy hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.

Paglapat ng pinto pasara ay agad niyang inamoy ang sarili.

Yuck! Amoy hospital siya.

Kailangan na talaga niyang maligo.

Nagtungo siya sa banyo. May sariling banyo ang kwartong iyon. Maliit lamang pero kumpleto sa gamit. Mukhang nakahanda takala para sa sinumang bisita. May tuwalya na, bago ang sabon at shampoo na naroon. May bagong sipilyo at toothpaste na rin. May maliit na walk in shower ito. Lalong lumawak ang kanyang ngiti sa labi. Sa bundok kailangan niyang mag igib ng tubig. Nakakapagod dahil mahina ang hatak ng poso kaya ilang beses siyang pababalik-balik para makapuno ng isang batyang tubig. Dinama niya gamit ang kamay para sa hustong temperatura ng panligo niya.

Agad siyang nagtangal ng damit at pinaragasa ang maligamgam na tubig sa katawan. Nang may maalala noong shinashampuhan na niya ang buhok.

"Yuck, Ang lagkit ng buhok mo? Naliligo ka ba? Ang baho-baho pa !" Tuya ng chubby at labing isang taong gulang na si Jayson. Kaklase niya ito sa grade Five.

Walang araw na hindi siya nito pinapansin. Swerte sana siya kasi halos lahat ng mga kaklase niya ay nagpapapansin dito para kausapin nito at kaibiganin .

Pero mas nanaisin pa niyang sana ay parang hangin nalang siya kung ituring nito. Pinapansin nga siya, panay pang-aasar at pambubully naman ang napapala niya.

Hawak-hawak nito ang buhok niya. Hindi naman masakit ang pagkakahawak nito doon pero naiinis siya dahil pinapanood sila ng mga kaklase. Mangiyak-ngiyak niyang hinihila iyon habang nagtatawanan ang mga ito.

"Ano ba, bitaw sabi!" Sigaw ni Vivien.

Ngunit hindi nito binitawan ang kanyang buhok. Aminado naman siya na hindi siya nakapagshampoo.

Pero naliligo siya araw-araw, wala lang talaga siyang pambili ng shampoo.

"Bitaw sabi eh," Pilit niyang hinihila ang buhok sa pagkakahawak ni Jayson.

Ngising-aso ito nang muling magsalita.

"See? It's like a glue, nadikit na yata ang kamay ko." Pang-aasar pa nito sa kanya.

Sa totoo lang, asar na asar na siya talaga. Nahagilap ng kanyang mga mata ang gunting sa upuan na malapit sa kanya. Inabot at mahigpit niyang hinawakan iyon.

"Bibitawan mo ba ang buhok ko o..." at iniamba niya ang hawak na gunting dito.

"Woah! nakakatakot. Anong gagawin mo? Sasaksakin ako niyan? Go, tignan lang natin!" Sabi nitong hindi man lang natakot sa gunting.

Nagpupuyos na talaga siya sa galit. Ubos na ubos na ang pasensya niya.

Walang sabi-sabing ginunting niya ang kalahati ng kanyang buhok. Ewan niya kung gaano kaikli o kahaba ang nagunting niya. Importante ay ang makawala siya kay Jayson.

Gulat na gulat ang lahat sa kanyang ginawa. Maging si Jayson ay napamura nalang.

"Tang ina...Anong ginawa mo?" Gulat na saad nito

Nabitawan na siya nito sa wakas.

Hawak-hawak nito ang kalahati ng kanyang buhok. Wala siyang maisip na paraan para makawala dito kaya naman ginupit na lamang niya ang buhok niyang mahaba. Ngayon ay hanggang balikat na lamang ito dahil sa pagkakagupit niya. Hindi pa pantay kaya malamang ang iba ay mas maikli pa.

"Next time iyang kamay mo na ang gugupitin ko!" Mangiyak-ngiyak niyang banta dito bago tuluyang umalis. Binigyan niya ito ng matalim na titig at tuluyang lumayo.

Uuwi na sana siya ng makasalubong niya si Robert. Ang batang nagbigay sa kanya ng tsinelas noon.

"Ano ang nangyari, Vivien?" Umilap ang mga mata niya sa tanong nito. Gusto niyang umiwas pero napigilan siya nito sa kamay.

"Ano'ng nangyari sa buhok mo?" Nag aalalang tanong muli nito at hindi siya binibitawan.

"Wala yan!"hinawi niya ang kanyang buhok nang tangka nitong hawakan. Nahihiya siya. Baka maamoy nito ang kanyang buhok na mabaho. Ayaw niyang ipahawak dahil malagkit din iyon. Kahiya-hiya!

"Anong wala? Sino gumawa niyan sa 'yo?" Hindi naniniwalang tanong nito. She can sense that he's angry.

"Wala nga, ano lang yan napagtripan kong gupitin. Kaya lang sobrang purol nung gunting. Kaya ito ang kinalabasan," mahabang paliwanag niya.

Sinungaling na kung sinungaling. Mahalaga hindi mapa-away si Robert.

Hindi naman naniniwala si Robert. May kutob na siya kung sino ang may kagagawan nito kay Vivien.

"Sumosobra na ang hambog na iyon ah." Sa kanyang isip.

"Saan ka ngayon? Hindi pa tapos ang klase ah."

"Uuwi na, aayusin ko pa kasi ang buhok ko."

Duda si Robert na maayos nga ni Vivien ang buhok nito. Baka makalbo ito sa kakapantay!

"Halika, ako nalang bahala diyan. Ipapaayos natin." Hinila niya si Vivien.

"Sandali!"

Hila-hila siya ni Robert. Hindi siya binitawan kahit pa kunwaring nagpupumiglas siya!

Dinala siya nito sa isang maliit na salon. Doon na talaga siya kumawala.

"Ayaw ko dito!" Nakanguso niyang tanggi.

Maglalakad na sana siya palayo nang hilahin ulit siya ni Robert, papasok.

"Hi gwapong bagets, ano'ng maipaglilingkod ko?" Isang bakla ang lumapit sa kanila. Lumingon siya sa paligid. Walang customer.

Hindi niya maalala na may salon sa kanilang barangay. Siguro ay bagong tayo iyon.

"Magkano gupit?" Tanong ni Robert.

Sa kanya pa rin nakatuon ang pansin ng bading.

"Sa 'yo libre!" Paglalandi pa nito. Hindi niya masisi ang bading, sa edad na 15 binatang binata nang tignan si Robert. Napakagwapo pa at makisig.

Kaya nga crush ito ni Vivien.

"Hindi ako. Itong kasama ko," sagot ni Robert.Tinulak siya paharap.

Nahihiya siyang humarap sa bading.

"What happen? Ginawa mo sa buhok mo bata ka?" Napakagat labi si Vivien nang sa wakas, napansin na siya ng bading. Hinila siya nito at pinaupo.

"Ako'ng bahala dito, pero hugasan muna natin medyo malagkit," napangiwi ang bakla noong mahawakan ang buhok niya. Halos pamulahan siya ng mukha sa inasal nito.

Malalakas na katok ang nagpabalik sa diwa ni Vivien mula sa alaala ng nakaraan.

Sa gulat ay nabitawan niya ang sabon.

"Hoy! Okay ka lang diyan? Mukhang natulog ka na ah!" Tanong ni Jayson mula sa labas.

Dali-dali niyang pinatay ang tubig at nagpunas

"Oo," sigaw na sagot niya.

"Kanina pa ako kumakatok, Hindi ka sumasagot? Sobra bang dami ng libag na tinatanggal mo? Concentrated?"

Mula sa labas ay rinig niya ang paghalakhak nito.

Hindi na lamang niya ito pinansin.

"Well, pagkatapos mo diyan. Labas na. Kakain na tayo," sabi nito.

"Okay!" sigaw niyang muli, narinig kasi niya ang mga yabag nitong papalayo na.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained by the Past   Kabanata 13

    Mabilis ang pagpapatakbo ni Jayson marating lang agad ang police station.Nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang pulis."Nasa kaliwang selda pre. Bugbog sarado. Nakipag-away, muntik mapatay ang kabugbugan," bungad nito sa kanya pagkapasok niya, mukhang inabangan siya nito. "Gusto mo makita?"Umiling siya. Nilapitan nang husto ang kaibigan at bumulong."Ano'ng kaso niya? Sigurado bang mabubulok sa bilangguan iyan?"Gulat na napalayo ng bahagya ang kanyang kaibigan sa tanong niyang iyon. Napailing ito sa kanya."Mga ilang araw lang iyan dito. Hindi kasi nagsampa ng kaso ang kabugbugan niya," nalilitong sagot ng kaibigan niyang pulis. "Bakit?"Napatiim bagang siya."Hindi ba natin pwedeng kumbinsihin na magsampa ng kaso? Ano pa ba ang pwedeng ipatong para mabulok na ito sa kulungan?" Aniya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha dahil sa naririni

  • Chained by the Past   Kabanata 12

    Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya."I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal.Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan.Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. Pero nakakapagtakang lahat ng atensiyon nito

  • Chained by the Past   Kabanata 11

    Hindi na mapakali si Vivien sa inuupuan. May pangamba pa rin siyang nararamdaman, kahit pa nga nakaupo na sila Carol sa tabi niya."Anong oras na ba Carol?" Muli niyang tanong. Napalingon siya sa paligid niya. Ang mga estudyante ay pawang mga nagkukumpulan sa ibat-ibang bahagi ng venue."Vivien, nakakairita ka na ah, paulit ulit na lang. Para kang sirang plaka, nakailang tanong ka sa sampong minuto. Eight thirty palang." Naiinis na sagot nito sa kanya. Feeling kasi niya napakabagal ng oras bago mag alas nuwebe. "Uwing-uwi ka na ba? Ni hindi pa nga na-announce ang Prom King at Queen eh," excited na saad nito.Kanina, oo excited din siya sa mga iyon. Pero ngayon ay talagang nais na niyang makauwi. Pwede naman sana siyang maglakad, pero baka mahirapan siya dahil sa kasuotan. Madilim na rin pati ang paligid, baka kung ano ang makasalubong niya sa daan.

  • Chained by the Past   Kabanata 10

    Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin."Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip."So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi."This is really no

  • Chained by the Past   Kabanata 9

    Muli siyang nahiga at nakatitig lamang sa kisame. Napakaraming tanong na pumapasok sa isip niya."Isa kaya itong patibong para pasakitan at saktan ako? Kung oo, ano ang nararapat kong gawin?" sa isip niya at napalingon siya sa sirang pinto."Ano ang binabalak mo Jayson? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at ganito mo ako ituring. Nagbago ka na ba? Itinuturing mo na ba akong kaibigan at hindi kaaway. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Wala akong alam na nagawang kasalanan sa iyo, kung bakit itinuturing mo akong salot sa buhay mo." Napaluha siya sa mga isiping iyon.JUNIOR SENIOR PROMKasalukuyan siyang inaayusan ni Mrs Belen para sa okasyong iyon. Fourth year High School sila at huling pagkakataon para maranasan niya ang sabi'y mahalagang bagay sa pagiging highschool.Hindi siya nakadalo noong Third year siya dahil wala naman siyang gagamiti

  • Chained by the Past   Kabanata 8

    Magaan ang pakiramdam ni Vivien na gumising. Payapa ang buong magdamag. Dahan-dahan siyang bumangon nang malingunan ang natutulog pa ring si Jayson. Maingat siyang naupo sa gilid ng kama kung saan malapit ito.Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Hindi niya maikakailang, napakagwapo nito. Lalaking-lalaki. Hindi maamo ang mukha nito, hindi tulad ng ibang lalaking kilala niya. Literal na parang galit ang mga kilay nito. Matangos ang ilong nito na nababagayan ng mapupulang labi na hindi yata marunong ngumiti ng hindi pilit.Ang kayumangging kulay nito ay nabagay sa macho nitong katawan.Napalunok siya nang maalala ang nahawakan niya kagabi. Firm chest muscle! Ang sarap sigurong makulong doon.Her eyes were stuck to his bare chest kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. Looking at her too."Maganda ba ang view?"nakataas ang kilay na tanong nito."Huh?" Agad siyang nag-iwas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status