로그인Chapter 5: Maldita Lessons
*Hershien's POV*
Mga 1pm napagdesisyonan ko ng pumunta sa bahay ni Curfiel. Pumunta ako doon ng walang kaalam-alam sa kung ano ang mga pwedeng mangyari, hindi ko alam kung ano ang gagawin at mga ipapagawa niya sa akin. Basta sige, I just kept my faith to God that he will guide me through out this big mountain of problem I presently have.
*House of Curfiel*
Pag dating ko sa harap ng bahay nina Curfiel ay namangha na lang talaga ako dahil sa sobrang laki at ganda nito. Yung parang gothic ang style, yung bahay na parang noong unang panahon pa naitayo. Ang bahay na parang marami ng napagdaan at nasaksihan na mga pangyayari sa mundo.
"Have you eaten already?" tanong nung babae sakin nang pagbuksan niya ako ng gate, ang ganda niya talaga at pakiramdam ko'y mabait siya. Nakangiti pa siya habang tinatanong 'yon sa' kin.
Nagulat na lang ako kasi hindi ko pa tapos pagmasdan yung bahay, natingala pa ako, gusto ko kasing makita kung ano ang nasa tuktok ng bahay nila parang may kakaiba.
"By the way, I'm Keirsten,Curfiel's sister." she added- kapatid pala siya nung baliw na yun ibang-iba siya sa Kapatid niya di mo nga aakalaing Kapatid siya ni Curfiel eh. I think they are great opposites.
"Kumain na po ako." I respectfully answered sabay ngiti sakanya.
"What's your name?" she curiously asked at nginitian niya rin ako. I felt so comfortable lalo na't pagtinitingnan ko ang mapupungay niyang mga mata.
"I'm Hershien po. " sagot ko habang naglalakad na kami papunta sa loob ng bahay nila, papalapit sa napakalaking pinto at pumasok na rin kami sa loob nito.
"I know that you are the personal slave of my evil brother just to warn you iba ang ugali niya. I want you to become maldita kapag nasa harap ka niya dahil kapag nagbait-baitan Ka, mas lalo ka niyang aasarin at pagtatawanan, alam ko na hindi natural sa'yo ang pagiging maldita, kita naman kasi sa mukha mo na napakainosente mong babae, but ako na ang magtuturo sa'yo." sabi niya habang nasa loob na kami ng bahay nila, nakaupo rin siya sa kulay puting sofa na kinauupuan ko at yakap-yakap niya ang isang maliit na itim unan na merong design na puting vines.
"Maldita? Bakit naman po? where's Curfiel po pala?" I hesitatingly asked, tumingin ako sa ibat-ibang parte ng bahay pero hindi ko masilayan si Curfiel. Ang kita ko lang ay painting ng isang matandang lalaking nakaupo, sungay ng isang usa na nakasabit sa pader, mataas na poste na sumusuporta sa bahay at mga bagay na nakapalamuti na hindi ko maexplain kung ano.
"Don't say po to me, just call me your ate, gusto ko lang gawin mo yun dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo dati, wala ngayon dito si curfiel pumasok siya sa academy, mamaya pa ang dating niya kaya pwede na tayong magstart ngayon -I'll teach how to become maldita."
Ate? ang bait naman niya hindi siya kagaya ni Curfiel. Oo nga pala hindi ko naman alam na pumapasok pa sa school ang kapatid niya, para kasing masyadong badboy. Akala ko lang sakanya tambay na spoiled bratt na mayaman, yung tipong umaasa lang sa suporta ng magulang.
"Sige na nga po ate... kay Curfiel lang naman po ako magmamaldita eh'" I answered to her pero nagdadalawang isip pa rin ako.
"Tara! punta na tayo sa mall watch me carefully at ipapakita ko sa'yo kung paano ang maging maldita at laitera, wait lang kunin ko lang yung bag ko." tumayo na siya at nagmamadaling umalis, papunta sa ikalawang palapag.
Pumunta siya sa isang kwarto at kumuha ng isang mamahaling hand bag na kulay black and white.
Hindi na siya nagbihis dahil maganda na yung suot niya- at ang ganda-ganda na niya talaga promise.
"What are you waiting for? halika na dito, ako na magdadrive para sa'ting dalawa." sabi ni Ate Keirsten sabay hablot ng kaliwang braso ko.
Nag madali kaming dalawang naglakad papalabas ng bahay nila, kami ay pamunnta sa isang black Limousine, ang yaman naman nila marami pa kasi akong nakitang kotse sa loob ng garage nila, ay hindi, hindi na ata yun garage para ng isang malaking parking area na nasa ilalim ng bahay nila.
"Dapat matuto ka ha' or else ako ang magmamaldita sa'yo." casual niyang sabi habang binubuksan na niya ang pinto ng kotse.
"I'll try po..." I answered at pumasok na rin ako sa loob.
"Don't say po, I'm not too old para sabihin mo yan sa akin." sagot niya habang nagdadrive na ng kotse papunta sa mall.
*Mall*
Parang model maglakad si Ate Keirsten, naka chin-up, stomach in, naka project, at nakasuot pa siya ng mataas na highheels, pinalitan niya yung suot niyang sapatos nung naipark na niya yung kotse. Hangang-hanga talaga ako sakanya. Para isa siyang tao na napakadami ng alam sa mundo, yun ang nararamdaman ko.
"Come here,watch me as I show to you the real verb of maldita." she said habang nauuna na siyang maglakad kesa sakin.
Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall, nakakita si ate ng isang babae- kasama yung boyfriend niya.
"Hershien, the best way of learning is by doing, but this time showing muna kaya watch and learn." sabi ni ate Keirsten at nakapamewang pa siya.
Then lumapit na siya ng marahan dun sa dalawa na nakaupo sa bench at sobrang sweet habang nag-uusap, may subuan pa ng ice cream na nagaganap.
"Excuse me, I like your boyfriend Can I have him?" magalang na tanong ni Ate Keirsten habang nakasmile.
"Pwede ba maghanap ka ng sarili mong boyfriend, mukhang baliw ka na eh'" matapang na sagot nung babae.
"Wow, sumasagot na pala ang palaka ngayon? my question is answerable by yes or no, kung papayag ka ba o hindi, tanga ka? o sadyang bingi ka lang talaga?" relax na pagsasalita ni Ate habang nakapamewang at nakapose na parang may pictorial.
Sasampalin na sana siya nung babae pero nasalo niya ang kamay nito.
"Pwede ba miss huwag mo kaming guluhin ng girlfriend ko!" sigaw nung lalaki.
"Ganyan ka pa? ako na nga ang naawa sa'yo dahil ang pangit ng girlfriend mo, bulag ka siguro kung ganun nga napakaperfect ng love team niyo isang bulag at isang bingi, oh di ba? love team of the year." pataray na sagot ni Ate at sasampalin na sana siya nung babae gamit ang isa pang kamay ngunit nasalo niya ulit ito.
"Bakit gustong-gusto mong sampalin ako? hindi ka ba makapagpigil, ako nga kanina ko pa gustong ihampas sa pagmumukha mo 'tong mamahalin kong bag, pero napag-isip-isip ko huwag na lang dahil mas mahal pa ang bag ko kaysa sa pagmumukha mo wala kang face value." relax ulit napagsasalita ni Ate habang nakasmile.
"Tsaka wag kang nang aapak ng ibang tao porket mukha kang paa. Sige ha' diyan na nga kayo enjoy your date." dagdag pa ni Ate tapos binitawan na niya yung dalawang kamay nung babae.
Nakita kong namumula na sa sobrang galit yung babae, sino ba naman kasi yung hindi? matapos sirain ni ate yung date nila tapos sasabihan ka ng enjoy your date.
Naglakad na si Ate papalapit sakin at iniwan na yung dalawa.
"Punta naman tayo sa isang resort." sabi niya sakin na parang walang nangyari.
"Ano naman Ate ang gagawin natin dun?." tanong ko, kasi kakarating lang namin sa mall.
"E' di maghahasik ng lagim este kamalditahan." sagot niya sabay ngiti ulit.
Lumabas na agad kami at pumunta sa kotse, kailangan ba talaga ganito madaming venue?
We're going to a resort not to swim or what, magmamaldita lang si Ate Keirsten para turuan ako ng masamang pag-uugali, pero hindi ko naman isasapuso ang pagiging ganun. At for sure hindi ko rin talaga kayang gawin yun. Nakinig lang ako sakanya kasi alam kong gusto niya akong tulungan sa Kapatid niya.
*Sa Resort*
Malapit kami sa isang swimming pool, maraming tao ang naliligo, naglalaro ng tubig sa pool at kumakain sa kanya-kanya nitong cottage.
Hinahanap na namin ngayon yung cottage na binayaran ni Ate Keirtsen gusto na nga niya bilhin dun sa nag-assist kanina.
"Excuse me miss padaan nga." sabi ni Ate with respect.
"Ang luwag ng daan oh' can't you see?" mataray na sagot nung babaeng nakatwo piece at akma na sanang magdadive sa malawak na swimming pool.
"Ang taray mo naman, ako na nga ang nag-excuse me, kung itulak kaya kita diyan sa swimming pool baka sakaling malinis ng chlorine ang masamang pag-uugali mo." sagot ni Ate Keirsten habang nakawide smile. Bakas sa kanyang mukha na hindi siya natatakot.
"Nahiya naman ako sa kalinisan ng budhi mo." sagot nung babae at inirapan nito si ate.
"Buti naman at may natitira ka pang-hiya, siguro pinaglihi ka sa makahiya- isang galaw ko lang sa'yo titiklop ka!" ate said vigorously at nakasmile pa rin siya.
"How dare you! Anak ka ni Satanas!"galit na sabi nung babae, nanlilisik na ang mga mata nito.
"Talaga? siguro ikaw ang ina ko... Don't worry mahal kong ina dahil always ready ang red carpet pagbababa ka na sa impiyerno." mapang-asar na sabi ni Ate.
Then speechless yung babae.
Kaya dumiretso na kami dun sa nakitang magandang cottage ni Ate Keirsten.
Dire-diretso lang kami, natulala na lang kasi yung babaeng tinarayan niya.
"Ang papanget naman ng mga tao dito duh!" sabi nung isang babaeng katabi ng cottage kung nasaan kami ni Ate Keirsten.
"OMG! Lumalakas ang ihip ng hangin may nagbabadyang sama ng panahon- may maganda kasi, kasing ganda ng sugpo nakakahiya naman sa kanya." sabi ni Ate Keirsten with matching roll eyes at naupo siya ng dahan-dahan.
"Are you refering it to me?" pataray na sabi nung babae sa kabilang cottage.
"Kung sa tingin mo mukha kang sugpo, eh' di ikaw yun." Ate answered then ngiti ulit.
"OK, but don't describe yourself ha'" mataray na sagot nung babae.
"Alam mo ba yung word na mirror? try mo kayang mag-salamin para malaman mo kung sino ang mas mukhang sugpo sa'tin." Ate Keirsten calmly said habang nakangiti pa rin.
"Tignan mo naman kung sino mas maganda?-- ako di ba?" sagot nung babae sabay flip ng kanyang mahabang buhok.
"Maganda ka depende sa katabi, try mo kayang ako ang tumabi sa'yo at baka lamunin ka ng lupa diretso sa kaharian mong impiyerno." relax na sagot ni Ate keirsten at naka-cross arms na siya.
"Nakakaasar ka ng babae ka!" sigaw nung kaaway ni Ate.
"Alam ko na babae ako, hindi mo na kailangan sabihin pa, hindi ako kagaya mo TANGA!." sagot ulit ni Ate na may emphasis sa word na tanga.
Tumigil yung babae na parang nag-iisip ng isasagot.
"Ooops! huwag ka ng mag-isip hindi bagay sa'yo alam ko wala kang utak." sabi ni Ate at binigyan niya lang yung babae ng nakakaasar na smile.
"Tara na nga Hershien, nasisira lang ang araw ko sa mga lamang-dagat na'to." sabi ni ate at inirapan niya yung babae.
Yung pinagmalditahan ni Ate Keirsten nakanganga naming iniwan.
Naglakad na kami papaalis. Hindi na inisip ni ate yung binayad niya para sa cottage na pang buong araw.
"Kita muna Hershien, na drain yung utak niya, next destination naman tayo sa club."
"Marami na ako ate na natutunan, pwede na ba tayong umuwi to sum up the lesson." tanong ko sa kanya, talagang ate na ang natawag ko, wala lang ang gaan lang talaga ng loob ko sakanya.
"Ay gusto ko yan, madali kang natuto, drain na rin naman kasi- hindi yung utak ko kundi yung bibig ko kanina pa kasi ako nagsasalita, sige umuwi na nga lang tayo." sagot ni Ate, at nag umpisa na siyang magtungo sa kinalalagyan ng kanyang kotse.
Hindi na kami pumunta sa isang club, dumiretso na kami sa bahay nila. Nakakapagod din pumunta sa iba-ibang lugar pero nag enjoy din naman ako. At least nakapag gala din ako. Minsan lang din kasi ako makapaglakwatsa lagi lang kasi ako nasa bahay, nag-aaral, nagbabasa ng Bible, at tumutulong kay ate Yani.
*************
Chapter 14: Humanitarian Aid*Curfiel's POV*"Curfiel pwede na ba tayong pumunta do'n sa school namin?" Mongol abruptly asked when I entered the house, hindi naman siya masyadong nagmamadali."Alam mo yung excited? Hindi pa nga tayo nakakakain ng tanghalian." sagot ko ng pabalang then I walked going to her painting, I wanna see how good she is."Ito ba yung painting mo?" I asked her, at napakunot pa ang noo ko."Opo, ang panget no?""Buti naman at alam mong panget, akin na lang to ha?""Ano namang gagawin mo diyan?" tanong niya at hinawakan din yung painting, pero hinablot ko 'yon para hindi niya mailayo sakin."Eh di susunogin, hindi naman 'to pwdeng pangdisplay di ba?"Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako papunta sa kusina. Iniwan ko na si Mongol hindi na rin naman kasi siya nagreklamo
Chapter 13: Deathless Memories*Curfiel's POV*Ang daming tanong ni Mongol kaya tumakbo na lang ako papunta sa aking kwarto upang makaiwas sa pagtatanong niya.~~Pilit kong kinakalimutan ang mga pangyayaring yun, pero bakit bumabalik na naman? Naalala ko na naman siya...Naalala ko na naman dahil kay Mongol.Bakit ba kasi sa daming pwedeng gawin pagdidilig pa ng halaman ang ginawa niya. Nandun nakatago ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Doon ko yun nilagay dahil sa hardin parating kaming naglalaro ng kababata ko, sa hardin ng MAFIA ACADEMY pero wala na yun ngayon tinayuan na ng mga bagong gusali. Pagdidilig din ng halaman ang isa sa mga pinakagustong gawin ng kababata ko.Naalala ko rin tuloy si Dora, yun kasi ang parati naming pinapanuod nung mga bata pa kami.Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sakanya, na mamahalin ko siya.
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting*Hershien's POV*I went to the garden at the back of Curfiel's house to water the plants, at namangha ako sa ganda ng paligid. I saw colorful and myriads of flowers of different kinds, the fluttering butterflies and the chirping birds at the top of the small trees. Ang ganda ng garden nila, siguro si ate Keirsten ang nag-aalaga sa mga ito. Feeling ko nasa ibang mundo ako, yung mundo kung saan maraming fairies.I got the hose to start watering the plants. Si Anne kasi hindi pa tapos kausapin si Nagel."Mongol!" tawag ni Curfiel."Ano po yun?" magalang na sagot ko."Ako ang pagsilbihan mo! Huwag yang mga halaman!" pasigaw na sagot niya habang naglalakad papunta saken."Ano bang nagustohan mo kay Nagel? Mas gwapo naman ako sakanya ah'." he added, para siyang bata na nakikipagkompetisya sa kalaro niya.
Chapter 11: Go and Multiply*Hershien's POV*Nagising ako ng 6:00 am, nagmamadali para pumunta agad kina Curfiel baka kasi sumama na naman ang kapatid ko, naaawa na ako sa kanya, napapagod pa siya dahil saken. Ayoko naman siyang nadadamay sa mga bagay na ganito. Mas nakabubuting dito na lang siya sa bahay, manuod ng TV, o kaya sumama siya sa mga kaibigan niya kung saan totoong magiging masaya siya. Hindi don sa bahay nina Curfiel, kung ano-anong kabastusan lang ang matututunan niya roon.I've prepared everything bago umalis, ayoko naman na basta-basta na lang ako aalis nang hindi man lang tinitingnan kung ano ang kakainin at maaaring gawin ni Anne. Kahit nandiyan si Ate Yani, hindi ko naman pwedeng iasa sakanya lahat ng mga gawain dito sa bahay. Kaya mga 7:30 am kinuha ko na rin yung bag ko, nagdala na rin ako ng bag dahil do'n ko nilagay yung mga damit ko, ang hirap maging alipin ni Curfiel para kasi syang babae na parating inaabut
Chapter 10: PhotoMon*Hershien's POV*"Nakakaasar talaga ang lalaking 'to." nasabi ko na lang sa sarili ko, kasama ko na ngayon si Anne sapagkat sinamahan din niya ako kanina sa garden."Ate ito yung DigiCam, di mo gagamitin?" tanong ni Anne habang kami ay naglalakad papunta sa kwarto ni Curfiel dala-dala yung pagkaing binili ni Nagel- ang bait niya tapos mukhang matalino pa, lagi kasi siyang may dalang libro at ayaw na niya ng bitawan, hindi siya kagaya ng kaibigan niyang si Curfiel na puro kabastosan ang alam."Para san ba yan?" tanong ni Nagel habang tinuturo yung DigiCam na hawak ni Ahtna Anne."Sa pag picture malamang!" Anne answered, tapos sumimangot na lang si Nagel. Parang tinarayan kasi siya ng kapatid ko."Alam mo mahabang kwento Nagel, kaya pumunta na muna tayo sa kwarto ni Curfiel at baka naging halimaw na 'yon dahil sa
Chapter 9: Onion Cry*Curfiel's POV*Walang hiya ang alipin ko sampalin ba naman ako ng pagkalakas lakas, binibiro ko lang naman siya eh'-- naalala ko na naman tuloy yung taong dapat ko ng makalimutan, silang dalawa pa lang ang nakasampal sakin ng ganito.Yung unang taong sumampal sakin ay 'yong taong nagturo sakin kung paano ang mag mahal at masaktan--pero inalis niya rin sa diksyonaryo ko ang salitang pag-ibig, dahil sa kanya wala na akong panahon umibig muli-- I'm strong enough to fight and conquer the entire world but I'm too afraid to be hurt again-inside, mas masakit kasi pag emosyon ang nasasaktan hindi gaya ng sa katawan kasi marami namang gamot na pwedeng gamitin para malunasan ang sakit, ayoko ng maalala ulit yun, ayoko na, gusto ko na nang ibaon sa limot ang lahat.Sanay akong masaktan ang aking katawan, ang aking pisikal na kaanyuan huwag lang ang aking puso sapagkat sawa na a